"I can not drive you to school today,"
I stopped for a moment. "Why?"Nilingon niya ako saka siya sumenyas sa likuran ko, "siya na ang makakasama mo simula ngayon."May kunot sa noo ko na nilingon ang tinuturo niya. Parang isang computer na nagloading ang utak ko nang makita ko ang anak na kinukwento niya sa akin."What? Ikaw?"Naunahan pa niya akong mag-react. Napahalukipkip ako at muling lumingon kay John. "Siya ang sinasabi mo sa akin?""Magkakilala na pala kayo, siya si Cosmo. Cosmo, siya ang lagi mong babantayan simula ngayon, si Andrea." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.Wala namang nagsalita sa amin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kailan lang ay nagkaroon kami ng pag-uusap ng lalaki na iyan. Hindi ko alam kung totoo ba na gusto niya akong ligawan o isang kalokohan iyon.Pero, kahit ano pa man, hindi ko balak na maging katipan ang tulad niya. Mas uunahin ko ang legacy ng pamilya ko."Kailangan ay maging komportable kayo sa isa't isa dahil magmula ngayon ay lagi na kayong magkasama.""Ayoko," anang Cosmo. "Mas gugustuhin ko pang makipag suntukan sa hangin kaysa ang bantayan ang babae na iyan."Kumunot ang noo ni John. Nilapitan niya si Cosmo at tila may binulong. Napalunok naman itong si Cosmo at saglit akong nilingon."Nasabi ko na sa iyo ang mga dapat mong malaman at isaalang-alang. Mula ngayon isipin mong para kang sundalo. Ibubuwis mo ang buhay mo para sa kaligtasan ng iyong bayan.""Okay. Whatever."Ang kapal naman pala ng mukha ng lalaking ito. Siya pa ang may ganang magsungit. Kahit ako ay ayaw ko siyang makasama kahit saan. Makita ko lang siya ay naaasiwa ako."Oras na, kailangan niyo nang magmadali at baka mahuli pa kayo sa klase ninyo."Tumango ako at dinampot ang bag saka ko iyon sinukbit sa balikat ko. Sabay kaming naglakad palabas ni Cosmo at walang nag-iimikan sa aming dalawa."Ako na magdala niyan,"Tumanggi akong ibigay sa kaniya ang bag ko. "Kaya kong bitbitin ang sarili kong gamit. May dalawang kamay ako at hindi pa ako baldado."Hindi naman siya nagsalita. Binuksan niya ang pinto ng driver's seat saka siya pumasok. Hindi niya man lang talaga sinubukang pagbuksan ako ng pinto.Ako na lang ang nagbukas at sumakay.Sa buong biyahe ay tahimik lang kami. Walang may balak na makipagplastikan. Hanggang sa nakarating na kami sa parking area ng school.Sabay pa rin kami muka sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagpasok sa loob ng campus.Nakadikit siya sa akin kaya ang ibang mga estudyante ay nakatingin sa akin. Ako ang nandidiri lalo na kung ang iniisip nila ay magkarelasyon kami ng lalaking ito. That would never happen."Omg! Andres!"Agad na lumapit sa akin si Gracie kasama niya si Edzell. Napatingin silang dalawa kay Cosmo at muling binalik sa akin ang mga tingin nila. Parang nagtatanong ang mga mata nila kung bakit kasama ko ito."Bakit magkasama kayo?"Si Edzell agad ang nagtanong habang nakatingin nang masama kay Cosmo."Mahabang istorya," aniko.Pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto. Si Cosmo ay hindi ko makakasama dahil hindi naman kami magkaklase. Para ko lang naman siyang bodyguard. I hate bodyguards.As usual, nakaupo ako sa tabi ni Gracie. Nasa likuran naman ang mga lalaki, sina Edzell, Andrei, at Adrian. Magbabarkadang walang iwanan."So, ano ang kuwento? Bakit magkasama kayo kanina ng badboy na iyon?"Bumulong agad si Gracie. Nagsilapitan pa ang mga lalaki para makinig din sa sasabihin ko.Napabuntong-hininga naman ako, "anak siya ni John. Siya ang