Share

Chapter 1: Pierce my heart

Fierce Valentine

Nagising ako sa ingay nang ring tone sa aking phone automatic akong nagising pero hindi ako bumangon nananatili lang akong nakahiga habang natatitig sa kisame hinahayaan ko lang ang kanta at naiyak na ako kasi pasakit ng pasakit ang tama ng lyrics, binabalik ako sa noon, nung kami pa. Ito Ang favorite naming kanta ni Lief, ang "Hanggang sa Huli" ng SB19. I really love Stell so much pero sa kanta bet ko ang huskiness ng bose's ni Ken. For me they nailed this song kaya parati kong pinapakanta Kay Leif. Buong akala ko Wala nang maghihiwalay sa aming dalawa.

Akala ko lang pala yun.

Pero one thing for sure. After seventeen long years, Wala akong ibang minahal kung di siya lang. At gaya ng kanta... kahit hindi kami para sa isa't isa ako'y lagging nandirito magmahal sa kanya hanggang sa huli.

Napangiti ako habang inaalala ang mga nagdaang taon. Unti-unti nakaramdam ako ng kirot sabay ng luhang pumatak. Saka lang ako nagising sa aking diwa. Napahawak ako sa sakit dahil unti-unti na ring tila naipon ang sakit sa leeg na di ko mawari ang sakit at nahihirapan na rin akong huminga.

"I've known him since we were still wearing our diaper, hindi parin pala sapat."

Napangiti na naman akong binalikan ang unang beses kong lubos naunawaan ang tunay kong naramdaman sa kanya.

FLASHBACK

"Fevy...."

Nilingon ko si Leif na nakapustura dahil gwapong-gwapo ito sa suot na short at polo na may kasamang bowtie. Ibinalik ko ang tingin sa aklat na binasa ko. Biglang may nahulog na isang tangkay ng White Rose na mukhang kababali lang.

It was tita Kim's white rose.

Napangiti ako pero agad ko rin binura ang kiliting naramdaman ko. Binaba ko ang aklat at tinapon ko pabalik ang white rose sa nagbigay. Naupo ito at sumimangot. Naglakad ako papunta sa duyan ko at nahiga. Busy ang lahat pag sunday it's a family bonding day.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng may narinig akong paglapag sa sahig na nagpabangon sa akin. Agad kong nakita si Leif, siya pala Ang lumikha ng ingay at may dala siya, ang buong paso ng white roses. Napa awang ang bibig ko. Gusto kong matawa at kiligin sa daming bulaklak.

"Patay ka kay tita Kim!"

Gusto kong sabihin sa kanya pero inunahan niya ako na mas lalo pang nagpakilig sa akin. Sa aking neneng puso.

"Fierce Valentine, I love you!"

Nanlaki ang mata ko. Kasi we were only eight. At kung maka i love you siya wagas. Naaalala ko tuloy ang mga ginagawa ni Leif. Noong mga baby palang kami ay parating pinapasyal ni tito Blue si Leif sa bahay. Parating lumalapit si Leif sa akin pero aloof akong bata. May sarili akong mundo. Araw-araw pag dadalhin yan sa bahay ay palagi itong may binibigay sa akin kahit hindi ko kinakausap.

Nung two years old kami ay binigyan niya ako ng dark chocolate. Iyak pa ng iyak si Skyee dahil ayaw siyang bigyan ni Leif.

Nung three years old kami ay gummy bears ang parati niyang binibigay sa akin.

Nung four na kami ay binibigyan niya ako ng papel na may drawing. Infairness gifted si Leif.

Nung five kami ay parati niya akong tinatawagan sa landline na ikina asar ni tatay dahil ang ingay tapos pag hindi ko sasagutin ay maglalakad yun papunta sa bahay at matapang na hinaharap si tatay. Tapos may pabigay pa siyang v-cut ang favorite ko.

Nung six kami ay sumulat pa ito ng tula para sa akin. At hindi lang yun tinula pa ito sa harapan ng klase.

Seven kami ng sumulat siya kanta. Ang nakakatuwa pa ay ang pamagat. "I love you! Will you be my wife?!"

As in ang bawat salita sa kanta ay ang cute. Marami nga ang humanga kasi paano ba daw magawa ng isang pitong taong bata ang ganun ka sweet na lyrics. Mukha daw may pinag huhugutan.

Yan si Leif Patrick Trevor.

Kahit ako si Fierce Valentine na halos walang emosyon at m*****a ay unti-unti napapalambot ni Leif sa kanyang mga simply gestures.

