MATAPOS bisitahin ni Geralt ang kaniyang nakatatandang kapatid ay naisipan niyang ipasyal ang pamangkin at bilhan ng mga laruan at gamit na pambata. Para man lang makabawi siya sa ilang taong hindi nakita ang pamangkin, isa pa ay nasasabik rin siyang makita at makasama ang bata. Kaya gusto niyang lubusin ang pagkakataon na makasama si Genesis.
Nasa loob siya ng bilihan ng mga items at laruan para sa bata sa mga sandaling iyon. Namimili ng mga gamit para kay Genesis, isinama niya rin ang kaniyang Ate na namimili rin ng mga gamit sa bata. Nasa kalagitnaan siya ng pamimili ng gamit nang may mamataan siyang babae, pamilyar ito sa kaniya na para bang nakita na niya somewhere. Namimili rin ito ng mga gamit para sa bata. Syempre, wala ito doon kung hindi. Tinitigan niya ito nang mabuti hanggang sa mapagtanto niyang iyon ang babaeng nakabunggo kay Shaii sa restaurant nito. Nakasuot lang ito ng simpleng damit at pantalon ngunit nababakat pa rin ang hubog ng katawan nito. Kasalukuyan niyang hawak ang kamay ng kaniyang pamangkin noong oras na iyon. Ilang saglit lang ay nakita niya ang isang babae na may dalang batang lalaki na natutukoy niyang nasa edad isa o dalawang gulang na. "Ikaw naman sa kaniya , nangawit na ang kamay ko." Agad naman nitong kinarga ang bata. She already has a kid. Hindi niya alam ang naramdaman noong mga oras na iyon, para bang nagkaroon siya ng panghihinayang. Aliw na aliw itong kausap ang bata habang namimili ng mga gamit, kahit hindi naman nakikinig sa kaniya ang bata. Noon niya lang naisipang lingunin ang bata. Pogi ang bata, medyo matangos ang ilong at may blonde na buhok. Doon niya nakita ang sariling repleksyon habang nakatitig sa bata. Nakakapagtaka at nakakahanga lang na may pagkakahawig sila ng batang hawak ng babae. Medyo matangkad ang babae. Hindi niya lang alam ngunit naaaliw siyang titigan ang mukha ng babae ngayon sa harap niya, hindi niya mapigilang magandahan rito. "Tara na, baby. Marami-rami naman na tayong nabili. Nagugutom na rin ako eh. Ikaw ba baby gutom ka na?" Nataranta siya nang makitang papaalis na ang babae. Gusto niya pa iyong titigan. Sakto ring lumapit sa kaniya ang ate niya. "Oh, may napili na ba kayong laruan ni—" Sa pagmamadali ay may hinablot siya sa mga nakahanay na bagay at binigay na kaagad iyon sa ate niya. "Uyy, ano to—" "Pakihawak muna nitong si Genesis." Walang pasabing inabot niya rito ang pamangkin at naglakad siya palabas sa toy store at nagmamadaling sinundan ang babae. Narinig pa niyang sumigaw ang ate niya ngunit hindi na niya pinansin. Nakita niya ang babae na palabas na sa mall na buhat-buhat ang bata at kasama rin ang isa pang babae na marahil ay kaibigan nito. Tinitigan na lamang niya ang babae hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya. "Geralt!" Natauhan lang siya nang sumigaw ang kaniyang ate mula sa kaniyang likuran. Hawak nito ang kamay ni Genesis habang naglalakad palapit sa kaniya. "May saltik ka ba sa utak? Bakit mo ako inabutan ng Barbie Doll kanina?! Ano sa palagay mo sa pamangkin mo bakla? Tapos bigla-bigla ka pang umaalis. Para kang hinahabol ng kung ano." Napakamot na lang siya ng kilay niya dahil sa hiya. Hindi niya alam na iba na pala ang nahablot niya kanina, hindi niya nakita sa pagmamadali niya. "Pasensya na Ate." Muli siyang tumingin sa entrance and exit ng Mall na nilabasan nung babae kanina. "Ano ba kasi iyong hinahabol mo? Saka bakit ka