Share

Kabanata 3

"Saan niyo ako dadalhin!? Ano bang kasalanan ko sa inyo!?" Takot na takot kong tanong nang tuluyang umandar ang sasakyan. Pinapagitnaan ako ng dalawang lalaking kapwa may hawak na baril kaya hindi ako makapitlag.

"Miss kung ayaw mong magkaproblema tayo wag ka nalang maingay. Sumunod ka nalang." Tuwid na salaysay ng lalaking nagtanong sa akin kanina habang may dinadial sa kanyang cellphone.

"Boss, hawak na po namin ang babae. Papunta na po kami diyan. Sige po boss." Anito sa kanyang kausap.

Halos mabingi ako sa labis na pagdagundong ng dibdib ko dahil sa kaba at nerbyos. Naalala ko bigla ang nabasa ko sa news na may grupo ng sindikatong nangunguha ng mga babae upang gawing bugaw sa mga parokyano.

"Wag naman po sana!" Sigaw ng aking isip. Napakarami ko pang hinaharap na problema ngayon tapos naipit pa ako sa nakakapanghilakbot na sitwasyong ito! Hindi na ata ako tinantanan ng kamalasan.

At basta na lamang akong napahagulhol ng iyak. Gulong gulo na ang isip ko. Inaalala ko pa si Tiyang na nasa ospital, tiyak naghihintay na iyon sa mga gamot niya.

"Mga sir, kung ano man po ang balak ninyo nagmamakaawa po ako! Pakawalan niyo na po ako. Nasa ospital po ang tiyahin ko ngayon at nasa 'kin po ang mga gamot niya." Hagulhol ko habang nagmamakaawa.

Ngunit parang bingi ang mga lalaking ito at hindi ako pinapansin.

"Kung gusto niyo talaga akong kidnapin, pakiusap po ibibigay ko lang itong gamot ng Tiyang ko. Kahit kayo na po ang mag-abot sa kanya sa ospital!" Ani ko habang patuloy pa rin sa pagdaloy ang mala-ulang luha ko.

"Miss, wala kaming pakialam! Ginagawa lang namin ang utos ng boss namin." Inis na sagot ng lalaking katabi ko.

"Pero bakit naman ako pa? Hindi po ako matitipuhan ng mga parokyano dahil mukha po akong pulubi. Parang awa niyo na po pakawalan niyo na po ako."

Nagtinginan pa ang mga ito na parang naguguluhan sa sinasabi ko.

"Pwede bang tumahimik ka na!? Kung hindi ka talaga titigil ako magpapatahimik sayo!" Singhal ng isa na halatang mainitin ang ulo. Kinuha nito ang panyo sa kanyang bulsa at basta na lamang itong itinali sa aking bibig.

"Uhmmmmmm!" Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko na magawa. Nagpumiglas ako dahilan para hawakan nito ng mahigpit ang aking dalawang kamay at ito naman ngayon ang tinalian niya gamit ang isa pang panyong dala niya.

"Eleazar, kabilin-bilinan ni boss na wag sasaktan ang babaeng yan." Sita ng isang kasamahan nila.

"Gago hindi ko naman sinasaktan yan, pinapatahimik lang! Kaya nga panyo lang ang dala ko at hindi lubid." Inis na sagot ng lalaking nagtali sa akin kaya napailing na lamang ang tatlong kasamahan nito.

Wala mang salitang lumalabas sa aking bibig patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. Nananalangin na sana walang mangyaring masama sa akin. Na sana makatakas ako sa kamay ng mga lalaking ito lalo pa't ako lamang ang inaasahan ni Tiyang. Sino na lang ang aalalay at mag-aalaga kay Tiyang kapag hindi ako nakabalik? Paano na ang pangako ko kay Nanay Pasing na papasok ako bukas dahil sa inadvance kong pera sa kanya? Wala na bang katapusan ang pagdurusa kong ito? Bakit ako pa? Mabuti naman akong tao sa kapwa ko. Ni minsan hindi ako nang-apak o nanakit ng iba, pero bakit dinaranas ko lahat ng ito ngayon!

Sa sobrang gulo ng aking isip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa samo't saring nararamdaman, takot, pag-aalala at kapaguran.

