Share

KABANATA 11

Alexena

"Kanina pa ako tumatawag. Papasok ka ba?" reklamong bungad na tanong ni Hero sa akin mula sa kabilang linya.

May dalaw ba ito? Ba't parang ang sungit?

Natawa ako sa naisip ko at tuluyan nang hindi na pinansin pa ang presensiya ng kasama kong bwisit sa elevator. "Yes po. Late lang po ako. Sorry na po," malumanay kong sagot.

"Okay. Akala ko lang kasi hindi. Papakaltasan na sana kita ng isang araw na suweldo sa payroll officer natin, e," biro nito.

Lalo akong natawa. "Grabe siya sa akin. Ang lupit mo naman po. Huwag gano'n. Late lang, huwag naman buong araw. Saka may vacation leave pa po akong natitira,” katwiran ko.

"Considered as leave without pay 'yon since hindi ka nagpaalam at wala ko namang approval."

"Grabe talaga siya... sorry na nga, late lang talaga ako."

"Malay ko bang late ka lang, madalang ka lang na nale-late kaya nagtaka ako. Walang abiso na wala ka, wala rin akong naaalala na nagpaalam kang magli-leave today. So, nag-aalala ako kung ano na ba ang nangyari sa iyo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status