panay tingin dun sa entrance? May hinihintay ka ba dun?" Kaagad siyang tumikhim at kaagad itinuon muli ang atensyon sa pamangkin. "Let's just go home." "No. Wag muna tayong umuwi. Kumain muna tayo, kanina pa ako nagugutom eh." "Sige, gutom rin ako eh. Tara, dun tayo sa resto na medyo malapit lang dito na pagmamay-ari ni Keith." Walang hirap na kinarga niya si Genesis habang ang mga shopping bags naman na may lamang mga pinambili nilang laruan ay dala-dala ng ate niya. Ilang minuto silang nagbyahe hanggang sa makarating sila sa sinasabi niyang resto na may-ari ng kaniyang kakilala. Pagpasok nila sa resto ay kaagad na sinalubong si Geralt ng isang gwapo, matangkad at maskuladong lalaki. Magkasin-katangkaran lang din sila. "Hey, bro. Long time no see. How are you?" "I'm good. Balita ko ikakasal na daw kayo ni Yssandra next week. Congratulations, bro. Sa wakas magkakaroon na rin ng pamilya ang isang Keith Landerson." Ngisi niya rito na ikinainis naman nito. Si Keith Landerson, ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na nagmamay-ari ng resto na kakainan nila. Isa rin itong business man na may malalaking kompanya na hinahawakan sa iba't ibang bansa. "Don't mention that thing to me. Alam mo namang ayaw kong pinag-uusapan ang bagay na iyan." "Bakit, ayaw mo nun? Ikakasal ka na?" "You know what's the reason behind that. It's just a fixed marriage. And I don't like Yssandra, she's not even my type." Humalakhak ito ng tawa na ikinailing niya lang. "Ano pala ang ginagawa niyo rito?" "Hindi ba obvious? Siguro tatambay lang kami dito. Aba syempre kakain kami." Sumabat na ang kaniyang ate na muntikan niyang makalimutang may kasama pala siya. "Ikaw naman, Jeanna. Masyado kang pilosopo. Nagtatanong lang eh. Alam mo, gutom lang yan. Alright, just sit there and wait. We will prepare our new and famous dishes that you will surely like to taste." Nang makaalis na harap nila si Keith ay nagsimula na silang umupo. Nagpaalam naman saglit ang kaniyang kapatid para magbanyo. Maya-maya pa ay narinig nila ang pagtunog ng bell na nagpapahiwatig na may papasok. *** MATAPOS mamili nang mga gamit nila Ariah para kay Shawn ay nag-aya na siyang umuwi dahil nagugutom na siya. Ngunit nagsabi lang si Emily na kumain na lamang sila sa isang malapit na resto. Wala na siyang magawa nang dalhin sila ni Emily sa isang mamahaling resto na mukhang bagong bukas pa lang. Palibhasa kasi mayaman si Emily kaya nakakaya nitong gawin ang mga gusto at librihin siya. Hindi naman na siya umaangal dahil kagustuhan iyon ni Emily saka para na rin makatipid siya. Nang makapasok na sila sa resto ay kaagad silang nakahanap ng mauupuan. Kaunti pa lang ang mga tao. Siguro dahil bagong bukas pa lang kaya kaunti pa lang ang pumupunta doon. "Sabi ko naman sayo umuwi na lang tayo at dun na kumain sa bahay eh. Kailangan pa talagang dalhin mo kami dito?" Saad niya nang makaupo na sila sa isang table. Nakaupo naman sa kandungan niya si Shawn. "Ano ka ba naman? Ngayon lang naman ito eh. Saka, nabalitaan ko rin kasi na masasarap at bago daw ang mga dish nila dito. Kaya tikman natin. Malay mo masarap talaga. Saka isa pa, ang pagkakaalam ko rin ay gwapo daw ang nagmamay-ari ng resto na ito at isa rin daw siya na tumutulong sa pagserve sa mga customer. Malay mo makasalubong natin siya." Sinuway niya ito dahil wala na namang tabas ang dila nito saka marahang tinapik ang braso nito. "Huyy, baka may