Share

Elevator...

Sobrang sakit ng aking ulo na parang binibiyak ng magmulat ako, wala pang ilang oras ng makatulog ako kakaisip kung ano ang gagawin ko sa ginawa ni mama. Paano niya nagawang sumang-ayon sa meet up ng wala akong abiso?

Alam ko naman na siya ang mama ko, pero ang ganitong bagay ay sobra na.

Gusto kong umiyak, minsan ay nakakapagod na rin i-please ang mga gusto ni mama na mangyari. Minsan ay naiintindihan ko naman, pero ang ibang ginagawa niya ay sobra-sobra na.

Namumugto ang aking mata at nangingitim ang ilalim nito, kahit nanlalambot at medyo nahihilo ay pinilit kong mag-ayos para pumasok sa trabaho. Hindi ako pwedeng magmabagal ngayon, maraming inaasikaso at ayaw ko na maging sagabal lang sa kompanya.

Tahimik ang paligid ng makarating ako sa kusina, wala si mama at papa at tanging isang note lang na nakadikit sa ref ang naiwan. Bakit hindi man lang nila ako sinabihan tungkol sa pagalis nila, nakapagusap naman kami ni mama kagabi?

Nilagay ko nalang sa bag ang sandwich na hinanda ni mam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status