Yung innocent look niya isama pa ang hindi niya pagsuko at harapang aminin sa pamilya namin na crush niya ako ay nakakahanga. Dahil dito ay unti-unti kong nakikita si Leif.

Hindi bilang pinsan ko.

Hindi bilang ampon ni tito Blue.

Hindi bilang kaibigan.

Pero bilang lalaki na nagpapasaya sa puso ko.

Pero mamatay na hindi ako aamin!

Kuntento na akong makita lang siya. Marinig ang boses niya sa paligid. Matikman ang sandwich na ginagawa niya para sa akin kaya hindi na ako nagdadala ng baon. May pagkakataon din minsan na pag walang nakatingin ay ninanakawan ko siya ng tingin ang gwapo niya kasi. Bagay na bagay sa kanya ang kulay berdeng mata. Perfect matched si Leif lalo pa kung nakangiti siya dahil buhay na buhay ang na tila nagliliwanag ang paligid.

"Fierce, i said i love you!"

Pag uulit nito na ikinataas ng m*****a kong kilay. "Anong alam niya sa love?"

Naitanong ko sa sarili. Gusto kong matawa sa mukha niyang naguguluhan dahil sa kilay ko. Mukha din siyang iiyak. Tatayo na sana ako pero hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya.

*tsup!*

Naglanding ang nguso ni Leif sa nguso ko. Hindi ako nakagalaw at nabitiwan ko ang libro.

"So much for my first kiss!"

Nagbalik ang diwa ko ng makarinig ako ng bulahaw ni Skyee. "Leif why did you kissed her?!"

Turo ng galit na galit na si Skyee sa akin.

"I just confessed. I told her that i love her."

Mas lalong umiyak si Skyee at tumakbo palayo. Kinuha ni Leif ang kamay ko at hinawakan. Nagkatitigan kami.

"Please don't hate me Fierce." Ani ni na may pagsusumamo. "I just want you to know. It's Ok. I know you don't love me. But just let me show you how much you mean to me. Hayaan mo lang ako till pamagod na ako. Pag nangyari yun, saka na ako susuko."

Sa di kalayuan ay nakita ko si tito Blue at tita Kim na palapit kaya sa takot ay hinila ko ang kamay ko at itinulak ko si Leif saka ako naglakad palayo.

Since then iniiwasan ko si Leif. Minsan na lang kami nagkikita lalo pa at mas naging busy ko sa school dahil accelerated Student ako. Sabi nila mataray daw ako siguro dahil hindi ako nakikitaan ng emosyon. Lalo na't sa bahay ako at si nanay lang at ako ang babae.

Nang mag ten ako ay sa US na ako halos tumira. I was under different doctors with all the test in the word. Paranoid kasi si nanay about sa dating sakit niya na almost ikinamatay niya na nakuha niya sa mama niya na nakuha ko rin kay mama. Buti nalang si tatay ay magaling na doktor at may pera kami. Nagapi nga ang cancer at gumaling ako. Pero hindi ibig sabihin ay okay ako. Ang lahat ng gamot ay may side effects. Yung sa akin ang cause ay excess production of prolactin (hyperprolactinemia), which reduces estrogen production and may cause infertility caused by my medications. Kaya after a year nang ma declared I'm safe from cancer. My mom is paranoid of me being infertile. I was under medication to stimulates my ovulation by causing the pituitary gland to release more FSH and LH , which stimulate the growth of an ovarian follicle containing an egg. Strict then ang diet ko lahat ng pagkain ko is for me to produce an healthy egg. Lahat ng ito ay ginagawa ni nanay to fix my infertility.

Nang bumalik na kami ng Philippines after three years of staying in the states ay ibang Leif na ang nakilala ko. Siguro sa nag daang taon nag mature na siya o di kaya'y nauntog na siya. O baka naman na pagod na din siya sa akin.

I was fifteen and in college samantala sila nasa junior high pa. Mas naging tahimik ako ng mag college dahil mas naging loner ako. Hindi tulad nila na masaya. Minsan sinasadya kong puntahan ang mga kakambal kong sina Racer at KC para lang makahinga. Nakikita kong masayang nakikipag tawanan ang dalawa, si Skyee, Royalle at Navy kasama ni Leif na nag gigitara. Agad silang natahimik ng makita ako.

"At bakit ka naman nandito?"

Sita sa akin ni Skyee. Hindi ko na lang siya pinapansin at nilapitan si Racer. Kunwari hihiramin ko ang phone niya or manghihiram ako ng aklat ni KC kahit ano lang. Nagtama ang mata namin ni Leif pero sandali lang. Kusa siyang sumuko at nagpaalam. Hindi lang isang beses. Ramdam ko ang panlalamig at pag iwas niya sa akin. I hate to admit pero nasasaktan ako.

