Share

CHAPTER 4

Zanevy Frealiza.

NAKITA kung na gulat si Thyme ng makita ako. Dali-dali naman siyang tinakpan ang poste niya na kumakaway sa akin. Nagtungo sa kama at ipinupulot sa lower part ng katawan niya ang kumot.

Napalunok ako ng makita ko ang katawan niya halos naka-ilang kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Puno ng tattoo ang katawan niya. Hindi ko malaman kung anong ibig sabihin ng mga arts sa katawan niya pero isa lang ang alam ko sa isang tingin dito. Nakakatakot. Para itong mga symbol na may malalalim na kahulugan.

"Wahh! Papa!" Natataranta kung sigaw dahil hindi ako maka-move on sa nakita ko.

Huhu ang baboy ko, kay babae kung tao nakakita ako ng higanteng poste na mahabang malusog tapos iyong katawan niya wahh! nakakahiya.

Tatakbo na sana ako papalabas ng kwarto niya ng maramdaman kong hilain niya ako. Nanlaki ang mata ko ng mawalan ako ng balance at bumagsaka ako sa kama dahil hawak niya ako na hila ko rin siya.

Nanlaki ang mata ko ng mapag-tanto ko na nakapatong siya sa akin, nakita kong gulat rin siya pero kaagad ring napalitan ng nalokong ngiti at hinila niya papatalukbong sa amin ang kumot malalaking matang nakatitig ako sa kaniya kasabay ng halo-halong kabang naramdaman ko. Wahh anong gagawin niya?

Papa help!

Itinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag, sisigaw na sana ako ng takpan niya ang bibig ko at inilapit niya sa tenga ko ang bibig niya kaya amoy na amoy ko ang shower gel niya at ang sarap singhot-singotin.

"Shh... Fuck, baka may makarinig sayo," Bulong niya sa akin at tinanggal ang kamay niya sa bibig ko at nakikita kong na saktan siya sa ginawa ko.

Naramdaman ko rin na may matigas na bagay na nakatutok sa tummy ko, huhu ang higanteng Titi! Wah! Kinagat ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko pero 'di niya tinanggal ang kamay niya.

“How’s it?” He asked playfully.

“H-huh?” Inosenteng tugon ko kahit alam ko ang tinutukoy niya.

“What can you say about my dick?”

“Gago! Manyak!” Nagpumiglas ako sa kaniya.

“Ikaw. Ikaw Ang nangbuso...” He smirked.

“Hindi kita binubusuhan! Malay ko ba na naka-hubad ka! Tabi na nga diyan!”

“Kiss muna?” He demanded. Inirapan ko siya para kasing bata ang mukha niya at parang candy lang ang kiss na hinihinggi niya.

“Heh!” Saway ko sa kaniya.

Ngumisi naman ito at dahan-dahang inilapit sa mukha ko ang mukha niya. Nasa labi ko nakatutok ang mga mata niya. Hindi pwede—

Bumukas ang pinto!

Nagkatinginan kami ni Thyme ng marinig namin ang pagbukas ng pinto kaagad niyang ibinaba ang kumot.

Nagulat ako ng makita si Grace sa labas ng pintuan na nakatitig sa amin. Nakikita ko ang pagakagulat sa mukha niya maya-maya pa ay nakita kong nag-aapoy sa galit ang mukha niyang sumugod sa amin.

"Walang hiya ka!" Sigaw niya ng makalapit sa amin at hinawakan niya ako sa buhok at hinila niya ako papatayo.

"Mang-aagaw ka!" Napaiyak na lang ako ng bigla niya akong sampalin ng maka-alis ako sa kama bago hinawakan ang buhok at napa-hawak na lang ako sa kamay niya na nakasabunot sa buhok ko.

“Malandi ka! P****k!” Pinagsasampal ako ni Grace habang sinasabunutan.

"A-aray, aray ko Grace, n-nasasaktan ako." Pigil ko sa kaniya ng naglalakad siya papalabas ng kwarto.

"Fuck! Stop it!" Baritonong boses ni Thyme.

Naramdaman ko namang binitawan ni Grace ang buhok ko nakita kong tinulak ni Thyme papalayo sa akin si Grace.

"Kung gumagant—"

"Who the hell are you to enter in my fucking room?! Damn! You don't have a right!" Putol ni Thyme sa sasabihin ni Grace.

