Chapter 2
Cassie's PovSA LOOB ng tatlong araw simula nang malaman ko ang pagtataksil si Jason, nawala ako sa focus. Nawalan ako ng gana sa lahat kaya't isang desisyon ang ginawa ko. Nagpaalam ako sa Boss ko kanina na uuwi muna ng Pilipinas dahil hindi ako matatahimik na ganito ang nangyari sa amin ni Jason. Mahal ko siya at mas'yadong malalim iyon para hayaan ko siyang mawala nang gano'n-gano'n na lang.Habang nag-iimpake ay hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko. Dapat masaya ako dahil uuwi ako ng Pilipinas pero hindi, napakabigat ng dibdib ko. Ni walang katiting na saya at tuwa sa puso ko ngayon. Muling naglandas ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob.Habang nag-iimpake ay panay ang iyak ko. Hindi na maubos-ubos ang luha ko mula pa noong gabing tumawag si Jason.Nang dumating ang alas onse ng umaga ay umalis na ako sa apartment kung saan ako nakatira. Bitbit ang mga maleta ay sumakay ako ng taxi papunta sa airport. Isang oras lang ang ginugol ko at nakarating na nga ako sa Airport kung saan ako maghihintay ng flight ko. Mamaya pa kasing alas dos ang alis ng eroplanong patungo sa Pilipinas. Sinadya kong agahan dahil wala rin naman akong gagawin sa apartment ko.Naging kainip-inip sa akin ang paghihintay. Hanggang sa dumating na nga ang oras ng alis ko. Nang tawagin ang mga pasahero sa flight na iyon ay pumasok na ako sa loob, hila ang mga maleta ko. Umupo ako sa upuan na nakalaan sa akin. Sa may bintana ang puwesto ko. Malungkot akong tumingin sa labas ng bintana.Nang maalala ko ang dahilan ng pag-uwi ko ay muling tumulo ang mga luha ko. Hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari eh. Lalo pa't hindi ko na muling nakausap si Jason.Nang magsawa sa pagtanaw sa labas ay humilig ako sa bintana at saka pumikit. Kahit nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko ay tila wala akong pakialam. Hinayaan ko lang na patuloy na tumulo ang mga luha ko."I hate you! I hate you, Jason!" Isang impit na hikbi ang muling kumawala sa mga labi ko."Use this," anang baritonong boses sa tabi ko dahilan para mapamulat ako. "Wipe your tears," anito sabay lahad ng kung ano sa harap ko.Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko ang panyong iniaabot nito sa akin at basta na lang siningahan iyon. Baradong-barado na kasi ang ilong ko at wala akong panyo sa bag na nasa kandungan ko.Natigilan ako sa sunod-sunod na pagsinga ko nang marinig kong tumawa ang lalaking katabi ko. Nag-angat ako ng mukha at tiningnan ito pero hindi ko makita ang mukha nito. Naka-sunglasses kasi ito at nakasuot pa ng face mask."Pinagtatawanan mo ba ako, Mister?" tanong ko rito.Tumikhim naman ito bago nagsalita. "I'm not.""You are! Huwag mong i-deny dahil narinig ko naman!" mataray sabi ko bago muling suminga. Nangongo na kaso ako dahil sa letseng sipon na ito."Sorry.." Rinig kong sabi na lamang ng lalaki. "Stop crying, mukha ka ng panda sa sobrang pag-iyak mo.""Paki mo ba, ha? Kung gusto mo umiyak ka rin kung naiinggit ka," mataray na sabi ko.Bahagya itong natawa. "I'm not."Hindi naman na ako nagsalita at saka muling tahimik na umiyak. Muli akong suminga nang sunod-sunod dahil hindi na naman ako makahinga. Lalo akong napaiyak nang magsimula ng tumaas ang eroplanong kinalululanan ko."My deepest sympathy, Miss." Napaangat ang ulo ko sa sinabing iyon ng lalaking katabi ko."You what?" tanong ko. Akala yata nito namatayan ako kaya iyak nang iyak."I said, condolences," ulit nito.Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ako namatayan!""Hindi ba? I thought may namatay na malapit sa puso mo kaya iyak ka nang iyak. But I guess, condolences sa namatay mong puso.""Aba't! Nang-iinis ka ba?""No, of course not. Actually nakikiramay ako. Alam ko ang pakiramdam ng iwanan ng taong mahal mo. Masakit iyan, iyong tipong gusto mo na lang tumalon mula sa eroplano--""Shut up! Hindi ako tanga para kitilin ang sarili kong buhay, ano?!" mataray na sabi ko. Narinig ko naman itong tumawa. "Anong nakakatawa?""Nothing, I'm just happy na sa kabila ng pag-iyak mo matuwid pa rin pala ang utak mo.""Hmp!" sabi ko na lamang at hindi na ito kinibo. Pasalamat na rin ako dahil tumahimik na rin naman ito. Kinuha ko na lamang ang cellphone sa bag ko at saka nagpatugtog. Mapanakit ang mga kantang pinakinggan ko, masokista ako eh mas gusto ko iyong tipong dinudurog ako sa sakit.Hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mga mata at hinayaan kong tuluyang hilahin ng antok.