Share

Kabanata 3

Kabanata 3

"Bakit mo pa ba ipinakuha sa akin ang mga gamit mo, ate? Hindi mo na naman kakailanganin ang mga ito." Pinagulong ni Aiven ang mga maletang dala niya.

"Ayokong mag-iwan ng kahit anong bakas sa bahay na 'yon." Isinuot ni Arya ang dangling earrings na regalo sa kaniya ng lolo niya sa kaniyang kaarawan. Nagkakahalaga iyon ng sampung milyong piso!

"Nakakasilaw naman ang hikaw mo. Ang daming diyamante. Oo nga pala, tama ang hula mo. Pumunta sa mansyon ni Damon si Dionne." Kinuha ni Aiven ang tuxedo na binili ng ate niya.

"Naibigay mo ba ang USB?" Binuksan ni Arya ang isang drawer na puno ng mga mamahaling kuwintas. Ang lahat ay may angking ganda pero wala ng mas gaganda pa sa iniwang regalo ng kaniyang yumaong ina, ang L'Incomparable necklace na nagkakahalaga ng $55 Million! Ito ang may pinakamalaki at pinaka makinang na diyamante sa buong mundo. Mayroon itong dilaw na bato na tumitimbang ng lagpas 407 carats at nakakabit ito sa isang daan at dalawang diyamante! Marahan niya itong kinuha at isinuot.

"Oo, ate. Sigurado akong nagkakagulo na ngayon sa mansyon ng mga Walton." Naglakad patungo sa dressing room si Aiven at dali-daling nagbihis.

"Pakiramdam ko, hindi. Isa si Divina Walton sa ating bisita ngayong gabi." Tumingin si Arya sa kaniyang wristwatch. "Sa mga oras na ito, sigurado akong nasa garden siya. Nakikipagkuwentuhan at nakikipag-plastikan na siya sa mga elite." Ngumiti si Arya. Naglagay siya ng pulang lipstick sa labi niya. "I'm so excited to watch them later. Isa itong malaking scandal kapag nagkataon. Kilala ko si Dionne, she's impulsive. Basta-basta na lang siya kumikilos at nagsasalita. I'm certain that she's already on her way here."

Lumabas mula sa dressing room si Aiven. "Ate, sigurado ka na ba? Ibubunyag mo na sa kanilang lahat kung sino ka talaga?" nag-aalalang tanong niya.

"I'm still having second thoughts. Kumusta pala ang tatay mo? Okay na ba siya?" Tumayo si Arya para tingnan ang kaniyang kabuuan sa malaking salamin.

"Okay na siya, ate. Maraming salamat sa tulong niyo. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Ilang beses niyo na kaming tinulungan ni tatay," seryosong sambit ni Aiven.

"Wala 'yon. Tinanggap niyo ako sa inyong pamilya kahit hindi niyo ako tunay na kadugo. Maraming salamat sa pagkupkop sa akin nang nawalan ako ng memorya. Pamilya na ang turing ko sa inyo ni tatay, Ven, at walang magbabago ro'n. Kahit nandito na ulit ako bilang isang Armani, mananatili pa rin ako bilang Ate Arya Villanueva mo." Humarap si Arya kay Aiven. "How do I look?" She smiled while waiting for her brother's response.

"Sobrang ganda mo pa rin, ate. Mas lalo ka pang gumanda dahil sa makeup, mga alahas at gown. Napakatangà talaga niyang si Damon. Sinayang niya ang isang tulad mo." Hindi maalis ni Aiven ang mga mata niya kay Arya.

Tumawa nang malakas si Arya. "Alam mo, let's not talk about him. He doesn't deserve our time. Hindi ba at nangako ako sa'yo? Hindi ko na siya iiyakan at hahabulin pa. Mas mamahalin ko na ang sarili ko at mag-fo-focus na lang ako sa mga goals ko. Tatlong taon din akong nanahimik, nagtimpi at nakisama sa mga Walton. Tatlong taon na rin akong nagmukhang losyang dahil sa mga ugali nila. That's enough. I will never put myself in those situations again."

Inilahad ni Aiven ang kaniyang kamay kay Arya. Lubos niya itong hinahangaan at nirerespeto higit kanino man. "Tara na sa baba? Baka hinihintay na nila tayo?"

"Not yet. I still have one more thing to do." Arya winked at Aiven.

