Share

CHAPTER 2 - MRS. CRAWFORD

Tila, ayaw maniwala ng lalaking nakaupo sa wheelchair na Virgin pa siya dahil pinasadahan pa nito ng tingin ang hubad niyang katawan mula ulo hanggang paa. Nagtataka siya dahil bago siya pumasok sa pribadong silid na ito ipinaalam na sa kanya ng manager na isang bulag at lumpo ang magiging unang customer niya. Ngunit ang mga klase ng tingin nito sa kanya ngayon parang kakaiba. Mabuti na lang alam niyang bulag ito kaya medyo nabawasan ang hiya na nararamdaman niya.

"Deal,"

Pagkatapos niyang marinig ang pagsang-ayon nito agad niya itong tinulungan upang makahiga sa kama. Marami ng tips na binigay si Cindy sa kanya kanina at maliban pa doon pinanood pa siya nito ng mga x rated videos kaya meron na siyang ideya. Kusa na niyang hinubad ang damit ng lalaki at agad na pumatong sa ibabaw niya. Ramdam kaagad niya ang matigas na kahandaan nito kahit hindi pa ito nakapasok sa loob ng hiyas niya.

“No, kiss me first,” narinig niyang sabi nito sa kanya kaya agad siyang napatigil, “Ay oo nga pala tanga,” saway niya sa sarili dahil nakalimutan niyang dapat may halik-halik pa palang magaganap, baka sabihin nito masyado siyang excited.

Masuyo niyang pinaglapat ang mga labi nilang dalawa ngunit hanggang doon lang siya. Hindi na niya alam kung paano pagalawin ang kanyang mga labi. Nang maramdaman naman ‘yun ng lalaki, kusa na itong nagbuka ng kanyang labi upang turuan siya kung paano humalik. Ilang sandali pa, hindi na namalayan ni Rihanna na gumaganti na rin siya sa mga matatamis na halik ng lalaki sa kanya. Aaminin niyang good kisser ito dahil nadadarang siya sa mga paraan ng paghalik nito sa kanya. Maya-maya pa’y nagpalit sila ng posisyon at ito naman ang nasa ibabaw niya. Pinaliguan siya nito ng mga maiinit na halik sa kanyang buong katawan. Tumagal ang mga labi nito sa dalawang malaking umbok ng kanyang dibdib at nakikiliti siya sa kakaibang sensasyon na dulot ng pagdila nito sa kanyang buong katawan. After sucking her nipple, his lips moved down to her jewel and sucked it too, causing her to let out a loud moan.

Sa totoo lang hindi siya gaanong nasaktan noong maingat nitong pinasok ang mahabang kahandaan sa loob ng hiyas niya. Hindi niya alam kung bakit ngunit ingat na ingat ito sa kanya hanggang sa nararamdaman nitong hindi na siya nasasaktan saka pa lang nito diniinan ang paglabas pasok ng kanyang kahandaan sa namamasa niyang lagusan.

Matapos ang ilang beses na pag-angkin nito sa kanya, pinahiga siya nito sa kanyang braso at niyakap. Sinusuklay ng kamay nito ang kanyang buhok at sinabi, “I will help you get out of here if you agree to be my wife as long as you want.”

Napaangat siya ng mukha upang tingnan ang lalaki kung seryoso ba ito sa kanyang sinasabi. Sa kisame lang nakatitig ang mga mata nito at halata nga itong bulag kahit na normal naman kung titingnan ang kanyang mga mata. Gayunman, hindi nabawasan ang kagwapuhan nito. Pinasadahan niya ng tingin ang mga nag uumbukan na mga muscles nito sa braso at limang pakete ng abs sa tiyan. Ang hot niyang tingnan, sayang nga lang dahil isa itong bulag at baldado. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito ngunit hindi pa rin nakatingin sa kanya. Muli nitong inulit ang kanyang inaalok, “Be my wife,”

"Kung papayag ako, makakalaya ba ako kung ayaw ko ng maging asawa mo?"

"Of course, kapag nagawa mo na rin ang ipapagawa ko sayo kapalit ng paglaya mo. Pero sa isang kondisyon, bawal kang mabuntis. Isa akong bulag at hindi ko naman makikita ang anak ko. Kaya uminom ka ng contraceptives para hindi ka mabuntis."