For the first time in my life nag stalk ako sa kanya sa F*. Marami siyang picture sa profile niya at masaya akong wala si Skyee. Ewan pero na bubwesit ako kay Skyee. Bawat pag scroll ko ay nasasaktan akong makita na mas masaya si Leif kaysa sa akin.

"Sumasali pala siya sa dota tournament."

"Ngayon mo lang alam? Siya kaya ang nag champion diyan."

Ani ni Racer na dinala ang isang basket na puno ng mga damit ko na naka tupi. Kahit mayaman kami ay wala kaming katulong. Si mama lang at kami ang gumagawa ng mga gawaing bahay.

"Nakita ko lang sa f* wall ko."

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag. Pero nahihiya ako dahil sa ngiti ni Racer na nakakaloko at naupo ito sa kama ko at tinuro ako.

"Kakambal kita kaya alam ko."

"Anong alam mo?"

Patay malisya kong tanong saka kunwari hindi ako interesado sa usapan at pinatay ko ang monitor at kinuha ko ang libro sa mesa at nahiga sa kama.

"For once be honest ate! Kakambal kita kaya alam ko."

"Shut up!"

"Oy... crush niya si Leif!"

Binato ko siya ng aklat at tawa-ito ng tawang sinalo ang libro. At hindi ko inaasahan ang pag bato niya sa akin pabalik at tumama ito sa noo ko.

"OUCH!"

"Masakit ba?"

"Do you really have to asked me that stupid question?"

"Si Leif then malaki ang tama saiyo. Kaya kung ayaw mo siyang maagaw ni Skyee be real ok?"

Akmang aalis na ito at sumigaw pa ako sa kanya bilang babala. "DON'T YOU EVER DARE TELLING HIM! NOR ANYONE!"

"Alam ko kaya relax. Don't worry ilalakad kita sa kanya."

Sa asar ko ay binato ko siya ulit ng libro at tumama ito sa mukha niya at napalakas ata dahil sumigaw din siya tulad ko. Lumabas si KC sa kwrto niyang may pagtataka dahil pareho kaming nakahawak kung saan tumama ang libro.

"Nag aaway ba kayo?"

"Ra-cer?"

Pinandilatan ko siya ng mata. Tumatawa lang itong tinapik si KC at hinila ito palabas. Bumalik ako ng higa at iniisip siya.

"Crush ko ba talaga siya?"

***

Katatapos lang ang huling subject ko ng biglang nag txt si Racer. Pinapapunta niya ako sa building nila dahil kakanta daw ang crush ko which is si Leif pero nag reply lang ako na busy at may klase pero ang totoo tapos na ang klase ko. Pero ang reply ng gago ay pinagseselos ako na may duet daw sina Leif at Skyee.

Nag iinit agad ang ulo ko mabilis akong naglakad papunta sa building nila medyo may kalayuan din. Malayo pa lang ako ay nakita ko na si Racer na mukhang inabangan talaga ako at tawa ito ng tawa. Gago to eh slight lang si KC. Inakbayan niya ako sabay bulong na sakyan ko lang siya.

"You don't belong here."

Agad na bati ni Skyee. Sarap na akong sabunutan siya di na baleng magalit si tito Blue sa akin. Sabi nga nila nagsuntukan dati sina tito Dicky, tito Silver at tito Black noon eh baka kami naman ni Skyee ngayon.

"Si Brett ang ipinunta niya."

Tinaasan ko ng kilay si Racer. Ni hindi ko kilala ang Brett na sinasabi niya. Kinindatan lang niya akong sumabay.

"Si Brett? Yung nag ask sayo na e ligaw mo siya kay ate Fierce?"

Ani ni KC na tiwala wala sa sariling nag comment kahit kumakain. Agad kaming napalingon sa gitarang nahulog na naglikha ng ingay.

It was Leif.

Ang sad niyang tingnan. Hindi ko ata kayang makita siyang nasasaktan kung totoo ang sabi ni Racer na malaki ang tama niya sa akin.

"I have to go."

Tatalikod na sana ako ng may gwapong binata ang lumapit sa akin at binigyan ako ng red rose. Gusto kong matawa dahil naalala ko ang binigay ni Leif sa akin noon hindi sa isang tangkay kung di sa isang paso na may bonus pang halik.

"Hi Fierce."

