PALERMO, ITALYA few years later...Mainit ang ulo ni Lucian nang makauwi galing sa meeting. May sumabotahe sa huling transaction nila at ang kalahati ng shipments ay nawawala. Ang duda niya ay may nagtip sa mga awtoridad. Hindi coccaine ang business nila-- diamante. At hindi madaling kumuha ng supply. Nagpadala siya ng mga tao sa Belgium para masiguradong magiging maayos ang lahat, pero umuwi ang mga ito na kalahati lang ang dala. Those are worth millions and millions of money! Sumasakit ang ulo niya sa kaiisip kung ano ang magandang solusyon dahil naghihintay na ang mga kliyente nila. Malaking pera ang nakataya sa transaction na 'yon, bukod sa reputasyon nila. Kaagad niyang nakita ang pagsalubong ng bata sa kaniya pagpasok sa front door. Masaya ang mukha nito at parang kailan lang ay paslit pa. Now he's almost ten. It has been five years since he found out about Ludo's existence. Doon na nagkandagulo-gulo ang buhay niya. Lahat ng pangarap niya ay unti-unting natunaw at nawala rin s
Maagang gumising si Lucian. He would run for about an hour and when he gets home, he would take a shower, get dressed then have his coffee. But his sister, P, beat him to it this morning. Bihis na bihis ito. Napatingin tuloy siya sa oras kung kailangan na bang palitan ang battery ng wall clock, but it is working just fine. "Going somewhere?" tanong niya sa kapatid. He grabbed a mug from the cupboard, saka nagsalin ng kape mula sa pot. P just made fresh brewed coffee. "New York. I mentioned it to you last week." Kumunot ang noo ni Lucian. "Vacation?" P rolled her eyes on her brother. Sa dami ng responsibilidad ng kapatid niya, hindi siya magtataka na hindi nito maalala ang dahilan kung bakit siya pupunta sa Amerika. Truth be told, she feels bad about her oldest brother. Mahirap maging panganay sa pamilya ng Profaci. You take on all the responsibilities and you don't have the option to say no. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat na babae siya at pangalawa sa magkakapatid. She is not
A few weeks later... Lucian slammed his palm on the table. Nasa harap niya si Lorenzo at magkausap silang magkapatid tungkol sa operasyon nila sa Antwerp. His brother is his underboss. This is the second time that half of the diamonds they're supposed to get went missing. May sumasabotahe sa kanila. What Lucian doesn't understand is if the person is an outsider or one of their own. Matagal na niyang inoobserbahan ang kilos ni Aurelio-- ang kaniyang consigliere na pinagkakatiwalaan ng kaniyang ama. Aurelio was loyal to the previous Don, pero nang palitan niya ang ama sa posisyon ay may nararamdaman siyang kakaiba. Lucian could be wrong. Mabait sa kaniyang ang matanda at wala itong gagawin na ikababagsak ng pamilya. Isa pa, ang anak ni Aurelio ay isa sa mga capo niya. "Isn't it Brando's crew that went to Antwerp?" tanong ni Lucian sa kapatid. "Yes. I suggested Davide's so we get a different result, but Tio Aurelio made a valid point as well. He said that Brando and his crew knew the i
Karol Hospital Cosentino, Palermo It's sunny out and Lucian's stuck in a hospital bed with a kidney infection and Pneumonia. It was busy so he didn't have time to drink a lot of fluids at dahil mainit ang panahon, palaging naka-on ang air conditioner. Hindi niya iniinda ang sore throat at ubo, pati na ang sakit ng ulo at lagnat. Katwiran niya ay mawawala rin naman kapag uminom siya ng gamot. It didn't seem to go away kahit anong inom niya ng parecetamol dahil ang kailangan niya ay antibiotics. Nang makita siya ni Lorenzo sa silid ay napakataas ng lagnat niya at putlang putla. Lucian was delirious to a point na nakikita niya si Georgina kahit wala naman ito sa silid. "Hindi pa raw ba ako pwedeng umuwi?" tanong niya kay Lorenzo. His brother is managing the business on his absence pero sa umaga ay nakaugalian na nitong puntahan siya sa hospital at dalhan ng pagkain kahit may mga tauhan sila. "It's only your second day. You can't go home yet," paalala nito sa kaniya. Second day? Akala