___________Tristan Seth PovKANINA PA ako nakatitig sa babaeng katabi ko. Tulog na tulog na kasi ito, marahil ay napagod sa ginawang pag-iyak. Actually sa waiting area pa lang sa airport ay nakita ko na ito. At saksi ako sa pag-iyak na ginawa nito. Noong una, ang akala ko ay may namatay itong kaanak kaya ito iyak nang iyak at tila walang pakialam sa paligid nito.At nang malaman kong katabi ko ito sa upuan ay aaminin kong kakaibang saya iyong naramdaman ko. Hindi iilang beses na gusto ko itong kausapin para ma-divert ang atensyon nito. Halata sa magandang mukha nito ang labis na sakit.Nang marinig ko itong magsalita ng I hate you ay doon na ako nagdesisyon na kausapin ito. Unang hakbang ko ang ibigay rito ang panyo ko. Nakailang ngiwi pa ako nang paulit-ulit nitong singahan ang panyo ko.Habang pinagmamasdan ang maganda at maamo nitong mukha ay hindi ko napigilan ang mapangiti. Hindi ko kayang itanggi ang kakaibang kabog ng dibdib ko habang nakatingin dito. Hindi ko napaglaban ang pagnanais na titigan lamang ito habang natutulog. Kusang tumaas ang kamay ko at inalis ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa mukha nito."Sinong nanakit sa'yo, hmm?" tanong ko. Makailang ulit kong hinaplos ang buhok nito. Tinuyo ko rin ang luhang sumungaw sa mata nito. Mukhang kahit sa pagtulog nito ay dala-dala ang sakit na pinagdadaanan nito ngayon."Everything happened for a reason, Miss. Whatever it is, always remember that you deserve someone better." May hinala akong niloko ito ng kasintahan.Bakit kasintahan? Dahil wala itong singsing, meaning dalaga pa siya at aaminin kong natuwa ako sa idea na dalaga pa ito.Tila napapasong lumayo ako rito nang gumalaw ito. Tuluyan na itong nagising. Tumingin ito sa akin pero kaagad ding nagbawi ng tingin nang magtama ang aming mga mata.Hindi na ito bumalik sa pagtulog hanggang sa ako naman ang tangayin ng antok. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko."S-Sir," anang lalaking boses at muli akong tinapik sa braso."Y-Yes?" tanong ko habang tila naaalimpungatan."I'm so sorry, Sir. But we just arrived at NAIA terminal."Napatuwid naman ako ng upo sa sinabi nito. Napatingin din ako sa tabi ko ngunit wala na roon ang babaeng katabi ko. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kahungkagan sa puso ko nang ma-realized kong marahil ay nakababa na ito.Hindi ko man lang nalaman ang kaniyang pangalan. Piping usal ko sa isip ko."I'm sorry, nakatulog pala ako," hinging paumanhin ko sa lalaking flight attendant."No worries, Sir," mabait na tugon nito.Muli akong napatingin sa tabi ko, sa inupuan ng babaeng katabi ko kanina. Minsan ko pang naramdaman ang kahungkagan nang hindi ko na ito nakita. Bumaba na ako ng eroplano, habang pababa ng hagdan ay binuksan ko na ang cellphone ko.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang napakaraming missed calls na sunod-sunod na pumasok. Halos lahat ay galing sa pamangkin kong si Grace.Dali-dali akong bumaba habang hila ang mga bagahe ko. Paulit-ulit akong nag-dial sa numero ni Grace pero walang sumasagot. Hindi ako mapakali, hindi ko kayang ipaliwanag iyong kabang bumundol sa dibdib ko."Hello!" malakas na bungad ko nang may sumagot sa kabilang linya. "Grace, hello?""Sir Tristan--""Hello? Where's Grace?" putol ko sa pagsasalita ni Marchelly. Kilala ko ang boses nito at ito ang kasambahay namin na tumatayong Yaya sa pamangkin ko."Where's Grace, Marchelly?" ulit ko."Nasa hospital po si Ma'am, Sir!""What? W-What did you just say?""Nasa hospital po si Ma'am, Sir! Naglaslas po siya ng pulsuhan n'ya--""No! No! No! That's not true, Marchelly! Give her the phone, I want to talk to her, now!" Pakiramdam ko mawawala