Bati nito sa akin na kumakaway pa. Simpleng tango lang ang ginawa ko. At kinuha ko ang ibinigay niyang rose baka sabihin niyang wala akong manners.

"You're Brett."

"Yup!"

"Nice to meet you. I have to go may gagawin pa ako."

"Fierce— kukunin ko number mo kay Racer. Ok lang ba? Para matawagan kita."

Sigaw nito sa akin. Muling nag tama ang mata namin ni Leif at nagulat akong makita ang luhang simpleng pumatak pero agad din siyang tumalikod. Kaya tumalikod na din ako.

Pabilis ng pabilis ang paglalakad ko ng biglang may humila sa kamay ko at ng lingonin ko ay si Leif na umiiyak nga at hindi siya nahiyang ipakita ang luha niya.

"Nasasaktan ako!"

Yun ang unang sinabi niya na mahina lang pero tila bomba sa aking pandinig.

"Alam ko naman hindi mo ako magustuhan. Sino ba naman ako kompara sa isang Brett na anak ng mayaman. Ni hindi ko nga kilala kung sino ang tatay ko. Kung hindi sa inyong mga Fuentebella ay baka sa ampo—"

Hindi ko na siya pinapatapos at hinila ko siya sa gilid ng MRF wala na akong paki sa amoy- amoy Ng basura ang gusto ko lang ay yakapin si Leif para tumigil na siya sa pag iyak.

And so i did.

Niyakap ko siya at kahit nagulat man ay niyakap niya rin ako pabalik. Ako ang unang bumitiw pero hindi niya ako pinakawalan mas niyakap pa niya ako ng mahigpit. Natigil lang kami ng tumunog ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang name ng caller. Hindi niya ito sinagot at binalik sa bulsa ang phone.

"It's time bumalik ka na doon."

Matangkad si Leif kaya nakatingala ako sa kanya. Nagtitigan lang kami. Kita ko parin ang luha na pumapatak kahit nakangiti ito habang yakap parin ako. Kinuha ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ko ang luha niya.

"Fierce—"

"Hindi bagay sayo ang umiyak. Ang pangit mo."

"Fierce— I love you."

"Sa susunod huwag mong hamakin ang sarili mo. Hindi ka iba sa amin."

Hinawi niya ang kamay ko at tatalikod na sana ng hinatak ko siya at isinandal sa gilid na dingding ng MRF. I pin him down and kissed him.

Yes this time I kissed him.

Nagulat man ay hindi ako pinahiya ni Leif. Agad niyang pinagpalit ang posisyon namin and this time he is the one pinning me down while devouring my lips with his.

Natigil lang kami ng tumunog ulit ang phone niya. Nahiya akong tingnan siya pero nakangiti na siya at niyakap ako.

"You're my girl now!"

"Did I acc—*STUP*

"I won't stop kissing you till yo— *STUP*

I shut him up with a kiss.

"Keep it a secret. Ayokong malaman nila now, bumalik kana doon at baka mag bigti na si Skyee."

He kissed me again before setting me free. Kitang-kita ko ang pagtakbo niya. I stood there watching his back fading. Naglakad na rin ako pabalik.

Then I received a text message from Racer asking me kung inano ko si Leif kasi high na high daw tila naka drugs.Imbis na sagutin ay nag u-turn ulit ako. Minsan lang to susulitin ko muna ang puso ko. Nakatayo ako sa banda kung saan kitang-kita ko si Leif na nag gigitara. Wala na akong paki sa ibang tao. I am here for Leif and only him alone.

Nakita ko si Skyee na kumakanta habang nakatitig Kay Leif na nakangiti at nakatingin sa akin. Bawat binitiwang kataga ni Skyee ay patama niya kay Leif. Habang kumakanta ay ninanakawan niya ng sulyap si Lief at kitang-kita ko ang pasimpleng pagpapahid nito ng luha. Somehow i felt awful.

I felt sad for Skyee. Hindi kami close as pinsan. Wala naman kasi akong ka close sa mga pinsan ko dahil hindi pa man nila ako lalapitan ay takot na sila sa akin. Hindi ko rin gusto na magkaagaw kami kay Leif. I tried naman eh na kalimutan si Leif pero ako din ang nasasaktan.

Aalis na lang sana ako ng inakbayan ako ni Racer at kumaway ito. Agad tumingin si Leif sa gawi ko at ngumiti. Galit ang nakita ko kay Skyee. Binigyan ko lang siya ng blank expression mahirap nang ma chizmiz kami ng chizmozo kong kapatid.

"Kayo na ba?"

"Walang kami."

"Bakit high yan?"

"Malay ko ba."

