Share

Connection

“Grabe! Maging ang ina mo ay nauuto rin pala ng Liset na ‘yon, sigurado ‘kong may sinabi siya sa mama mo kaya gano’n na lang ang galit no’n sa ‘kin.”

Nasa parking lot na kami ni Dreyk, ngunit hindi muna ako pumasok upang lumanghap ng sariwang hanging. Bigla na lang nag-init ang ulo ko sa hindi magagandang salita na ‘yon ni Mrs. Sebastian, hindi niya ‘ko lubusang kilala para basta na lang pag-isipan ng gano’n. Dapat ay nasa stage kami nang pagkikilanlan sa isa’t-isa, eh.

“I’m sorry for my mother’s behavior. Nabigla lang ‘yon sa mga nangyari, don’t worry I promise to talk to her as soon sa possible, okay?” Hinawi Dreyk ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa may mukha ko, inipit iyon sa may tainga. Worried ang inilalabas na ekspresyon ng kaniyang mata, kaya para maibsan ‘yon ay nanahimik ako’t hindi na lang nagbigay pa ng reaksyon. 

“Sure ka ba talaga sa gusto mong mangyari, Dreyk? Isusugal mo ang relasyon niyo ng mama ko kapag itinuloy mo ‘to. Kung ang pinakagoal mo lang naman ay ang makabawi sa ‘kin puwede sa ibang bagay mo gawin. Pero ang pagpapalayo mo pa lang sa ‘min ni Zusie ay ayos na. Wala na rin naman akong magagawa sa past ko, accept na lang.” Ilang beses ko naman sa kaniyang pinapaalala ang bagay na ‘to, ngunit ang lagi lang din naman niyang sagot sa ‘kin ay gusto niya ang gagawin niya. So, ano naman ang magiging laban ko sa wants ng isang Dreyk Sebastian, kaya niyang mapasakaniya ang naisin niya. 

“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo, Selene, may motive is in half-half structure. Yes, I admitted, I was guilty, right? But then, I also told you about the unfamiliar feelings that I have in here. I want to an answer for this, “ Itinuro pa ni Dreyk ang kaniyang dibdib kung nasa’n nakalocate ang kaniyang puso. 

Sinabi niya nga ang mga bagay na ‘yon sa ‘kin, ang kaso’y ang hirap naman kasing basta paniwalaan. Okay lang sana kung past lovers kami, ang kaso, hindi naman. Basta na lang siya nagsasabi ng kaniyang mga d***g nang muling magkrus ang landas namin.

“Fine!” Iyon ang naitugon ko. Pinagsalikop ko ang aking mga braso’t napakagat sa labi. Saka ko lang naiisip na mukhang mali ang desisyon na tinahak ko. 

“Pero alam mo naman din kung ano ang dahilan ko for taking your offer, hindi ba? I want power, money and not a husband Dreyk. Kaya kung ano man ang maging outcome nito’y wala sana tayong samaan ng loob. Kung hindi magwork out ang relasyon na gusto mong buuin, back out. Hindi tayo lovers simula pa lang, may purpose ako for this, at ikaw din, quits na siguro ‘yon para gamitin natin ang isa’t-isa.” Naging mahaba ang pahayag ko para sa kaniya. Mabuti’t nakikinig siya nang mabuti sa mga sinasabi ko sa kaniya. He even nodded for me. Smiles. And then hold my hand.

“I understand, you can do whatever you want to my money. Use my name to have power in this society. If you want, you can have me as a prize as well. Just make sure to stay by my side.” 

“Bruha, buti naman at nakauwi na kayo, bored na boed na ‘ko rito.” Sinalubong ni Zusie ni Selene pagkapasok kaagad ng dalaga sa Condominium. 

Matapos ang mainit na sa komprintasyon ni Selene sa ina ni Dreyk ay nagpasya na silang mauwi na lang. Nag-usap na lang sila sa loob ng kotse’t nagbigay ng impormasyon tungkol sa isa’t-isa.

“Kasama mo naman si Jeriko, ha. Sana lumabas kayo, nagtext ka na lang sana sa ‘kin para alam ko,” ani Selene. Isinalampak niya ang puwetan sa sofa, inalis ang mataas na takong upang mairelax ang kaniyang mga binti.

“Naku! Hindi ko na aasahan na sasamahan ako niyan ni Jeriko, masiyadong killjoy kasi.” Umasim ang mukha nitong tinapunan ng tingin ang gwapitong sekretarya. Ilang mapang-asar na tingin ang ibinato nila sa isa’t-isa. Hindi gano’n magkasundo ang mga ito, ayon kay Jeriko’y hindi niya matatagalan ang kadaldalan ni Zusie.

