Hindi na pinapasok sa Gwen sa trabaho niya. Ayon kay Sylvia ay pagtuunan na lang daw niya ng pansin ang kasal nila ng anak nito. Hindi pa man siya naka-oo sa kasal ay planado na ng ginang na labis niyang ipinagtataka. Todo alaga rin ito sa kaniya. Araw-araw itong bumibisita sa kaniya o kaya nama'y isinasama siya sa mga lakad nito. Ipinakilala rin siya sa iba nitong mga kaibigan bilang mapapapangasawa ng anak nito. Si Zabrina na matagal ng nobyo ng anak nito'y hindi pa kailanman niya nakitang pinahalagahan ng sobra ng ginang. O, dahil hindi naman siya madalas nakakasama nito.
Nabalitaan niyang pumunta na sa Canada ang kaibigan niya na labis niyang ikinalungkot. Hindi man lang sila nagkausap bago ito umalis. Napahinga siya at napatingala sa kesame. Mag-isa lang siya roon. Kapwa may pasok ang dalawang kasama niya. Mag-iisang buwan na rin simula nang pinag-resign ni Sylvia kaya ngayo'y nakararamdam siya ng lungkot at pagkainip. Tumayo siya't pumasok ng silid. Maliligo siya. Balak niyang magpunta sa mall para matanggal ang inip. Papasok na sana siya ng banyo nang may maulinigan sa labas ng bahay. Dali-dali siyang nagtungo sa pinto. "Ma'am Sylvia?" "Oh, hi, anak!" bati nito, saka ay humalik sa pisngi. Kahapon lamang ay nagkita sila nito. Nagpasama ito sa BGC upang kitain roon ang isa nitong kaibigan. Kaya ngayo'y gulat siya nang makita na naman ito. "M-may pupuntahan ho ba tayo?" takang tanong niya. "Uhm, wala. Pero sinusundo kita." Umarko ang kilay niya. "Ano hong ibig niyong sabihin?" "From now on, sa bahay ka na titira. Kaya, mag-impake ka na ng mga gamit mo," deritsong sabi nito na sinabayan pa ng pag-upo. "Po? Nagbibiro po ba kayo?" "Do I look I'm kidding?" seryosong tanong nito na nagpanganga sa kaniya. "Sige na. Ayusin mo na ang iyong mga gamit o gusto mong tulongan kita?" "Po?" "Gwen!" "P-pero, b-bakit po? Okay naman po ako rito ah!" "Gusto kong pumirmi ka na sa bahay. Gusto kong makasanayan mo ang buhay mo roon. Ang buhay may asawa. Besides, iilang araw na rin lang naman ang hinihintay at magiging mag-asawa na kayo ng anak ko," prenteng saad nito. Napalunok siya ng laway. Nagsisimula na namang manlamig ang buong katawan niya. Dinaig pa ang binuhusan ng isang drum na yelo. May tila ibig ipahiwatig iyon sa kaniya. At samo't sari ang pumasok sa isipan niya. Paano kung alilain siya nito? Paano kung saktan siya nito? Tumahip ang dibdib niya nang maalala ang binitiwang salita ni Gian. Paano kung utos iyon ng binata? Muli siyang napalunok ng laway. "Ma'a--" "You can call me Mommy not Ma'am. Iha, sanayin mo na ang sarili mo. Ikaw ang mapapangasawa ng unico hijo ko at gusto kita para sa anak ko. Alam ko ang nararamdaman mo, ikaw at si Zabrina ay matalik na magkaibigan kaya nahihirapan ka ngayon. Kaya nga dapat sanayin mo na ang sarili mo habang maaga pa." Pino siyang ngumiti. Bagama't sinabi nito na gusto siya'y hindi pa rin mawaglit-waglit sa isipan niya ang agam-agam. "Alam na ho ba ito ng anak mo?" muling tanong niya. "Hindi pa. Pero, alam ko namang hindi na iyon makatatanggi pa sa oras na makita ka." Lalo siyang napaisip sa mga binibitiwang salita ng ginang. Kakampi ba niya ito o isa ring magpapahirap sa kaniya? Alam naman niyang pahihirapan siya ng Gian sa oras na makasal sila pero ang ginang-- "Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, iha. Mag-impake ka na. Magtatampo ako sa iyo niyan." Muli siyang tipid na ngumiti. Hanggang sa biyahe ay nasa isipan pa rin niya iyon. Nagtext na lamang siya sa dalawang kasama sa bahay at nangakong