pumalit kay John para magbantay sa akin habang buhay niya." Pagsalaysay ko gamit ang pagod na boses."Ay? Siya ang anak?""Unfortunately," sagot ko naman.Nagsibalikan naman sila ng upo nang biglang pumasok sa loob si Sir Perez.Dala niya ang class record maging ang bag na para sa laptop. Nakaayos ang buhok niya ngayon hindi tulad noon na messy ang style. Parang bagong ligo siya ngayon o may gel ang buhok niya.Bumagay sa porma niya ang kulay ng balat niya at ang kulay ng bag niya. Simple lang kung masilayan pero malakas ang awra."Tumayo lahat ng tatawagin ko," aniya na nakatingin pa rin sa class record. "Dela Cruz, Amalgoso, Santos, Briones, Lazatin, at Dominguez."Napahinga ako nang malalim. Akala ko ay ako na ang tinawag. Dominguez pala.Inangat na niya ang tingin niya sa aamin. Seryoso at tila mahiwaga ang mga mata niya.Inupo ni Sir Perez ang kalahati sa puwitan niya, "why are you absent yesterday?"Una niyang tinanong si Dela Cruz, si Kae. "Lagnat po," maikling sagot naman niya habang nakayuko.Ganoon din ang sinagot ni Amalgoso Maricar. Nilagnat din.Naiiling si Sir bago niya tinanong si Charles Santos, "the reason behind your absence?" Tanong niya."Sir, sinikmura ako."Maging ang iba pa ay ganoon din ang sinagot. Parang wala na silang maisip na isasagot."So, lahat kayo ay nagsabay na magkasakit? Konektado ba ang mga bituka niyo?""No, Sir."Ang seryoso ng mukha at boses ni Sir Perez. Parang may problema siyang tinatago. Tila ayaw niyang malaman namin ang nararamdaman niya at pinadadaanan niya."This is the second month of the school year. You chose to be enrolled, so, you must cooperate and accept the consequences of what it is to be inside the school premises. I never chose to apply for a job and just sleep all day while waiting for my salary. That is not how world works."Napayuko ako bigla. Parang pati ako ay pinagagalitan ni Sir. Hilig ko pa naman aang mag-absent."I chose this class," his tone changed. "Because I know no one could handle you, and I know I can. I can change all of your mindset from stooping down to being proud. Please, don't let anyone to manipulate you and keeps you apart from who you are in the future. You might be a billionaire someday or more than that."Napangiti ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay talagang hinahangad din niya ang tagumpay ng mga estudyante niya. He is not just a teacher. He is a motivator."You are not a product of your circumstances," dagdag pa niya.Parang gusto kong pumalakpak. Masuwerte ang magiging asawa nito kung sakali man. Maganda at malayo ang pananaw niya. Hindi lang siya nagtuturo sa estudyante, binabago niya ang isipan at layunin ng bawat isa.Pagtapos niyang magsalita ay bumalik na siya sa pagturo. Nakatalikod at nagsusulat sa white board. Tahimik lang ang buong klase. Natauhan yata sila sa sinabi ni Sir.Hindi pa man tapos ang klase ay nakikita ko na ang mukha ni Cosmo na nakasilip sa pinto ng room namin. Isipin pa lang na makakasama ko na naman siya ay bigla akong tinamad sa buhay ko. Lord, please. Give me strength.Napansin naman siya ni Sir kaya napahinto ito. Nagkatinginan pa ang dalawa bago nagsalita si Sir at pinayagan na kaming lumabas. Ang sunod na subject ay depende sa specialization ng mga estudyante.Lumabas na kaming lahat ganoon din ang ibang section."Makakasama ko na naman ang h*******k." Bulong ko sa hangin.Hindi naman kami ganoon kalapit pero naaasiwa pa rin ako. Wala bang ibang anak si John? Kung mayroon, iyon na lang sana ang ipalit sa lalaking ito."I'm