“Pero dahil nandito ka na’y magkakaro’n na ko ng matinong kausap,” lumapit siya sa kaibigan, sabay ang paglalambing. “Hindi ka naman dito matutulog Dreyk, ‘di ba?”

Tiningala ni Zusie si Dreyk na nasa may likuran ni Selene, nasampa ito sa may sandigan ng malambot na sofa’t panay ang paglalaro sa buhok ni Selene.

“No,” hindi siya galit, hindi rin naman siya mukhang naiinis sa sagot na ‘yon.

Pinadaanan lang din ng tingin ni Selene si Dreyk na siyang naging dahilan upang magtagpo na naman ang kaniyang titig. Maayos na ang usapan nila kaya simula ngayon ay susubukan na ni Selene na maging casual sa lalaki. Nginitian niya si Dreyk, na para ba silang magkaibigan.

“Good, bukas na lang ulit kayo magloving-loving nitong kaibigan ko ha, sa ‘kin muna siya ngayon.” 

Napangisi namans si Dreyk sa tinuran ni Zusie, ngunit si Selene ay isang hampas sa braso ang ibinigay sa taklesang kaibigan. “‘Yang bunganga mo talaga.”

“Sorry na, kaso totoo naman kasi eh.”

“Zusie’s right,” mamaya ay pagsingit ni Dreyk. Hagalpak naman sa tawa ang babae sa ginawang pag-amin ni Dreyk sa katotohanang gustong iparating ka Selene. Overwhelmed ang binata sa pinapakitang suporta sa kaniya ng kaibigan ni Selene para sa kaniya. Kaya naman kinuha niya ang wallet sa bulsa’t naglabas ng isang itim na card, inabot ‘yon sa kanila’t inirekomendang lumabas sila bukas para makapag-shopping.

“Buy and eat whatever you wanted. There’s no limit for that card.”

“Huh? Seryoso ka?” Lumihis ng pagkakupo si Selene para mas lalong makaharap ito. 

“Yeah, I am. Remember, this is your first prize for the deal. So enjoy. Call me if you needed anything,” anito. Hayan na naman si Dreyk sa walang humpay na paghagod sa kaniyang buhok. Sadyang may kalikutan ang kamay nito na umaabot pa hanggang sa kaniyang leeg kung saan malakas ang kaniyang kiliti. Kaya ang balik no’n ay halos magkandirit siya sa kakaiwas sa pang-aasar nito sa kaniya.

Madaling araw na nakauwi si Dreyk sa sarili niyang bahay, natapos na siyang magshower kaya ang pagpapatuyo na sa kaniyang buhok ang pinagtuuanna niya ng pansin. Maraming nangyari sa araw niya, maliban sa usapan sa pagitan nila ng ina ay stress din siya sa trabaho niya. Naupo muna siya sa sofa habang umiinom ng tubig, inikot-ikot ang kaniyang leeg upang ma-exercise ‘iyon. Mamaya’y itinukod ni Dreyk ang kaniyang kaliwang siko sa tuhod habang nagpupunas ng basang buhok sa may noo. 

Ngunit nang umilaw ang kaniyang cellphone ay binitiwan na niya ang towel para tignan nung sino ang nagpadala ng mensahe sa kaniya.

There were three missed calls from her mom, five from Liset and another two from an unknown number. He prioritized the messages, thinking that Selene may have message him. But there is nothing, all he had is a message from his mom, Liset, Jeriko, some spams and the number who tried to also call him.

“Sino naman ‘to?”

Ngunit napatayo na lang si Dreyk ng mabasa ang laman ng mensahe nito. Sinubukan niyang i-dial ang cellphone number pero wala na- Can not be reached na. 

“D*mn!” 

Ilang beses pa siyang nakapagmura, na may kasamang pabalik-balik na paglalakad sa loob lang din ng kaniyang Unit. Importante ang messages na ‘yon, they were leads to the case he wanted to re-open, but sadly he all missed it.

Naikuyom na ni Dreyk ang mga kamao, nagtatagis ang mga ngipin sa galit na nararamdaman. Sa haba ng panahon na ginugol niya para malaman kung sino ang mastermind sa S*x Scand*al ay naipon na lahat ng suntok at gulpi na gusto niyang ibigay kung sino man ‘yon.

The revenge she wanted for Selene is in high mode.

 “I will make sure to find you, bastard.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status