Share

Chapter 3

Amari Vann

"Enzo, gumising ka na ha? Kailangan ka pa ni ate" I bit my lip and stopped myself from crying while I am holding my brother's hands.

Bumisita ako sa kanya today, halos every other day naman ay nandito ako to check him.

He is so thin, almost lifeless pero alam kong lumalaban sya, lumalaban sya para sakin, para makasama ako.

"Ms. Reyes" napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Dr. Toledo na main doctor in charge kay Enzo.

"Doc, good morning po"

"Wala ka bang pasok sa work today?"

"Mamaya pa hong gabi ulit, kaka out ko lang po, marami pong customers ang casino kagabi"

"I see, dumaan ako para makausap ka"

"Kung pipilitin nyo ako to give up on my brother, I won't do that, hindi ko po gagawin iyon" I firmly said to him.

He smiled. He is around 40 I guess.

"You're a good sister, a tough woman" he commended me. "I am here for the opposite reason, I am not sure pero merong sikat na method from US, marami ang nagigising from coma, it is a therapy and I already spoke with the doctor who can possibly do it for Enzo"

"Totoo po?! Oh my gosh!"

"It's just that it is costly, pero I think you would be interested, pwede mong kausapin yung nasa admin office regarding it"

"Thank you po doc!" sabi ko bago ito lumabas.

Mabilis akong lumapit sa kama ni Enzo.

"Gagawin lahat ni ate para sayo, gagaling at gigising ka na bunso"

2.5 million pesos.

That is the amount I need para doon sa procedure na gagawin kay Enzo.

Saang lupalop ako makakahanap ng ganoon na kalaking pera?

Naglalakad ako pauwi sa apartment ko ng may madaanan akong nagtitinda ng mga tusok-tusok.

Hindi pa pala ako nanahanglian, kaya pakiramdam ko ay nanghihina ako at nahihilo.

I was about to grab a stick para sana kumuha ng kwek-kwek ng makaramdam ako na parang hinahalukay ang sikmura ko at masusuka ako dahil sa itsura at amoy ng kwek-kwek.

I immediately walked away, maybe I need to rest. Kailangan ko lang magpahinga.

I haven't been getting enough sleep lately din, madalas ay naka overtime ako sa trabaho at hindi na nagpapahinga dahil sunod-sunod ang gastos para kay Enzo at idagdag mo pa yung masamang damo na si Sir Alex.

I felt my phone vibrating kaya I immediately answered it, it's a phone call from Hanna, kakauwi lang daw nya sa bansa dahil after ng birthday nya ay nag take ito ng 30 days trip sa Europe.

Isang buwan na din pala nung gabing iyon. I might be lying pero madalas ay naiisip ko sya pero sigurado akong hindi ako pumapasok sa isipan nya.

Art Theodore Dela Cuesta.

Only after that night I found out how popular and powerful he really is. There is a photo of us that circulated all over the internet, pasalamat ako dahil hindi ganoon kalinaw ang kuha sakin pero still, nag viral iyon, maraming nanghinayang at marami ang nagalit na fan girls nya pero in less than 24 hours, the photo was removed, and Theo gave a statement himself na hindi nya nga daw ako dini-date.

I actually felt bad at first pero totoo naman ang sinabi nya. One night stand lang iyon, wala ng iba, ano bang ini expect ko?

Madalas na rin naman masangkot sa mga ganoong scandal si Congressman Art pero naglalaho yun ng parang bula, magaling at mayaman ang pamilya nya, hindi na nakakapagtaka.

"Vann!" he called me kaya kusa akong napatuwid ng tayo.

Nandito na naman itong si Sir Alex. Kilala sya ng lahat sa lugar namin, mayamang matandang lalaki, the typical sugar daddy type.

"Sir Alex, pasensya na po pero wala pa po akong ibabayad sa inyo" I said honestly to him.

Nasa tapat sya ng maliit kong apartment. Panigurado magagalit ito dahil hindi ako makapagbayad.

"You have to accept my offer, alam kong nahihirapan ka na sa buhay" he said kaya napatingin ako sa kanya. "I will support you and your brother's financial need, all you need is to come to me"

I swallowed. Anong sasabihin ko? Pero baka ito na lang talaga ang paraan para makatakas ako sa impiyernong kinaroroonan ko.

"Do you have 2.5 million for my brother's therapy?"

Mukhang nabigla sya sa amount na sinabi ko.

"Malaking halaga pero dahil you are worth investing, I will provide and pay for it, kaya sasama ka na ba sakin Vann?"

I sighed.

