"Beees! Guess what! O-M-G!" tumitiling salubong sa 'kin ni Kath nang makita niya 'kong pumasok sa room.
Halos mabingi ako sa tili niya kaya napatakip ako ng tainga saka lakad-takbong dumiretso sa upuan ko para lang makalayo sa kaniya. Feeling ko kasi, mababasag ang eardrums ko anytime dahil sa lakas at tinis ng boses niya.
"Could you please lower your voice? Nakakabingi ka, alam mo 'yon?" sabi ko nang makaupo na 'ko.
Sumimangot naman siya.
I rolled my eyes at her. "Ano na naman ba kasi 'yon? Ke aga-aga, chismis ka'gad?"
"Chismis ka diyan... Ano kasi... Ihhhh..."
"Tuwang-tuwa ka talaga? Kinikilig? Sabihin mo na lang kaya para tapos na— Teka... Si Ciara, wala pa?" tanong ko nang mapansing wala pa si Ciara sa upuan niya.
I look at my wristwatch and it was almost 7 o'clock in the morning. First time yatang mahuli ni Ciara. Bahagya akong nagtaka dah
"Where the hell have you been, Ciara?" Napatingin kaagad ang mga classmates namin sa akin dahil sa tinuran ko. I don't care if I sound like an overprotective and a strict parent or a clingy boyfriend. I wanted her to give us an acceptable reason why she has to make us so worried. Hell, yeah! We're worried and we don't like her keeping secrets to us. It's one of our rule that we will tell each other where we are going, whenever we have to go somewhere or we have an emergency. We're like sisters to each other that's why I am very protective when it comes to them. Ang problema ng isa, problema ng lahat. Saglit siyang bumaling sa 'kin saka yumuko. "I... I'm sorry." "You don't know how worried we are yesterday," mahinang sambit ni Kath. "Sa'n ka ba kasi galing? Hindi ka rin namin ma-contact. Ni hindi ka nga nag-online!" sumbat ko sa kaniya. Hindi siya sumagot ngunit nang marinig ko ang mahinang paghikbi niya
"Ikaw ang bahala. She's your daughter afterall... Kaya may karapatan ka pa ring makasama siya. Hindi ako madamot, Phil," rinig kong sabi ni Mama. Eavesdropping is rude, I know... But I can't help it. She's talking with him! And what's worse is they're talking about me! "Yeah, yeah... Come over anytime you want to. Yes... Hmmm... Okay, then... Yeah..." She's inside the kitchen so I have to take a peek at what she's doing. "No... Hindi naman sa gano'n. You know, Phil... If you really want her forgiveness, mag-effort ka. Malaki na si Sofia kaya mahihirapan ka talagang kunin ang loob niya." Bigla akong nagtago sa gilid ng pinto nang bumaling si Mama paharap sa kinaroroonan ko. I decided to just go upstairs before she could catch me listening to their conversation. Bigla akong na-bad mood dahil sa narinig ko. Everything about him makes me sick. Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng
Tila naitulos ako sa kinatatayuan ko nang balingan ko ang tumawag sa pangalan ko. "What are you doing here?" takang tanong sa akin ni Kuya Chris. "K-kuya. I... I was about to call you—" "Where's Ciara?" "They're still inside." He started to walk into the entrance when he turned to me again. I was just staring back at him. "Don't you dare go anywhere. I'll just get them and we will go home. Understand?" he cautiously said. Napatango na lamang ako bilang sagot saka sinundan siya ng tingin habang tinatahak ang daanan papunta sa entrance ng bar. I was somehow relieved that Kuya Chris is here to fetch Ciara. Ngayon ko lang rin naramdaman ang lamig. Darn! It's already 1:34 am. Makakatulog pa kaya ako nito mamaya? Hay! Kahit kailan talaga! Ang mga bruhang 'to. Masasabon ko na naman sila mamaya! I waited like what Kuya