makarinig sayo. Ikaw talaga, yang bibig mo walang preno. Basta gwapo talaga wala kang inaatrasan. May nobyo ka na, humahanap ka pa ng bago." "Ano ka ba, hindi ba pwedeng humanga pa rin ako sa iba kahit na may boyfriend ako? Saka alam mo naman ang jowa kong iyon, babaero. And I know sooner or later, malalaman ko na lang na makikipaghiwalay na iyon sakin." "Bakit, nag-away na naman ba kayo?" "Naku, palagi namang ganun eh. Nahihirapan na nga ako sa relasyon namin. Gusto ko na ngang kumalas. Pero syempre, gusto ko siya ang unang kumalas sa relasyon namin. Aba, siya itong ang lakas humingi ng cool off sakin, eh di siya na rin ang makipaghiwalay sakin, nahiya pa siya. Basta wala na akong pakialam sa kaniya." Madalas nakukwento sa kaniya ni Emily ang kasalukuyan nitong nobyo. Palagi nga daw silang nag-aaway at mukhang hindi na maganda ang takbo ng relasyon ng dalawa. Hindi naman niya nakita ng personal ang nobyo ni Emily kaya hindi niya mahusgahan ang hitsura nito, puro ugali lang ng lalaki ang nababanggit ni Emily. "Ibang klase ka rin noh." Naiiling niyang sambit rito. "Sandali lang, magbabanyo lang ako." Ilang sandali ay nagpaalam si Emily na tinanguan niya lang. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik din si Emily, medyo natagalan pa nga ng kaunti. "Bakit ang tagal mo?" Tanong niya rito nang makaupo na ito. "Pasensya na kasi. Naligaw ako eh, buti na lang may gwapong lalaki ang nagturo sakin papunta sa banyo." "Puro ka gwapo. Umupo ka na, mamaya darating na yung order natin." Umirap lang ito sa kaniya. Maya-maya lang ay dumating na ang kanilang inorder na pagkain. Wala silang sinayang na oras at kumain na dahil gutom na talaga siya. Sinusubuan niya rin si Shawn habang kumakain. Matapos nilang kumain ay nagpasya na siyang umuwi kaagad. Nang makauwi na sila ay nagpahinga pa muna sila bago nila tingnan ang mga pinamili nila. Pinatulog na rin ni Ariah si Shawn bago niya inihiga sa crib nito. Tinitigan niyang muli ang maamo nitong mukha at wala sa sariling ngumiti. Hindi talaga siya nagsasawang titigan ang gwapo nitong mukha. Nakakadismaya lang na wala man lang itong nakuha kahit kaunti sa ina nito, mukhang nakuha lahat mula sa ama. Sobrang gwapo yata ng ama ng batang ito. Sa nakuha nitong kaputian sa balat at katangusan ng ilong ay masasabi niyang may lahi ang ama ng bata. Ang perpekto ng pagkakahulma ng mukha, para talagang anghel kung titigan. "Kanina ka pa dyan. Titig na titig ka na naman sa kaniya." Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Emily sa likod niya, napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. "Nakakagulat ka naman, Emily. Bakit ba bigla ka na lang susulpot dyan?" Inis niyang asik sa kaibigan. Tinaasan naman siya ng kilay nito. "Haler.. kanina pa ako dito sa likod mo. Ikaw itong hindi gumagalaw at kanina pa tumititig dyan sa mukha ni Shawn. Ano, inlove sa pamangkin? Alam kong gwapo si Shawn, pero bawal mainlove sa pamangkin. Isa pa, bata pa yan." Inikutan na lang niya ito ng mata dahil sa mga sinasabi nitong wala na sa tamang linya. "Hindi ba pwedeng humanga lang ako dahil nagkaroon ako ng gwapong pamangkin? Tingnan mo nga, sa sobrang ganda at perpekto ng mukha sino ang hindi hahanga dyan? Ikaw talaga, kahit ano na lang ang sinasabi mo. Tumahimik ka na nga lang dyan at baka magising pa natin si Shawn. Tara na sa sala, tulungan mo akong ilagay iligpit yung mga pinamili nating gamit ni Shawn." Without warning, she grabbed her arm and walked towards the living room.KASALUKUYAN na nagtuturo si Ariah sa mga estudyante niya. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala na siya sa pagtuturo at halos tinututukan niya talaga ng atensyon ang pagbibigay ng tasks ang mga bata. Ngayon ay walang pinagbago. Syempre naman, nagpupursige pa rin talaga siya sa pagtatrabaho kahit marami pa iyong gawain. "Ms. De Guzman, please come outside. May kailangan lang akong sabihin sayo." Napalingon siya sa principal na nakatayo sa pintuan ng kaniyang classroom. Kaagad naman siyang lumapit rito. Napalingon siya sa dalawang tao sa likod nito. "I would like you to meet Mrs. Levarda. She's here now to sign up her son for an art classes.. You will be his teacher." Tumango siya at ngumiting lumingon sa babae. Maganda ang babae, maputi at mukhang may lahi. Mukhang mayaman rin base sa pananamit nito. Shocked! Ang gwapo at ang cute rin ng anak nito nang lingunin niya. "Good morning, Ma'am. I'm Ariah De Guzman, an Art teacher of this school. Nice to meet you," she lend
"UNCLE G!" Napalingon siya kay Genesis nang tumili ito at tumakbo palapit sa lalaki. Mas lalo pa siyang nagtaka. Kung ganun kilala ng bata ang lalaki at hindi lang ito naligaw dahil nandito talaga siya para kay Genesis?Inalis na ng lalaki ang tingin sa kaniya na mukhang natauhan nang makitang palapit sa kaniya ang bata. Walang hirap na kinarga nito ang bata, parang hindi nakaramdam ng bigat. "There, there little one. How was your day at school?" Marahan lang at maingat ang pagkakasabi ng malalim nitong boses sa bata. "Great! I learned a lot from teacher pretty!" Masigla namang tugon ng bata habang sinisipsip ang lollipop na hawak."Why are you eating candy? Does your Mommy know about it?" Sumigid naman ang lungkot ng bata na nakatitig sa kaniya."Please don't tell Mommy, uncle G! I don't wanna be scold by her.." Tumaas ang labi nito na nakatingin sa bata. "So, your Mom doesn't know about you eating candy, huh? Who gave you that?" "Teacher pretty.. please don't get mad at her! I j
MATAPOS sunduin ni Geralt si Genesis ay isinama niya ito sa safehouse ng kaniyang kaibigan na si Kleo. Nadatnan niya ang iba pa nilang kaibigan na may kaniya-kaniyang ginagawa. Naglalakad sila papasok habang hawak niya ang maliit na kamay ni Genesis. "Yow! Mr. Levarda! Long time no see!" Kaagad siyang nilapitan ng tatlo, si Conrad, Freid at Eike. Sila ang kabilang sa mga kaibigan niya. Naabutan niya si Kleo na nililinis ang baril niya. Mukhang seryoso sa ginagawa at hindi man lang napansin ang pagdating niya. Nakatagilid ito ngunit kitang-kita niya ang seryoso nitong mukha habang abala sa ginagawa sa kaniyang baril. "Uncle Conny!" Natawa na lang si Geralt nang kaagad kumawala si Genesis sa kaniya at tumakbo palapit kay Conrad. "Conny" ang tawag ni Genesis sa lalaki dahil masyado daw mahaba ang "Conrad" para sa kaniya. Ewan niya ba kung bakit iyon naisipan ng pamangkin niya. Ang talino rin ng batang ito. Ang daming alam. "There, there. Ang laki mo na." Komento naman ni Conrad mat