babalik doon kapag day off ang mga ito. Kasalukuyan na siyang nasa harapan ng mansiyon. Ilang beses na siyang nakapasok doon dahil kay Zabrina at ilang beses na rin siyang humanga roon. Pero, ngayo'y iba na ang sitwasyon. Humahanga man siya sa mansiyon pero may kaakibat na takot. "Get inside, iha. Don't be shy." Napalingon siya sa ginang at tipid na ngumiti. Sumunod na siya rito. Wala roon si Gian at tiyak na magagalit ito sa kaniya. Maaliwalas sa mata niya ang loob ng bahay. Ang kulay nitong gray and white ay bumagay sa hulma nito. Idagdag pa ang iba't ibang uri ng muwebles, nalalatagan ang sahig ng itim na alpombra na iba't iba ring desinyo. Ang hagdan na sa palagay niya'y limampung baitang ay yari sa kahoy at ang itaas niyo'y may nakasabit na chandelier. Sa bawat pagtapak niya sa baitang ng hagda'y naraanan nila ang mga larawang nakasabit sa dingding. Picture ni Sylvia at ng yumao nitong asawa, may picture rin ni Gian, mula pagkabata hanggang sa magbinata ito. Napalunok siya ng laway sa huling larawang nakasabit sa dingding, malapit na iyon sa ikalawang palapag. Picture ito ng binata na naka-Tuxedo. He is so handsome on that picture. Tantalizing eyes, pointed nose and a kissable lips. Perfect, 'di ba? Nakatalikod ito ngunit nakaharap ang mukha sa camera, nakahawak din sa baba at nakangiti kaya nama'y lumabas ang dimple nito na lalong nagpatingkad sa guwapo nitong mukha. "Baka nama'y matunaw na ang picture ng anak ko." Napapitlag siya nang marinig ang boses ng ginang. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. Nagkulay-kamatis ang mukha sa kahihiyang natamo. Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi at nagyuko ng ulo. Ipinagpatuloy ng ginang ang pag-akyat hanggang sa marating na nila ang second floor. May limang pintuan doon, na sa palagay niya'y mga room iyon. Maya-maya ay binuksan ng ginang ang nasa pinaka-dulo, iyon pala ang room ni Gian. "Tina, pakipasok na ang gamit ng Seniorita niyo!" utos nito sa kasambahay na nagdadaka ng gamit niya. Nanlaki ang mata nita matapos marinig ang salitang seniorita. Ngunit, mas lalong lumaki ang mata niya nang malamang silid pala iyon ni Gian. "Ma-mom, bakit ho rito?" "Why? Is there any problem with that, iha?' "E, k-kasi ho..." Bigla siyang pinagpawisan ng malapot. Hindi pa niya kayang makasama sa iisang silid si Gian at alam niya ring hindi ito papayag. Nag-isip siya na gagawing alibi sa ginang. "E, kasi ho--" "No more kasi-kasi ho, iha. I want you to stay in this room. Gusto ko na mag-stay ka sa tabi ng aking anak." Naging malungkot ang himig ng ginang na labis niyang ipinagtaka. "M-may problema ho ba?" may pag-aalalang tanong niya. "Wala." Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "May sakit ho ba kayo?" Iyon lamang ang naisip niyang dahilan kaya siguro ito nagkakaganoon. Tulad ng ibang pelikula na napapanuod niya. "What? Mas malakas pa ako sa kalabaw, no! Gusto ko lang na magkapalagayan kayo ng loob ng aking anak, iha." Lumapit ito't ginagap ang palad niya. "Alam naman natin kung sino ang mahal ng aking anak, hindi ba? At alam ko rin na may lihim kang pagtingin sa 'king anak." "Po?" gulat niyang nasabi. "Don't deny that, iha. Nababasa ko iyon sa mata mo." Binitiwan nito ang palad niya't tinungo ang kama. Umupo ito sa gilid niyon at pinakatitigan siya. Nagbaba agad naman siya ng paningin. "Hindi mo man sabihin, nababasa ko at nararamdaman mo na may pagtingin ka sa anak ko. And, don't worry. Hindi ka man mahal sa ngayon ng aking anak, I know, matutunan ka rin niyang