Share

Chapter 5

Present

Javi's POV

Nandito ako sa bathroom ko sa kwarto. Umiiyak at sinisisi ang sarili kung bakit ko nga ba hinayaan na may mangyari sa'min dalawa!

Paano ako ngayon? 'Di naman na n'ya mapapanagutan dahil may asawa na s'ya at much worst, magkakaanak na s'ya! Ang g*go lang! Promise are made to be broken kaya dapat talaga hindi ako naniwala sa pangako na 'yun! Hindi dapat ako nagpadala sa sinabi n'ya! Tignan mo! Hindi lang ako ginalaw ng g*go! Inanakan pa ako. Pero hindi na dapat kasi may asawa na s'ya... Lagot ako kay papa!

Paano ako magdodoctor kung gan'to?! Nakapasa na ko ng NMAT tapos biglang may gan'to! Waaaaaah! KUYA ANGELO!!!

2 months na kong nandito sa Korea, at 2 months simula nang may mangyari ulit sa'min ni Louie. Simula ng nagumpisa s'yang manlamig at mabalitaan kong ikakasal na s'ya, mas malala dahil nabuntis n'ya ung babae.

Pinagsawaan lang ako ng Bagong taon, kung may nagpapaputok ng fireworks nung gabi na 'yun. S'ya din nagpapap*tok sa'kin. Hay! Mabuti na lang I continue taking pills. Sabagay! Kami pa din kasi nu'n.. Hindi pa s'ya nanlalamig sa'kin. Wala pa kong kaalam alam na kinabukas pala nu'n iaannounce na ikakasal na s'ya dahil nahuli s'yang katabi ung anak ng kaibigan ng parents n'ya. Alam na n'ya 'yun kaya nga pinagsawaan n'ya ko! Alam n'ya 'yun kaya nga nung pagkatapos naming gawin 'yun umiiyak s'ya at niyakap ako nang mahigpit. 'yun pala ung hinihingi n'ya ng sorry sa'kin. Akala ko kaya lang nagsasabi ng 'mahal na mahal' n'ya ko ay dahil ganu'n n'ya ko kamahal. Hindi pala kasi may ginawang kagaguhan!

Late ko na nalaman na may ganu'n pala. Kasal na sila! Hinayaan ko na nanlalamig s'ya sa'kin sabi ko baka busy lang kasi nagtatrabaho na sila, 'yun naman pala may ibang tinatrabaho. Sobrang nagalit ako kila Kuya nu'n dahil hindi nila sinabi sa'kin. Alam na pala nila pero hindi nila sinabi. Hinayaan nilang pumunta nung celebration ng graduation ko ung mag asawa at ung baabe may umbok na sa tyan. Pero anong magagawa ko, galit man ako sa kanila pero sila lang ung makakapitan ko ng araw na 'yun.

Hinayaan nila ko sa kwarto na umiyak nang umiyak dahil 'yun naman ung dapat at 'yun ung gusto ko pero sadyang tarantado si Louie at pinasok ako sa kwarto.. Kaya eto ako ngayon, umiiyak dahil... I'm pregnant.. nung araw na 'yun may nangyari sa'min at alam ko sa sarili kong gusto ko 'yun pero pinigilan ko s'yang wag sa loob dahil nga may asawa na s'ya pero hindi nakinig si Louie at du'n n'ya pa din inilabas... Alam kong mali 'yun, aminado ako pero naging marupok ako... Kaya eto ako ngayon at hindi alam ang gagawin..

"Javi? Halika na. Kain na tayo,"

Naputol lang ung pagiisip ko dahil sa sigaw ni Papa.

Wala naman pamilya si Papa na iba. Naghiwalay lang sila ni Mama pero hindi na nag asawa si Papa ulit kaya eto kami at dalawa lang ni Kuya.

Pinunasan ko muna ung luha ko at huminga nang malalim bago ako sumagot kay Papa.

"Susunod na po ako pa," sagot ko.

Nakarinig naman ako ng paglayo sa pinto ko kaya alam kong nakaalis na s'ya.

Tatawag ako mamaya kay Kuya Gelo. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Paano ako pag aaralin ni papa na may laman ang tyan?

Nag ayos na lang muna ko para bumaba dahil hindi kakain si Papa pag hindi pa ako bumaba. Kahit wala akong gana kailangan kong bumaba at kumain.