PINAPAKAIN na ni Conrad si Genesis habang nakaupo sa kandungan niya. Kanina habang naglalaro ang bata ay nadapa ito na ipinag-alala nila at ikinabahala. Nakaramdam sila ng ginhawa nang hindi umiyak ang bata at pinagpagan pa ang sarili na nadumihan. Lihim pa silang apat na umiling at ngumisi. Hindi naman siya ganun nung bata pa siya, pati rin yung bunso nilang kapatid. Sa pagkakaalam niya ay hindi rin ganun ang asawa ng kaniyang ate nung nagkwento ito sa kanila patungkol nung bata pa siya. Umiiyak din daw iyon pag nadadapa. Hindi niya lang alam kung saan nagmana ang batang iyon. "There you go, you're done.. Masiba ka rin sa pagkain, ano?" Komento ni Conrad nang makitang ubos na nga ang pagkain sa platito ng bata. Bawal sanang kumain ng matatamis ang bata dahil siguradong pagagalitan na naman ito ni Jeanna. Ngunit wala siyang magawa dahil nagutom na si Genesis at iyon lang din ang pagkain na meron sa ref. Nagpaalam si Kleo kanina na tutungo sa kaniyang silid na hinayaan lang ni
"ANO na naman bang gusto mong mangyari, Emily? Bakit mo ako papupuntahin dun sa restaurant na yun?" Nasa loob na siya ng taxi nang tumawag si Emily sa kaniya. Kakatawag pa lang ay may iniutos na naman sa kaniya. Puntahan daw yung sikat na restaurant na kinainan nila nung nakaraang araw. "Naiwan ko kasi yung wallet ko dun. Nandun pa naman ang iba na mahahalaga kong ID's." Tinaasan niya ito ng kilay kahit hindi naman nito nakikita. "Eh, bakit ako pa ang papupuntahin mo dun? Bakit hindi na lang ikaw? Saka bakit mo kasi naiwan?" "Yun na nga. Eh, hindi ko makuha kasi nasa trabaho pa ako. Hindi ako pwedeng magleave ngayon, marami kaming client. Nakalimutan ko rin eh, di ko naalala." Abala siya sa paghalungkat sa bag niya at hinahanap ang wallet sa loob. Nakaipit ang phone niya sa pagitan ng balikat at tenga habang naghahalungkat sa bag at kinakausap si Emily sa kabilang linya. "Bakit hindi mo na lang ipadala dyan sa opisina mo? Pwede mo namang tawagan." Saad niya na patuloy pa
SERYOSO at nakabusangot si Geralt habang nagmamaneho pauwi. Si Genesis ay prenteng nakaupo lang sa backseat at nakasuot ng seatbelt para sa protection. Nakakunot ang kaniyang noo habang walang emosyon ang mga matang nakatingin sa tinatahak nilang daan habang nagmamaneho. Humihigpit rin ang pagkakahawak niya sa manibela dahil sa frustasyon. Hindi niya alam ngunit nakakaramdam talaga siya ng inis sa mga oras na iyon. Galing sila sa restaurant ni Keith. Nang makita niya ang nakakalat na mga papel sa sahig at si Ariah ay kaagad siyang lumapit upang tulungan ito sa pagpulot. Ngunit hindi lang iyon ang inaasahan niya dahil pati si Keith ay biglang lumapit at tumulong. Hindi niya lang alam ngunit hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtitig ng kaibigan niya kay Ariah. Sa paraan ng pagtitig nito sa babae ay mukhang nagkaroon rin ito ng interes. At sa mga oras na iyon ay parang nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya alam kung ano. Basta kapag nakikita niya si Keith na nakatitig kay Ariah a
MAAGANG nagbukas ng paaralan si Ariah. Kaagad niya namang inayos ang mga upuan pagkapasok niya. Pati rin ang mga gamit niya sa desk ay inayos niya rin ang pagkakalagay. Ayaw niya kasing magulo ang loob ng classroom pag papasok siya. Gusto niya ring maayos ang lahat bago magsidatingan ang mga estudyante. Nag-aayos na siya ng mga documents sa laptop niya habang nakaupo sa desk niya. Ilang oras ang lumipas ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila na kaagad niyang binati. Naghintay pa siya ng ilang oras dahil may iba pang bata ang hindi pa dumadating. Kabilang na si Genesis. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na yung iba. Si Genesis na lang yung kulang. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Hindi siya pwedeng nag-antay para sa isang estudyante lang. Kaya wala siyang nagawa kundi ang ituloy ang klase sa mga bata. Nagdiscuss muna siya tungkol sa arts at kung ano ang mga steps ng pagguhit. Pagkatapos ay nagpagawa na siya ng tasks sa mga bata