Naramdaman kung hinila niya ako papalapit sa kaniya. Nakahawak ako sa pisngi ko na sinampal ni Grace habang tahimik na umiiyak.

"Sa susunod na sasaktan mo si Zane, akong makakalaban mo." Nag-angat ako ng tingin kay Thyme. Nakita kong paano siya makatingin kay Grace na para bang papatay siya ng tao.

"Hindi pa tayo tapos, humanda ka!" Dinuro ako ni Grace bago siya tuluyang naglakad papalabas ng kwarto ni Thyme.

Napatingin ako kay Thyme, nakatingin rin pala siya akin seryoso siyang nakatitig sa akin at naramdaman ko pang niyakap niya ako bago pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Hush... I'm sorry," Bulong niya sa akin.

Mas lalong akong umiyak, papaano kung magsubong si Grace Kay Papa? Isa pa sinabihan ko pa siya na kaniyang-kaniya si Thyme, pero ito ang makikita niya, baka kung ano pa ang isipin niya at makarating kay Papa. Ayaw kung itakwil niya ako.

Sa sobrang kabang nararamdaman ko tumakbo ako papunta sa kwarto ko, hindi. Hindi maari ayaw kong palayasin ako ni Papa.

"Zane!" Hindi ko pinansin si Thyme at dumiretso ako sa kwarto ko.

Thyme Xenon.

NAPASABUNOT ako sa buhok ng dahil sa inis! Buwisit! Hindi ko man lang na gawang ipagtatanggol si Zane na sinasaktan sa harapan ko, puta! Para akong naging bato ng makita si Grace na pumasok sa loob ng kwarto.

Hindi ko alam kung para saan ang pananakit na binigay niya kay Zane, walang kami at wala siyang dapat ikagalit doon. Maliban na lang kung inaapi niya palagi si Zane.

Ano ba talaga ang gustong palabasin ni Grace? Hindi masamang babae si Zane. I know she's a good person, I can see that she grow up with full of love and care. It's my fault. Kung hindi ko sana siya hinila para pagtripan hindi sana kami maabutan ng Grace na iyon na sa ganu'ng position.

Pagkabihis ko ay kaagad akong bumaba para kausapin si Zane pero kaagad akong napatigil sa pagbaba hagdan ng makita kong umiiyak si Zane sa sala kaharap si Mayor—ang Papa niya.

Damn! Nakita kong nakaupo sa tabihan ni Mayor ang asawa niyang si Gloria at nakaupo naman sa isang sofa si Grace habang si Zane ay nakaluhod sa harapan ng Papa niya na umiiyak habang nakayuko.

What I saw is all my fault.

"P-papa, m-maniwala ka, please... Papa! *sniff* w-wala kamin g-ginagawang masama ni Thyme," Nagmamaka-awang sambit ni Zane.

Nakita ko namang napangiti si Grace na parang tuwang-tuwa na nakikitang nakaluhod sa harapan ng ama si Zane. Na ikuyom ko ang kamao ko at masamang tingin ang tinapon ko kay Grace. Paniguradong siya ang may kasalanan kung bakit umiiyak si Zane at kung bakit ito nagmamaka-awa sa Papa niya.

Hindi niya kailangang lumuhod para magmaka-awa na alam niya namang wala siyang ginagawang masama. She's very kind, she can fight for her but she didn't.

"Hindi sa hindi ako na niniwala sayo, anak. Pero malinaw na sinabi ni Grace na magkasama kayo ni Thyme sa kwarto at magkapatong sa kama, sa tingin mo? Kapani-paniwalang wala kayong gainagawang masama?" May diing sambit ng Ama ni Zane.

Malinaw rin sa nakita ng putanginang Grace na ‘yan walang kahit isang damit na natangakal sa katawan ni Zane!

Halatang pigil ang galit ni Mayor. Ano naman kung may mangyari sa amin ni Zane, magiging mag-asawa na naman na kami, ah? Bakit siya magagalit? Tsk!

Lumapit ako sa kanila. Hinila ko papatayo si Zane. Bakit kailangan niya pang lumuhod na alam niyang wala siyang ginagawang mali? Damn it! Kung meron mang may kasalanan dito ay si Grace iyon! Masyado siyang madaldal na wala namang katutuhanan.