an electrical installation and maintenance student," aniko."Bakit iyan ang pinili mo?" Masungit na tanong ni Cosmo. "Babae ka at pinili mo ang subject na iyan. Puro lalaki ang makakasama mo diyan. Mabuti at parehas tayo ng napili.""What?!"Gusto kong masuka! Ibig sabihin lang nito ay makakasama ko na naman siya! Aba, consistent masyado ang tao na ito. Kakaiba.Ito ang paborito kong subject pero naging boring dahil may kasama akong asungot. Hindi tuloy ako nakakilos nang maayos. Habang nagsusupply ng kuryente ay iba-iba ang naiisip ko. kUng kuryentihin ko na lang kaya siya para hindi na siya makalapit sa akin? But, no. I am no criminal.Ang sumunod na subject ay P.E.Mabilis lang ang oras nito dahil puro performance naman ang mayroon sa P.E. Agad akong nagpunta sa CR para magpalit ng pants at shirt.Mabilis kaming nakarating sa lugar kung saan kami tinawag ni Sir Aaron.In-orient niya kami sa magaganap ngayon at sinabing hindi raw kami sasayaw tulad ng nakaraan. Salamat naman. I don't wanna dance, though."Nasabi ko na sa inyo ang gagawin ngayon, tama? Now, find a partner."Nanlaki ang mga mata ko! Partner? Para saan naman?Teka, wala yata ako nang sinabi niya iyon. Baka mawalan pa ako ng partner, pero naghintay lang ako na may mag-aya sa akin para maging partner hanggang sa wala. Wala akong partner.Lahat sila ay mayroon nang mga partner maging yung mga absent kahapon. May absent kasing isa ngayon kaya wala akong partner. We’re 44 but someone isn’t present today.Napatingin ako kay Sir Aaron na kausap si Sir Perez. Oo nga pala, magkaibigan ang dalawa at super close pa.Bagsak ang balikat kong pumwesto sa likuran ng mga nagkumpulan kong kaklase dahil wala naman akong partner. Si Sir Aaron pa naman ay medyo istrikto sa pagtuturo. Kapag wala kang partner, simple lang, wala ka ring grades. What a life.“Okay, may partner na ba ang lahat?” Nakikita ko pa rin naman si Sir Aaron kahit na medyo malayo ako sa kanila. Katabi niya lang si Sir Perez at nanonood sa amin.Wala siyang klase ngayon, it’s his vacant time. Bakit alam ko? Friday ngayon at dalawang beses lang ang klase niya, first period at last period. Lagi kong napapansin iyon na tuwing Friday ay madalas siya sa faculty at umiidlip.“Oh, bakit nandiyan ka Andres Domingo?”Napansin ako ni Sir Aaron at dalawang teacher ang nakatingin sa akin ngayon. “Ah, wala ho kasi akong partner.”“Eh ‘di wala ka ring grades.”Tss. Napangiwi ako nang sabihin niya iyon at simulan nang ipuwesto ang mga kaklase kong may couple na. Nakakapanggigil ng laman ang araw na ito. Pumasok ba ako para mapahiya na lang lagi?Okay, sit ups ba ang ginagawa nila?Kaya pala may partner sila at buti na lang talaga wala akong partner dahil ayokong gawin iyan, ano! Maituturing ko pa ring suwerte ako.Napansin kong nag-uusap sina Sir Aaron at Sir Perez, siguro ako ang pinag-uusapan nila. Hilig talaga akong itsismis ni Sir Perez sa mga katrabaho niya. Diyan siya magaling, ang i-down ako. Pshh.“Oh, ano Andres Domingo? Wala ka na namang grades sa PE?”E, wala nga akong partner, kainis naman. Nakakayamot iyang tanong niya, ah. Nahawa na siya kay Sir Perez na masyadong mapang-asar.“Ako na ang partner niya,”Nanlaki ang mga mata ko sabay nang biglang pagtaas ng mga balahibo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. At alam kong nagtaka rin ang mga panget kong kaklase dahil… dahil talagang nakakagulat!“Ah, h—huh?” Nauutal pa ako habang lumalapit sa akin si Sir Perez.