Share

CHAPTER 5

Mas tumindi pa ang tensyon sa pagitan nila Auntie Imy at Carlos. Natatakot naman ako sa posibleng mangyari kay Auntie Imy. Ngayon ko lang din siya nakita na nagalit nang ganito. Sa ilang taon na dito ako nakatira. Never ko pa siya nakita na ganito nagalit kay Carlos. 

Galit na galit talaga siya kanyang anak, ngayon. Although napakapasaway nitong si Carlos. Dahil sa iba't-ibang babae ang mga nakikita at napapa-balita na madalas nito kasama. Pikit mata at takip sa tenga lang sila Auntie at Uncle sa mga nakikita nila at naririnig na usap-usapan pa-tungkol sa kanilang anak. 

Minsan na rin kasi nila ito nakita. Yung sekretarya pa mismo nito sa opisina. Pero, wala. Hindi mapigilan dahil sa hindi naman din nakikinig sa kanila.

Pero ngayon. Mukhang hindi na nakapagtimpi at nakapagpigil si Auntie. Napapahikbi siya sa kanyang pag-iyak. Habang si Carlos, pinunasan ang luha sa kanyang mata. Gamit ang kamay niya.

Hindi na siya makapasok sa loob ng bahay. Nakaharang kasi si Auntie. “Manigas ka diyan." ani ni Auntie sa kanya.

“Wag na wag mong ma-question ang mga desisyon ko. Wala kang karapatan. Mula ngayon, kalimutan muna na naging anak kita. Mamuhay ka nang naaayon sa gusto mo, wag mo na tangkain pang bumalik dito. Dahil hinding-hindi rin kita tatanggapin kahit na kailan." 

“Mom!" Sambit ni Carlos. Tumulo ulit ang luha sa mata niya mula sa pahayag ni Auntie sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang Ina. Galit si Carlos at masama ang loob niya dahil sa pagtataboy sa kanya ni Auntie.

“Umalis ka na!" taboy ni Auntie. Pero… Hindi gumagalaw si Carlos sa kinatatayuan niya. Umiiyak lang ito, habang si Uncle nakikiramdam siya sa mga nangyayari. Hindi ito nakikisali. Kundi, nakikiramdam siya, at hindi iniisip na mangialam sa away nang kanyang mag-ina.

Nakatayo lang ito sa likod ni Auntie. Habang hawak sa magkabila na braso. Nakaalalay lang talaga siya. Ako naman… 

Nasa likod lang din nila at nakisilip lang ako matapos na makatayo ako. Mula kasi ng itulak ako ni Carlos kangina. Nahirapan talaga ako makatayo. Ang sakit ng balakang at binti ko. Buti na lang at nagawa ko na rin maitayo ang mga paa ko pero andon pa rin ang sakit sa balakang ko. Nararamdaman ko.

Kaya lang ayaw ko mangialam din. Baka mas ikagalit… Si Carlos at ganun din si Auntie kaya ayaw ko mangialam hangga't maaari. Baka mas magiging magulo lang ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa.

Kaya mas pinili ko ang tumayo at manahimik. Makiramdam nang gaya ng ginagawa ni Uncle Carl. “Mom!" Sambit ni Carlos.

“Isara mo na ang pinto, Honey." utos na sabi ni Auntie. Parang napatulala nalang sa pagkagulat si Uncle. Pero nakabawi rin ito agad at sumunod sa utos ng kanyang asawa. 

“Mom!" bulas ni Carlos.

“Mom, talaga bang nababaliw ka na?" pahayag na puna sa desisyon ng kanyang Ina.

“Carl, isara mo na!" Sigaw ni Auntie. Isinarado na nga ni Uncle ang pinto. 

“I-lock mo nang hindi makapasok." utos na muli ni Auntie at sinunod naman din ni Uncle. 

Napabuntong hininga pa si Uncle Carl. Blanko ang itsura ng mukha ni Uncle. Habang walang kibo na lumalakad palayo sa pinto kung saan maingay na kumakatok si Carlos.

“Mom!" 

“Dad! Buksan mo ito!" 

“Mom, please, open the door." sigaw ni Carlos.

“Hindi naman tama itong ginagawa niyo. Mom, please, open the door." akusa ni Carlos.