Bumaba na ko at umupo sa lamesa kung saan nandu'n ung mga pagkain. Buti nga kahit nandito kami ni Papa sa Korea. Kinakausap pa din n'ya ako ng tagalog.

"Okay ka lang? Bakit mukha kang namumutla?" tanong ni Papa nang umupo na din s'ya sa tapat ko habang inilalapag ung r****h na hawak n'ya.

Paborito ko 'to dito pero dahil ung bata sa tyan ko mukhang ayaw kaya eto ako at nagpipigil na maduwal sa harap ni papa.

"Okay lang ako, Pa... Pagod lang ako du'n sa mga inaadvance reading ko at'ska du'n sa office mo," nakayukong tugon ko.

"Ah! Sabi kasi sa'yo, you don't have to help me in our company, but you still insisted ayan at napapagod ka tuloy. Magpahinga ka na dito bukas at mag aral na lang ulit para pagdating ng pasukan, you don't have to rush. Araso?"

"Opo, sorry" saad ko habang pinipigilang umiyak.

"Hay ang prinsesa ko, okay lang. Sige na at kumain ka na, tapos umakyat ka na at magpahinga," usal n'ya kaya kinagat ko ung ibabang labi ko para hindi humikbi.

Kumuha na lang ako ng pagkain at sumubo kahit sa loob loob ko, gusto kong isuka ung ipinapasok ko sa bibig ko. Agad akong nagpaalam kay papa nang matapos ko ung pagkain ko.

Halos takbuhin ko ung banyo ko mula sa pinto ng kwarto ko dahil nasusuka na talaga ako. Pagdating ko du'n, inilabas ko lahat ng kinain ko habang pinubuksan ung shower para akalain ni Papa na nags-shower lang ako.

Naiiyak akong inayos ung sarili ko at nilinis ung suka ko.

"Tanga mo kasi Javi!" gigil na saad ko sa sarili ko habang naiyak at nakatingin sa salamin.

Paglabas ko sakto naman tunog ng phone ko. Si Kuya Gelo, dala dala ko ung pt na ginamit ko para sa test kanina. Naiiyak kong sinagot ung tawag n'ya.

"Kuya..."

Hindi ko na napigilang hindi umiyak, wala naman akong natanggap na kung ano kay Kuya kun'di mukha ng nag aalala pero may galit.

[Bakit ka umiiyak bunso? Anong nangyari?] tanong n'ya sa'kin. Hindi ko alam pero ramdam kong galit s'ya. Huminga muna ko nang malalim..

"Kuya.. May kasalanan ako sa'yo.. Sa inyo ni papa..." naiiyak kong usal

Pumikit lang si Kuya tapos ngumiti pag dilat.

[Sabihin mo na bunso.. Nandito lang si Kuya..] saad nito kaya naman mas naiyak ako kasi natatakot ako.

"Kuya.. I'm pregnant..." pag amin ko at unti unting tinaas ung pt at mas umiiyak. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko.." dagdag ko pa at yumuko dahil ayokong makita ung itsura n'ya.

[T*ngina!!! Si Louie ba?! Si Louie ang ama?] Nanggigil na tanong n'ya. Tumango lang ako sa kan'ya. [Tarantado! Hayop!] galit na mura n'ya pero pininigilan ko agad.

"Kuya... Please! Don't tell him... Ayokong makasira ng pamilya... Natatakot lang ako kay Papa... Paano ako mag aaral?" naiiyak pa din na sumbong ko

[Ayaw mong makasira! Eh s'ya naman mismo ang sumira ng pamilyang gusto n'ya! Tarantado!] galit na sigaw ni Kuya. [Ako nang bahala kay Papa. I'll tell this to him. Wag ka na umiyak baka pumangit ang pamangkin ko.. Dito lang si Kuya, kung ayaw ni Papa, ako mag papaaral sa'yo. Naiintidihan mo? Iuuwi kita dito] desididong saad ni Kuya kaya umiyak lang ako nang umiyak...

"Kuya.. Sorry.. Sorry talaga.. Kasalanan ko naman e.. Hindi ko s'ya pinigilan. Una pa lang dapat pinigilan ko na.. Hindi na ko nagpagalaw. Sorry.." umiiyak pa din na saad ko nabiglang umangat dahil sa pagbiglang bukas ng pinto ko.

Si Papa....