************

Nagising ako sa isang maliit na kwarto. Puti ang kulay ng pintura nito. Wala itong bintana kaya't tanging ang ilaw lang na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay liwanag. Maliban sa malambot na kamang hinihigaan ko at isang maliit na cabinet kung saan nakapatong ang lampshade ay wala na itong ibang kagamitan.

Tiningnan ko ang aking sarili, wala namang nagbago maging sa suot ko kaya't ipinagpapasalamat kong hindi ako pinagsamantalahan ng apat na lalaking iyon. Hinanap ko rin ang aking lumang belt bag dahil nandoon ang aking cellphone at mga gamot ni Tiyang ngunit hindi ko na rin ito makita. Baka tinapon na ng mga lalaki.

"Ahhh shit!"

Kinakabahang nasapo ko ang aking noo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang labis na takot na nararamdaman ko sa posibilidad na ibubugaw ako ng sindikatong kumidnap sa akin.

Agad akong bumangon at dali-daling pinihit ang doorknob. Ngunit gayun na lamang ang pagkadismaya ko nang nakasarado ito.

Wala sa sariling kinalabog ko ito ng malakas.

"Utang na loob pakawalan ninyo ako rito!!!" Naghuhumiyaw na naman ako sa pag-iyak.

"Parang awa niyo na po!!! Ahhhh!!!" Napaupo ako sa sahig habang yakap-yakap ang aking mga tuhod. Tila na ba nawawalan na ako ng pag-asa.

Takot na takot sa maaari kong sapitin.

Maya't-maya pa'y nakarinig ako ng yabag ng mga paa patungo sa kwartong kinaroroonan ko. Agad akong nag-angat ng mukha nang mapansin ko ang pagbukas ng pintuan.

"I'm glad that the bitch is awake now!" Bungad ng isang baritonong boses.

Hindi ako matalino ngunit alam ko naman ang ibig sabihin ng salitang 'bitch' kaya hindi ko alam kung bakit ako nito sinasabihan ng ganoon.

"Di kaya'y ito na ang parokyanong nakabili sa akin!?" Kinakabahang tanong ng aking isip.

Napatitig ako sa gawi niya ngunit hindi malinaw sa akin ang kanyang hitsura dahil sa makulimlim na ilaw. Tanging malaki na bulto lang ng katawan nito at matangkad na height ang klaro sa akin.

"A-ano ang kailangan mo sa 'kin? Nagmamakaawa po ako sir, pakawalan niyo na po ako. Wala po kayong mapapala sa pobreng kagaya ko!" Pagmamakaawa ko habang walang pakundangan sa pag-agos ang aking mga luha.

Yumuko ito upang pumantay sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking braso. Ramdam ko ang sakit sa higpit ng paghawak nito at sapilitan akong pinatayo.

"Fuck! Stop acting you stupid bitch!" Singhal nito sa aking tainga na halos ikabingi ko. At lalong di ko inasahan ang paghatak nito sa akin at pabalibag akong itinapon sa kama.

Namilipit ako sa sakit nang tumama sa aking sikmura ang matigas na parte nito. "Ahhhhh!" Napapikit ako sa matinding sakit na nararamdaman.

"Akala mo maloloko mo ako diyan sa pagpapanggap mo!? You piece of shit! Kahit magpanggap ka pang pulubi makikilala ko pa rin ang pagmumukhang iyan! Ang pagmumukhang sumira sa pamilya ko!" Ramdam ko ang labis na gigil at galit sa pananalita nito. Bagay na mas lalong ipinagtaka ko. Parang may pinaghuhugutan kasi ang mga salita nito. Iba sa inaasahan kong sasabihin ng isang parokyanong kalibugan lamang ang gusto.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Ano bang nagawa kong mali sayo?" Garalgal at paos na ang aking boses.

Lumapit ito sa akin at ngayo'y hinawakan naman nito ng mahigpit ang aking dalawang mukha.

"Nagmaang-maangan ka pa!? Or do you want me to remind you!?" Matigas na sambit nito at halos manindig ang buong balahibo ko sa katawan nang bumaba ang isang kamay nito upang haplusin ang aking binti.

"Tatlong bilyon ang nanakaw mo sa pamilya namin and you only used your filthtiness and immorality!" Gigil na usal nito sa aking tainga.