"Paano kung mabuntis mo ako?"

"Then our marriage will be void. Hindi na kita magiging asawa at wala kang makukuha sa akin kahit na singkong duling."

“Tatanggapin ko ang alok mo," Agad na siyang sumang-ayon dito, mag-ingat na lang siya na hindi mabuntis upang magtagumpay siya sa plano niyang paghihiganti.

"May iba ka pa bang gustong hilingin maliban sa umalis dito sa club?"

Napaisip siya sa naging tanong nito sa kanya. "Wala naman akong ibang hangad kundi ang maghiganti sa mga taong nagkasala sa akin." Mahina niyang sabi habang nakatingin din sa kisame.

"Yun lang ba?" Muling tanong nito sa kanya na agad naman niyang tinanguan.

"Okay, as you wish."

Nang gabing 'yun, sumama siya sa lalaki palabas ng Twilight X Club. Akmang lalabas na sila ng pintuan nang hinarangan sila ng mga tauhan ni Madam Ritz.

"Teka lang po sir, hindi pwedeng sumama sayo ang babaeng yan. Sapat lang po para sa isang gabi ang binayaran ninyo." Habol hininga na wika ni Madam Ritz habang nakaharang sa harapan ng wheelchair ng Lalaki.

Kinapa ng lalaki ang card sa loob ng kanyang wallet. Hinimas muna nito ang naka embossed na pangalan sa card bago binigay sa manager." Sapat na ba yan upang lubayan mo ang asawa ko?"

Napaawang ang labi ni Madam Ritz, habang nakatitig sa Silver na Card sa kanyang kamay. "Dustin Crawford?" Gusto niya sanang isatinig ngunit hindi niya ginawa. Namumutla siya habang nakatitig sa pangalan nito na naka embossed sa card na hawak niya. Kilalang-kilala niya ang taong ito, dahil na kwento ito sa kanya ng kanyang kaibigan noon. Kahit buong syudad kaya nitong bilhin sa isang pitik lang ng daliri nito. Halos 80% ng banko sa buong mundo ay pag-aari nito kaya siya nakilala sa pangalan na "The Golden Zillionaire" ang kauna-unahang naging Zillionaire sa buong mundo dahil 30x digit ang wealth nito at mga piniling tao lang ang nakakaalam nun. Nalaman yan ng kanyang kaibigan dahil finance department manager siya sa DC Bank Corporation; ang kumpanya na pagmamay-ari ni Dustine. Ngunit sinabihan siya ng kanyang kaibigan noon na ilihim ang tungkol sa kanyang nalaman at hinding-hindi babanggitin ang pangalan nito lalo na kung kaharap niya mismo si Dustin. Dahil kapag ginawa niya mababalitaan na lang siya kinaumagahan na patay na. Hindi niya akalain na sa kabila ng kapangyarihan nito ay isa pala itong lumpo at bulag.

Agad siyang lumuhod sa harap ni Dustin. Biglang naging diyos ang tingin niya dito. "Maraming salamat po, sir. Sige po, sayong-sayo na si Rihanna." pagkasabi ay agad na siyang tumabi upang bigyan sila ng daan.

Biglang namutla ang mukha ni Madam Ritz nang mapansin ang nagbabanta na mga tingin mula sa mga mata ni Rihanna habang tinutulak ang wheelchair ni Dustin na dumadaan sa tabi niya. Nakikita niya sa mga mata nito ang kagustuhang maghiganti sa kanila.

Nang makaalis na ang dalawa kahit puno pa rin ng pangamba ang kanyang dibdib, muli niyang tiningnan ang card na hawak niya. Halos lumuwa ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala na nakahawak siya ng ganitong klaseng card. Sa buong mundo, iilan lang ang makakahawak nito. Ang centurion na black card ang siyang nangunguna na Card dahil walang limit ang laman nito. Kahit ubusin mo man ikutin ang lahat ng mall sa buong mundo hindi parin mauubos ang laman ng card dahil unlimited nga yun. At dapat bilyon-bilyon din ang gastos mo sa loob ng isang taon upang magkaroon ka nito. Ang silver card na hawak niya maikonsidera pa rin na milyonaryo ang sino mang mayroon nito dahil kailangan mo ring gumastos ng milyon sa loob ng isang taon upang maging qualified ka na magkaroon nito.