MAAGANG nagising si Ariah para pumasok. Nag-aasikaso na siya ng sarili pati na rin ng pang-umagahan niya. Ganun naman palagi ang routine niya tuwing umaga. Nang matapos niyang gawin ang mga gawain ay si Shawn naman ang inasikaso niya. Pinaliguan, binihisan at pinakain na niya ang bata. Hinandaan na rin niya ng makakain at damit sakaling kailangan nito mamaya. "Baby ko, sa kapitbahay ka muna natin ulit ha? Papasok na naman kasi si Tita-mommy mo. Babalikan kita ulit, okay?" Sambit niya habang hinahalik-halikan ang noo at pisngi nito. "Tara na, baka malate na ako baby." Saka niya kinuha ang bag na may nilalaman na mga gamit ng bata. Medyo nahirapan pa siya dahil dalawang bag ang dala niya habang karga naman niya si Shawn. Aminado siyang mabigat na si Shawn dahil lumalaki na ang bata, at wala na yata itong igagaan dahil ramdam na niya ang pananakit ng kaniyang braso. "Naku, baby. Ang bigat mo na pala." Reklamo niya na may kasama pang biro. Pagkalabas niya sa apartment ay kinand
PAGBALIK ni Geralt sa kwarto ay suot na nito ang binigay na damit ni Ariah, pinupunasan ang ulo gamit ang towel. Kumasya lang sa kaniya damit na suot. Siguro para sa lalaki talaga iyon. Nang sulyapan na siya ni Geralt ay kumunot ang noo nito habang tinititigan siya ng maigi naglakad palapit sa kaniya. "Why are you wearing that?" Nagtaka naman si Ariah sa tanong nito bago tiningnan ang sarili. "Bakit? Hindi naman revealing ah? Saka hindi ako pwedeng magsuot ng jeans ngayon. Masakit sa baba." Hindi niya sinabi ang meaning, sigurado naman siya na naiintindihan na iyon ni Geralt. "Kahit na. Kung gusto mong magsuot ng dress dapat lagpas tuhod." Anas nito sa disgusto, nakakunot pa rin ang noo. "Eh, wala naman akong dress na ganun. Saka, anong mali dito? Tagatuhod naman to ah? Hindi ako masisipilipan." Pagpapaliwanag niya sa determinadong tono. Wala nang nagawa si Geralt kundi pumayag pero naroon pa rin ang disgusto sa mukha nito na hindi maipinta. "Ano ka ba? Ayaw ko ri
NAALIMPUNGATAN si Ariah nang maramdaman ang silaw ng araw na tumatama sa kaniyang mukha mula sa bintana ng kwarto. Dahan-dahan ay nagmulat siya ng mata. Kinusot niya pa ang mga mata upang mas luminaw ang paningin niya. Naramdaman na rin niya ang pagsakit ng buo niyang katawan lalo na yung pagk@b*b*e niya. Gagalaw na sana siya upang bumangon nang maramdaman ang mabigat na kamay na yumakap sa kaniya. "Good morning.." Bulong ni Geralt sa malalim at magaspang na boses dahil bagong gising pa. Dumadampi ang mainit at mabangong hininga nito sa kaniyang leeg.Hindi umimik si Ariah. Hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin niya ang ginawa nila kagabi. Ang bawat halik at paghawak ni Geralt sa buong parte ng kaniyang katawan ay nararamdaman pa rin niya. "Ah.." Impit na napahawak siya sa bandang hita nang maramdaman ang pagkirot ng pagk@b*b*e niya. May bahid ng pag-aalala sa mukha ni Geralt na bumangon sa pagkakahiga, hinahagod ang kaniyang hita. "Are you okay? Are you in pain?" Nag-init si A