Nahintakutan ang hitsura ni Elena nang marinig ang sinabi ni Lucian. All she wanted was for him to see her more than his toy. Nasa iisang organisasyon sila at kaya niyang ibigay ang mga bagay na kailangan nito. She can fight alongside him. Hindi katulad ni Georgina na mahina. Alam ng babae kung saan hahanapin si Lucian pero hindi man lang ito naghabol. Malapit lang ang Spain sa Italy at napakadali niyang puntahan si Lucian kung gugustuhin nito. On second thought, naisip rin ni Elena na kaya hindi na ito nag-aksaya ng panahon na habulin ang lalaki ay dahil nalaman nito ang tungkol kay Ludo. Ludo was the perfect plan. She has been working silently for the Profaci Empire at nang mag-aral si Lucian sa California ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Don Lucio para bantayan ang anak nito. She did what she was asked dahil madali lang naman ang trabaho. And on top of it, Elena gets paid. Babysitting is really not her favorite thing to do pero kung si Lucian ang babantayan ay hindi siya tatan
Galit na ibinato ni Lucian sa pader ang baso ng tubig niya. Lumikha 'yon ng malakas na ingay at natahimik ang lahat sa boardroom. There were ten men inside at kapapasok lang ng kapatid niya para sabihin na patay ang buong grupo ni Davide sa Antwerp. Walang itinirang survivor ang naka-engkwentro ng mga ito. That also means they don't have the diamonds to deliver for their clients. "Figlio di puttana! Chi l'ha fatto?" (Son of a bitch! Who did it?) Natahimik ang lahat sa silid dahil bihira nilang makita si Lucian na ganito kagalit. He is usually calm and compose. "The gambit. We were able to see a quick footage and this one is different. She's faster and more skilled than the one they encountered," sagot ni Lorenzo sa kapatid. The Gambit-- again. Napatiim bagang si Lucian at huminga ng malalim. Tinik talaga sa tagiliran niya ang gambit na 'yon. And here he thought the gambit is dead. Ang linis ng operasyon nila at walang aberya. And now, they are back to where they started. Isang ling
"I can't let you do that. I'll cover the losses and go to Antwerp myself to get the diamonds," wika ni Lorenzo sa kaniya. Just like him, he's skilled-- combat and firearms."Lore--" awat niya sa kapatid. Ayaw talaga nitong ituloy niya ang plano. "You haven't sent me so they don't know I'm coming. I'm going to bring a different group. We will get the diamonds, don't worry." Lorenzo assured him it's going to be fine."You know that's not my point." Tumango ito. "You don't have to do this, Lorenzo." Mas maaalagaan niya ang kapatid kung narito lang sa Italy at wala sa mga delikadong lugar kung saan naroon ang mga diamanteng kailangan nila sa negosyo. "You don't think I can do it?" kunot noong tanong ni Lorenzo sa kapatid. Kahit ma-edad na siya ay bata pa rin ang tingin ni Lucian sa kaniya. Napahilamos si Lucian sa mukha. "I know you can do it. Magaling ka. I'm just trying to protect you, Lore. Kapatid kita at bunso pa." Lorenzo snorted. Sasabihin na naman nitong nagiging sentimental si
Capaci Town Two days later... Lucian's men moved quickly at kagabi ay nahanap na ng mga ito ang nang-ambush kina Lorenzo. He was busy trying to contain the damage that he didn't get to Capaci until after midnight. From the main road, they have to travel for at least two minutes more. Rough road ang daan sa loob. His men opened the tall, rusted gates. Nagkalat ang mga tauhan niya at lahat ay armado. His bulletproofed black SUV stopped in front of an old warehouse at ipinagbukas siya ng pinto katulad ng dati. Lucian was wearing all black like he's the grim reaper himself. Nasaktan ang kapatid niya sa mismong teritoryo nila. He will show no mercy and gender doesn't matter. No one dares to touch his family. No one. Nadatnan niya ang dalawang lalaki na may tuyong dugo sa mukha at ang isa ay sarado na ang isang mata. The other one has a broken nose. Nagmistulang punching bag ang mga ito. Lucian told his men that they can throw a punch or two, but they are not going to kill them because