“Oh, Bakit ka lumabas ng kuwarto? Ayos ka na ba?” Tanong ni Ajax na akala mo ay kasintahan niya ito na dapat alam niya ang kinikilos at nararamdaman nito.“I'm perfectly fine.” Aniya ngunit sa akin pa rin nakabaling ang nag susungit niyang mga mata.“Good to know. You want something?” Tanong ni Ajax tsaka inabot sa akin ang paper bag. “Binili kita ng damit. I hope you like it.” Mahinang sambit niya.“Where's my food?” Putol ni Mr. Salazar sa aming usapan bago siya padabog na naupo sa hapagkainan.“Chill bro, Bakit ba ang sungit mo?” Natatawang tanong ni Ajax at naupo na rin sa tabi nito.“Ah.. Iinitin ko pa lang po.” Mahinang sambit ko.“That is shit! Nagawa mong makipag landian pero hindi mo ko magawang pag handaan?” Galit na saad nito na kinayuko ko.“Tyler, It's not flirting, stop your shit right now.” Paliwanag
“Kumusta siya?” Tanong ko kay Ajax ng nakita ko siyang lumabas ng kuwarto ni Mr. Salazar. Dinala niya roon si Khuaqin dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. Gusto ko mang sumama sa loob ay pinigilan ako ni Ajax at sinabing linisan ko na lamang ang naiwang kalat sa kusina. “Pinainom ko ng pampatulog.” Tila walang buhay na sagot nito. “Ligtas ba sa kaniya iyon?” Nag-aalalang tanong ko. Sabi kasi sa akin ni Tatay ay mayroong pagkakataon na iyong mga taong umiinom ng pampatulog ay hindi na nagigising. “Yeah, prescribed by his doctor.” Muling naghari ang katahimikan. “Ajax, gusto sana kitang makausap.” kinakabahang sabi ko sa kanina. Nakapag desisyon na ako. Sa nangyari kanina ay hindi ko na gugustuhin pang ipag patuloy itong trabaho na ito. “Let's talk inside his office. Kuha lang akong maiinom.” Aniya. Sumama ako sa kaniya papuntang kusina. Dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng dalawang beer. “Let's go.”&nb
Ang tao ay may iba't ibang paraan upang ilabas ang kanilang saloobin. Iyong iba ay nagiging matalino sa pag buo ng isang maayos na komunikasyon at ang iba naman ay nagiging padalos-dalos sa kanilang binibitawang salita at kilos, at sa pag kakataong ito ay masasabi kong ako iyong pangalawa.Naalala ko pa noong bata ako, sabi sa akin ng aking lola ay dapat daw tayong matutong iugnay ang ating nararamdaman sa kalikasan na nilikha ng panginoon at iyon ang nakaugalian kong gawin tuwing malungkot ako. Lumaki akong walang matatawag na kaibigan dahil sa murang edad ay kinakailangan ko ng kumayod upang hindi mapasabay sa agos ng buhay. Kung mahirap ka kailangan mong mag sumikap hindi iyong magkakaroon ka ng isiping ‘Pinanganak kang mahirap kaya mamatay kang mahirap’. Matuto tayong mag sumikap at mag tiyaga. Huwag tayong mag pasabay sa agos ng sirang daan kundi dapat tayo mismo ang gumawa ng ating bagong daraanan.“Malungkot ka rin ba tala? Bakit ti
“Anak, kalabitin mo nga ang ate Calixta mo dahil tila tulala na naman.”“Tay, bakit po laging ganiyan si Ate? Para tuloy siyang nakakatakot na monster.” Nag hagikgikan pa ang mag-ama na akala mo ay hindi nila ako katabi para pag-usapan ng ganiyan kalakas.“Salbahe ka Calix, baka pagod lang si ate kaya ganoon.” Pag tatanggol sa akin ni Calixus at tinulak pa nang bahagya ang kapatid.“Oh, masama iyang mag-away, ha. Kayong dalawa talaga ay kay titigas ng ulo ninyo.” sermon ni tatay bago tumayo at umalis para kumuha ng maiinom sa kusina.“Alam mo ba Calix, pakiramdam ko mayaman na tayo.” Binigyan ko ng pansin ang usapan ng mag kambal. Saan kaya nang galing iyang chismis na 'yan ni Calixus, Anong mayaman? kung alam lang nila kung papaano namin ginagapang ang kahirapan para sa kanila.“Paano mo naman nasabi? Dahil ba itlog at sinangag na ang ulam natin kanina at hindi na tuyo na may bagoon