“Sayang ang grades na ibibigay ni Sir Aaron kung hindi ka makakapag-perform.”Wow, totoo ba iyan na concern siya sa grades ko?Wala na akong nagawa nang isapin ni Sir Perez ang tela na parang ginagamit sa yoga. Hindi ko alam ang tawag doon dahil hindi naman ako nagyoyoga.“Diyan ka na,”“Si…sige po,”Hindi na nga ako sanay mag-exercise, hindi rin ako sanay na may lalaking malapit sa akin maliban na lang kay John. E, siyempre si John parang tatay ko na. Sixty na si John at wala na sa kalendaryo ang edad niya, mawawala na rin sa bingo, isang dosenang taon pa.Umupo ako sa sapin at pinagdikit ang mga hita ko. Parang ayoko nang ituloy ito. Ayos lang sa akin kahit wala akong grades basta malayo lang sa akin ang lalaki na ito!“Hoy?”“Ay, hoy!”“Tulala ka na.”Napayuko naman ako dahil napansin niya pala iyon. Napansin niya?“Alright, ang ganda niyong tignan. Ngayong may partner na kayo, sisimulan na natin ang dapat simulan. Sit-ups ang tawag sa gagawin ninyo ngayon, bawat indibiduwal ay kailangang makakumpleto ng apatnapung bilang, maliwanag?”Siguro kung ikaklaro niya pa nang kaunti ay magiging malinaw na sa amin. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa apatnapung bilang? Bilang ng ano? Bilang ng utot namin? Pabahuan, ganon?Hindi man lang kami nagsimula sa warm-up, sabak agad sa giyera. Si Sir Aaron talaga, nagmamadali lagi kaya lagi ring may nakakalimutan.Madami pang sinabi si Sir Aaron bago niya kami pinasimulan. Humawak sa tuhod ko si Sir Perez at hindi ko siya matignan nang maayos kasi nako-conscious ako. Teacher ko siya at estudyante niya ako.Bawat pag-angat ng katawan ko ay sa iba ako nakatingin, ayoko talagang tumitingin sa mata ng iba lalo na kapag sobra ang lapit sa akin. Feeling ko hihigupin niya ang buong pagkatao ko na parang yung nababasa ko sa mga nobela.Ayokong pansinin pero parang ang lapit sa akin ni Sir. Napapansin ko iyon sa tuwing naglalapit ang mga mukha namin. Ay, naku! Sumusobra na ang panonood ko ng mga romance movie kaya kung anu-ano na ang naiisip ko. Kasalanan ito ng mga binibili ni John na libro para basahin ko.Nararamdaman ko na ang pangangawit ng katawan ko pero malapit nang matapos ang bilang kaya napatingin na ako kay Sir Perez na nakatingin din pala sa akin. I am not into romances kaya hindi ako mabilis kiligin kahit pa malapit sa akin ang isang lalaki. Although, nagbabasa ako ng mga ganoon, iba naman ang reality sa fiction. I just don’t like romance.“Your eyes are beautiful,”Lumamig yata ang pisngi ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig."H-Huh?"Nasa labas ako ng bahay at tulalang nakamasid sa mga bulaklak na nakadisplay malapit sa akin.“Your eyes are beautiful.”Hindi maalis sa utak ko yung sinabi ni Sir Perez sa akin. Alam ko naman na maganda ang mga mata ko pero hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin nang malapit pa ang mga mukha namin. Uunahan ko na ang sarili ko bago pa niya maisip, teacher siya at estudyante ako. There is always a huge difference between the two. There is a thousand miles gap between me and him.Malabo.Napakalabo.Humalukipkip ako at tinitigan ang isang bulaklak na walang kaparehong bulaklak. Mag-isa lang siya at napapaligiran pa ng mga naglalakihang bulaklak sa paligid niya. Sinadya ba ni John na isang piraso ang ilagay diyan?“Pinalabas sa akin ni Papa iyang mga iyan.”Umupo sa isang upuang bakal si Cosmo at nilapag ang hawak niyang tray na may lamang donuts. Napangiti ako bigla dahil paborito ko ang choco butternut.“Uy," aniko.“Nasabi kasi sa akin ni Papa na paborito mo ang mga g
