PRECIOUS
"Pagod na ako," reklamo ko kay Cora. Kanina pa kami naglalakad dito sa mall."Gusto ko ng umuwi.""Mamaya na. Kumain na muna tayo.""Kanina pa tayo kain nang kain. Di ba sabi ko naman sa'yo gusto ko ng mag-diet. Pakiramdam ko nadagdagan na naman ako ng timbang," reklamo ko. Totoo naman iyon. Ang bilis kong mag-gain ng weight. Hindi na ako natutuwa kaso ang hirap naman kasing simulan ang pag-da-diet at pag-work out. Iniisip ko pa lang parang nahihirapan na ako."Bukas ka na mag-diet."Napakamot ako ng aking batok. "Kaya lalo akong tumataba kasi hindi mo ako sinusuportahan, e."Tumawa siya. "Ano ka ba? Masarap kayang kumain.""Oo, masarap nga, pero ikaw hindi ka man lang nadadagdagan ng timbang kahit na kumain ka ng madami. Kumusta naman ako." Napabuntong hininga ako. Nafu-frustrate na talaga ako. Ang bigat-bigat ko na. Kaya hindi ako nagkakaroon ng manliligaw dahil over weight ako. Tagyawatin din ako. Heto nga at nangangati na naman ang bagong tubo kong tagyawat. Dahil 'to sa kinain kong chocolate cake kanina, e. Hindi ko na kayang tiisin kaya kinurot ko na. So satisfying. Napangiwi naman si Cora sa aking tabi."Sabi ng huwag mong tirisin, e.""Makati, e.""Bumili na lang tayo ng skincare pala.""Cora, gusto ko ng umuwi." Pagod na talaga ako. Namamanhid na ang mga binti ko. Hindi ko na kayang maglakad ng ilang metro."Pagkatapos do'n, puwede na tayong umuwi." Tiningnan niya ang kaniyang celphone saglit bago ako hinila papuntang department store. Ang tagal pa niyang namili."Kahit ano na diyan," naiinip kong sabi sa kaniya dahil kanina pa siya namimili ng shade ng lipstick na babagay sa akin."Ito, bagay sa'yo kasi maputi ka," aniya habang kinukuskos sa kaniyang palad ang sample. Kinuskos niya iyon sa dulo ng daliri niya saka pinahid sa aking labi."Di ba ang ganda!""Bilhin na natin iyang tatlo, kung hindi bagay sa akin, sa'yo na lang." Lahat ng hindi ko gustong gamit, binibigay ko sa kaniya. Puwera sa damit kasi tatlong beses ata ang laki ko sa kaniya. Katatapos nga lang akong ipamili ni Daddy nang isang buwan at halos hindi ko pa nagagamit ang mga iyon. Punong-puno na naman ang walk in closet ko. Tamang-tama sa susunod na araw pipilian ko iyon at ang nga hindi kasya sa akin at mga hindi ko magamit ay ibigay ko na lang kay Cora. Yearly ko itong ginagawa, pagkatapos ng aking birthday."Magsasara na ang mall..." Tiningnan ko ang aking relo. Alas-onse na. Hanggang alas-onse y media lang ang mall."Tara bayaran na natin 'to. "Nakahinga lang ako nang maluwag nang malapit na kami sa mansyon. Tulog na ata si Daddy. Kung sabagay, ano'ng oras na din naman kasi.Pinabitbit ko sa driver ang mga pinamili namin. Nakasunod ito sa akin. Paika-ika naman akong naglakad papasok ng bahay, parang hindi na ako aabot sa taas, sa aking kuwarto.Patay na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Alam naman ni Manang na nasa labas pa kami, ba't niya pinatay ang lahat ng ilaw. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang may pumutok at kasabay no'n ay ang pagbukas ng mga ilaw."Surprise! Happy birthday, Precious!"Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Alas-dose na pala."Happy birthday, hija!" Lumapit sa akin si Daddy. May hawak siyang isang cake sa kamay."Thank you, daddy!" Kaya pala kahit anong pilit ko na umuwi ay ayaw pa din umuwi ni Cora."Make a wish," sabi ni Daddy. Tiningnan ko muna ang mga taong narito at nakita ko si Attorney Velez, kasama ang kaniyang asawa. Sana nandito din ang anak nila na si Jacob, para masaya.Ano ba ang wish ko? I graduated college. May mapagmahal na ama, kahit kami lang ni daddy masaya naman kami. May marangyang buhay. Lovelife. Iyon na lang ang kulang. Sana... Sana mahalin ako ni Jacob.Pinikit ko ang aking mga mata bago ko hinipan ang kandila.Happy birthday to me!Pumalakpak ang mga staff namin. At nang makita ko ang lalake na palapit sa akin ay ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata. Si Jacob! Nandito siya... At may hawak siyang bouquet ng roses! Para sa akin?Lumapit siya at inabot sa akin ang bulaklak."Happy birthday, Precious...""Salamat, Jacob..." Alam kong namumula ang aking pisngi. Mula pagkabata ay mahal ko na si Jacob, lagi siyang laman ng panaginip ko at ilang taon ko na din siyang pinagdarasal. Siya na lang talaga ang kulang sa buhay ko, e.Masaya na ako na narito siya pero halos mahimatay ako sa saya nang halikan niya ang aking pisngi. Nananaginip ba ako?At hindi pa nagtatapos doon ang lahat, dahil bigla siyang lumuhod sa aking harapan at mula sa kaniyang bulsa ay nilabas niya ang isang diamond ring. Napakalaki ng bato nito. Oh my! Ano'ng ibig sabihin nito?Nakanganga lang ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lalakeng nakaluhod sa akin."Precious, will you marry me?"Ano?!Nanginig ang aking katawan. Nanghihina ako. Oh my! Hinimatay ako for real! Ilang segundo lang naman iyon. Nakabawi ako agad.Pero teka, totoo ba ang lahat ng 'to?"Daddy, prank ba 'to?"Tumawa si Daddy at inakbayan ako. Tiningnan namin ng sabay si Jacob. Hawak pa din niya ang singsing. Hindi na nakaluhod pero nakalahad pa din ang singsing sa akin."Will you marry me?""J-Jacob..."Yes! Iyon lang naman ang kailangan kong isagot pero bakit hindi ko masabi? My God, Precious!"Y-Yes, Jacob! Yes!"Sinuot niya ang singsing sa aking daliri. It fit! Paano niya nalaman ang sukat ng aking daliri. Pero teka! Bakit niya ako inaalok ng kasal? Hindi naman kami! What is the meaning of this? Pero mahalaga pa ba iyon? Ang mahalaga ay gusto niya ako. At heto nga inaalok ako ng kasal. Kailan pa niya ako nagustuhan? Kailan pa niya na-realize na mahal niya ako? Hindi man lang siya nanligaw sa akin. Pero gusto ko 'to. Kasalan na agad.Pangako, Jacob. Magiging mabuting asawa ako sa'yo. Sisiguraduhin ko na magiging masaya tayo habang buhay.Ito na yata ang pinaka-the best na birthday ko.Happy 25th birthday to me. Salamat, Lord, dahil tinupad mo ang ilang taon ko ng hinihiling sa'yo. Si Jacob.Halos hindi ako nakatulog, pakiramdam ko ay lumulutang ako. Ang saya-saya ko at hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang hiniling ko lang naman ay magustuhan ako ni Jacob, pero higit pa doon ang binigay ng tadhana. Pakakasalan niya ako. Maaga akong bumangon upang makapaghanda. Pupunta ngayon sina Jacob para pag-usapan ang gaganapin naming kasal. Nagsuot ako ng pants at tshirt. Hindi ako makapag-dress dahil pumuputok ang bilbil ko. Alangan naman na magsuot ako ng maternity dress, e di, magmumukha lang akong malaki lalo. Naglagay ako ng polbo at liptint. Hindi na ako nag-make up dahil mangangati lang ang mukha ko. Baka mag-break out na naman ako. Wala ng space sa aking mukha ang mga tagyawat. Labi at mata ko na lang ata ang hindi tinutubuan ng tagyawat. Maganda naman ako, e. Nang bata ako. Kaso habang lumalaki ako, literal na lumalaki ako dahil padagdag nang padagdag ang aking timbang. Tapos mula nang magkaroon ako hindi na din ako nawawalan ng tagyawat. "Good morning, Nan