Na gulat silang lahat sa ginawa ko, pinaharap ko sa akin si Zane at pinunasan ko ang luha niya. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat ganu'n rin ang nga tao rito sa sala. Wala akong paki-alam.

"Hush, you don't need to kneel just to ask a forgiven if you know that you didn't do wrong." Nagkatitigan kaming dalawa ng sinasabi ko iyon sa kaniya.

“Hush now.” Pinunasan ko ang pisngi niya.

Pinunasan kung muli ang mga luha niya na tumulo sa kaniyang pisngi gamit ang hintuturo ko.

"Shh, don't cry." Bulong ko ulit sa kaniya.

"Ako pa ngayon ang sinungaling? Tito, maniwala kayo maliwanag pa sa sinag ng araw na nakita ko silang gumagawa ng kababalaghan dito sa bahay niyo. Impossible namang wala na, babae si Isay at lalaki si Thyme, sa tingin niyo ba wala talaga?"

Maarteng sambit ni Grace at tumayo pa siya naglakad siya papalapit sa amin ni Zane. Masamang tingin ang itinapon niya sa aming dalawa.

"Bakit ba kasi hindi mo pa aminin? At ginagawa mo pa akong sinungaling Isa, ang sabihin mo ayaw mo lang na itakwil ka ni Tito dahil sa ginawa mo!" Tumikhim si Mayor kaya napatingin kami sa kaniya.

“Kita mo naman Tito kung paano siya kampihan ni Thyme kasi nga nag sex sila!” Dagdag pa ni Grace.

“Mark your words woman.” I warned her.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ni Grace at Zane. Ramdam ko rin na iba ang tingin sa akin ni Mayor siguro dahil sa tingin niya ay may ginagawa ako sa anak niya.

Kung lalaki lang siya kanina ko pa siya binugbog! Pa salamat siya at may kaunti pang respeto na natitira sa loob ko!

"Grace maupo ka," Mahinahon na utos ng asawa ni Mayor. “Wag kang sumigaw.” Saway nito.

"Sa mismong harapan ko Thyme, aminin mo. May ginagawa ka bang hindi maganda sa anak ko at sa mismong pamamahay ko pa?!”

Napalunok ako sa tanong ni Mayor. Nakatitig siya sa akin at sinalubong ko ang kaniyang tingin bago nagsalita.

Alam kung gago ako pero iba si Zane. Sa ilang araw naming magkasama ni minsan hindi pa naglapat ang labi naming dalawa!

"Sa tingin mo Mayor, magagawa ko iyon sa anak mo? Bakit hindi mo paniwalaan ang sinasabi ni Zane, total siya naman ang anak mo. Alam mong napalaki mo ng tama ang anak mo bakit mo siya pag du-dudahan?"

"Kaduda-duda na magkasama kayo sa kwarto na walang nangyayari," Napangisi ako sa sagot ni Mayor.

Ganu'n siya ka walang tiwala sa anak niya o sa akin? Well, hindi ko siya masisi. He know me.

"Mawalang galang na Mayor pero hinahamon kita. Kapag napatunayan mong totoo ang sinabi niya," Bumaling ako kay Grace na may pagtataka sa mukha.

"Itakwil mo si Zane bilang anak mo at magiging trabador ako sa Rancho buong buhay ko." Dagdag ko pa.

"Thyme," Napatingin ako kay Zane ng tawagin niya ako nakita ko ring nasa amin ang mata ng lahat kasama na si Grace na may ngiti sa labi.

"Pero kapag napatunayan na walang nangyari sa amin ni Zane..." I look at her. She's looking at me, I give her an assurance look before I look at her father.

"Papakasalan ko ang anak niyo..." I look at Grace. “And you’ll be my Zane’s slave.”

Deritsahang sabi ko na kinalaki ng mata nilang lahat. Naramdaman ko ang paghawak ni Zane sa laylayan ng damit ko dahilan para napabaling ako sa kaniya, nginitian ko siya.

"What?!" Protesta ni Grace.

Bakas sa mukha niya ang kaba, hindi ito mapakali sa kinatatayuan. Napatingin ako kay Mayor ng marinig kong tumikhim siya.

"Paano na damay ang anak ko dito?" Sabat naman ng asawa ni Mayor.

"Dahil siya naman ang nagsimula nito," Matapang kung sagot.

"Paano natin malalaman ang katutuhanan?" Seryosong sagot nito.