"Totoo ba?! Totoo bang buntis ka, Javielle Lorraine?! Sumagot ka?! Narinig ko usapan n'yo nga Kuya Angelo mo! Pero gusto ko marinig sa'yo mismo?!" galit na sigaw ni Papa..

Naririnig ko si Kuya na sumisigaw pero hindi ko maintindihan! Nakay Papa ang atensyon ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko..

Humagulgul na lang ako dahil sa kaba at frustration ko.. Tanga mo kasi Javielle!

"Sagutin mo ko, Javielle!" parang kidlat na sigaw ni Papa.. kaya mas natakot ako at tumango, unti unting inabot sa kan'ya ung pt.

Pagkita ni Papa nu'n bigla s'yang naglakad sa kama at umupo na parang frustrated sa nangyari. Nahilamos n'ya ung isa n'yang kamay sa mukha n'ya sabay titig sa pt. Naririnig ko pa din si Kuya na sumisigaw.

"Pa.. I'm sorry.."

Ayun lang ung nasabi ko kasi ayoko nang magpaliwanag sa kanila. Tinignan lang ako ni Papa tapos kinuha ung phone ko.

[Papa! Please.. Don't hurt Javi.. Ako may kasalanan.. 'Di ko s'ya nabantay.. Please.. Kung ayaw mo na s'yang pag aralin.. uuwi ko na lang s'ya dito. Ako na bahala.. Wag mo na s'yang pagsalitaan. Please..] mahinahong saad ni Kuya.

Tinignan muna ako ni Papa bago s'ya nagsalita kay Kuya.

"Angelo. Kilala mo kung sinong tatay ng anak ng kapatid mo?" madiing pero mahinahong tanong ni Papa kay kuya.

[O-Opo] alanganing sagot ni Kuya.

"Javielle, will stay with me. Don't tell to that guy na buntis si Javielle. Naiintindihan mo ko, Angelo?!" nanggigil na sabi ni Papa.

[Yes Pa.. But please, don't hurt Javi's feelings] umiiyak na saad ni Kuya kaya mas naiyak ako.

Si Kuya ang kasa-kasama ko simula nang nawala si Mama. Kahit ayaw noon ni Papa na magstay ako kay Kuya, pinush n'ya at sinabing hindi n'ya ko papabayaan. Kaya ngayon alam kong sinisisi n'ya ung sarili n'ya dahil sa nangyari sa'kin lalo na kaibigan n'ya ang tatay nito.

"Gelo, don't be so stupid. Wala akong gagawin sa kapatid mo na anak ko. I will talk to her. Mamaya na kayo mag usap ulit," turan n'ya at pinatay na ung tawag ni Kuya at hindi na inantay ung sagot nu'n.

Kinabahan naman ako habang nagpupunas ng luha dahil biglang tumingin sa'kin si Papa.

"Stop crying. Makakasama sa bata," saad n'ya habang tumatayo. "Hindi na ko magtatanong ng kung ano pa about sa tatay n'yan. Sa Kuya mo na lang siguro. Kaya mo bang mag aral even though you are pregnant?" tanong n'ya sakin at hinaplos ung ulo ko.

"Papa.." naiiyak na tawag ko sa kan'ya, niyakap lang ako ni papa at hinimas ung likod ko.

"Ssshhh... Ang prinsesa ko, patawarin mo si Papa ha.. Kung hindi ko kayo iniwan ni Kuya nung nawala si Mama. Sorry Anak.." malambing na sabi ni Papa pero alam kong umiiyak s'ya.

"Sorry, Papa... I love you po.. mag aaral po ako kahit gan'to.. Sorry po talaga.." naiiyak na usal ko sa kan'ya at yumakap ng mahigpit.

"Mahal ka din ni Papa... Wag na umiyak. Kawawa naman ang apo ko pag pumangit," biro nito at inilayo ako ng unti tapos pinunasan ung luha na tumutulo sa mukha ko.

Nag usap lang kami ni Papa sa magiging set up namin. Kakausapin n'ya ung school na papasukan ko kung hahayaan akong mag aral at pag pumayag, tuloy tuloy akong mag aaral sa pag dodoctor ko.

Pagkatapos din naming mag usap, ako na ang tumawag kay Kuya Gelo at sinabi kung anong napag usapan namin ni Papa. Nagsabi lang s'ya na bibisitahin nya daw ako dito once na natapos na ung project n'ya at magsabi lang daw ako kung may kailangan ko.