mahalin." Ngumiti ito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya mula sa nga narinig dito. Pero, paano kung hindi? Paano kung kapag nagpakasal siya'y maging impiyerno ang buhay niya sa piling ni Gian? Marahan niyang ipinilig ang ulo. Ngayo'y mag-isa na lamang siya sa silid ng binata. Malaya niya iyong pinagmasdan. Humimpil ang nag-uusisa niyang mata sa table na hanggang hati ng katawan niya, nandoon ang picture ni Gian at Zabrina. Napakaganda ng kaibigan niya. At ayaw man niyang aminin, nakadarama siya ng inggit dito noon. Nandito na ang lahat, ganda, yaman, mabait at mapagmahal na magulang at bunos na lang ang boyfriend nito. Unti-unti siyang hinila ng mga paa patungo roon. At sa isang iglap ay hawak na niya ang picture ng kaibigan. "Bakit? Why, Zabrina?" Nag-uunahang pumatak ang luha niya nang maisip ang kasalukuyang sitwasyon. Kanina lamang ay gumaan na ang pakiramdam niya ngunit ngayo'y bumigat muli. Nadagdagan pa iyon nang maalalang nagtungo na sa ibang bansa ang kaniyang kaibigan. "Who gave you permission to enter my room?" Muntikan na niyang mabitiwan ang picture ni Zabrina sa labis na gulat. "And... f**k!" mura nito. Sa isang iglap ay nakalapit na ito sa kaniya at marahas na hiniklas ang picture ng dalaga. "Get your filthy hands off! Bullshit!" Nanginig ang buo niyang katawan, maging ang labi ay nangangatal din sa labis na takot sa binata. Kahit gustong-gusto na niyang umalis ay hindi niya magawang maihakbang ang mga paa, tila ba'y nakasemento iyon. "Get out of my room! Get out of my sight! You f*cking idiot!" malakas nitong sabi na halos ikasabog ng ulo niya, itinulak pa siya nito kaya lumagapak ang katawan niya sa sahig."GIAN!" Nanginginig ang katawan na napabaling si Gwen sa sumigaw na ginang, nasa bukana ito ng pinto at halos hindi maipinta ang hitsura. "Ano bang katarantaduhan ang ginagawa mo kay Gwen?" pasigaw muli nitong sabi. Tuluyan na itong lumapit sa kinaroroonan niya. Inalalayan siya nitong makatayo. "Are you okay, iha?" "O-opo," mahinang tugon niya. Kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng katawan niya. Bumaling ang ginang sa binatang tila hindi nabawasan ang galit sa kaniya. "Kailan ka pa natutong manakit ng babae, Gian? Hindi kita pinalaking walang galang sa babae!" sigaw nito na halos ikalabas na ng litid sa leeg nito. "Mom, ginalaw niya ang mga gamit ko!" ganting hiyaw ng binata. "Why? Is that gold? Or crystal na puwedeng nakawin?" Pinanlakihan nito ng mata ang binata. "Mom, you know naman na ayaw kong pinakikialaman ang gamit ko, hindi ba?" "Then, dapat ipinaintindi mo sa kaniya, hindi yung nananakit ka kaagad!" Umiwas ng tingin ang binata. Ibinalik nito ang picture fram
NAGSASAYA na ang lahat ng nasa reception na ginanap sa isang hotel maliban kay Gwen. Nasa tabi lamang siya habang nagmamasid sa mga bisita. Naroon din si Celly na bukod kay Zabrina ay close friend niya. Lumapit ito sa kaniya at pilit siyang pinasaya. "Sa lahat ng babaing ikinasal, ikaw lang yata ang kilala kong nakikipaglibing," pang-iinis nito na ikina-iling niya. "Sira ka talaga!" sabi pa niya sa inirapan ito. Napabaling ang mukha niya sa nakatayong si Gian. May kausap itong sexy at magandang babae. Bumalatay sa mukha niya ang lungkot at maagap na iniiwas ang paningin dito. Hindi niya kayang magsaya kahit ngayon pa ang araw ng kaniyang kasal. "Come on! Magsaya ka naman! Hindi ito libing." Hinila nito ang kaniyang kamay. "No, thanks. Dito na lang ako." "Ang kj mo." Inirapan siya nito. Napahinga ito ng malalim. Maya't maya pa ay sumeryoso ang mukha nito. "Alam kong hindi ka masaya kaya bakit mo pa tinanggap ang kasal? Bakit ka pa nagpakasal? Puwede ka namang tumanggi." Aga
