Gisselle
Sa likod ko lang nakasunod si Guevarra na katamtaman lang ang takbo ng motor.
Umismid ako. I don’t understand this guy. Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang masabi kung ano. I still don’t trust him, nakakatakot nang ibigay muli ang tiwala sa mga tulad niyang pulis.
Bakit kaya ito concern na concern sa akin? Naiinis ako dahil ayoko nang ganito. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan ko na pilit ko nang ibinabaon sa limot.
Inihinto ko agad ang sasakyan nang maramdaman kong sumama na naman ang pakiramdam ko. Later on, I saw myself gasping for air. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakahawak sa manibela.
Damn it!
Iniling-iling ko ang ulo upang damhin kahit papano ang sarili. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagsakit ng dibdib ko. Suminghap ako’t pinukpok ang dibdib.
Gisselle Mabilisan kong nilinis ang mga bintana nila rito para walang say sa akin ang Mister Joseph na ’yon. Nilinis ko rin ang istasyon nila na halos kulang na lang ay wisikan ko ng bleach para pumuti. Panay ang sulyapan namin ni Julius habang natatawa sa pinaggagagawa namin dito. Hindi naman ako nabagot doon lalo’t may kasama ako at suwerte pang kabarkada. Nagtatanim ito sa labas at nagbubungkal ng lupa. Samantalang ako ay naririto sa loob. Hinihintay kong sa labas kami nitong police station madestino. Tiyak na mas mae-enjoy ko iyon dahil nakaka-boring din habang tumatagal ako rito sa loob. “Gisselle, ayusin mo na itong mga nagulong papel dito,” pukaw sa akin ni Sir na ikinatingin ko rito. Binitiwan ko ang basahan na hawak at lumapit dito. Tulad ng ipinag-uutos nito ay iyon din ang agad kong ginawa, habang ito naman ay tahimik sa desk niya at abala.
Gisselle Si Juls ang nagbubungkal ng lupa, habang ako naman ay ang nagbabaon ng halaman doon. Medyo nahirapan lang ako sa pagtanggal ng seedling plastic bag ng halaman dahil natatakot ako na baka masira ko pati ang ugat niyon. “Juls, saan ba nakakabili ng mga ganitong halaman?” tanong ko sa kaibigan habang inaalis ang itim na plastik. Hindi naman ito kalayuan sa akin habang nagbubungkal ng lupa gamit ang pala. Napalingon naman ito sa akin at ambang sasagot nang may umeksenang boses. “Sa bayan, sa tabi-tabi kung saan maraming tao,” ani Guevarra na nasa gilid ko lang at nakikinig. Agad na tumaas ang kilay ko ngunit naibaba rin nang lingunin ako nito. “Hindi ba’t haciendero ang Dad mo? Tiyak na maraming ganito sa inyo,” dagdag pa nito na ikinabuga ko ng hangin. “Yes, Sir. Marami ngang ganito roon pero hindi naman akin, at hindi ko rin binibigyang pansin noon. I
GissellePagdating sa bahay ay inabutan namin ang napakatahimik na sala.Umidlip lang ako sandali, at nang magising ay bangag pa.Alas tres y media na pala...Marahan akong tumayo sa couch ng sala na ginawa kong kama, saka naglinis ng sarili. Si Dad lang ang naabutan kong tao sa bahay kaya naman nagtaka ako.Nasaan kaya ang iba?Nagkibit-balikat ako’t kinuha ang mga buto ng sunflower ko at katawan ng talbos ng kamote. Balak kong itanim iyon ngayon habang may oras pa. Hindi ko alam ang kapalaran ko kinabukasan, baka kaladkarin pa rin ako ni Dad sa presinto kahit na magdahilan pa akong nilalagnat. Pero gusto ko talaga ng day-off bukas para makapagpahinga naman ako.Pagdating ko sa likod ng bahay ay sinalubong ako ng napakalawak na palayan at maisan. Si Dad naman ay hinihimas ang alaga niyang kabayo habang kasama ang mga trabah