-------

Lumipas ang pitong buwan at patuloy ako sa pag aaral, nakaonline class ako. kabwanan ko na kaya si Kuya Gelo nandito at todo bantay sa'kin kahit si Papa. Kumuha na din si Kuya ng mag aalaga kay Baby Jash. Dahil paglabas n'ya 3 months lang babalik na ko ng school kaya kailangan masanay ni Jash sa kan'ya. But I will be hands on to him also.

Oo, lalaki ung anak ko. Tuwang tuwa nga si Papa at Kuya nung nalaman nila na lalaki.

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Kuya at Louie. Wala namang nabanggit si Kuya sa'kin. Wala na din akong paki alam sa kan'ya. Bahala na sya, itutuon ko ung atensyon ko sa anak ko.

"Nag iisip ka na naman ng malalim, Javi" agaw ng atensyon ko ni Kuya.

"Sorry, wala akong magawa Kuya e" nakangiting sagot ko sa kan'ya.

Nakaleave si Kuya ngayon dahil nga sa'kin, kahapon lang s'ya dumating at may mga pasalubong na gamit ng baby.

"Lika! Lakad lakad tayo. Dyan oh? Sa labas ng bahay," yaya n'ya sa'kin kaya tumayo ako, inalalayan naman ako ni Kuya dahil medyo hirap na din ako.

Hindi naman gaano malaki ung tyan ko pero nahihirapan ako kasi first time ko. Ang bigat bigat.

Lumabas na kami ni Kuya at tahimik na naglakad lakad sa bakuran. Nakahawak ako sa braso n'ya at dahan dahan naman s'yang naglalakad.

"Alam kong wala kang paki alam sa pamilya ni Louie pero nanganak na ung asawa n'ya, babae" basag n'ya sa katahimikan namin.

'Di naman ako nagreact at huminga lang nang malalim. Dahil bigla may bumara sa lalamunan ko at dibdib ko.

"Ah! Talaga? Edi maganda,"

Pinipigilang kong umiyak. Tinignan lang ako ni Kuya pero bumalik din agad sa harap ang atensyon.

"Anong balak mo? Dito ka na sa Korea for good or babalik ka ng Pilipinas?" pag iiba n'ya ng topic.

Buti naman pero hindi ko pa din kasi alam.

"Hindi ko alam, Kuya. Baka dito muna ko mag internship at magboard exam. Pwede ding sa Pilipinas ko na gawin ung dalawang 'yun. Hindi ko pa talaga alam, sa ngayon eto munang anak ko ang pagtutuunan ko ng pansin," saad ko sabay himas sa tyan ko. Tumango tango lang naman si Kuya at hindi na nagsalita.

Habang naglalakad kami pabalik ng loob ng bahay bigla naman akong nakaramdam nang pananakit ng tyan kaya napahawak ako nang matindi kay Kuya.

"Hey! What happen? Anong masakit?" agad na tanong n'ya dahil nakangiwi ako.

"Kuya.. Humihilab ung tyan ko. Lalabas na ata si Jash.."

Nakangiwing ako habang sinasabi iyon. Kaya naman sumigaw si Kuya kay Leah, ung taga-alaga namin tapos dali dali akong binuhat papunta ng kotse.

Nang makasakay naman na si Leah sa kotse pinaandar na 'yun ni Kuya at tumawag kay Papa. Ako naman na iiyak na sa sakit ng tyan at balakang ko... Para akong naiihi.. Ilang minuto lang nakaramdam ako ng tubig sa hita ko at mukhang pumutok na ung panubigan ko..

"Sir Gelo. Pumutok na po ung panibigan ni Javi.." nag aalalang usal ni Leah.

"Oh f*ck! Saglit lang bunso ah.. Kapit lang.. Jash.. Wag mong pahirapan ang mama mo..." Kausap ni Kuya du'n sa baby ko. Habang busy pa din na tinatawagan si Papa na sinagot na. "Pa! Si Javi. Manganganak na! Papunta na kaming ospital. Yes! Salamat," mabilis na saad n'ya at binaba na 'yun.

"Argh! Kuya! Ang sakit na!" naiiyak na maktol ko at sakto naman na huminto na kami sa ER ng Hospital.

"Dito na tayo bunso," saad n'ya. "My sister is in labor, she already have a record and OB here" Kausap n'ya du'n sa nurse na nasa unahan namin. "Oh! Doctor Kim!" tawag n'ya du'n sa OB ko.