Nang matapos ang klase ay hindi kami magkanda-ugaga ni Kath sa pag-aayos ng mga gamit namin. Dali-dali kaming lumabas ng room at agad na tinahak ang daan papunta sa building na kinaroroonan ng room nina Kuya Chris. Humahangos kami nang makarating kami sa tapat ng classroom nila. But to our surprise, wala nang katao-tao roon. Hindi ko alam kung ano ang schedule ng klase ni Kuya Chris kaya naman hindi namin alam kung sa'n siya hahanapin. Dinukot ko ang cellphone ko sa loob ng bag para tawagan siya ngunit kahit anong halughog ko rito'y hindi ko ito makita. "What? Bilis, girl!" "Kath," naluluha at kinakabahan kong tawag sa kaniya. "Ano?" nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa akin. "I think I've lost my phone." "What? Halika! Balikan natin, baka naiwan sa classroom." Tumakbo na naman kami pababa sa building ng Engineering Departme
"JUST trust me," seryoso niyang sabi habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Napangisi ako saka umiling habang nakatanaw sa labas ng bintana. "Trust you?" tanong ko saka muling bumaling sa kaniya. "How can I trust someone like you? Palagi mo na lang akong pinipikon! Walang araw na hindi ako naiinis sa 'yo dahil napaka-antipatiko mo! Napakasama mo sa 'kin and now, you're asking me to trust you? How absurd is that? Ha? And we're not even friends. So, tell me. How can I trust you? And why should I trust you?" "Kalimutan mo muna 'yang inis mo, puwede ba? Si Ciara ang pinag-uusapan natin dito. Please. I need you to trust me... Just this once." I look at him straight in the eyes. Concern and sincerity was written on his face. I have doubts on trusting him but I need to know if he's saying the truth. Kaya kahit mahirap ay pumayag ako. Mariin akong napapikit at sa pagdilat ko'y muli akong tumin
"HEY, don't make a scene here," pigil sa 'kin ni Cherro nang makita niyang bigla na lamang akong tumayo habang nakatingin sa dalawa, kaya naman inis akong napaharap sa kaniya. "Why would I? What do you think of me, huh?" Napairap na lamang ako dahil sa tinuran niya. "Wala lang. Baka kasi mag-eskandalo ka rito, eh.""At bakit ko nga gagawin 'yon, ha? Gawain lang iyon ng isang selosang girlfriend na nahuli ang boyfriend niyang may kasamang iba. Iba 'yon sa kaso ko, kaya p'wede ba, ha? Kakausapin ko lang naman 'yong bruha na 'yon dahil hindi lang ang pamilya niya ang pinag-alala niya... Pati kami ni Kath," dire-diretso kong sabi kaya naman napangisi siya. "Oh, hindi ka naman hiningal niyan sa litanya mo? Hahahaha..." "Ikaw talaga, panira ka ng mood!"
NAPATAKIP ako sa aking mga mata dahil sa nakita ko. Ngunit hindi ko maitatangging malaki ang kaniyang— "H'wag kang titingin!" sigaw niya nang muntikan na 'kong mapalingon ulit sa kaniya. "See how clumsy you are? Psh!" nayayamot na sambit niya. "Hoy! Ikaw! Namumuro ka na, ha! Ako pa ang may kasalanan? Sino kaya 'tong nangiliti habang... Habang nakatapis lang ng tuwalya? Bakit kasi hindi ka muna nagbihis? Manyak ka talaga!" sigaw ko sabay talukbong ng comforter. Oh my! Help me! My virgin eyes! How to unsee? "ANO'NG order mo?" untag niya sa 'kin habang binabasa ang menu. Napairap na lamang ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong nakita ko kanina. Hays! Narurumihan ang utak ko dahil sa lalaking 't
"STOP IT! Both of you, stop it!" sigaw ni Ciara saka dinaluhan ako. But before she can get ahold of me, I step back. I look at her straight in the eyes. Tears were forming in there but I just shook my head in disappointment. Mapait akong napatawa. I turned to face Cherro and slap him hard. "You used me! Isinama mo 'ko rito hindi para tulungan akong hanapin sila kundi para makita at mabawi mo si Ciara. How selfish." I didn't bother to wait for his reaction. Mabilis akong tumakbo at walang lingon-likod kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pag-agos ng mga luha. Parang pinipiga ang puso ko, hindi ko alam kung bakit. Nang makalayo na 'ko ay doon ako tumigil at sumandal sa isang puno ng niyog. Napaupo ako at umiyak nang umiyak. My mind was in chaos, and so does my heart. Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil ba sa nalaman kong may gusto si Cherro kay Ci