GisselleKahit napipilitan ay lumapit ako rito, kasunod ko si Julius na nakatungo at hindi makatingin nang diretso sa pulis na galit na galit na ngayon.“Ano na naman ba ’tong ginagawa n’yo, ha? Puro na lang kayo kalokohan!” wika agad ni Guevarra na ikinayuko ko.“S-Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit,” anang Julius na siniko pa ako nang hindi ako humingi ng tawad. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin. Natahimik si Guevarra habang ino-obserbahan kaming dalawa ni Juls.Mayamaya’y namaywang ito at napahawak sa panga niya. “Bata, pumasok ka sa loob at mamaya kita kakausapin,” kalmadong aniya habang seryoso ang mukha.Pero duda ako rito, kaya nang pumasok sa loob si Julius ay umatras na agad ako na ikinatingin ni Guevarra sa akin.“Halika rito. Lumapit kang pasaway ka,” mariin niyang t
GisselleNaalis lang dito ang tingin ko nang magsibabaan mula sa van ang tila mga kasama nitong kalalakihan na matitikas ang katawan. May mga kasama ring babaeng tila asawa at mga paslit, kaya naisip ko na baka kapamilya niya itong mga ’to. Sa palagay ko rin ay mga uncle niya ang iba rito na aniya’y mga dating sundalo, kaya naman pala may tangkad at ang laki ng katawan.Ano’ng ginagawa nila rito nang ganito ka-aga?Tumikhim na lamang ako at itinaas ang hood sa ulo, pati ang mask ko ay inayos ko rin dahil alam kong hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi ko mula sa pagsampal sa akin ng ama ko.Hindi ko na tinangkang tumingin pa sa kanila at binalingan na lamang ang kape ko. Naisin ko mang umakyat sa itaas ay hindi ko magawa dahil nakita na rin naman na ako ni Guevarra, at isa pa ay nakakahiyang dumaan sa banda nila na ngayon ay umo-order na.
Gisselle “GISSELLE, saan ka raw ba nagpupupunta? Nag-aalala na ang magulang natin, o.” Walang gana kong nilingon si Kisses sa tabi ko at napahinga nang malalim. “Pakisabi huwag nang mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko, at kita mo naman na buhay na buhay pa ako ngayon. So, hayaan n’yo na ako, please lang,” nababagot kong turan na ikinanguso nito lalo. Hindi na ito nangulit pa kaya nangalumbaba ako at ibinalik sa bintana ang tingin. Sa unahan ko ay si Thea na hindi ako pinapansin, tiyak na nagtatampo dahil sa ginawa ko noong nakaraan. Tss. Hindi naman sila malaking kawalan sa buhay ko. Malapit na rin pala ang bakasyon. Pagtapos ng community service ko ay uuwi ako nang mag-isa sa Iloilo para magpahinga. Pagkatapos ng klase ay agad akong umalis ng school. Pinuntahan kong muli ang bahay na maaari ko nang tirhan habang inaayos
GissellePero ang kasiyahan naming iyon ay naputol dahil sa biglaang dagundong ng kulog. Mukhang uulan pa ata. Nagkatinginan kami ni Guevarra sa hindi malamang dahilan.Ako na ang naunang nag-iwas ng tingin dahil sa kakaibang kabog ng dibdib ko.“Mukhang uulan pa ho ata. Kailangan ko na pong umalis,” paalam ko na ikinatingin nila sa akin.“Ganoon ba? Balik ka ulit dito sa susunod, hija, ha?” anang Tita Sam na nginitian ko lang. Hindi ko naman alam kung makakabalik pa ako rito. Ayokong mangako.Tumingin ako kay Guevarra para magpaalam. Tiningnan lang ako nito na para bang mabigat pa sa loob nito na paalisin ako. Sa huli ay napahinga ito nang malalim at tumayo.Nagpaalam ako sa mga tita at tito niya bago kami makalabas ng bahay. Pero nabigla ako nang mapansin na malakas na pala ang ulan sa labas.What the hec
GisselleIT WAS JUST a normal fun night for us—at least that’s what I thought. Kasa-kasama ko si Thea nang mag-shopping kami sa mall nang hapon. Madilim na nang lumabas kami para sana umuwi na. Panay ang kuwentuhan, tawanan at harutan dahil sa napagkasunduang usapan. Ito ang naisip naming gawin para magliwaliw. Dumadayo kami sa iba’t ibang lugar gamit ang sasakyan na pag-aari ng pamilya ko—na hindi naman nila masyadong ginagamit—upang mas malibot ang ilang parte ng Luzon. Kadalasan ay siyudad ang puntirya namin para mag-shopping, at kapag naisipan ng isa sa amin ng mas payapang lugar ay probinsiya naman ang destinasyon namin. Good thing mayroon kaming driver na maaasahan since hindi pa legal ang edad namin ni Thea. “... that’s embarrassing, Selle! Hindi ko ma-imagine ang mukha mo noong matapilok ka sa hagd