HINDI ipinagkalat ni Gwen ang nangyari nang unang gabi bilang mag-asawa nila ni Gian, kahit kay Sylvia. Masakit para sa tulad niyang babae ang nangyari, lalo na't asawa siya nito. Alam niyang hindi siya mahal ng asawa, pero sana man lang ang i-respeto siya bilang isang babae. Magkagayunpaman, ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon. Sa harapan ng ginang ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya, ngunit kapag nakatalikod na, daig pa niya ang isang kriminal sa mata nito. Sa iisang silid na rin sila natutulog, ngunit hindi sa iisang kama. Sa malamig na semento siya natutulog na nilalatagan niya ng manipis na sapin at nasa pinakasulok ng silid. Sabi ng asawa niya, dapat ay malayo siya sa tutulugan nito. Kaya't heto siya, daig pa ang basang sisiw, sa sahig natutulog. Sinabihan siya nito na dapat tuwing umaga bago ito magmulat ng mata'y wala na siya sa silid. Kaya nama'y inaagahan niyang gumising, tulad nang umagang iyon. Alas kuwatro pa lang ay gising na siya. Matapos maisayos ang tinulu
Humingi ng paumanhin si Sylvia kay Gwen sa inasal ng anak. Ipinagpapasalamat na lang niya dahil mabait ang ginang at hindi siya nito pinababayaan. Hiling lang niya na sana ay hindi ito magbago. Kahit alam niyang kampi ang ginang sa kaniya ay nakararamdam pa rin siya ng sakit sa pakikitungo sa kaniya ng asawa. "Naiintindihan ko po iyon. Marahil ay hindi pa lang talaga niya ako matanggap." May bumikig sa lalamunan niya matapos banggitin ang salitang iyon. Kung alam lang ng ginang na hanggang langit ang galit ng anak nito sa kaniya. Ayaw naman niyang sabihin dahil baka ay madagdagan pa ang galit ni Gian sa kaniya. Iiwasan na lang niya ang binata.Isinama siya ng ginang sa mall, Hindi na siya nakatanggi nang ipamili siya ng mga damit, shoes, bags at kung ano pa ang kaniyang kailangan sa bahay. "Lets eat, iha. Nagugutom na ako." Sumunod siya sa ginang. Ang ilan sa pinamili ay ito ang nagdala kaya lalong nadagdagan ang hiya niya. Sa isang mamahaling restaurant sila pumasok. Habang hini
Magdamag na iniyakan ni Gwen ang ginawang pananakit ni Gian. Wala pa silang isang buwang ikinasal, pero nasa impiyerno na agad siya. Ngayon niya nararamdaman ang sakit sa parteng leeg at dahil doon ay naiiyak na naman siya. Maaga pa rin siyang gumising. Maingat siyang lumabas at nagdumaling bumaba. Hindi na siya nagluluto ng almusal dahil sa asawa, ayaw nito ng luto niya, pero kapag wala ito ay siya na ang nagpi-presentang magluto. "Morning, Gwen!" bati ni Tina sa kaniya. "Good morning, Ate."Ate na ang itinawag niya rito dahil matanda ito sa kaniya ng limang taon. May katagalan na itong naninilbihan sa mansyon, masarap itong magluto kaya siguro ay ayaw pakawalan ni Sylvia. Nagpaalam na kasi ito na aalis pero tumanggi ang ginang. Nilakihan ng ginang ang sahod nito para manatili lang sa mansiyon. "Anong nangyari sa iyo?" Gulat itong nakatitig sa kaniya. Napakurap siya sa tanong nito. May sugat ba siya sa katawan? Mapula ba ang leeg niya? Hindi rin naman kasi siya nananalamin bago