“Ang lamig dito sa labas. Mom, please, papasukin niyo na ako." pahayag na pakiusap.

Malamig naman talaga sa labas. Gabi na rin kasi nang umuwi si Carlos. Muntik pa siya abutan ng ulan. Buti nalang nga at sakto ng dumating siya sa bahay saka bumuhos ang malakas na ulan.

But now he's out of the house because he made Auntie angry with him. Kasalanan din naman niya kahit naaawa ako sa ginawa sa kanya ni Auntie. Kaya lang hindi talaga tama ang ginawa niyang sagutin at sabihin na nababaliw si Auntie.

“Mom, please!" naririnig pa din namin pakiusap ni Carlos. Basang-basa na siguro siya ng ulan sa labas ng bahay.

It's just that Auntie doesn't seem to hear anything. But then Uncle spoke up and muttered. I think he couldn't stand Carlos' shouting a few times outside the house, and maybe Carlos was still wet because of the rain. 

“Tama ba talaga itong ginagawa mo kay Carlos?" very straight na tanong ni Uncle. Nag-aalala na rin ito sa kanyang anak. Bakas kasi sa mukha nito ang pag-aalala niya.

“Hayaan mo siyang matuto. Nakita mo kung paano niya ako sinagot kangina. Sinabihan pa niya akong baliw, nababaliw na!" inis na tugon ni Auntie kay Uncle. Maluha-luha si Auntie, pumatak na nga ang luha.

“Pero, kasi… Honey, parang…" 

“Wag mong isipin siya. Malaki na siya at dapat alam niyang kamalian niya sa ginawa niyang pagsagot sagot sa akin. Hindi natin siya pinalaki para lang sagutin ng ganun. At sabihin na nababaliw na ang Ina na nagpalaki sa kanya." pahayag na sabi muli nito sa asawa.

“Isa sa dapat niyang maisip at matutunan sa ginawa ko sa kanya. Iyung sinagot sagot niya ako at lalo na ang sabihin nababaliw ako." napa-hikbi na sabi ni Auntie.

“Nauunawaan ko naman ang nais mo mangyari. Pero, anak mo pa rin siya at kaisa-isang anak natin siya." pahayag na pagtutol sa mga nasabi ni Auntie.

Totoo naman din ang sinabi ni Auntie. At favor din naman ako sa sinabi ni Uncle. Kahit anong mangyari anak pa rin nila si Carlos. Kaya lang para kay Auntie. Ang nais niya lang turuan ng leksyon si Carlos. At upang maisip din nito ang mga kamalian nitong ginawa na pagsagot ng pabalang, parang hindi Ina ang siyang kausap. Maging ang pagsasabi nito na nababaliw si Auntie. Mali naman talaga.

Kahit saan tingnan. Hindi tama ang sinabi niya. Sa pagsagot pa lang nito kay Auntie. Hindi tama. Although kahit galit na galit man siya, naiinis at hindi favor sa mga narinig sa sinabi nang kanyang Ina. Hindi pa rin tama. May punto si Auntie.

Naisip ko na ito umpisa pa lang. At hindi ako nagkamali sa mga iniisip ko na mangyayari talaga ang ganito. “Mommy, buksan mo na ang pinto." 

“Mom, I am your only son. But ginagawa mo sa akin ito. Please, mom." walang tigil na sabi mula sa labas ni Carlos 

“Mom, it's so cold here. Please, Mom. Open the door. I will die here from the cold. Buksan mo na yung pinto." sigaw pa rin sa labas ni Carlos. Kumukulog at may kasama rin na malakas na kidlat ang naririnig namin galing sa labas.

Mas lumalakas ang ulan. Ayon sa balita kanina asahan na may pagbuhos ng malakas na pag-ulan na may kasama raw na malakas na pagkulog at pagkidlat. Sa madaling salita. May parating na bagyo ngayong magdamag. 

Mukhang nagaganap na rin ang sinabi sa balita.

Kawawa naman si Carlos. Nasambit ko sa sarili ko habang na buntong hininga at nakatitig lang sa pinto na hindi matapos ang malalakas na pagkabog ng pagkatok ni Carlos. 

