Share

4. Meet-up with cheaters

4th day.

Kakapasok lang ni Hunter sa kanyang kompanya ng biglang may. .

"Hi babe!!"

Ang napaka-sweet na bati ni Trina ang sumalubong sa kanya sabay patong ng dalawang kamay nito sa batok ng binata.

"You are forgiven." At agad ginawaran ng halik ang maninipis na labi ng binata.

"I thought it was fine with you that I'm away and mad.

Kaya di ka man lang nag-alala na nagtatampo ako sayo."

Maarte na turan ng modelo.

Halos lumuwa na ang dibdib nito sa suot na pulang bodycon.

Tahimik pa rin ang binata dahil lumilipad ang isip n'ya na baka maabotan sila ni Atalia sa ganitong sitwasyon, tiyak na magtatalon yun sa tuwa dahil makakawala na ito sa pangpe-pressure n'ya.

"I love those flowers that you sent babe and I truly appreciate your effort."

Halos magpapakarga na ito sa kakalambitin sa kanya.

Saka humalik muli sa labi n'ya na saktong pagpasok ni Atalia sa may entrance ng lobby ng kompanya nila.

Kaya nung umangat ang paningin ng binata ay ang ngiting tagumpay ni Atalia ang sumalubong sa kanya.

Tama nga. Sa lawak ng ngiti ng dalaga ay halatang-halata ang galak nito. Saka mabilis at masigla na pumunta sa elevator para magtrabaho.

Hindi maintindihan ng binata kung bakit mas gusto sana n'yang pahirapan ang dalaga, kaso ang dali naman ng babaeng kaharap niya ngayon na bumigay sa mga pang aalo ni Atalia dito.

Napaisip s'ya na mabuti pala yung nagkalayo sila sandali at narealized n'ya na hindi pa pala s'ya handang magpatali kay Trina.

Hindi porke't aprubado na ng magulang niya ay pwede na rin n'yang pakasalan.

"Thanks babe but I don't have enough free time today. We'll just have dinner tonight okay?" Mabilis na alibi ng binata dahil mukhang nasira na ang araw nito.

"Urgh... babe I miss you so much. Tapos bye agad?"

Pangusong reklamo ni Trina.

"But anyway, I understand. You know how understanding I am when it comes to you babe. See you tonight." Wink.

At humalik ito sa kanya ulit bago umalis.

Busy buong maghapon si Atalia for polishing all her designs. Tawag dito, follow up doon at iba pa.

Pero before her day ends, may isang tawag s'yang natanggap.

Mula ito sa boyfriend n'yang manloloko at makikipagkita daw sa kanya. Nakauwi na pala ang gago. Muntik na n'yang makalimutan na may unfinished business pa pala s'ya dito.

Eh sa kating-kati na s'yang maipamukha nito ang nagawang panloloko,

kaya walang pagdadalawang isip na pumayag ang dalaga.

'Humanda ka sa 'kin gago ka.

Kala mo siguro ang tanga tanga ko pa rin ha.

At akala rin n'ya sigurong hindi ko nalaman na may kasama s'yang iba while on his business trip o baka monkey business trip eh.' Pabulong na wika ng dalaga.

She is glad to have her few loyal college friends na common friend nila ng boyfriend n'ya.

Daig pa ang paparazzi sa daming naipadala sa kanya na pictures while nasa business trip rin kasama ang nobyo n'ya.

'Subukan mong utuin ako mamaya't mapapahiya ka talaga.' Dagdag pagmamaktol ni Atalia.

She just wore a simple black cocktail dress, not too revealing yet not conservative.

Sa natural na ganda at kasexyhan ng dalaga, ay mapapalingon ang sinumang nadadaanan n'ya.

She's stunning pero di n'ya alam.

Actually she can pass an elite top model but modeling is just not her cup of tea.

Ilang agency na rin ang sumubok para kunin s'yang model nila pero hindi talaga daw keri n'ya.

Hindi na s'ya nagpasundo pa sa boyfriend n'ya. Kasi maghihiwalay na naman sila ngayong gabie kaya huwag na.

Nauna na ito sa venue ng date nila.

And obviously naglalaway ang gago while staring at her on her way to their table.

"Hi sweetie! You look gorgeous as always."

Bati ni Kurt sa kanya sabay halik sana sa pisngi na dagli n'yang iniwasan.

"Take your seat sweetie, I know you're tired.

Kaya I ordered all your favorites." Hindi nagpapahalatang napahiya na saad ni Kurt.