"Madam Ritz, bakit niyo hinayaan na makaalis ang babaeng yun dahil lang sa card na yan? Mas malaki ang kikitain mo sa babaeng yun." Nakabalik si Madam Ritz sa kanyang sistema nang marinig ang sinabi ng kanyang bouncer.

"Tanga ka ba? Hindi mo ba alam kung anong klaseng card itong binigay ng lalaking yun sa akin? Tanging milyonaryo lamang ang pwedeng magkaroon nito. Hahaha, maging milyonaryo na ako. Pwede na akong mag resign dito. Ayoko na ng maraming stress sa buhay."

Napaismid ang bouncer dahil sa sobrang excitement ng kanyang boss. "Madam, wag nyo lang po mamasamain ha, kung totoong mga milyonaryo lang ang may hawak ng silver card na yan, sa tingin mo kaya ibibigay niya sayo yan? Baka mamaya, peke pala ‘yan at niloloko lang tayo ng mga yun."

Agad na napalis ang excitement sa mukha ng ginang, dahil sa narinig. May katwiran ang bouncer niya. Paano kung ninakaw lang pala ng lalaking yun ang card na ito kay Dustin Crawford? Kinabahan siya, Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan sana ang banko, ngunit natigilan siya ng bigla niyang mabasa ang new message sa inbox niya.

"Congratulations, your name has been updated on the account with the balance of $1,553,234,399 (account number xxxxxxx452). It's ready for immediate use."

"1.5 billion dollars?" Bulalas niya, hindi pa rin makapaniwala sa nabasa niya. Talagang totoong card ang ibinigay nito sa kanya, dahil message mismo galing sa sikat na banko ang nag inform sa kanya. At ang malupit, dahil mabilis ang pagtransfer ng pangalan niya sa card na ito. Syempre, hindi na siya magtataka dahil may-ari mismo ng banko ang nagbigay sa kanya ng card na ito. Walang may nakakaalam na ang may-ari ng D.C Bank Corporation ay si Dustin Crawford, ngunit hindi na siya magtatangka pang ipagkalat yun, baka bukas hindi na siya sisikatan ng araw. Kahit bilhin niya ang Twilight X Club ng boss niya, hindi pa rin maubos ang laman ng card dahil sa laki ng pera na binigay sa kanya. Parang hindi siya makahinga. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap, maging mayaman na siya. Sa sobrang excitement, bigla na lang siya nawalan ng malay dahilan upang magtaka ang bouncer niya.

*******

ONE WEEK LATER

“Are you okay? Nanlalamig ka,” agad na nakabalik si Rihanna sa kanyang sistema ng maramdaman ang braso ng kanyang asawa na nakaakbay na ngayon sa balikat niya. Ang kanilang mainit na gabi noon sa Twilight X Club, ay nasundan pa, matapos nilang magpakasal sa New Hampshire at manatili doon ng isang linggo. Ngayon, sa kanilang pag-uwi ng pilipinas isa na siyang Mrs. Crawford, at nakahanda ng balikan ang mga taong nagkasala sa kanya. Malungkot siyang tumingin sa labas ng bintana ng cabin niya. Nakasakay sila ngayon sa private plane ng kanyang asawa. Alam niyang mayaman ito, ngunit hindi niya alam ang buong identity nito. Ngunit hindi na yun mahalaga sa kanya. Ang mahalaga, may kapangyarihang tao siyang masasandalan habang pinaplano niya ang paghihiganti niya.

“Wife, kanina pa kita tinatanong. Bakit, ano ba ang iniisip mo at parang wala ka sa sarili?” malambing nitong tanong sa kanya habang pinipisil ang kamay niya.