"Pag-iisipan ko ho"

"I'll give you a week, hindi mahaba ang pasensya ko"

I just nodded and I was finally at peace nung makapasok ako sa apartment ko.

I sat down and that was the last thing I remembered before everything went black.

"Vann!" boses ni Hanna ang unang bumungad sa akin. "What happened to you?! Okay ka na ba?"

She helped me sat down at isinandal ko ang likod ko headboard.

"Hann, anong nangyari?" I asked.

"Binisita kita sa apartment mo tapos nagulat ako ng makita kang walang malay so I rushed you here. Bakit ka naman hinimatay? Hindi ka ba kumakain sa ayos?" she asked me, sobrang worried nya.

Ako rin ay kinabahan dahil hindi naman ako basta-basta nagkakasakit.

"I don't know, hindi ko rin alam baka dahil hindi ako nakakain, pero okay na ako, alam mo namang di ako pwede mag stay ng matagal sa ospital, gastos ito"

"Amari Vann naman!" sumimangot ito sakin. "Don't worry about the bill, okay? Pag-aari ng pamilya ng tito ko itong hospital"

"Ni Sen. Dela Cuesta?" I asked. She nodded.

Minsan sa sobrang close namin nakakalimutan ko talaga na kabilang sya sa mga pamilya ng sikat at makapangyarihang tao.

"Han, thank you, okay na ako, gusto ko ng umuwi, may shift pa ako sa casino"

She held my hand.

"Ang tigas-tigas ng ulo mo, Vann! Pero, let's wait for your doctor muna, if nag agree sya na umuwi ka na then we will go home na, okay?"

"Okay, sige" I finally surrendered dahil ganyan yang si Hanna, mapilit sya.

We waited for almost half an hour before my assigned doctor came in.

"So, how is she?" Hanna asked right away.

"Over fatigued ka hija, are you taking enough rest, you should eat properly lalo na sa condition mo ngayon, delikado ang first trimester sa lahat"

"What?!" sabay naming sabi ni Hanna, mabilis na bumaling sakin ang bestfriend ko.

"Oh, it seems like you don't know yet, you are pregnant prolly 4-6 weeks, our head OB will have to check you to determine the accurate weeks of your pregnancy"

May mga sinasabi pa sya pero parang kinakain ako ng thoughts ko.

Ngayon pa ako nabuntis.

It was just one night!

Isang gabi lang iyon, how come?!

"Amari Vann!"

I am pregnant, that's why I love to sleep a lot these days, kaya hindi ako makakain ng maayos at parang isusuka ang lahat, that's why I feel weak at madalas mahilo.

"Vann, why are you crying?"

"Hija, hindi ka dapat ma stress, maybe you can help your friend to calm down, I'll leave you two alone"

"Vann" bumaling muli sakin si Van, mabilis nyang pinunasan ang luhang kusa na palang naglalandas sa pisngi ko.

"I can't have this right now, Han. Lalo na ngayon na kailangan ako ng kapatid ko"

"Vann, who is the father? Wala ka namang boyfriend, are you dating while I am in Europe?"

I looked at her intently, wala syang alam, she doesn't know I am carrying her cousin's child.

I want to tell her, I really want to, malamang sinabi ko na ito kung hindi lang dahil kay Art.

I don't want to bother him. Ayokong makagulo pa sa kanya.

"Vann!"

I slowly shook my head.

"I don't know"

"What do you mean you don't know?!"

"I don't know, hindi ko alam, I slept with several guys these past few weeks!"

A lie. A big fat lie!

I gave my virginity to him.

I only slept with one man.

With

Cong. Art Theodore Dela Cuesta.

I am carrying one of the Dela Cuesta now.

"Vann naman! What happened? Nasaan ang safe sex?! Na stress ka ba ng sobra kaya you did that? Sabi ko na nga ba dapat hindi ako umalis or pinilit na lang kitang sumama sa tour ko" hawak ni Hanna ang ulo nya na animo nanay ko.

"Han, I am sorry, ayoko na ding dumagdag sa isipin mo"

"How can you say that?! You're my bestfriend, of course I will always think of you" she held my hand. "Pag isipan mo, okay? It's your body, if you wanna keep the baby or not, I'll be here to support you"

"Thank you, Hanna"

"Just sit down there, okay? Kakausapin ko lang yung admin" sabi ni Hanna sakin kaya wala na akong nagawa, I sat down quietly.

"Grabe ang pogi talaga ni congressman"

"Kahit halos araw-araw sya dito ay kinikilig pa din ako"

"Nandito din si Ms. Hanna, yung sikat na flight attendant-model, ang ganda sa personal!"