Mas lalong hindi ko maintindihan ang pinoponto nito.

"Wala akong ninakawan! At hindi---"

Hindi ako natapos sa aking sasabihin dahil itinulak ako nito sa kama at pumaibabaw ito. Ngayo'y hawak nito ang aking dalawang kamay.

"You ruined my family! You ruined our reputation! Ngayon gusto kong malaman kung anong pinakain mo sa daddy ko at bakit nahumaling siya ng labis sayo! Kung bakit ipinagpalit niya kaming pamilya niya sa isang malandi, basura at maruming babaeng kagaya mo!" Bulyaw nito.

Wala talaga akong maintindihan sa ibinibintang niya. Aminado akong isa lang akong basura sa paningin ng iba dahil sa pagiging dukha ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako malandi at pakantot na babae. Katunayan, sa edad kong bente tres ay miyembro pa nga ako ng NBSB pero kung makapagsalita ang lalaking ito ay parang kilalang kilala nito pati kaluluwa ko!

"How did you fooled him? What did you do huh? Is it because of sex? Gaano ka ba kagaling para maloko mo si dad ng ganun-ganun lang!?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang salaysay. Aba inaakusahan pa akong kabit ng ama niya! Sumusobra na ata ang lalaking ito! Buong buhay ko ngayon lamang ako nabastos ng ganito. Kung hindi niya lang sana hawak ng mahigpit ang mga kamay ko ay tiyak magkabilaang sampal ang gagawin ko sa pagmumukha niya.

Sa labis na bugso ng damdamin ay basta na lamang akong kumilos at sinipa ko ng malakas ang pagkalalaki nito dahilan para mapasigaw ito at napaatras.

"Ahhhhhh fuck!" Sigaw nito sapo ang kanyang pagkalalaki.

Mabilis akong tumayo at patakbong tinungo ang pintuan.

Ngunit hindi ko pa man napihit ang doorknob ay mabilis din itong nakakilos. Nahawakan nito ang aking braso at muli ako binalibag ng malakas sa kama. Sobrang lakas na kung hindi lang ito malambot, tiyak malulumpo ako.

"Nababaliw ka na ba? Hindi nga kita kilala o yang ama mo! Hindi ako kabit ng kanino man dahil hindi ako ganoong klaseng babae. Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo! Pakawalan mo na ako utang na loob!" Nagsusumamong sigaw ko. Napahagulhol na naman ako ng iyak.

"Damn you liar! Lokohin mo na ang lahat huwag lang ako! Dahil sa ginawa mo mas lalo mo lang akong ginagalit! Napakalakas pa ng loob mong lumaban!" Anito habang papalapit sa kama.

Hinila nito ang aking paa dahilan para mapadausdos ako. Muli itong dumagan sa akin. Naglapit ang aming mukha at ngayo'y natitigan ko na ng lubos ang kanyang mukha dahil sa napalapit kami sa ilaw ng lampshade.

Napaawang ako nang mapagtantong ang lalaking ito ay nagtataglay ng nag-uumapaw na kagwapuhan. Matangos ang ilong at umiigting ang panga. Makakapal ang kilay nito ngunit ang mata'y matalim ang titig na para bang may malaking galit. At ang perpektong hugis ng labi ay tila ba laging galit at hindi marunong ngumiti.

"Done checking my face? Ngayon mo lang ba nakilala ang nag-iisang anak ng lalaking kinalantari mo?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito. Shit! Eto na naman siya sa mga sinasabing hindi ko maintindihan.

"Pagbabayaran mo ng triple ang tatlong bilyong ninakaw mo sa pamilya namin! At walang katapusang parusa ang ipapataw ko sayo sa pagsira mo sa pamilya ko. I am Drake Lukas Wilson and I will make your life a living hell!"

Nanginig ang buong kalamnan ko sa tagos hanggang butong salaysay niya. At bago pa man ako nakasagot, mabilis nitong sinakop ang aking mga labi ng walang pag-iingat!

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Lorina Soncados
Ang Ganda Ng story napaka exciting
goodnovel comment avatar
Ethel Unarce
ang ganda ng story
goodnovel comment avatar
Jovit Abanag
wow Ganda Ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status