Share

Chapter 2

Nagising ako at pakiramdam ko hilong-hilo ako, narinig ko na mediyo maingay dito.

"Gising!"

Napasigaw ako dahil sa pagbuhos ng tubig sa mukha ko at narinig ko ang ilang tawanan dito. Napatayo ako at napansin ko na may dalawang babae akong katabi at halos hubad na sila dahil sa ang natitirang suot nila ay ang dalawang damit na kung saan ay nakatago ang maseselan na katawan nila. Hindi ko alam kung nasaan ako, maraming lamesa at mga lalaki sa loob. May mga nakaupo sa harapan namin na ang iba 'ay halos matatanda na at may ibang lahi rin akong nakita.

"Ano pang hinihintay mo? Hubarin mo na 'yang suot mo."

Napalingon ako dito sa lalaki na may hawak na pang latigo, nanlalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at napailing ako.

"Ano ang gusto mo? Ako pa ang maghuhubad sa'yo?" Nakangising sabi ng lalaki at humakbak na ito palapit sa akin.

"H-huwag, huwag. Pakiusap," sambit ko at naiiyak na ako, umiiyak rin ang dalawang babae na kasama ko. Umikot ang mata ko sa paligid at napansin ko ang pamilyar na mukha.

David!

Hiyaw ng isipan ko ng lumabas na ito ng pinto, tumakbo ako papunta doon pero may humampas sa likod ko kaya napadapa ako. Dama ko ang sakit ng paglatay sa likod ko, narinig ko pa ang pagtawa ng ilang kalalakihan.

"Gusto ko 'yan, magkano ba?"

Narinig ko ang boses ng isang matandang lalaki, napapikit ako at umiiyak habang nakadapa.

"Kayo ng bahala mag-usap ni boss."

Narinig ko na sagot ng lalaki, pinilit ko namang tumayo kahit masakit ang likod ko at inabot ko ang pintuan.

"Kahit anong gawin mo hindi ka na makakaalis, dahil ngayon pag-aari na kita."

Francis

Wika ng isipan ko at hindi ko pinansin ang sinabi ng lalaki na nasa likuran ko. Hanggang sa mabuksan ko ang pinto at nakita ko na may lalaki na paparating at may kasama itong dalawang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas at tinakbo ko ang lalaki na nakasalamin. Lumuhod ako sa harapan nito at yumuko malapit sa sapatos niya.

"Pakiusap, tulungan mo akong makaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito, hahanapin ko lang asawa ko. Pakiusap," pagmamakaawa ko at tumingala ako sa kaniya.

Nakita ko na inalis niya ang suot niyang itim na salamin at nagsalubong ang mata namin.

"Boss, anong gagawin ko sa kaniya?"

Napalingon ako dito sa katabi niyang lalaki na tumawag dito na boss. Muli naman akong napatingin dito sa lalaki na seryoso lang na nakatingin sa akin, hanggang sa bumaba ito at pumantay sa akin.

"I will help you, but you will be mine."

Naguluhan ako sa sinabi niya matapos niyang sabihin 'yun ay pinatayo ako ng dalawang lalaki at sinakay sa kotse. Sumunod lang ako at tulala habang nakaupo.

"Mr. Chavez! Akin ang babae na 'yan!"

Narinig ko pa na may sumigaw bago maisara ang pinto ng kotse. Tulala ako habang sakay ng sasakyan at katabi itong lalaki, ang lamig sa loob kaya naman napayakap ako sa sarili ko at makirot ang likod ko rin. Naramdaman ko ang paglapat ng tela sa likod ko, nagtataka na napatingin ako dito sa lalaki na muling sinuot ang salamin na suot niya kanina.

------

Tantiya ko ay na sa mahigit kalahating oras kaming nasa biyahe saka lang kami huminto, naunang lumabas itong katabi ko na lalaki at naiwan ako dito sa loob. Lumabas na rin yung isa na nagda-drive kanina pati na 'yung isang lalaki na katabi niya, umikot papunta dito sa akin at binuksan ang pintuan.

Paglabas ko hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita ngayon, dahil sobrang ganda ng bahay na ito.Halos puro babasagin ang mga pader at mga bintana na malalaki na yari rin sa salamin. Parang katulad sa mga nakikita ko sa mga picture sa magazines at t.v, pero mas maganda ito at ang swimming pool na hindi ko alam kung bakit may ilaw ito sa ilalim na nakadag-dag ganda. Inosenteng mangha ko sa mga nakikita ng mata ko.

"Halika na sa loob."