"Pa secret-secret ka pa! Aamin ka rin!"

Tawa ito ng tawa at kiniliti ako. Lumapit na din sa amin si KC at inabutan ako ng V-cut. "Sabi ni Leif bigay ko raw saiyo."

"Mukhang mali ata ang tanong ko kanina."

Ani ni Racer na tawa ng tawa at sinapak ko siya ng V-cut. I know what he mean. Si KC ay palitan lang ng tingin sa amin. Nang matapos si Skyee ay agad itong bumaba at hindi na bumalik. Nagkagulo na sila dahil hindi ito mahanap. Kaya no choice si Leif ang sasalo dito.

"Oy... mukhang magpapasikat si Leif saiyo."

Bulong ni Racer sa akin at gusto kong matawa at kiligin na din. Sinakal ko na siya kasi kung ano-anu nalang Ang sinasabi niya at SI KC na asar na sa aming sekreto daw.

Gusto Kong mapasigaw Ng maringgan ko si Leif na kinanta Ang favorite Kong kanta Ng SB19, Ang Hanggang sa Huli.

Ang ganda nga deep voice ni Leif. Ang sarap sa taenga ng intro niya. Ang daming mga babaeng nagsisigawan. Mukha favorite nila itong kinanta ni Leif. Nakatitig lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Wari koy tama si Racer para sa akin talaga ang kanta niya. Wala ng echus pero ang lakas ng kabog ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya at binigyan niya ako ng napakatamis niyang ngiti sa salitang... Ang pag-ibig niya ay Hanggang sa Huli.

END OF FLASHBACK

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko.

"Akala ko talaga may magiging kami Hanggang sa Huli, drawing lang pala."

Ipinikit ko ang aking mata at muling binalikan ang naramdaman ko ng araw ding yon. Doon ko lubos inamin na mahal ko siya. Kaya naiyak na naman ako kung bakit ganito ang sinapit nang aming pag iibigan. Naramdaman ko na may yumakap sa akin at ganun din sa aking likuran. Alam ko sino sila basi sa pabangong gamit nila. Malayang hinayaan ko ang mga luha sa pag patak hanggang sa humikbi na ako. Alam nila, kung sino ang iniyakan ko dahil Sila... Sila ang sumalo sa akin ng binitiwan Ako ni Leif sa ere.

"I will always love you babe. Ikaw parin ang baby ko." Bulong sa akin ni Dustin. At napangiti ako. Pero hindi rin pa pahuli si Adam.

"Mahal, I will always be here for you too. Ikaw ang priority sa akin. Andito ako handang samahan ka."

"Bakit ba kayo nandito? Hin—"

"Huwag mo nang ituloy." Pigil sa akin ni Dustin at tinakpan ang bibig ko kaya napangiti na ako. "Hindi mo rin naman kasi matatapos. Kilala na kita mamamatay ka muna bago ka aamin sa tunay na Fierce Valentine."

"Ang hindi nila alam mukha lang ang mataray sa iyo pero deep inside may kakikayan ka rin at kalandian." Kiniliti ako ni Adam pero agad kong agaw ang mga kamay niya at kinagat ko ito ng malakas na malakas. "Cheetah ka mahal! Sakit nun ahh!"

"Babe, sama ka kaya sa akin? Pinapapauwi na ako ni daddy sa Pinas."

Na gulat ako at sinabi niya. It's been almost two decades ng huling umapak ako sa airport ng NIA. At hindi ko alam kung kaya ko na bang balikan ang mga nakalipas.

Muling tumunog Ang "Hanggang sa Huli" Ng SB19 at tila wala itong planong tumigil. Naingayan na rin ang dalawa sa ring tone ang drama ko daw kasi.

"You need to face him. Magpaka totoo ka! Kung mahal mo pa e di balikan mo!"-Adam

"Ang tanong may babalikan ba ako?"

"Come on! Sobrang tagal na baka face to face confrontation Ang kailangan mo to achieve your closure. Face him and get over him soon, Ako Ang nasasaktan sayo." sita ni Dustin.

Adam was there, then I meet Dustin at ang huli ay si Andrew na naging asawa ko sa papel for my children.

Hindi tumigil ang pag pag ring ng phone kaya inabot ko ito at tila lindol ang hatid ng swabe niyang boses. Alam ko kung sino ang may ari kahit nakapikit ako.

Kilala ng puso ko ang may-ari ng boses. As in kilalang-kilala, ang lalaking dahil kaya ako umiiyak ngayon.

"Yes---?"

"Mrs. Romanov— this is Leif Trevor."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status