Napatingin ako sa mga nagku kwentuhang nurse na dumaan ngunit sa pag angat ko ng tingin ay ibang tao ang nakita ko.

Mabilis akong pinanlamigan ng magtama ang paningin namin, I immediately looked away, hoping that he didn't recognize me.

"Amari"

Damn.

Napalunok ako bago ako dahan-dahang nag angat ng tingin sa kanya.

"Congressman Dela Cuesta" I formally greeted him.

Tila nagulat sya sa itinawag ko sa kanya because I am clearly setting boundaries between us.

"What are you doing here?"

"I'm-I"

Tila bigla akong na blangko. Anong sasabihin ko?

"Are you okay? You look pale, nagpa check up ka ba dito sa hospital namin-

"No!" nabigla pa ako sa pagtaas ng boses ko. "I'm with, I'm with Hanna"

Kumunot ang noo nito saglit bago ngumiti.

"Why is my cousin here? Did she do something naughty again? Reckless driving?"

"No, nothing like that"

Geez, can he please stop talking to me! Hindi ako makahinga dahil kung para lamang sa kanya ay wala lang ito, well sa akin, HINDI!

I am talking to a man na naka one night stand ko at ama ngayon ng batang nasa sinapupunan ko. I won't tell him! Why would I?

"Hon! Ang aga mo namang dumating!"

A woman came out from a doctor's office, she looks beautiful, he hair is dyed na parang ginger-brown color, na nakakapagpaputi sa kanya ng husto, matangkad din ito sa akin and she really smell good. Magandang babae at mukhang isang doktor.

She kissed Art on the lips and that's how I know that this woman is not the same level ng mga hinarot ni Art, this woman is the one that he loves.

Yung mga tingin palang nya dito ngayon ay nagsasabing tama ako.

"Maaga akong natapos sa commitments ko, so I thought maybe we can go out, unless may patients ka pa"

"No, no worries! Alam ko namang mainipin ka, patapos na din naman ako"

I looked down, hindi ko alam kung anong meron sakin pero naiinis ako sa nararamdaman ko.

"Vann, let's go na" Hanna is back holding a white paper bag, na sa tingin ko ay mga gamot para sakin at kay baby.

I immediately stood up, I almost ran to her dahil baka may masabi pa sya.

"T-tara na"

"Hanna, ano na namang ginawa mo at nandito ka sa ospital?" Art asked kaya napahigpit ang hawak ko kay Hanna.

Hanna looked at me then looked at Art.

"Ikaw, bat nandito ka na naman, ginugulo mo na naman tong si Mira" Hanna then rolled her eyes.

"Hindi ko ginugulo ang girlfriend ko" Art said.

"Kayo talagang dalawa, who are you with Hanna, maybe you can introduce us to her" yung girlfriend ni Art ang nagtanong kaya I was forced to turn around ng iharap ako ni Hanna.

"Oh, this is Amari Vann, my friend" pagpapakilala nya sakin kaya tumango na lang ako. "Vann, this is Art, I know you already know him kasi nakakalat ang pangalan nyan sa bayan natin and this is Dra. Mira Soledad, girlfriend ni Art, they just got back together"

I just faked a smile pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang tingin ni Art sakin, hindi ko alam kung kaya sya nakatingin ay dahil naiinis ito sa presensya ko.

"If you'll excuse us, kailangan na naming umalis"  Hanna said and before she pulled me slowly away from them.

I stood there waiting for Hann, dahil sya na lang ang naglakad para kuhanin ang kotse nya.

"Amari"

Kusang nagtayuan ang balahibo ko ng marinig ko ang boses nya sa likod ko.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya, seryoso ang mukha nito.

"I hope you're not here looking for me"

Mabilis akong pinanghinaan ng loob, nakakainsulto ang sinabi nya pero wala akong lakas makipagtalo sa kanya.

"No, sinamahan ko lang talaga si Hanna, hindi ko ini expect na makita ka dito"

He nodded.

"Ipapaalala ko lang sayo, what happened between us, it's nothing, wala lang yun and I wouldn't want Mira to know about it"

He really loves her.

"Naiintindihan ko"

"What happened between us if the people and media will know-

"I know, it will be a scandal, you dating a woman not from a powerful family like yours, what a shame, right?"

He sighed.

"Take care"

"You too" sagot ko bago ako naunang tumalikod at iwanan sya.

Tama lang, tama lang na huwag nya ng malaman pa ang tungkol sa magiging anak namin.

I am just a scandal.

Another scandal.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status