Hindi pa man ako nakakalapit sa classroom namin ay rinig ko na nga ang ingay sa loob. Ngayon lang nangyari ang ganito.“Nakakakilig naman!”Isa iyon sa mga sinasabi nila at tinitili nila. Napapailing ako nang pasukin ko ang kuwarto at makita silang nagkukumpulan di-kalayuan sa upuan ko, o baka sa upuan ko nga mismo?“Sana pati ako makaranas nang ganiyan.”“Ang swerte naman ni Andres at may secret admirer siya.”Huh?! What the heck are they talking about? Secret admirer? “Uy, andiyan na si Andres.”Tinignan ko sila nang masama dahil hindi ko gusto ang lapit nila sa lugar ko. Nang medyo lumayo na sila sa desk ko ay mabilis na lumapit ako para malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon.Nakunot ang noo ko bigla. Isang pulang rosas na nakapasok ang tangkay sa isang DIY bracelet. Kinuha ko iyon para makita ko pa nang malapitan habang ang mga kaklase ko ay di na mapigilan ang tilian. Isampal ko sa kanila ito, e.“Kanino galing ito?” Tanong ko pero walang sumagot. Nagkatinginan pa sila
“Oh, yeah?”Ang arte ng boses ng babaeng ito. Siya raw ang transferee na tinutukoy nila. Wala naman akong pakialam sa kaniya pero ang ingay niya lang. Wala pa kaming teacher, siguro nagkaroon ng unexpected meeting.“Thank you. Actually, my dad bought this in The United States and sabi niya that hindi niya need ang phone na ito. Mura lang naman ito.”Naramdaman ko ang biglaang pagtabi sa akin nina Andrei, Adrian at Edzell. Sa madaling salita, yung fantastic three. “Ayoko sa kaniya, Andres.” Bulong sa akin ni Adrian.“Tinanong mo na ba siya kung gusto ka niya?” Tanong ko naman sa kaniya.“Grabe ka naman,”“Nung nakaraan, bago-bago pa siya rito, pero habang tumatagal, nag-iiba na ang ugali niya.” Si Andrei iyon.Tinigil ko ang pagguhit ko sa yellow pad saka ko naman tinignan ang pinag-uusapan nila. Hmm, maganda siya. Matangkad pa sa akin kung susumahin. At sobrang puti. Malalaman mong mayaman talaga siya dahil sa porma niya. Maayos na pananamit, mga alahas sa katawan at pabangong ginagam
“Sorry, I’m late.”Hindi ko alam kung anong engkanto ang sumapi sa akin pero kusang nahulog ang hawak kong lapis nang marinig ko ang di-pamilyar na tinig na iyon. Malamig at hindi makikitaan ng emosyon ang boses niya.Napalingon ako sa pinto kung saan siya nakatayo at naghihintay ng permiso ni Sir para makapasok sa kuwarto.“Okay lang. Sa susunod, be on time.” Sagot ni Sir Perez nang hindi man lang nililingon ang estudyanteng ngayon ko lang nakita.As in, ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko alam kung kailan ko siya naging kaklase. Gano’n na ba karami ang absents ko?Sinara ko ang nakaawang kong bibig nang bigla ay magsalubong ang tingin namin ni Sir. Baka ipahiya niya pa ako sa klase. Well, lagi naman akong napapahiya. No wonder why Andres Domingo is very famous.Habang naglalakad ang lalaking ito papunta sa puwesto niya ay pinagmamasdan ko siya. Sa kaniya lang nakatutok ang mga mata ko hanggang sa makaupo na siya.Nakita ko ang mga mata niya. Diretso lang ang tingin at walang makiki
“Nag-absent ka na naman, Miss Domingo. Sa araw pa ng announcement ng mga nanalo sa contest na sinalihan mo.”Sinalihan daw? Hindi naman ako sumali nang kusa roon, pinilit lang ako.“Sorry, Sir.” Yun lang naman ang masasabi ko. Medyo pagod ako ngayon at pakiramdam ko ay ang bigat ng balikat ko.Nakakaramdam din ako ng antok. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang mga ito pero sana makarating muna ako sa bahay bago may mangyari sa akin.“Ayos lang. Actually, ako na ang tumanggap ng parangal na dapat para sa iyo dahil absent ka naman.”Parangal? Ano namang parangal ang natanggap ko? Most Shivering Contestant? Puwede na rin para sa isang baguhang katulad ko.“Hindi mo ba itatanong kung anong napanalunan mo?” Tanong pa sa akin ni Sir. Bahagya niya akong nilapitan at tinignan.“Eh, ano ba?” Napilitan pa akong itanong iyon sa kaniya kahit tinatamad akong magsalita. Hindi ko na malaman kung bakit ba ganito ako ngayon.Kinuha naman niya sa desk niya ang isang papel at maliit na white env