PAGDATING sa harap ng pintuan ay humarap na si Geralt sa kaniya. Madilim sa labas dahil wala pang ilaw kaya hindi niya makita nang mabuti ang mukha nito. "Open it." Utos nito sa magaspang na boses. Wala sa sariling binuksan niya ang bag at hinanap roon ang susi. Hindi niya alam kung bakit siya nanginginig. Ramdam din niya ang matinding kaba. "Ako na." Kaagad na kinuha ni Geralt ang bag sa kaniya at hinanap ang susi. Nang makita ay kaagad nitong sinusian ang nakalock na doorknob. "B-bakit ba nagmamadali ka? H-hindi ka pa ba uuwi?" Hindi niya mapigilang mapatanong sa nauutal na boses dahil sa kabang nararamdaman. Hindi siya nito sinagot. Nang mabuksan ang pinto ay wala pa sa alas kwatro na hinila siya papasok at walang ano-ano'y sinandal siya sa pader. Hindi naman siya kaagad nakareak nang bigla na lamang siyang siniil muli ng halik sa labi. Hindi na iyon tulad kanina na masuyo lang. Mapusok at malalim na halik ang binigay nito sa kaniya. Puno ng pananabik at pagnanasa.
TAHIMIK lang sila sa loob ng sasakyan. Ngunit ramdam ni Ariah ang tensyon sa pagitan nila. Kahit hindi niya sulyapan si Geralt ay kapansin-pansin pa rin ang seryoso nitong mukha. Nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela dahilan upang lumabas ang mga ugat nito sa kamay. "Where have you been? And why are you wearing that clothes, huh?" May bahid ng galit sa tono nito na sinulyapan siya saglit, nakakunot pa rin ang noo. Hindi malaman ni Ariah kung ano ang gagawin. Sa lagay ngayon ay mukhang galit nga si Geralt. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon nito samantalang wala naman siyang ginawang masama. "B-binilhan kasi ako ni Emily." Hindi niya mapigilang mautal dahil sa kaba. Hindi niya rin alam kung bakit siya kinakabahan. "At sinuot mo naman?" He snapped, " Don't you know what you look like in that outfit? Masyadong revealing ang suot mo, Ariah. Pwede kang masilipan ng mga lalaki na makakita sayo." May punto naman si Geralt. Iyon din ang n
INABUTAN na ng isang oras sila Ariah at Emily sa gilid ng kalsada. Ilang ulit na rin silang pumara ng taxi na dumadaan ngunit hindi naman sila hinihintuan. May iba na puno na ng pasahero. "Nakakainis naman. Kung kailan pauwi na tayo, dun pa tayo nasiraan ng sasakyan. Lowbat pa naman ang phone ko." Nayayamot niyang wika. Gusto na niyang makauwi, anong oras na rin. Isa't kalahating oras na silang nakatayo sa gilid. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya kay Emily na sinubukang buksan ang harap ng kaniyang sasakyan. "Ano pa nga ba? Edi aayusin ito. Gusto mong makauwi diba?" Nakakunot na ang kaniyang noo na lumapit rito. "Sandali—" Hindi na niya natuloy ang sunod na sasabihin nang mabuksan na ni Emily ang harapan ng sasakyan na nakapagpaubo sa kanilang dalawa nang biglang lumabas ang malaking usok mula sa engine ng sasakyan. Dahil nasa likod lang siya ni Emily at sobrang lapit niya rito ay nasisimoy niya ang mabahong amoy gas mula sa usok. "T@rant*do ka! Ang sabi ko sandali lang
MATAPOS ang kunting kwentuhan ay napagdesisyunan na nila Ariah na magpaalam. Magdidilim na rin kasi. Mukhang napadami ang napag-usapan nila. "Salamat sa ilang oras na binigay mo samin ngayon, hija. I won't forget this day that we had a chance to talk again. Siguro gift na rin to ngayong birthday ko." Napangiti naman si Ariah sa sinabi ng Daddy ni Emily. "Wala po iyon. Saka kung hindi rin naman po dahil kay Emily ay hindi rin ako makakadalaw ngayon dito. Kaya masaya din po ako na nagkaroon tayo ng oras para makapag-usap." Aniya niya. "Basta, huwag mong kalimutan yung suhestiyon ko tungkol sa pamangkin mo. Mas matutuwa ako kung dadalhin mo siya dito." Napatango na lang siya sa sinabi ng Mommy ni Emily. Sa dami ng napag-usapan nila ay akala niya makakalimutan na iyon ng ginang. "Sige po, sasabihin ko na lang po si Emily kapag makapagdesisyon na ako. Sige, mauuna na po kami." "Oh, siya. Mag-iingat kayo sa byahe." Pahabol pa ng Daddy ni Emily. Sa loob ng sasakyan, may n