ako sa sarili ng mga oras na iyon.Nagmamadali akong tumakbo palabas ng Airport. Sandali akong natigilan nang may bumangga sa akin, nakita ko ang babaeng umagaw ng atensyon ko sa eroplano kanina.Nang tumingin ito sa akin ay tila nilamukos ang puso ko nang makita kong hilam sa luha ang mga mata nito. Kakausapin ko sana ito ngunit nataranta ako nang marinig kong nagsalita si Marchelly. Sinabi nitong kailangan ako ni Grace ngayon."I'll find you soon. I will." Iyon lang at iniwan ko na ang babaeng umiiyak na naman.Pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko paalis ng lugar na iyon. Alam kong dahil iyon sa babaeng nakapukaw sa atensyon ko at dahil sa posibleng nangyari sa pamangkin ko.Chapter 3Cassie's PovTATLONG araw mula nang makabalik ako ng Pilipinas, tatlong araw ko na ring sinusubukan na makausap si Jason para linawin ang nangyari sa amin pero walang nangyari. Paulit-ulit akong nabibigo dahil hinaharang ako ng babaeng nabuntis nito. At ngayon nga, pakiramdam ko palubog nang palubog ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa nobyo kong si Jason habang ikinakasal sa ibang babae. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakikinig sa palitan nila ng vow sa isa't-isa.Ang sakit. Ang sakit-sakit na makitang ikinakasal sa iba ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin siya nangako na ako ang pakakasalan niya pero bakit sa iba siya ikinakasal ngayon."Ako dapat iyan, Jason. Ako dapat ang pinapangakuan mo ng mga iyan at hindi ang babaeng iyan," sabi ko sa mahinang boses. Parang pinupunit ang puso ko habang nanunuod sa kanila. "And now, I pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."Ang mga salitang iyon ng Pari ang tila lalong nagpab
Tristan Seth POVHABANG mahimbing na natutulog sa kama ko ang babaeng muntik ng mapagsamantalahan kanina ay hindi ko maiwasang mapaisip. Ilang beses ko na siyang nakita at sa tuwing magsasanga ang mga landas namin ay parati siyang umiiyak na parang wala ng bukas. Lalo akong napaisip nang makita kong habang natutulog ito ay umiiyak pa rin. Gets ko nang malamang niloko ito ng boyfriend dahil na rin sa sinabi nito kaninang huwag siyang iwanan, na bumalik na rito ang lalaking iniiyakan nito. Naiiling na inayos ko ang kumot na itinakip ko sa katawan nito kanina. Matapos kong ayusin iyon ay tumayo na ako at saka lumipat sa sofa para roon matulog. Humiga na ako at ginawang unan ang isang braso ko habang ang isa naman ay ipinatong ko sa aking noo. Sana lang tuloy-tuloy na ang paghimbing ng tulog niya. Piping usal ko sa isip ko. Minsan ko pa itong tiningnan mula sa kinahihigaan ko at kapagkuwa'y pumikit na rin ako para matulog. Madali naman akong nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa p
Tristan Seth POVMATINDING kahungkagan ang naramdaman ko ng umagang iyon dahil nagising akong wala na ang babae sa tabi ko. Ni walang bakas na roon ito nagpalipas ng gabi. Tinangka ko pa siyang hanapin sa loob ng banyo pero wala na talaga. Tanging ang long sleeve na isinuot ko rito kagabi ang naiwan nito sa banyo. Naiiling na lamang ako dahil naninibago ako sa nararamdaman ko. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang kalagayan nito kagabi. Nag-aalala ako dahil naiisip ko na paano kung maglasing na naman siya? Paano kung sa lalaking mapagsamantala siya mapunta? Tsk! Bakit ka ba nag-aalala, ha? Let her be dahil iyon naman ang gusto niya. Piping sikmat ng isang bahagi ng isip ko. Oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala eh hindi naman kami magkaano-ano? Nagdesisyon akong maligo na lamang para iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Pero habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower ay muling sumagi sa isip ang babaeng iyon. Ramdam ko ang pag-i