Aya sa akin nitong lalaki na nauna ng maglakad papunta sa may pintuan, sumunod ako habang kapit ang damit ng lalaki na nagpagamit sa akin kanina.

Pumasok na ako sa loob at mas lalo akong namangha habang naglalakad sa loob. At ingat na ingat ako sa bawat kilos ko dahil baka makasagi ako ng mga bagay dito na mukhang mamahalin.

Umakyat itong lalaki sa malaking hagdan sumunod lang ako dito, dalawang hagdan ang inakyat namin hanggang sa huminto yung lalaki sa isang pinto at kumatok ito.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero mas lamang ang nararamdaman kong kaba. Pagbukas ng pinto, pagpasok ko sa loob ay nalanghap ko agad ang malamig at amoy alak.

"Boss."

Wika nitong lalaki at hinanap ko ang sinasabi niyang boss, may lalaki akong nakita nakatalikod ito habang nakaupo sa harap ng parang cabinet na puno ng alak at iba't ibang klase ng mga babasagin na baso.

"You can leave."

Napatingin ako sa lalaki yumuko lang saglit at lumabas na ito, naiwan akong nakatayo dito malapit sa pinto at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.

"Come here."

Nagulat ako sa baritonong boses nito kaya napaangat ang balikat ko, naglakad ako papunta sa kaniya. Sinalubong ng mata ko ang seryosong mata niya at ngayon ko lang malayang napagmasda ang mukha niya. Maganda ang mata nito at mukhang may lahi siya, may pinong bigote at manipis na balbas na bumagay sa kanya.

Napansin ko ang kamay niya na may singsing na silver at may tattoo kanang kamay niya. Naiilang ako at hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kaniya dahil pinagmamasdan niya ako.

"Are you nervous?"

Gustong bumuka ng bibig ko para magsalita ngunit hindi ko alam kung paano.

"Drink this."

Napatingin ako sa alak na hawak niya na inabot sa akin, marahan na umiling ako dahil hindi ako umiinom at ni minsan hindi ko pa naranasang matikman ang alak.

"H-hindi ako umiinom ng alak, p-pasensiy--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil mabilis na hinatak niya ako sa kamay papunta sa kaniya. Halos masub-sob ako dahil sa malakas na pagkakahatak niya.

"Now, tell me. Why are you looking for your husband?"

Titig na titig ako sa kaniya at pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko. Hindi ako agad nakapagsalita dahil langhap na langhap ko ang pinaghalong alak at mabangong hininga niya.

"K-Kailangan kong malaman kung ano na ang nangyari sa kanya." Sagot ko at yumuko dahil hindi ko kayang tagalan tingnan ang mga mata niya. Naramdaman ko naman ang pagluwag ng kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

Natahimik naman siya at ininom ang alak na binibigay sa akin, muli naman niya akong hinawakan sa kamay at pinaikot sa likod niya na kinagulat ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagkapunit ng damit ko sa likod ko. Napapikit ako dahil naramdaman ko ang kirot sa likod ko dahil sa malakas na paghampas sa akin kanina.

"Do you have a child?"

Umiling ako at hinawi niya ang buhok ko papunta sa harap ko, napipikit ako ng marahan niyang dinampian ng daliri niya ang likod ko.

"Sumama ka sa akin at nangangahulugan na pag-aari na kita."

Natigilan ako dahil sa pagtagalog niya. Humarap naman ako sa kaniya upang makiusap.

"Pakiusap, tulungan mo akong hanapin ang asawa ko kailangan ko siyang makita."

"If you see him? Babalik ka sa kanya? You are my new woman now, nasa akin kung hanggang kailan ka magiging akin. Naiintindihan mo?"

"Pero may asawa na ako, pakiusap gagawin ko kahit ano huwag lang ganito. Mahal ko ang asawa ko at---" nagitla ako ng ibato niya ang bote ng alak sa sahig nabasag ito.

"You're mine now, As long as I don't get tired of you, you're mine. Did you understand!?" Malakas na sabi niya sa akin.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot dahil sa mata niyang galit na galit. Lumabas ito at naiwan akong mag-isa dito.

Ito ba ang magiging kapalaran ko na? Francis, bakit naging ganito tayo? Gusto na kitang makita.

Pinihiran ko ang luha ko na bumagsak at naglakad ako palabas ng pinto, muli akong bumaba at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa makarating uli ako sa ibaba, lumibot ang mata ko at may nakita akong babae na may edad na.

"Hija, halika sumama ka sa akin." Nakangiting bati nito sa akin, kaya napangiti na lang din ako sakabila ng nararamdaman ko.