“Find a doctor to check her up," Deritsahang sagot ko. Iyon lang ang tamang gawin para malaman ang totoo.

"May kilala akong doctor na pwe—"

"Sure, Tita...” Ngumiti ako. “Alam kung may mga kilala kang experts dito. What do you think, Mayor?" Dagdag ko pa.

Dito ko mapapatunayang kung anong klaseng tao ba ang asawa ni Mayor. Sa gwapo kung ‘to trabador?!

"Tatawagan ko na ngayon mismo ang kakilala ko," Naglakad papa-akyat sa kwarto ang Ina ni Grace.

"Mag-usap tayo sa opisina ko." Naglakad papunta sa opisina si Mayor, nginitian ko si Zane at hinawakan ko sa kamay.

"Kayo lang ang mag-uusap ni Tito hindi kasama si Isay," Pigil ni Grace sa amin. Sinamaan ko siya ng tingin sa.

"But I want her to come with me, for safe. I can't see wrong with it." I smirked as I saw Grace looking at me unbelievable, I kiss Zane's forehead.

"Let's go, baby." Kinindatan ko si Zane.

Nakasunod kaming dalawa ni Zane sa Papa niya ng pumasok sa opisina nito, suminyas ito na maupo kami sa sofa.

"Ayaw ko na sana itong gawin pero bilang Mayor, tinatanggap ko ang hamon mo. Dignidad ng anak ko ang pinag-uusapan dito at ayaw ko siyang na aapi. Kung mapatunayang wala kayong ginawang masama, ibibigay kita ng pirmeso na pangalagaan itong Rancho ko kasama ang mga kondisyon na sinabi mo kanina...”

“At kung mapatunayang may ginagawa kayong hindi dapat, panindigan mo ang sinabi mo kanina at tatanggalan ko ng karapatan si Isa na mamahala sa Rancho’ng ito at ibibigay ko kay Grace." Nagkatinginan kami ni Zane.

Bakas sa mata niya ang takot at pangamba nakita kung nakayuko lang siya na para bang na hihiya.

"Deal?" Dagdag pa nito at inilahad niya ang kamay niya.

"Deal..." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.

"Thanks, Mayor.” Dagdag ko pa.

"Why are you always calling me Mayor? Call me Tito," Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Iwan mo muna kami anak ko para makapag-usap kaming dalawa." Tumingin ako kay Zane na nakatingin sa Papa niya.

I smiled at her. "Yes, Tito."

Lumapit ako kay Zane na nakatayo na. "Don't be nervous, wala kang ginagawang masama, nandito lang ako."

I give her an assurance smile, at pinisil ko ang tungki ng ilong niya bago naglakad papalabas ng pinto.

"Thyme, mag-uusap tayo mamaya."

Tumango ako kay Tito ng papalabas na ako ng pinto, nakita kung nakatingin sa akin si Zane kaya kinindatan ko siya bago ko tuluyang sinara ang pinto.

Zanevy Frealiza.

"HINDI MO ba bibigyan ng yakap si Papa? Akala ko pa si Papa lang ang gusto mong pasalubong?" Hindi ko mapigilang umiyak ng marinig ko ang sinabi ni Papa.

Akala ko galit siya sa akin dahil sa ginawa ko pero bakit pakiramdam ko hindi nagbago ang tingin niya sa akin. Na ako pa rin ang Princessa niya.

"P-papa..."

Tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak sa kaniyang balikat, hindi ko akalain na sa matagal naming hindi pagkikita ganito ang bubungad sa amin.

Miss na miss ko na siya at ayaw kong malayo sa kaniya dahil siya na lang ang mayroon ako.

"Anak, bakit mo ginawa 'yon?" Mahinang tanong sa akin ni Papa na ikina-iling ko, nakaupo kami pareho sa sofa at magkatabi.

"P-papa... Wala akong ginagawa, promise. Hindi ako gagawa ng ikakasira ng tiwala mo sa akin. Ang nakita ni Grace a-ay—"

"Ay kalokohan lang? Gawa-gawa niya?" Putol ni Papa.

Umiling ako, hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi ni Papa pakiramdam ko hindi siya sa panig ko.

