Sorry for the typos. Thank you for reading!
SOPHIA'S POV. Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag na tumatama sakin mula sa bintana sa kwarto ko. Nakalimutan ko atang isara kagabi. Hinawi ko ito para mas lumiwanag dito sa loob. Kitang-kita ko mula dito ang papasikat na araw. Wait, papasikat na araw? Agad kong tinignan ang oras at.. "Hala! 6:37 na! Malalate na ako!" Tanga-tanga mo talaga Sophia! Late ka na nagising. Nasanay na kasi ako na ginigising ako ni mama para pumasok. Hayst! Wala dito si mama so I need to be independent. Nagmamadali akong pumunta sa cr para maglinis ng katawan. Hindi na ako maliligo dahil baka malate pa ako ng sobra. Pagkatapos ko magawa ang routine ko ay lumabas na ako. Kaasar naman oh! Ang haba ng hagdan, no choice bibilisan ko na lang. Bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumuha ng babaunin ko. Nadatnan ko doon si Magnus na katatapos lang kumain habang si Manang Sally ay naglalagay ng isang plato sa tapat ni Magnus. "Oh Sophia, halika ka na dito iha kumain ka muna bago pumasok sa school mo." Um
Natapos ang klase namin at ngayon kasama ko si Nanna na naglalakad patungong parking lot nitong school. Kailangan na naming umuwi agad dahil naghihintay sakin si Magnus sa labas.Nagtext nga sakin kanina na andito na siya. Hindi ko alam kung paano niya nakuha cellphone number ko e. Akala ko nga kung sino na nagtext kanina kasi ang nagpop-up sa cp ko ay unknown number, kung hindi lang siya siguro nagpakilala baka binlock ko na yung number niya. Nang nagtext siya sakin ay agad kong sinave ang number niya at nilagay ang name na 'Mayabang kong stepbrother.' Hahaha di ba ang ganda. Hindi naman niya malalaman 'to saka dito na lang ako makakaganti sa pagsusungit niya sakin. "Ang sarap talaga ng libre no. Sana ilibre pa tayo." Hagikgik nitong kasama ko. Tignan mo 'to hindi na nahiya. Ang kapal ng mukha, nilibre na nga aabusuhin pa. Ako yung nahihiya sa mga pinaggagawa niya. "Mahiya ka naman sa tao no. Mayaman ka naman pero nagpapalibre ka." Napairap ito sakin, susungitan pa ako. "I need to
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nagpipigil siya ng galit. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga bago nagsimulang magdrive. Tahimik ang biyahe namin pauwi at sa bintana lang ako nakatingin habang pinagmamasdan ang mga nadaanan naming mga bahay. "I'm sorry." Mahinahon niyang sabi kaya napalingon ako dito. Second time niyang magsorry. "It's okay, sorry din." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumingin ulit ako sa bintana ngunit nagtaka ako. Hindi ito ang daan pauwi sa mansyon. "Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Lumingon siya sakin saglit bago magsalita. "Where do you want to eat?" Sige tanong ang isagot mo sa tanong ko. Speaking of his question, kung saan ko daw gusto kumain? Bakit? Meron naman sa bahay ah. "Wala sila Manang sa bahay." Mukhang nagets niya ang tanong na tumatakbo sa isip ko. "Kaya ko naman magluto para satin. Mag-aaksaya kalang ng pera." Panenermon ko sa kanya. Ganto ba silang mga mayayaman kapag wala ang mga maids hindi nila kayang magluto ng
MAGNUS'S POV. "How's your investigation?" I asked Xander, who entered in my secret room. We are here at my secret room in the mansion. Pinapunta ko siya dito sa Laguna just to give me any information he find. "Do you find any lead who's behind of it?" He knows what I am talking about. He seriously face at me before answering my question. "Yes, here." May inabot siya sa aking brown envelop. Binuksan ko ito at tumambad sakin ang mga pictures ng isang matabang lalaki na nakabusiness suit na nakikipagtransaction sa ibang company. "That chubby man is Norman Dela Vega, one of our investor and transaction partner in our company." I got yah! "So he's one of the rat in my company huh?" I find out a while ago that the money of company is continues to decrease. So I ordered Xander to investigate who's behind of it. Hindi ako nagkakamali kay Xander when it comes to investigation. He is the best investigator of my company and he is also an agent. Kaya siya lang ang inaasahan ko sa mga bagay n