Late akong nakatulog kagabi dahil masyado kong inisip ang pag-uusap namin ni Mr. Magallanes about sa proposal niya. Tulala tuloy ako ngayon at sa labas ng bintana nakamasid.Parang tama nga si John. Kailangan ko ng makakasama sa buhay para na rin matulungan akong maiangat muli ang pangalan namin. Pero hindi ako dapat magtiwala nang agaran, natatakot ako."Before we start, I would like to thank Miss Chelsea Duncan for winning the On-the-spot Writing Contest yesterday."Narinig ko naman silang nagpalakpakan pagkasabi niyon ni Sir Perez."You won the second."Akala ko naman winner na talaga, sayang. Ano naman kaya ang sinulat niya at ganoon ang naging resulta?"Actually, kailangan mong lumaban uli, Miss Duncan.""Why, Sir?""You have to break the tie. Kung hindi ka lalaban, talo tayo."I took a nap, but my eyes are still open. Medyo nag-aalala lang ako kay Adrian. He's absent for a week now. Absent rin ngayon si Andrei. Ano kaya ang problema?“Bakit naman ang tahimik mo?”Napatingin tul
“Where’s Chelsea?”Yun agad ang bungad sa amin ni Sir dahil si Chelsea ang representative ng section namin para sa creative writing.“Hindi siya puwedeng hindi pumasok ngayon, paano ang laban niya ngayon?” Binagsak niya ang salamin niya sa mata para ipatong sa desk niya."Sir, hindi raw siya makakapasok.""Why?""Out ot town," sagot ng kaklase namin."Naisipan niyang mag out of town kahit alam niyang kailangaan niyaang pumasok ngayon? Bakit ba ganiyan ang mga kabataan ngayon?"Ilang oras lang din ang tinagal ng unang mga klase bago magsimula ang break time. Sabay pa rin kami sa pagpasok sa canteen at nakita ko na naman si William na walang kasama.Gusto ko siyang makausap para hindi na siya laging mag-isa sa buhay niya. Parang ang lungkot ng buhay niya dahil lagi siyang mag-isa. Is there any reason for him to be like that?Nang makaupo na sila ay tinignan ko sila. Si Edzell lang ang kasama ko ngayon.Nagpaalam ako kay Edzell na lalapitan ko lang si William para makausap. Gusto ko ring
“So, it was you.”Binulsa ko ang palad ko habang humahakbang papalapit kay William na nilalagay sa desk ko ang bulaklak na lagi kong naaabutan sa umaga. Nagulat pa siya dahil siguro hindi niya inaasahang mahuhuli ko siya. Inagahan ko ngayon dahil wala si John para daw kumausap ng importanteng tao.Hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang awra at ekspresyon ng mukha niya. Umangat pa nang ilang sandali ang kaliwang kilay niya bago nakapagsalita.“What are you talking about?”Nagmaang-maangan pa. Iyan naman lagi ang sinasabi ng mga feeling inosenteng saspek.“Ikaw lang pala ang naglalagay ng ganiyan sa desk ko. Ano bang motibo mo?”“I do not know what you're saying. I just realized that there is a flower here. I looked and you saw me holding it.”Ngumisi ako nang humakbang siya palayo. “You have a crush on me.” Bigkas ko. Hindi patanong, lalong hindi ako nag-aalinlangan.Humarap siya sa akin.“The hell with you? Look at yourself. You look like a messy uneducated lady who never fix her appea