Hindi ako nasamahan ni Jacob sa pagsusukat ng mga wedding dress pero naintindihan ko naman, alam ko kung gaano siya ka-busy. Mabuti na lang at sinamahan ako ng kaniyang mommy. Hindi nakasama si Cora ngayon. Masama ang kaniyang pakiramdam, kaya sinabi ko na magpahinga na lang siya. Gusto kong maiyak dahil halos walang magkasya sa akin na wedding gown dahil sa laki ko. At ang mga big sizes na available dito sa boutique ay hindi pa mga wedding gown. Nagpatahi na lang kami kaysa lumipat pa ng ibang boutique. Baka ganoon din sa iba, magsasayang lang kami ng oras. Napakasimple lang ng pinagawa kong wedding gown. Sinunod ko na lang si Mommy at ang sinabi ng designer. Sabi nila bagay daw iyon sa akin. Masyadong mabilis. Kung next year pa ang kasal, baka pumayat na ako n'on. Kung alam ko lang na magpapakasal ako this year, sana sinunod ko ang new years resolution ko na mag-da-diet at magwo-work out ako, kahit na napakahirap gawin. Pumili din kami ng shoes. Flat lang dahil masyado akong ma
Nagpa-wax na lang ako at body scrub, para hindi masayang ang paglabas ko. Pagkatapos ay naisipan kong tumingin ng mga magandang night gown sa mall. May mga nanghuhusgang tingin ang ilan sa mga sales staff, pero pinili ko na lang na huwag pansinin. Kailangan ko ng night gown. Sanay na ako sa tshirt at short kapag natutulog pero ngayon dapat masanay na ako sa mga proper night dress dahil magkakaroon na ako ng asawa. Dalawa lang ang nabili ko dahil nahirapan akong pumili. Siguro o-order na lang ako online. Mas madaming choices doon para sa isang plus size na kagaya ko. Before the wedding ay made-deliver na din siguro iyon. Nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang naramdaman pagkirot ng aking pang-ibaba dahil sa wax, kaya pinili kong umuwi na. Wala pa din si Cora pagdating ko. Nakakapanibago na hindi siya umuwi kagabi. May boyfriend na kaya siya? O baka may lalake na siyang natitipuhan. Hindi naman niya gawain iyong hindi uuwi. Alam niyang mag-aalala ang kaniyang Nanay sa kaniya.
Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang pagkalabog ng aking dibdib ngayon. Natatakot na ako dahil baka mamaya ay may sakit na pala ako sa puso. Bukas na ang kasal namin ni Jacob. Hindi ko maunawaan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nanghihina ako at matamlay. Wala din akong makausap dahil wala si Cora. Umalis ito. Kahapon pa. Hindi pa din umuuwi hanggang ngayon. Nagagalit na nga yata ang Nanay niya. Tinatanong ako nito kung may nobyo na ang kaniyang anak. Wala namang sinasabi si Cora sa akin. Sasabihin n'on kung may nobyo siya kung sakali. Ang sabi naman niya wala. Busy daw siya sa work at nagpaplano siyang mag-open ng business kaya mawawala-wala siya. Hindi ko na lang gaanong pinapakialaman ang kaibigan ko. Maganda din na nagpupursigi siya para maging successful. Pangarap niyang magpatayo ng bahay, magkaroon ng sariing condo. Kapag nangyari iyon, hindi na kailangang mamasukan ng kaniyang Nanay dito. Pagpapahingain na daw niya. Hindi naman ganoon kabigat ang trabaho ng kaniy
Natapos na ang kasal namin at nagsimula na ding umuwi ang ilan sa aming mga bisita. Sumama din sa pag-uwi sina Daddy at parents ni Jacob. Ilan naman sa mga pinsan ni Jacob ay nag-stay muna. Plano nilang mag-night swimming, kaya nagpaiwan na din muna si Cora. Ayaw sana niya dahil may importante daw siyang lakad bukas pero nadaan ko naman sa pangongonsensya at pamimilit ko sa kaniya. "Mauna ka na sa villa natin," utos sa akin ni Jacob. Kanina pa ako inaantok. Isang baso pa lang naman ng wine ang nainom ko, pero ewan ko kung bakit parang tinablan na agad ako. "Susunod ka ba?" "Yes. Ubusin lang namin ang isang bote.""Hindi ka pa inaantok, Cora?" tanong ko sa aking kaibigan. Tahimik kasi ito. Umiinom pero hindi gaano nakikisali sa usapan. Hindi naman siya ganito. Palakaibigan siya at magaling makisama, magkaibang-magkaiba kami. Jacob's cousin was nice kaya naman hindi ako na-OP. Pinasamahan ako ni Jacob sa isa sa mga pinsan niya hanggang sa villa. Nang makapasok ako sa kuwarto ay uma