SOPHIA'S POV. Kaasar naman, naghintay ako sa wala. Paano ba naman kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng Campus. Hindi man lang sinabi kung hindi niya ako masusundo kaysa sa paasahin ako. Kanina ko pa siya tinetext at nakailang missed calls na ako sa kanya pero wala lang. Walang sumagot. Sinabi pa niya sa akin kanina na hintayin ko daw siya baka malate siya. E anong oras na 6pm na 1 hour na siyang late. Kung ako ang malalate sa paglabas nasa 30 minutes lang galit na galit siya. Ano 'to? Gantihan? Ginagantihan ba ako ng mokong na yun? Kanina pa akong 5 dito at naabutan na ako ng ulan. Wala pa naman akong payong. Nandito ako sa isang tindahan para sumilong para hindi mabasa ng ulan. Dumidilim na rin at wala na rin akong makitang tricycle dito para makapagcommute ako't makauwi na. Paano na ako nyan? Kaasar! 'Yung mokong kasi na stepbrother ko hindi man lang sinabi na hindi niya ako masusundo! "Sophia?" Umangat ako ng tingin sa kotseng huminto sa harapan ko. Nakabukas ang bintan
WARNING SPG!! KAHIT ako ay nagulat rin pero kalaunan ay nahiya na rin sa ginawa niya. Habang ang dalawa ay nanonood lang samin. Kumuha rin siya ng ulam at inilagay sa plato ko. "Eat now, don't mind them." Walang emosyong sabi nito sa akin. Napatingin ako sa dalawa at nang-aasar ang paraan ng pagtingin nila. Bigla akong nahiya dahil baka iba ang isipin nila sa ginawa ni Magnus. "I said eat or else susubuan kita" banta nito sa akin kaya agad akong kumain. Baka totohanin pa ang banta nito sa akin. Kaasar! Kung ano-ano lumalabas sa bibig mo Magnus! Gusto ko siya sigawan sa mga pinagsasabi nito. Hindi naman ako nagpapaalaga sa kaniya. "Ehem!" "Wag ganyan Magnus, nilalaggam na kami dito." Nang-aasar ang kaniyang dalawang kaibigan kaya hindi ko magawang malunok ang kinakain ko dahil sa kanila samantalang itong si Magnus walang emosyon lang na nakataingin sa kanila at dineadma lang sila. "Tsk! Naignore na naman tayo." Hindi na nagsalita ang dalawa naming kasama hanggang sa matapos kami
NGAYONG ARAW ay ang araw kung saan gaganapin ang engagemet party nila mama at tito. Kakauwi lang nila kahapon, tinanong ko naman si mama kung saan sila nagpunta at ang sabi lang nito sa akin ay nagpunta sila sa Bikol para mamasyal. Di ba hindi langnsila nagyaya. Nagkwentuhan lang kami ni mama kahapon tungkol sa mga naransan nila sa bikol at tinanong rin nila ang mga nangyari dito sa bahay. Tinanong naman ni tito sa akin kung maayos lang ba ang trato sa akin ni Magnus. Maayos naman ang pagtrato niya sa akin, hindi kagaya noong unang pagkikita namin na pinagmumukha sa akin na mukha kaming pera. Saka hatid-sundo naman ako ni Magnus sa mga araw na nagdaan habang wala pa sila mama. Busy ngayon sa bahay dahil naghahanda na sila Manang at ang maids ng mga pagkain at nahalata kong nahihirapan sila sa pagluluto dahil dalawa lang ang marunong magluto sa kanila. Si Manang at si ate Doria lang. Lumapit ako sa kanila at kinuha ang extrang apron na nakita ko. "Tulungan ko na po kayo." Pagpresen
GUSTO kong magmura dahil sa magandang babaeng nakikita ko sa harap ko. Gulat na gulat ako sa nakikita ko ngayon, ibang-iba sarili ko ngayon kaysa dati. Wala akong makitang bakas ng muchachang Sophia. Hindi ako makapaniwalang lumapit ako sa salamin at hinawakan ng marahan ang aking mukha. "Ang ganda ko." Masayang sabi ko habang tinitignan ang kabuuan ko. Kasyang-kasya sa akin ang dress na binigay sa akin ni Magnus at bagay na bagay sa akin. Para akong naging isang prinsesa dahil dito at sa ayos ko. Kulang na lang ang tiarra sa ulo ko para tunay na ganap na prinsesa. Lumabas na ako sa closet room at naabutan kong tapos na si mama na naayusan. Gulat na mapatingin sila sa akin. Laglag ang panga ang kanilang reaksiyon nang makita ako suot ang dress. "Oh! My! God! Gosh bakla ka sobrang ganda mo daig mo pa ata ang isang dyosa!" "Mga bakla! Kung di lang ako bakla baka mainlove na ako sa kaniya." Lumapit sa akin si mama at katulad din nila ay namamangha rin sa nakikita nito. "Sophia anak,