Share

THE BETRAYALS

MAHIGPIT ANG mga guwardiyang nagbabantay sa silid na kinaroroonan ng naaksidenteng si Russell Rossell, na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa nagkakamalay.

Dalawang sescurity guard ang nasa saradong pinto ng kuwarto, at may mga naka-sibilyang security officers pa ang nasa mga tagong lugar.

“Iba talaga ang rich and powerful,” ang nasa isip ni Owen, “super higpit ang bantay ng mga guwardiya! Takot na takot. Insecure na insecure at walang katiwa-tiwala sa kapwa nila,” nagpalakad-lakad siya. Hinanapan ng weak part ang security ng pasyenteng binabantayan ng mga ito, “sabagay may katwiran naman silang ma-insecure,” pag-iisip pa rin niya habang palakad-lakad sa di kalayuan sa mga guwardiyang nasa labas ng silid ni Russell, “e, heto nga ako at nagbabalak na ma-abduct ang anak ng multi billionaire na si Theodore Rossell, upang mapasa-akin ang kanilang kayamanan, kakambal ng paghihiganti ko para sa aking mama.”

Nang lapitan siya ng isang alertong security guard na naka- civilian clothes
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status