Sumama ako dito sa babae at pumasok kami sa pintuan at nakita ko na isang malaking kusina ito at kumpleto sa mga gamit. Sobrang linis rin dito sa loob, may isang babae pa akong nakita at may lalaki akong nakita na lumabas sa may dulo ng pinto.

"Maupo ka muna dito, ano ba ang gusto mo? Gusto mo ba magkape?"

Tumango lang ako habang nakatingin sa paligid.

"Hi, ano ang pangalan mo?" Nakangiting bati sa akin ng babae at naka-uniform ito katulad sa mga nakikita kong katulong sa mga palabas.

"Elisa." Sagot ko lang.

"Kinagagalak ka naming makilala, Elisa." Sagot nitong may edad na babae at nilapag sa lamesa ang kape na tinimpla niya sa akin.

"Ako rin, Elisa. Ako naman si Brenda at siya ang nanay namin dito, si Nanay Emma." Nakangiting pakilala ni, Brenda.

Ngumiti lang ako at may pumasok na babae at nakatingin agad siya sa akin.

"Sino 'yan? Bagong katulong?" Mataray na tanong nito na nakasuot ng blue na parang pajama at puting may desenyo na teddy bear ang pang-itaas nito.

"Ano ka ba, Sonya. Hindi siya bagong katulong, bagong babae ni Sir." Masayang balita ni Brenda dito pero itong Sonya parang hindi makapaniwala.

"Talaga, bagong babae ni Sir? Parang nakakapanibago naman, hindi ko alam na nagbago na pala ang taste ni Sir sa babae."

"Sonya, tumigil ka nga. At isa pa baka marinig ka ni, Smael. Mapalayas ka ng hindi oras."

Tahimik na nakikinig lang ako sa kanila at dama ko na agad na hindi ako gusto ni, Sonya.

"Hay nako, mas gusto ko pa rin si Ma'am Beatriz. Napakaganda kaya niya at para siyang artista, bagay na bagay sila ni Sir." Wika pa ni, Sonya.

"M*****a naman katulad mo." Sagot pa ni, Brenda.

"Puwede ba manahimik kayo? Gawin niyo na ang mga trabaho niyo, kung ano-ano na lang ang mga sinasabi niyo." Saway ni Nanay Emma sa kanila at nagsi-alisan na silang dalawa. "Pagpasensiyahan mo na sila ganyan talaga sila minsan hindi magkasundo.

"Ok lang po, pero tama po ba ang dinig ko na Smael ang pangalan niya?" Tanong ko sa kaniya dahil sa narinig ko na binanggit niya kanina.

"Oo tama ka, Smael Chavez ang pangalan niya." Nakangiting sabi niya sa akin. "Sandali paghahanda kita ng makakain at gagamutin natin ang sugat mo sa likod."

Saka ko lang naalala na sira nga pala ang damit ko sa likod dahil sinira ni, Smael.

"Nanay Emma, ganito po ba talaga ang ginagawa niya? Nagpapalit-palit siya ng babae? Wala po ba siyang asawa?" Curious na tanong ko at ngumiti muna siya sa akin.

"Wala siyang asawa at sa edad niyang bente otso, wala pa siyang naging seryoso na relasyon. Matagal ko ng pinapanalangin na sana'y mahanap niya ang babae na para sa kaniya, gusto ko kapag nawala ako dito sa mundo 'ay masigurado ko na maganda na ang landas na tatahakin niya." Mahabang kuwento ni Nanay Emma.

Napatango ako at malalim na napaisip dahil sa nalaman ko.

"Pero may asawa po ako at gusto ko siyang makita." Wika ko na kinatigil niya.

"May asawa ka? Pero kung ganun nasaan ang asawa mo?" Seryoso na tanong ni Nanay Emma.

"Lumuwas po ako dito sa Maynila para hanapin ang asawa ko, ngunit sa kasawiang palad may hindi magandang pangyayari ang naranasan ko. At doon ko nakilala si Smael, pero hindi ko alam na ito pala ang ibig niyang sabihin." Kuwento ko habang hinahalo ang kape.

"Ganun pala ang nangyari, may mga anak ba kayo?"

"Wala ho." Sagot ko kaniya at natahimik siya.

"Hindi ko rin alam kung paano at kung saan mo makikita ang asawa mo, dahil oras na nandito ka na kay Smael sa kaniya ka lang." Sabi pa niya sa akin.

Napayuko ako at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Tumakas kaya ako dito?

"Maiwan na muna kita at kukuha lang ako ng gamot para sa sugat mo."

Napatango lang ako at muling napaisip ng malalim dahil kailangan kong mag-isip ng paraan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status