Parang gusto na niyang mangarap na sana totoo na lang ang pagiging mag-asawa nila. Ngunit batid niyang totoo nga silang mag-asawa sa papel ngunit hindi sa puso. Bago sila kinasal, mayroon silang dokumento na pinirmahan na nagsasaad na pwede silang maghiwalay, kapag, kapwa na sila nagtagumpay sa bawat layunin nila. Tutulungan siya ni Dustin upang makapaghiganti siya sa mga taong nagkasala sa kanya at tutulungan naman niya si Dustin upang bumalik sa kanya ang dating asawa at lubayan na siya ng kanyang itinuturing na pamilya. Yun din ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw nitong magkaanak silang dalawa. Nagpakasal lamang sila dahil kapwa nila napapakinabangan ang bawat isa.

“Paano mo naman nalaman na malalim ang iniisip ko? Nakikita mo ba ako?” nakangiti niyang tanong sa asawa.

“Hindi ko nga nakikita ngunit nararamdaman ko,” agad nitong sagot sa kanya.

“Wala. Iniisip ko lang kung ano ang magiging buhay ko ngayong asawa mo na ako.” naging sagot na lang niya sa asawa.

Nakita niya itong ngumiti at may kinapa na itim na card sa loob ng kanyang wallet atsaka binigay ito sa kanya. " Ito ang magiging buhay mo sa piling ko.”

Wala sa loob na tinanggap niya ito na may pagtataka. Hindi niya alam kung bakit binigyan siya ng Isang centurion na black card at may nakaukit pa na pangalan niya.

Tanggapin mo ang black card na sinadya kong ipalagay sa pangalan mo. Bilhin mo ang lahat ng gusto mo, pumunta ka sa kahit saang lugar na nais mo, gawin mo kung ano ang nakakapagpasaya sa 'yo, sakaling kulang pa yan sabihin mo lang sa akin."

Nakangiting tiningnan niya muli ang card na hawak niya bago muling nagtanong. "Ilan ba ang laman ng card na ito para alam ko kung magkano lang ang pwede kong gastusin?" Tanong niya sa asawa. Wala pa kasi siyang ideya tungkol sa black card dahil hindi pa siya nagkaroon nito. Sa loob ng tatlong taon niya bilang Vice president ng kanilang kumpanya nagkakasya lang siya sa mga credit cards or atm na binibigay ng kanyang ama. At lahat ng yun ay 500,000 pesos lang ang card limit. Gayunpaman, malaki ang naging savings niya doon kaya umabot siya ng milyon sa kanyang sariling banko. Ngunit hindi niya inakala na pati yun pina close account pa ng kanyang ama. Mabuti pa nga si Celine dahil minsan umaabot ng one million ang gastos nun sa isang buwan. Malamang may alam ito sa ganitong card dahil sosyalera naman yun at binibigay ng kanilang magulang ang kahit anong hilingin.

Nakita niya ang kanyang asawa na nakangiti habang nakatitig sa kanya, akala mo'y nakikita siya. Waring natatawa pa ito dahil sa tinanong niya. Pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong at sinabi. " Wife, nasabi ko na sayo kahit anong gusto mong bilhin mabibili mo. Ikaw na ang bahala, binigay ko na sayo, ang card na yan."

Sa pag-akalang gino-good time lamang siya nito, tuwang-tuwa siyang nagtanong muli, "Oh? Paano kung buong Department store ang bilhin ko, kakayanin ba?"

"Yes, kahit buong mall pa."

Muli siyang napahalgalpak ng tawa. Alam niyang Gino-good time talaga siya ng lalaki. Muli na naman niya itong inasar. Paano kung kumpanya ng ex-boyfriend ko ang bilhin ko, kasya ba ang laman ng card na ito?"

"Kahit ang ex boyfriend mo pa mismo ang bibilhin mo, hindi pa rin mauubos ang laman ng card na yan. Pero wag mo lang siya dalhin sa bahay kapag nabili mo na siya, baka ako mismo ang papatay sa kanya."

Agad siyang natigilan dahil sa sinagot nito sa kanya. Sa pagkakataong ito, hindi na siya tumawa pa. Nahalata na niyang seryoso pa rin ito habang kinakausap siya. "Hindi nga, seryoso?" Muling tanong niya, hirap pa rin maniwala.

"Nasa mukha ko ba ang nagbibiro?"

Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Araceli F Floranda
so beautiful story I like it
goodnovel comment avatar
Annabelle Pendon
ilike the story
goodnovel comment avatar
Alif Cooking
gak ngerti bahasanya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status