ISANG malakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng madilim na warehouse kung saan pin@p*t@y at pinaparuhasan ang mga taong nagkasala o may ginawang hindi maganda. Nakatali ang dalawang kamay ng lalaki sa likod habang nakaluhod. Dinala kasi siya sa warehouse ni Kleo. Hindi kaagad nakatakas noong tumakbo siya upang makalayo matapos niyang tangkain na barilin si Kleo na madaling nakailag. Kaya nahuli siya kaagad at iginapos ni Kleo saka dinala sa liblib na warehouse niya. Mabilis na dumanak ang maraming d*go sa malamig at makipot na sahig matapos paputukan ng bala ang ülo ng isang lalaki at tumumba. "That's what happens to people who try to step in my way." Malamig at walang ekspresyon ng mukha ni Kleo habang nakatingin sa nakahandusay na katawan ng lalaki. Walang alinlangan niya itong b*n@r*l sa ulo. "Tsk, tsk, tsk. Isa na namang bangkay ang liligpitin at kalat ang lilinisin." Ani Conrad na nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa bangkay. Hindi man lang nasuka o nagkar
IT'S been days since that night happened. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang confession ni Geralt sa kaniya. Hindi siya makapaniwala. Ilang araw lang naman noong nakilala niya ang lalaki, tapos biglang samin ng ganun? Ang dali namang magkagusto nito sa kaniya. "Huyy! Ariah." Nabalik siya sa huwisyo nang tawagin ang pangalan niya. Noon niya lang narealize na may kasama pala siya. Galing kasi siya sa school at pauwi na sana siya nang dumating si Emily at iniimbitahan siyang pumunta sa bahay nito dahil kaarawan daw ama ni Emily. "Bakit?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Anong bakit ka dyan? Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Ang sabi ko kamo kung hindi ka ba kinakabahan ngayong makikita mo ulit sila Daddy at Mommy. Ilang taon na rin yung lumipas noong huli kayong nagkita." Napaisip naman siya sa sinabi ni Emily. Oo nga, ilang taon rin yun. Nawala na sa isipan niya ang bisitahin sila. Noong maging magkaibigan kasi sil
NGAYON ang araw na susunduin na naman siya ni Geralt para sa date kuno nila. Kanina wala siyang nakitang Geralt na pumunta para sunduin siya sa school kaya nagtaxi siya papunta ng school. Iniwan niya rin muna sa kapitbahay so Shawn. Wala kasi si Emily, may pinuntahang event kasama ang mga magulang niya. Nagsabi rin siya sa kapitbahay niya magagabihan siya ng uwi kaya late na niyang makukuha si Shawn mamaya. Ngayon tulala siya sa kwarto niya. Six na ng gabi, malapit nang mag seven. Nakabihis na rin siya ng panibagong damit. Ayaw niya sanang suutin ang bagong dress na hanggang hita niya na binili na naman ni Emily para sa kaniya pero pinilit siya ng kaibigan. Kaya wala na siyang nagawa. Maya-maya lang ay darating na si Geralt. Hindi niya lang alam kung matutuloy. Hindi naman niya matawagan o matext si Geralt dahil wala siyang number nito. Teka, bakit ba niya naisip iyon? Ano naman kung wala siyang number nito? At lalong-lalo na, bakit siya nakabihis at hinihintay yung lalaking iyon