Maluha-luha si Gwen habang nagpapaalam si Sylvia sa kaniya. Iyon na ang araw na pag-alis ng ginang. Aalis na ang taong tagapagligtas niya at walang katiyakan kung kailan babalik. Naisip niya, pinahihirapan talaga siya ng pagkakataon. "Ihahatid na kita, Mom," pagbubuluntaryo ni Gian. "Oh, sige. Isama mo na rin si Gwen, 'nak. Gusto kong mag-bonding kami ng daughter-in-law ko papuntang airport. Mami-miss ko iyan. Ingatan mo siya, Gian," bilin nito. "Sige, Mom, iingatan ko siya. Mag-change lang kami ng suot." Iingatan? Sana nga ay totoong iingatan siya nito. Kahit alam niyang kabaliktaran ang sinabi nito'y napangiti na rin siya. Kahit hindi na siya nito mahalin, basta't ingatan at irespeto lang ay sapat na sa kaniya. Alam din naman niyang walang kapantay ang pagmamahal nito kay Zabrina at hindi niya mapapalitan ito sa puso ng binata. Pero, hindi nga kaya? "Okay. I'll wait here." Sa mata ng ginang ay nagpakita ng lambing si Gian. Inalalayan siya nito paakyat sa hagdan na labis naman
Ilang oras na siyang nakakulong sa sasakyan o mas tamang sabihing ikinulong ni Gian, halos maiyak at naso-suffocate na rin siya. Tagaktak pa ang pawis sa noo. Ilang dalangin na rin ang inusal niya. "Lord, Kayo na po ang bahala sa akin." Ipinagdaop niya ang dalawang palad at doon ay huminga nang paulit-ulit. Bago tuluyang bumigay ang kaniyang dibdib ay narinig niya ang pag-click ng pinto. Nagmulat na siya ng mata at bago pa tuluyang pumasok si Gian ay madali niyang pinahid ang bakas ng pagluha niya. Walang sabi-sabi itong pumasok, ni hindi man lang kinumusta ang kalagayan niya, kung nakahinga na ba siya kahit limang hinga? In-start na nito ang sasakyan at binuhay ang aircon. Sunod-sunod ang paglanghap niya ng hangin at nagpasalamat sa nasa Taas. Hindi pa rin siya pinababayaan Nito. Habang binabagtas ang daan pauwi sa mansyon ay nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Pakiramdam niya'y nakalutang siya at wala ring anumang naririnig. Dinala siya ng isipan sa nakaraan, nakaraan
Naiiyak si Gwen na tumingin kay Tina. Kita niya ang takot at galit sa mata nito "Huwag kang makialam, Tina! Wala kang karapatang manghimasok sa buhay namin. You're just a maid!""Katulong man ako pero may puso naman ako. At kung wala akong karapatang manghimasok, wala ka ring karapatang saktan si Gwen. Asawa ka lang niya sa papel, Gian!" litanya ni Tina.Bahagyang natigilan si Gian, ngunit saglit lang ay napangisi ito. "Asawa ko nga lang pala siya sa papel at kahit kailan ay hinding-hindi kita matatanggap at hinding-hindi rin kita mamahalin, Gwen!" Unti-unti na nitong niluwagan ang pagkakakapit sa buhok niya. Itinulak siya nito at bumalandra ang katawan niya sa harapan ni Tina. "Get out of my sight!"Atubili siyang tumalikod, sinundan siya ni Tina. Pagkarating sa silid ay umiyak siya nang umiyak. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa anit niya, nadagdagan pa ang hapding iyon sa narinig mula sa bibig nito. Kahit ilang beses na niyang narinig na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin, mas
"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?"Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?"Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude."Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon din ang
HINDI lubos-maisip ni Celly na sa ilang sandali ay ikakasal na siya sa lalaking kinaiinisan niya nang sobra. Hindi rin niya akalaing nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa si Adrix nang ipaalam niya rito ang kalagayan niya, nangakong magiging mabuting ama at asawa ito. "Dapat lang, dahil kung hindi, hindi mo kami makikita ng magiging anak mo." Para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa habang nakamasid sa wedding gown na anumang oras ay susuotin na niya. Bumukas ang pinto, pumasok ang kaniyang ina at si Gwen. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya. Nakasuot na ng gown. Pinagmamasdan niya ito. Magmula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang hugis ng katawan ng kaibigan niya. Mas lalo pa ngang gumanda ang hubog ng katawan nito simula nang manganak. Sexy, stunning, gorgeous. Lahat yata ng magandang katangian ay nandirito na. Tinulungan siya ng dalawa na isuot ang wedding gown at habang isinusuot ay binibilinan siya ng mga hindi at dapat gawin kapag nasa iisang bubong na