“Calixta! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!” Hinihingal na sabi ni Aling Lina.Nandito ako ngayon sa palengke at bumibili ng itlog para mas makamura.“Bakit po? May problema po ba?” Kunot noong tanong ko.“Iyong bahay ninyo, pinagkakaguluhan ng mga kapit-bahay!” Kapos hiningang sabi nito bago humawak sa aking balikat bilang suporta.“Huh? Bakit, anong nangyayari?” Nag-aalalang tanong ko.“Kasi ano..ano kasi..” tila nag dadalawang isip pa ito kung sasagutin ang aking tanong.Nang napansin kong wala akong makukuhang impormasyon sa kaniya ay dali-dali akong naglakad ng may mabibilis at malalaking hakbang papuntang bahay.Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang mga kabit-bahay naming nag-uumpukan habang nakatingin sa gawi ng aming bahay.“Nandiyan na si Calixta! Paraanin ninyo,dali!” Natatarandang sigaw ng lalaking nakaupo sa may inu
Nagising ako sa mahimbing na pag kakatulog nang maramdaman kong marahang umuuga ang aking hinihigaan at may naririnig din akong mga mahihinang d***g. “N–noo.. please.. don't hurt me..” “I–i will do e–everything.. don't hurt.. my mommy..” Agad akong napabangon sa aking pagkakahiga ng makita kong namimilipit si Khuaqin sa aking tabi. Nakabaluktot ito na para bang pinoprotektahan ang kaniyang sarili. “Khuaqin, Khuaqin.. gising,” aniko habang marahang tinatapik-tapik ang kaniyang braso at pingi. “Don't do this.. please..” Nag-aalalang hinawakan ko ito sa kaniyang magkabilang pisngi at pilit na pinapaharap sa akin ngunit naging matigas ang kaniyang leeg at pilit niyang iniiwasan ang aking paghaplos. Tagaktak ang kaniyang pawis, bakas sa kaniyang mukha ang labis na takot. Patuloy pa rin siya sa pag d***g na tila nasasaktan sa hindi ko malamang kadahilanan. “Khuaqin.. Ate Calixta is here.. please open your eyes!” Pakiusap ko ngunit tila hindi niya a
“Sorry for the trouble but can I ask why I am here?” Kalmadong tanong niya sa akin.Alas singko na ng umaga ngayon at mabigat na ang aking mga mata. Matagal ko rin siyang pinakalma kanina at mabuti naman ay naging maayos na ang kaniyang lagay.Humikab muna ako bago sumagot. “Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Nakita na lang kita sa loob ng bahay namin habang nakikipaglaro sa mga kapatid ko.” Kumunot ang kaniyang noo bago itinukod ang kaniyang siko sa tuhod at marahas na inihilamos ang kaniyang palad sa kaniyang mukha sa labis na pagkabigong hindi niya alam kung paano siya napunta sa lugar na ito, agad ko naman itong inawat sa kaniyang ginagawa at sinabing ayos lang kung hindi niya maalala. Normal sa katulad niyang magkaroon ng ganiyang pangyayari dahil may mga alters siya na nag tatake over sa kaniyang katawan.Tinanggal ko ang pagkakatukod ng kaniyang siko sa kaniyang tuhod bago hinila ang kaniyang ulo pasandal sa aking tiyan at hinaplo
Napuno ng katahimikan ang paligid dahil sa sinabi ni Mr. Salazar.“Nako, sir.. talaga bang ibibigay ninyo ito?” Hindi makapaniwalang tanong ng aking ama, ayoko mang sirain ang pag-asang nakapaskil sa kaniyang mukha ay kinakailangan ko itong gawin.“Hindi po namin tatanggapin iyan.” Nilingon ko si Mr. Salazar.“Gusto ko pong paghirapan at pag trabahuhan lahat ng matatanggap namin galing sa inyo.” Diretsahang sabi ko, nakatingin lamang sa akin si Mr. Salazar ng hindi nag babago ang ekspresyon ng ganiyang mukha, nanatili itong malamig na para bang walang pakielam sa paligid.“Calixta.. anak..” awat ni tatay ngunit nginitian ko lamang siya ng pilit.“Tay, sa kaniya po ako nag tatrabaho at ayoko pong tumanggap ng kahit na anong tulong. Pag tatrabahuhan ko po ito ng mabuti.” determinadong saad ko.“Anak, huwag mo namang itaas ang pride mo ngayon.. alam mo kung gaano natin kail