"By the way, here's your pasalubong." Dagdag na sabi nito. Habang walang kakurakurap pa ring nakatitig ito sa dalaga.

Alam n'yang may pagka manyakis ang boyfriend n'ya kaya't never pa n'ya itong pinapa-score. Kasi alam n'yang hindi ito ang tipong lalaki na kaya n'yang maipagkakatiwala ang lahat. Pati na katawan n'ya.

Kaya rin siguro marami itong side chicks kasi di n'ya maibigay ang tawag ng pangangailang at pagnanasa nito.

Pero hindi pa rin sapat na rason iyon para maging cheater.

Suntok sa buwan na talaga siguro kung mapapatino niya ito.

Dahil sa paulit ulit na kasalanan ng kasintahan sa kanya,

Nababawasan na rin ang nararamdaman ng dalaga para dito.

"Thank you. I also have a welcome gift for you." Sagot n'ya while grinning sabay abot ng envelop.

"Oh so thoughtful swe—..."

Di na tapos ang pagsasalita ni Kurt ng tumambad sa kanya ang intimate pictures n'ya with another girl.

"Sweetie you know it's just— "

Paaaakkkk! Isang malakas na sampal ang ginawa ni Atalia kay Kurt. At sinigurado n'yang hindi na s'ya nagkakamali ng taong sinampal.

"Matagal ko na sanang gawin yan sayo Kurt! Nanggigigil na saad ng dalaga.

I've been so damn stupid for 2 useless years so don't dare try to deny it now!

Do you really think na di ko to malalaman ha?

From now on, you are free to f*ck every girl you want! Let's end this d*mn relationship!"

Yun lang at walk out agad ang beauty n'ya dahil baka masampal pa ulit ang binata.

Gusto pa sanang n'yang kumain pero wala na s'yang pakialam kahit masasarap pa ang nasa mesa nila.

Hinahabol s'ya ni Kurt palabas pero di s'ya naabutan nito dahil sadyang pina-waiting n'ya lang ang taxi na sinakyan n'ya kanina.

Hindi n'ya namalayan na tumutulo na pala ang masaganang luha sa kanyang mga mata. At hindi n'ya rin alam kelan ito nagsimulang pumatak.

Sayang din naman ang dalawang taon nila para pagtaksilan s'ya ng ganoon na lang.

Hindi lingid ni Atalia na nasaksihan iyon lahat ni Hunter.

Nasa kabilang table rin ito kasama si Trina. Si Trina na nag-uusok na ang ilong sa galit dahil wala sa kanya ang atensyon ng poging ka-date n'ya.

Pinaghandaan pa naman nito ang gabing yun dahil sa tingin n'ya babawi ang binata sa ilang araw na pagpapamiss n'ya pero di yata effective dahil andun sa kabilang table ang mga mata at isip nito. Baka pati na rin puso? Iba kasi ang titig nito sa babaeng nasa kabilang mesa, kahit ni minsan hindi n'ya ito nakita ng ganung titig para sa kanya.

.............

Kinabukasan, nasa venue ang lahat ng designers at coordinators sa paparating na kick off show ng The Dress Code;

Lahat ay abala pati na rin ang mga models nito na rarampa sa kani-kanilang designs.

Perfectionist pa naman ang CEO nila kaya kelangang wala ring abirya sa naturang show.

"Is everything ready?"

Napasinghap si Atalia dahil sa may biglang nagsalita malapit sa bandang likuran n'ya na kahit hindi lingunin ay kilala n'ya ang may ari ng boses.

That baritone voice that can send chills to all her senses.

Ang boses na kasing ganda ng mukha ng nagmamay-ari nito.

Lintik naman Atalia 'wag ka ngang magpantasya d'yan ki-aga-aga day! Saway nito sa sarili.

"Yes po sir Williams everything are sewed up." Matipid n'yang sagot. Napakabango pa naman ng kausap n'ya.

"Good! Most of the fashion icons well be here tomorrow. You can all now rest early."

"And see you tomorrow night." Wink.

Mahina ngunit umabot sa tenga ni Atalia ng malinaw ang sinabi ng binata.

Parang s'ya lang talaga ang gustong sabihan sa mga huling salita nito.

Nagsitayu-an ang mga balahibo n'ya sa batok. Sa kilig. Yes. Kilig po! Pwede po ba?

Naku! Parang ang lakas ng epekto ng lalaking ito sa kanya. Napahampas na lamang ang dalaga sa traydor n'yang puso.

Kagagaling mo lang sa break-up heart, tapos lumalandi kana agad riyan! Paalala ng dalaga sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status