ABALA si Gwen sa pag-aayos ng kanilang gamit na dadalahin papuntang probinsiya, sa lugar ni Celly. Nasa bag na ang kaniyang mga susuotin, ganoon din ang sa asawa, at dahil ito ang best man ay nagdala siya ng suit, tulad ng napagkasunduan ng magkakaibigan. Ang gusto pa ni Adrix ay magsuot ng tuxedo, pero tumanggi ang kaniyang kaibigan. Para sa kaniya, sapat na rin ang simple lang. Ang importante ang basbas ng Maykapal. Naalala niya nang ikasal kay Gian. Maganda ang trahe de boda niya, ganoon din ang suot ni Gian, maganda ang design ng venue, maging sa simbahan, pero pareho silang nasa loob ng madilim na panahon. Oo, may pagtingin siya sa asawa, pero hindi niya inasam na makasal dito dahil lang sa nakitang magkatabi sila sa kama. Nang mga panahong 'yon, tanging si Zabrina lamang ang laman ng puso't isipan nito, pero ang kaibigan niya, may iba nang minamahal at si Elias 'yon. Napangiti siya nang bumaling ang paningin sa picture frame na nakapatong sa bed side drawer. Picture nilang dala
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi
PAROO'T PARITO si Gian, one month na ang nakalipas nang papuntahin niya si Adrix sa America para hanapin si Zabrina. Ayon sa nakalap na information ni Francis ay sa Los Angeles nakatira ang asawa ng ex niya. Ngayon ay pabalik na ang kaibigan niya, ayon dito ay may bad news itong dala. "Sweetheart..." Napahinto siya sa pagpapatintero, hinintay ang pagpasok ng asawa. Kalong nito ang kanilang anak, malayo pa lang ay nakabungisngis na. "May problema ba?" "Ha?""Kanina ka pa kasi tulala. Kahit si Mommy ay napapansin 'yan?"Masyado ba siyang obvious?"Ah!" Nag-isip siya ng maidadahilan. "M-may gumugulo lang sa isipan ko." "Ano 'yon?" "S-si Adrix.""Oh! Anong mayroon sa kaniya? Siyanga pala, hindi ko na nakikita ang isang 'yon. Nasaan ba siya?"Maingat na inilapag ng kaniyang asawa ang anak na mahinang tumatawa sa kama. Malikot na ito, kaya dapat ay may bantay na. Naisip niyang ikuha na ito ng mag-aalaga. On hands naman ang asawa niya pero mas maganda na rin 'yong may nag-aalaga rito.
"KAILAN mo balak umalis?" Napahinga ng malalim si Adrix. "Hindi ko alam. Wala pang update si Francis." Tumitig siya sa dalagang malapit lang sa kaniya. Inilagay niya ang bawat himaymay ng mukha nito sa kaniyang isipan. Magmula sa mata, ilong, pisngi at labi. Napalunok siya ng laway. Ang nawalang espirito ng alak ay unti-unting bumabalik, nararamdaman niyang umaakyat sa kaniyang ulo. Nabubuhay ang matinding pagnanasa niya sa dalaga. Pinilit niyang labanan ngunit sadyang malakas ang hatak nito sa kaniya. Nang hindi na makatiis ay mabilis niyang tinawid ang kanilang pagitan. Walang pasubaling sinibasib niya ang labi nito. Hindi inalintana kung magagalit ito. Pero nasiyahan siya nang maramdaman ang paggalaw ng labi rin nito. Ibig sabihin ay gusto nito ang ginagawa niya. Pinagbuti niya ang paggawad ng halik dito, sumasabay na ito sa bawat hagod niya. Ikinawit pa ang dalawang braso sa kaniyang leeg. Nang tila kakapusin na ang hininga ay saka pa lang niya binitiwan ang labi nito. Ipinagdi