Halos alas kwatro na ng umaga pero gising na gising parin si Jann habang sinisimsim ang alak sa baso niya. Mag-iisang oras na rin simula ng umalis si S, pero hanggang ngayon ay gising pa rin siya at hindi na dalawin ng antok. Kahit ano ang gawin niya ay hindi maalis ang imahe nang mukha nito sa utak niya. Ayaw man niyang aminin pero may parte sa pagkatao niya ang nami-miss ang dalaga.
Kanina ay nagpipigil lamang niya pero gusto na niya iyong hilahin at yakapin. He misses her for a weird reason.
Sinubukan niyang habulin kanina si S, pero hindi na niya naabutan ang elevator na sinakyan nito. Pagkababa naman niya ay wala na rin ito na sinadya atang umalis agad para 'di niya maabutan.
He has a lot of questions na gusto niyang itanong sa dalaga pero pakiramdam niya ay galit ito dahil sa ginawa nitong pag-iwas sa kanya.
Nasa gitna siya ng malalim na pag-iisip ng mapalingon siya sa tunog ng cel
SANDRA'S POV"These are the files you are asking last week, Dr. Olivarez." Nakangiting inabot sa akin ni Dr. Lopez ng CT-scan department ang folder na hawak niya. Last week ko pa ito ni-request pero dahil buwan na rin ang nakaraan simula nang mai-release ito kaya naman natabunan na ng iba pang results sa opisina niya."Thank you, Dr. Lopez.""Hopefully makita mo ang hinahanap mo sa files ni Mr. Ynares.""Sana nga, hindi kasi talaga nagma-match ang ilan sa test results ko nitong mga nakaraan sa kanya. Pinag-aralan ko na lahat ng nakuha kong results pero may hinahanap pa rin akong data na kailangan ko para makapag-proceed sa next step." Ngumiti naman ito bago ako lumabas ng opisina niya.Mr. Ynares is my patient who suffers from CAD or coronary arteries disease. Kaya kailangan kong pag-aralang mabuti lahat ng mga test result na hawak ko kasama na 'yong mga past results
"W- what?" Napa-kunot ang noo ni Sandra habang nakatingin sa lalaking relax na relax na naka-upo sa harapan niya."I'm taking you out to have breakfast with me.""Do I look like a food to you for you to just say you're taking me out? And why should I join you for a breakfast?""No. I mean, have breakfast with me." Seryoso pa rin iyong nakatitig sa kanya na ikina-i-ilang niya. "And I think you owe me atleast a breakfast?"Pakiramdam niya ay tumatagos sa pagkatao niya ang ginagawang pagtitig ni J sa kanya."I'm busy and I've had breakfast already. Isa pa, nagpasalamat na ako. I think that's enough. I don't owe you anything." Umiwas siya na magsalubong ang mga mata nila ng binata."And will you just go? I don't take visitors during my working hours because as you know, this is a hospital. You returned my cell phone, well, thank you for that. I see no reason for us to talk anymore because I have a lot of things to do and I know you a
"Dad, you know I can't go. My schedule is full for this week. Saka hindi ba kararating niyo lang from Berlin? Hindi ba kayo napapagod? You can always move the schedule for next week para naman makapagpahinga muna kayo ni mommy." sagot ni Sandra sa Daddy niya na kanina pa ata tumatawag pero hindi niya agad nasagot dahil kagagaling lamang niya sa last patient niya. Kaninang alas-dose pa sana siya naka-out pero may humabol na dating pasyente niya na nakiusap para lamang maka-usap siya tungkol sa medical records nito. Paalis kasi ito papuntang US para sa heart operation."It's okay, saka ano ba ang tingin mo sa amin ng Mommy mo? Mas malakas pa kami sa kalabaw, ano? Tama na ang ilang araw na pahinga. Saka humabol ka na lang sa Batangas, alam mo naman na outing para sa buong pamilya 'yon. Your brothers will be there, kasama ang mga pamangkin mo."Tumigil saglit si Sandra sa tapat ng elevator saka sunod-sunod na pinindot iyon. "I'll try Dad but I can't promise. I'll be riding
"May dumi ba ako sa mukha, Miss Olivarez?" Tanong ng binata habang nakatingin kay Sandra na nakatitig lamang sa kanya. Kunway hinarap pa nito ang rear mirror saka sinipat ang sariling mukha sa salamin."What are you saying again?" ulit na tanong ni Sandra sa lalaking kaharap niya. Gusto niyang malaman kung namali lamang ba siya ng rinig o baka naman nagbibiro lamang ito para makuha ang atensiyon niya dahil kanina pa niya ito iniiwasang kausapin."Date me and have your breakfast, lunch and dinner with me." Wala sa mukha ni Jann ang bahid ng pagbibiro dahil seryoso na rin itong nakatingin sa babaeng kausap."Why are you saying that?" Puno ng pagtataka ang mga mata ni Sandra."Saying what?""A... about me, dating you. And why should we e-eat together?" nauutal na tanong niya."Because I want to know you more, to---""You don't know me that well yet. You just saw me on that island and we just talked for almost less than a day. Then we sto