Umalon ang noo ni Aiven. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang kinabahan. Ano na naman kaya ang pina-plano ng kaniyang kinakapatid?

~~~

"Talaga? Inimbitahan ka ng mga Armani? Ibig sabihin ba no'n?" usisa ni Erin, ang CEO ng Hamilton Realty Corporation. Minsan na rin niyang ipinahiya si Arya sa harap ng maraming tao. Isa siya sa mga kinamumuhian ni Arya sa mundo ng negosyo.

"Sigurado akong naging interesado sila sa business plan na ini-email sa kanila ng panganay kong anak. Halos pitong taon din kaming nireject ni Don Fridman. Malamang ay ang kaisa-isa niyang apo ang nagkumbinsi sa kaniya na bigyan kami ng pagkakataong patunayan ang aming sarili. Balita ko, dalaga pa raw siya! Tamang-tama, on-process na ang diborsyo ng anak ko sa walang kwenta niyang asawa!" Tumango si Divina Walton nang alukin siya ng red wine ng waitress. Taas-noo siyang nag-alok ng toast sa mga elite.

"Hindi ba't kay Greta mo ipinagsisiksikan si Damon? Bakit parang nag-iba yata ang ihip ng hangin?" pabirong tanong ni Erin.

"Wala rin namang problema kung makakatuluyan ni Damon ang first love niyang si Greta. Maganda siya, matalino, mayaman ang angkan. Halos perpekto na. Ang kaso, may mas hihigit pa sa kaniya at iyon ay ang apo ni Don Fridman! Sino ba namang ina ang hindi maghahangad ng the best para sa kaniyang anak, 'di ba, Erin?" Ngumiti si Divina. Nagsimula nang magbulungan ang mga tao sa paligid niya nang dumating ang asawa ni Erin na si Lucio.

Agad na humalik si Erin sa kaniyang asawa na ngayon ay palihim na nakatingin kay Divina.

"So, this is Divina Walton?" tanong ni Rupert.

Tumaas ang isang kilay ni Erin. "Paano mo siya nakilala? Unang beses niyo lang namang nagkita ah?" naguguluhang tanong niya.

Sasagot na sana si Rupert nang biglang dumating si Aiven.

"Waiter! Whiskey please." Aiven said.

Kumunot ang noo ni Divina nang namukhaan niya si Aiven. 'Anong ginagawa ng basagulerong kapatid ni Arya rito? Paano siya nakapasok sa mansyon ng mga Armani?' Marami siyang nais itanong dito pero mas pinili niyang manahimik at obserbahan na lang ang ikikilos ni Aiven.

"Bakit hindi si Mrs. Walton ang tanungin mo, Mrs. Hamilton?" ani Aiven.

"At sino ka naman?" tanong ni Erin.

"O sa halip na magtanong ka ay hintayin mo na lamang ang pagdating ng bunsong anak ni Mrs. Walton. Sigurado akong mabibigyang linaw niya ang mga tanong mo." Ngumiti si Aiven nang makita niya kung gaano ka-nerbyos ng mukha ni Divina. 'Gan'yan nga! Matakot ka! Mag-isip ka! Magsisimula pa lang ang bangungot mo, Divina Walton. Pagbabayaran mo ang lahat ng kalapastanganang ginawa mo kay Ate Arya.'

"Ano bang sinasabi mo, Aiven? Hindi makakapasok dito si Dionne dahil wala siyang imbistasyon." Lumingos si Divina kay Erin. "Rupert and I met in a business meeting. I offered him a group insurance plan for your employees," she explained.

"She's right. I had acquired a group insurance plan from them." Rupert hugged his wife but he couldn't take his eyes off of Divina. She's too hot and sexy tonight!

"Ah oo. Naalala ko na. Nabanggit mo nga pala sa akin ang tungkol doon." Nawala ang kaba sa dibdib ni Erin. Napatingin siya kay Aiven. Umiiling ito.

"Facts are often used to hide other facts. Maiwan ko na muna kayo. May importante pa akong kailangang gawin." Mabilis na umalis si Aiven nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cell phone sa bulsa ng kaniyang pantalon.

Salubong ang mga kilay ni Divina habang pinagmamasdan ang papalayong si Aiven. Ibinalik niya ang kaniyang tingin kay Erin. "Paano nakapasok ang isang hampaslupa sa mansyon ng mga Armani?" nagngangalit niyang tanong.

"Do you know him?" Erin asked.

"Kapatid siya ng walang kwentang asawa ng anak ko!" Nagpasalin ng red wine sa kaniyang wine glass si Divina nang may dumaang waitress sa puwesto nila.

"He's wearing a limited edition tuxedo. I think, hindi siya isang hampaslupa na gaya ng inaakala mo. Hindi mo ba napansin? Nakasuot din siya ng Rolex!" Ipinulupot ni Erin ang kaniyang braso kay Rupert.

Mas lalong napuno ng mga katanungan ang isip ni Divina. 'Gaano ba kalaki ang perang ibinigay ni Damon sa babaeng 'yon at nakabili ng mga mamahaling gamit ang basagulero niyang kapatid?'

Tila huminto ang mundo ni Divina nang marinig niya ang basag na boses ng kaniyang anak na si Dionne. Marahan niya itong nilingon at nakumpirma niyang umiiyak nga ito!

