Share

Kabanata 14

SHE FIXED herself. Ang kanina na masayang damdamin niya ay bigla na lang nalungkot. Pakiramdam niya ay si Cinderella siya na sumaya lang nang ilang saglit. Akala ni Aiha na sa mga nobela lang nangyayari ang mga kaganapang ito. Akala niya ay puwede ang mahirap at mayaman sa totoong buhay, pinaasa na naman siya ng mga fairytales na kinukuwento ng Mamang niya sa kaniya noong mga araw.

Nasa labas na siya at hinanap si Joseph. Nawalan kasi siya nang gana buhat nang pagsabihan siya ni Kloudette kanina. Namataan niyang mag-isang umiinom sa isang sulok si Joseph kaya ay kumapit siya sa kaibigan.

"What took you so long, Aiha?" tanong ng lalaki sa kaniya.

"S-Sumakit ang tiyan ko. I guess dahil ito sa kinain kong alimango kanina," pagsisinungaling niya.

"Want a drink?" alok ng kaibigan niya.

Umiling si Aiha at tipid na ngumiti. "P-Pass muna ako. Actually, gusto ko sanang magpaalam sa iyo," sabi niya sa kaibigan.

"Why? Saan ka na naman pupunta?"

"I have to go home, Joseph. Baka kasi lumala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status