Dinala si Sandra ng binata sa isang sikat na Italian restaurant sa Makati. Pamilyar si Sandra sa kainan na 'yon dahil madalas na marinig niya ito sa ilang kakilala at katrabaho niya sa ospital.Simula ng pumasok ang dalawa hanggang maka-order ng pagkain ang lalaki ay mas minabuti ni Sandrang hindi umimik. Tahimik lamang na inabot ng dalaga ang menu folder saka seryosong binuklat iyon. Tila lumiwanag naman ang mukha ng dalaga ng makita ang nakasulat na mga menu doon habang si Jann naman ay tahimik na nakamasid dito."I want this Minestrone e Francobolli and spicy Kobe meatballs." sabi nito sa katabing waitress na naghihintay ng order niya. "And this... Crunchy Sicilian pastry rolls filled with riccotta cream.""Is that all Ma'am?" Tanong muli ng waitres sa kanya."Also this Eggplant parmigiana." Seryoso pero nangingiting habol niya sa waitress. Si Jann naman ay lihim na napapangiti habang natatakpan ng menu folder ang mukha."How about you, si
"What do you do for a living, hijo?" Tanong ni Amadeo sa binata.Hinayaan na lamang ni Sandra na mag-usap ang dalawa habang siya naman ay abala sa pagkain. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay gutom na gutom siya kahit kumain naman siya kanina nang pasta at ice cream kasama ang ilang kasamahang doktor."I have a small business, Sir. It's like buying and selling cars." Paliwanag nito.Si Sandra naman ay tahimik lang nakikinig. Nananalangin na sana ay walang masabing kung ano si Jann sa kanyang ama lalo na at alam niya kung paano ito mag-isip."Maganda iyon. Oo nga pala. Matagal na ba kayong magkakilala ng anak kong ito?" Tumingin pa ito sa anak nitong si Sandra na kasalukuyang kumakain."Dad! Ang dami mo namang tanong. Can we just eat?""No, It's alright." Sagot naman ni Jann bago ngumiti kay Sandra at binalingan ang ama nito. Naramdaman pa ni Jann ang bahagyang pag sipa ulit nito sa paa niya sa ilalim ng mesa pero inignora lam
"What the hell are you doing, Jann?! Are you crazy?" Sabi agad ni Sandra nang makalayo sila bahagya sa table kung nasaan ang kanyang ama. "Bakit gano'n ang sinabi mo sa Daddy ko? Are you crazy?!"Hindi na pinatapos pa ni Sandra nang pagsagot kanina ang binata at agad niya itong hinila paalis para makapag-usap sila. She's starting to get crazy because of what this man is telling to her father."I don't see what's wrong with what I say." Prente nitong sagot at nakuha pang mamulsa habang nakatingin sa kanya nang seryoso."We don't even know each other, yet. Kagabi lang tayo nagkita for pete's sake! Stop this whatever game you are playing with me!""You mean, 'muling nangkita'. Saka puwede ba Sandra, hindi ako nakikipaglaro o 'di kaya ay nagbibiro." Paglilinaw nito."You are making things complicated. Hindi mo kilala si Daddy at wala kang alam sa pamilya ko to say that without my permission! Ano ba'ng trip mo, ha?""Hey, lower your voice. Relax,
Pasado alas nuwebe na nang makarating si Sandra sa condominium niya pagkagaling niya sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Jann. Para hindi na gaanong mag-isip pa ay agad na rin siyang naglinis ng katawan para maghanda para matulog. Halos ilang oras lamang din kasi ang naitulog niya dahil mag-uumaga na rin siya nakauwi kagabi at 'yon at dahil din sa lalaking ayaw na niyang makita pa, ang binatang nagpakilalang si Jann.Habang nasa byahe siya kanina ay tila hinahatak ang mata niya sa sobrang antok mabuti na lamang at nalabanan niya iyon lalo na at nagmamaneho pa naman siya. Ngayon naman na nasa condo na siya ay 'di na siya dalawin ng antok dahil sa samu't-saring nagsusulputan sa isip niya tungkol sa nangyayari sa ama niya at kay Jann sa siguro'y umiinom pa rin sa mga oras na 'to.Ayaw naman niyang tawagan ang Daddy niya dahil baka kung ano lang ang isipin nito at mapunta na naman kay Jann ang sagot nito. Hindi kasi maikakaila na gusto ng kanyang ama si Jann par