Hindi ko na alam ang nangyayari dahil masakit na talaga s'ya. Naramdaman ko na lang na nakahiga na ko sa Hospital Bed at nilalagyan ng dextrose.

"You need to push this really hard, Javi. Araso?" bilin ni Dr. Kim kaya tumango na lang ako. "When you push, don't make any sound because it will drain your energy. You can do this, Javielle. Okay! Let's Start!" dagdag n'ya pa.

Nung sinabi n'yang iri, iniri ko talaga at sobrang sakit! 3 iri lang at nakarinig na ko ng iyak ng bata.. Kahit sobrang pagod ako at gustong pumukit ng mata ko. Sobrang sarap sa pandinig na marinig ko ung iyak ng anak ko.

Inihiga sa'kin si Jash at hinayaang yakapin ko. Naiiyak ako!

'Jash.. Mahal ka ni Mama, hinding hindi ka iiwan ni Mama. Pangako! Mag sisikap si Mama para sa'yo'

hinalikan ko s'ya sa ulo habang umiiyak. Kinuha naman s'ya agad sa'kin dahil lilinisan kaming dalawa pareho.

After akong linisan, nakatulog na ko kaya naman paggising ko. Nandito na sa loob ng kwarto ko si Kuya, Papa at Leah. Nilalaro nila si Jash. Buhat ni Papa si Jash, si Kuya naman tinitignan ung mukha ni Jash.

"Nak ng Patola, Jash! Mama mo naghirap sa'yo tapos kamukha ka lang ng tarantado mong tatay? Tsk! Buti na lang love kita," singhal n'ya na hindi mo alam kung naiinis o natatawa.

Kamukha ni Jash si Louie? Bakit? Paano ko itatago?

"Gelo! Bibig mo!" saway naman sa kan'ya ni Papa kaya natawa ako at kaya din nabaling ung atensyon nila sa'kin. "Gising ka na pala, Javielle," bati ni Papa sa'kin at unti unting lumalapit.

"Kamukhang kamukha ni Louie. Mahal na mahal mo ba ung tarantadong 'yun?" turan ni Kuya at tumabi sa'kin. Nginitian ko lang s'ya dahil sa sinabi n'ya.

"Kuya, malakas lang ang dugo nya kaya ganu'n. Hindi porket kamukha e, mahal na mahal ko na agad. There's none like that in science," saad ko na inirapan lang naman ako.

"Okay, Med Student ka nga pala," usal nito kaya natawa sila Papa at Leah.

"Pwede pong pabuhat, Papa?" tanong ko kay Papa kasi parang ayaw na ibigay sa'kin.

"Of course, it's your son," saad n'ya at dahan dahang ibinigay sa'kin.

Naluha ako nang mahawakan at matitigan si Jash.

Tama nga si Kuya, para silang pinagbiyak na puno ng saging dalawa ni Louie. Walang nakuha sakin! Ang daya!

"Ssshhh.. stop crying. Iiyak din 'yan si Jash," biro ni Papa at hinagod ang ulo ko, si Kuya naman hinahagod ung likod ko. "Hayaan mo. Pag lumaki 'yan magiging kamukha mo din," pagpapagaan ni Papa ng loob kaya naman natawa ako bahagya.

"Sana, pero kung hindi hayaan mo na. Atleast may alaala ka sa ex mo," saad ni Kuya tapos ngumiti. Ex? Wala nga kaming closure. "Gutom ka na ba? Nagluto ako ng nilaga sa bahay kanina ta's dinala ko dito. Wanna eat?" tanong n'ya.

Tumango na lang ako pero hindi ko pa din binibitawan ung anak ko. Kaya hinanda na ni Kuya 'yun.

Sakto naman na nahanda na ni Kuya, dumating ung nurse at kukunin na si Jash.

"I will get the baby for his vaccine and by the way what is the baby name?" tanong n'ya naman sa'kin habang kinukuha si Jash.

"Jashua Lawrence Manliquez." I said and look at Kuya.

He just smile at me and didn't say a thing. After kong sabihin 'yun. Umalis na din agad ung nurse at ibabalik na lang daw after 30 mins, kaya kumain muna ako para may lakas at gatas ako pag gusto na ni Jash ng milk.

Kakayanin ko naman kahit wala si Louie 'di ba? Bahala na kung anong sasabihin ko pag hinanap n'ya ung papa n'ya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status