Share

Chapter 14: Scared

Parang naging mailap kami sa isa't isa kinabukasan. Hindi ko alam kung galit pa ba siya sakin o ako lang talaga itong umiiwas. Naging conscious na kasi ako sa mga kilos ko matapos niya 'kong sabihang immature. Sobra ang pag-iisip ko kung ano bang nagawa ko kahapon na masasabing isip-bata. Pinagtuunan ko talaga ng oras ang pag-iisip. Hindi ko kasi matanggap na sinabihan niya ako ng ganoon. Nakikita ko kasi ang sarili ko bilang mature na. 

"Nagsimula akong magtrabaho, 18 years old! Nagtitinda pa ako ng yema at graham balls sa mga kaklase ko noong highschool! Breadwinner ako sa edad kong 'to kaya malaking insulto sakin na sinabihan niya 'kong immature!" Pasinghal akong nagkwento kay Lucas sa video call.

Nasa seashore ako ngayon at malayo ang bantay. Wala rito si Cosimo, nandoon sa villa, busy pa rin sa gadgets niya. 

Napailing siya. Tinatamad na tiningnan niya 'ko. "I have no luxury of maturity in me even at

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status