Napalingon ako sa gawi ni Uncle at Auntie Imy. Sinubukan pa rin ni Uncle na kumbinsihin si Auntie Imy. Kaya lang matigas si Auntie. “Hayaan mo nga siya nang matuto naman siya." galit pa rin at inis na sabi niya.

“Mom, talaga bang iyang ampon niyo ang mas pipiliin niyo sa akin, kesa na ako ang anak mo?" sigaw-sigaw pa rin ni Carlos.

“Mom, please!" 

“Umalis ka na! I don't want you to go back to my house." sagot ni Auntie pasigaw.

“Hindi ka na parte ng bahay na 'toh! Umalis ka na! Wala ka na magulang mula ngayon. Don't call me Mom anymore. I am not your mom. It started today. Mula ng hindi mo ako iginalang." turan muli ni Auntie.

“Honey, I think it's enough. Kawawa naman ang anak natin. Mabuti pang papasukin na natin siya, malamig. May bagyo pa naman baka magkasakit siya sa lamig sa labas." pahayag na pakiusap ni Uncle. Napalingon si Auntie sa kanya na parang blank face at walang mababakas na awa o pag-aalala man lang sa sumisigaw niyang anak. 

Alam ko naman na galit lang ito, hindi rin niya matitiis na matulog ang anak niya sa labas ng bahay.

Mahal na mahal ni Auntie Imy si Carlos. Kaya malabo na ganun ang gagawin niya na ngayon nilalamig na rin si Carlos mula sa labas.

Tahimik lang si Auntie. Tiyak na nag-iisip na rin ito. Napabuga pa siya nang kanyang hininga. Habang kinagat ang pang ibabang labi nito.

“Honey, siguro naman iniisip na ni Carlos ang mga mali niya. Please, honey papasukin mo na siya. Mag-usap-usap tayo nang maayos hindi sa ganito. Kaisa-isang anak pa naman natin si Carlos. Ayoko na sa ganito tayo masisira. Anak pa rin natin siya, and I think hindi ka rin naman matitiis non sa mga pabor na hinihingi mo sa kanya." pahayag na malumanay na pagpapahayag ni Uncle.

“I think Uncle Carl was right, Auntie. Baka pwede mo na po papasukin si Carlos. Maybe he knows what is his wrong doing to you. May mga pagkakamali naman talaga minsan tayo nagagawa but in the end. Maybe he will realize what it is." 

“I agree with Lalaine, honey. Maybe she will be right. Carlos knows how he was wrong to shout and accuse his mom and saying it was crazy." pahayag na pagkakasabi ni Uncle na sumang-ayon din sa mga nasabi ko about Carlos wrong doing.

Totoo naman din ang nasabi ko. Why didn't she forgive Carlos and talk with him again. Madadaan naman sa maayos na pag-uusap. Hindi sa ganitong pagpapahirap kay Carlos. Kawawa naman din yung anak niya and besides tama din ang sinabi nito. Mas pipiliin ba nila ang isang ampon na tulad ko sa tunay na anak na siya ang nag-luwal.

Haist! Si Auntie, nag-iisip pa rin habang naghihintay ng kasagutan si Uncle Carl. Nakakaawa din, si Carlos. Sobrang lamig na rin sa labas ng bahay. Mas lumalakas pa kasi ang ulan at palakas pa nang palakas. Ako nga din itong nagugulat sa tuwing kikidlat at kumukulog ng malakas. Nakakagulat kaya! Sila din naman ni Uncle napapansin ko.

Oops! Saka ko lang naisip.

Takot nga pala si Carlos sa kidlat at ulan. 

Oh my gosh! Si Auntie.

Nilingon ko sila. Habang wala pa rin kibo at sinasabi si Auntie na payag na siyang papasukin si Carlos dito sa loob ng bahay. 

Siguro hindi pa rin siya makapag desisyon sa lahat ng mga nasabi at pakiusap ni Uncle. 

Oh, baka sinasadya niya lang talaga upang matakot ng husto si Carlos. Imposible kasi na nakalimutan niya kung gaano takot si Carlos sa kulog at kidlat.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
yan ang napapala ng anak na suwail at sumasagot sa magulang aiiissssst
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status