"Dionne, anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Tumindig ang balahibo ni Divina nang maalala niya ang mga sinabi ni Aiven kanina. Paano niya nalaman na darating si Dionne? Mas lalo lamang siyang naguluhan.

Bakas ang kalungkutan at galit sa mukha ni Dionne. Hindi siya makapagsalita.

Hinawakan ni Divina sa kamay si Dionne. Kakaladkarin na sana niya ito palayo pero nagawa nitong alisin ang pagkakahawak niya!

Magsasalita na sana si Dionne nang mapansin niya ang mag-asawang Erin at Rupert. Isang pilyang ngiti ang kumurba sa labi niya. Kinuha niya ang kaniyang cell phone sa loob ng sling bag niya at buong tapang na ipinakita sa kaniyang ina ang litrato kung saan nakikipaghalíkan ito sa isang lalaki!

"Totoo ba ang litratong ito? Are you cheating on us? Niloloko mo ba si papa?" galit na galit na sigaw ni Dionne. Nakuha niya ang atensyon ng lahat, kabilang na ang kay Arya. Nakasilip ito mula sa may veranda.

Nanlaki ang mga mata ni Divina. Agad na gumapang ang takot sa kaniyang sistema nang mapansin niyang malinaw ang kuha sa mga mukha nila ni Rupert! Paano nalaman ng anak niya ang tungkol sa kaniyang pangangaliwa? Saan niya nakuha ang litratong 'yon?

"Sagutin mo ako, mama! There are almost thirty photos here! Kabit mo ba ang lalaking ito?" Itinuro ni Dionne si Rupert.

Halos mawalan ng balanse si Divina sa ginawa ng anak niya! Nagsimula na rin silang pag-usapan ng mga tao sa paligid.

"Rupert, what's the meaning of this?" Nang hindi sumagot si Rupert ay kinuha ni Erin ang cell phone ni Dionne. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makumpirma niyang asawa nga niya ang lalaki sa litrato! Umawang ang kaniyang bibig. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa kaniyang asawa. "How dare you? Kailan mo pa ako ginagàgo?" sigaw niya.

"Dionne, please stop this nonsense! Walang katotohanan ang mga litratong 'yan! We're living in a modern world now! Anyone can edi—" Nahintakutan si Divina nang bigla siyang sinampal at sinabunutan ni Erin.

Hindi magkaintindihan si Rupert sa pag-awat kina Erin at Divina. Walang may gustong magpatalo sa kanila!

"Gan'yan nga. Sirain at ipahiya niyo ang isa't-isa." Tinitigan niya si Divina na ngayon ay gulong-gulo na ang buhok. Maging ang damit na suot nito ay may punit na rin dahil sa sobrang galit ni Erin. "Tatlong taon akong nanahimik. Iginalang at nirespeto kita bilang mother-in-law ko pero wala kang ginawa kung hindi ang saktan at ipahamak ako. Ngayong wala na akong koneksyon sa'yo, oras na para itama ang mga pagkakamali ko noon. I was so stupid! I tolerated your cheating. Well, late is better than never."

"Apo, bakit hindi ka pa bumababa?" tanong ni Don Fridman.

Ngumiti si Arya. Nagtatakbo siya palapit sa kaniyang lolo at niyakap ito.

"I'm just waiting for you, daddylo." Masiglang naglakad si Arya kasabay ni Don Fridman.

"Huwag mo na ulit akong iiwan, apo. Ikaw na lang ang inaasahan kong magpapatakbo ng mga maiiwan ko kapag tinawag na ako ni Lord," pabirong sambit ni Don Fridman.

"Daddylo, ang lakas-lakas mo pa. Kayang-kaya mo pang i-manage ang Aramani Group. Matagal pa tayong magkakasama," naluluhang turan ni Arya. "I'm sorry if I left you for my first love. Pangako, daddylo, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo. Babawi ako sa'yo. Pangako, daddylo."

"What's the name of that jerk? I'll make sure to put serious damage on his businesses." Don Fridman clenched his fists.

Tanging ngiti lamang ang naisagot ni Arya. Ayaw niyang i-involve ang lolo niya sa mga plano niya.

"Leave it up to me, daddylo. I don't want to stress you out," Arya said.

Samantala, nasa labas na ng mansyon ng mga Armani si Damon. Nais niyang sundan si Dionne sa loob dahil alam niyang gagawa ito ng gulo pero hindi siya papasukin ng mga guwardiya!

"How come you allowed my sister to go inside and you can't let me in? I am a Walton! Hindi niyo ba ako kilala?" inis na sabi ni Damon.

"Pasensya na po, sir. No invitation, no entry po," wika ng isang guwardiya.

Malakas na sinipa ni Damon ang gate. Mayamaya pa ay may mga maskuladong lalaki ang lumapit sa kaniya. Kinaladkad siya ng mga ito papunta sa kalsada.

"Fúck!" The only word Damon could utter at the moment.

"Gusto mo bang makapasok sa loob, kuya?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Damon nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Boses 'yon ni Aiven!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
sana mamulubi ang pamilya Dalton, mga mukhang pera
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status