Natapos ang araw na halos hindi ko nakasama ang aking asawa. Hindi man lang siya sumunod sa amin. Ginugol niya ang buong maghapon sa harap ng kaniyang laptop at kung kailan nakaalis na ang mga pinsan niya at sina Cora, akala ko makakapag-solo na kami, kaso inaya niya akong umuwi. "Kailangan kong humabol sa flight mamayang ala-una," aniya. Wala akong nagawa kung hindi mag-empake ng aking mga damit. Umuwi kami sa kaniyang bahay. Isang two storey modern type house na tamang-tama lang para sa nagsisimula ng pamilya. May swimming pool pero walang tanim na halaman ang garden area. Nakaalis na siya at ako naman ay naiwan na mag-isa. Hindi ako makatulog kaya nilibot ko na lang ang buong bahay. Hindi man lang kami nakapag-bonding. Wala din nangyari sa amin sa supposed to be first night namin. Malungkot ako pero pilit kong nililibang ang aking sarili hanggang sa makaramdam ako ng antok. Kinaumagahan, maaga akong umalis upang um-attend ng meeting sa kompanya ni Daddy. Nalipat na ni Dad ang
Isusubo ko na sana ang pagkain na nilagay ko sa aking plato nang maalala ko na kailangan ko nga palang mag-diet. Ang hirap panindigan lalo kung ang pagkain na ang nagiging comfort mo kapag stress ka. Para sa akin din naman 'to. Para sa amin ni Jacob, kaya kailangan kong tiisin. Naggatas na lang ako at ilang piraso ng grapes. Hindi nakakabusog pero kalaunan ay masasanay din ako. Umakyat na ako sa aking silid. Muli na naman akong nakaramdam ng kalungkutan. Ayos naman ako nang single ako, ang nagpapalungkot lang naman noon sa akin ay ang kaisipan na hindi ako gusto ni Jacob. Pero ngayon na kasal na ako, siya pa din ang nagpapalungkot sa akin. Nagising ako bandang alas-tres ng madaling araw dahil sumasakit ang aking tiyan. Naninibago siguro dahil hindi na ako kumakain ng madami kaya sumasakit ngayon. Bumaba ako upang kumuha ng hot water, para makainom ako ng tea at gamot. Paakyat na ako nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan. Ngayon lang umuwi si Jacob? Hinintay ko ito at nang mak
Pagbalik ko ng bahay, nadatnan ko si Cora sa aking kuwarto. Nakahiga ito sa kama pero basa ang buhok. Naligo na siya. It's still five in the morning. Suot niya ang aking tshirt. Malaki ito sa kaniya kaya nagmukhang bestida. May baon siyang extra panties sa kaniyang bag lagi, iyon ang gamit niya. "Saan ka galing at ang aga mo yatang naligo? Hinanap kita kanina.""Ikaw, saan ka galing? Ba't ang aga mo atang umalis?""Ah, nag-jogging ako." "Talaga? Kailan ka pa nagsimulang mag-jogging?""Kailan lang... I want to lost weight para naman gumanda ako kahit kaunti." Inikot niya ang kaniyang mata. "Is this for your husband?" Ngumiti ako. "Yeah. Para na din makabuo kami agad. I'm an only child kaya gusto ko ng anak."Napangiwi siya. She sighed and shook her head. "Gusto ba ng asawa mong magkaanak? And paano mangyayari iyon kung hindi kayo tabi matulog?" Natahimik ako. "Kaya nga I'm working on my weight and my skin. Maligo na muna ako. And then matutulog ulit ako." "K.""By the way, saan