"H-hindi, Papa. Kaya ako nasa kwarto ni Thyme para tingnan siya kung nakauwi kagabi, walang sumasagot sa kwarto akala ko wala siya kaya pumasok ako, tapos, na walan ako ng balanse kaya bumagsak kami ni Thyme sa kama aksedinteng nakapatong siya sa akin a-at sakto naman na bumukas ang pinto, 'yon ang naabutan ni Grace," Paliwanag ko kay Papa ng nakayuko.

Hinawakan ko ang kamay ni Papa ng hindi siya sumagot.

"Papa paniwalaan mo ako, please..." Napahagulhol ako ng pakiramdam ko wala akong kakampi ngayon, pakiramdam ko ang dumi ng tingin niya sa akin.

"Wag kang umiyak, malalaman natin ang katutuhanan patawarin mo si Papa kung pinag-isipan ka ng masama. May tiwala ako sayo dahil anak kita at mahal kita," Hinawakan ni Papa ang kamay ko at niyakap niya ako.

"Pero sa oras na napatunayan ang sinasabi ni Grace, pasensiyahan tayo anak, p-panindigan niyo ang mga sinabi ni Thyme." Saad ni Papa na ikinatingin ko sa kaniya.

Itatakwil niya ako?

"Oh siya, magpapahingga na muna ako, gusto kung makasabay ka sa pananghalian mahal ko, sa ngayon ay paniguradong may trabahong naghihintay sayo sa opisnang ito." Ngumiti sa akin si Papa kaya napatingin ako sa paligid ng opisina, malinis ito at wala kahit isang gamit ni Auntie Gloria.

"O-opo," Pinahid ko ang mga luha ko.

"Wag ka ng malungkot, ah?" Tumango ako sa sinabi ni Papa.

Pagka-alis na pagka-alis ni Papa na upo ako sa swivel chair at nagsimulang magbasa ng mga papel na nakatambak sa mesa. Kailangan kung basahin at pag-aralan lahat ng nandidito mula sa sales, revenue ng Rancho. Pilit ko mang pinag-aralan pero parang wala akong naiintindihan dahil okupado ang isip ko sa nangyari kanina?

Bakit ba kasi ako pumunta sa kwarto ni Thyme? Kasalanan ko naman talaga 'to kung tutuusin.

Wala akong ginagawang masama, malinis ako at alam ko ang totoo ang mga sinabi ko. Humingga ako ng malalim at pinagpatuloy ang babasa ng hawak kong report.

"Come in," Inayos ko ang pagkakaupo ko ng marinig ko ang katok sa pinto.

"Good morning Ma'am Isa," Napatingin ako sa bumati sa akin tinanggal niya ang sumbrero niya at bahagyang yumuko.

"Good morning Kuya Aldo, may kailangan po ba kayo?" Balik kung tanong sa kaniya.

"Ma'am, kasi kakatawag ko pa lang sa engineer at nag back out siya sa project, sinusubukan kong maghanap ng iba pero gusto nilang sila ang masunod sa mga materyales na gagamitin, hindi naman maari iyon dahil kompleto na ang mga gamit na kakailanganin at nasimulan na rin," Paliwanag nito.

Humingga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.

"Okay, bakit ba nag back out ang engineer?" May mali ba sa bayad?

"Pumunta po ng ibang Bansa, at lahat ng project niya cancelled kasama ang project niya sa atin," Tugon ni Kuya Aldo.

Saan naman ako kukuha ngayon ng bago? Madami ng na gastos para sa mga materyales hindi naman pwedeng masayang ang mga iyon, saka na simulan na rin ang project ngayon pa siya umalis? Hayst!

"Ako ng bahala Kuya Aldo, gagawan ko ng paraan. Babalitaan na lang kita kapag naka-usap ko na ang engineer na kakilala ko, sana nga pumayag siya," Humingga ako ng malalim.

"May isa pa po pala Ma'am, kulang tayo ng isang trabador na galing sa agency," Dagdag niya pa.

Lahat na lang problema.

"Sige ma'am, mauuna na ako," Tumango na lang ako at bumalik sa upuan ko.

Napahilot ako sa sintido ko, may dumagdag na naman sa iisipin ko. Sana pumayag si Thyme dahil siya lang naman ang naiisip kung solution sa problema ko at isa pa siya lang ang kilala kong engineer. Jusko! Saan ako kukuha kapag umayaw siya?

Wala akong magawa kundi ang magpatulo ng luha, ano bang 'tong nangyayari sa akin? Napakasama naman ng araw kong ‘to...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status