Cassie's POVNasa bahay ako ng parents ko nang tumawag si Jason kanina, ang sabi niya gusto niya akong makausap. At dahil gusto ko rin siyang makausap kaya pumayag ako kaagad. "Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Papa mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Magkikita lang po kami ni Shiela, Papa," paiwas na sagot ko. Alam kong pipigilan niya ako kapag nalaman niyang si Jason ang kakatagpuin ko ngayon. "Si Shiela ba talaga, Cassandra?" "Y-Yes po, 'Pa, si Shiela po." Medyo na-guilty ako dahil hati sa katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ko. Totoong kay Shiela ako pupunta pero pupunta roon si Jason para doon kami mag-usap.Hindi puwedeng dito sa bahay namin dahil tiyak na magagalit ang parents ko kapag nakita nila si Jason na tumuntong sa pamamahay namin. "Cassandra, binabalaan kita," seryosong saad ni Papa habang matamang nakatingin sa akin. "'Pa." "May asawa na si Jason kaya umayos ka! Hindi kita pinag-aral para maging other woman ng kahit na sino--""Papa," awat k
Cassie's POVNANG makaalis si Jason ay muli akong bumalik sa loob ng condo unit ni Shiela. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo ako sa sofa, saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Ang hirap ng ganito, iyong tuluyang pakawalan ang lalaking naging sentro ng buhay ko for 8 long years. Napapagod na dumausdos ako ng upo, saka sumandal sa sandalan ng sofa. Tumikhim ako nang makailang ulit para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero para saan pa, wala na ring saysay kahit lumuha pa ako nang lumuha. Tapos na. Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Jason dahil iyon ang pinakatama kong gawin. "Umalis na?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Shiela sa tabi ko. Umupo pa siya sa tabi ko, saka pinisil ang kamay ko. "Siguro naman magsisimula ka ng mag-move on niyan kasi nakita mo kung gaano kairesponsable si Jason," sabi nito. "Kasi naniniwala akong walang mabubuo kung hindi rin nagpadala sa init ng katawan iyang ex mo. At saka hindi
Cassie's POVMATAPOS akong saktan at pagalitan ni Papa ay nagmamadali na akong pumasok sa kuwarto ko. Sobrang sama ng loob ko, dapat sila ang mas nakakakilala sila sa akin pero napakadali sa kanilang husgahan ako. Walang tigil sa paglaglagan ang mga luha ko habang sapo pa rin ang namamanhid kong pisngi. Ang sama ng loob ko dahil ito ang unang beses na nagawa akong pagbuhatan ng kamay ni Papa. Impit akong napaiyak nang kumirot ang kanang pisngi ko. Hinagilap ko ang kumot ko at iyon ang ginamit kong pamunas ng mga luha ko. Sandali akong natigilan nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. "Cassie, si Ate 'to, usap tayo please?" Boses ni Ate Catelyn habang kumakatok.Hindi ako sumagot, lalong hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "Cassie, please open the door," sabi pa nito. Hindi siya basta makakapasok dahil ini-lock ko iyon. Hindi pa rin ako sumagot, sa halip ay dumapa ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari
Cassie's POVMATAPOS ang nangyari sa bahay namin apat na araw na ang nakakalipas ay hindi ako na nakalabas ng bahay. Bantay-sarado ako kay Papa dahil iniisip nitong kapag lumabas ako ng bahay ay makikipagtagpo lang ako kay Jason. Hindi na rin ako nagpumilit lumabas o tumakas dahil napapagod na akong makipagtalo pa kay Papa. Kahit naman anong gawin ko mukhang hindi siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya. Mukhang nalason na ng Tristan na iyon ang isip ni Papa. Nalaman ko kasi kay Ate Catelyn na araw-araw pumupunta rito sa bahay ang lalaking iyon para kumbinsihin akong magpakasal sa kaniya pero nagmatigas ako. Ni hindi ako nagtangkang lumabas ng kuwarto sa halip ay ini-lock ko pa iyon para hindi sila makapasok sa kuwarto ko. Masamang-masama ang loob ko sa kanila dahil walang gustong maniwala sa akin. Gusto ko sanang makausap si Shiela pero kinuha rin nila ang cellphone ko para huwag ko raw matawagan si Jason. Puro na lang sila Jason, Jason, Jason! Paano ko siya makakalim
Cassie's POVHABANG nakikinig sa pinag-uusapan nila ay panay ang ismid ko kapag si Tristan ang nagsasalita. Buwisit na buwisit ako sa pagmumukha nito kahit gaano pa kaguwapo. Yes, aaminin kong guwapo naman talaga siya pero hindi man lang ako maakit sa angking kaguwapuhan nito, sa halip nag-iinit lang ang ulo ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Lalo pang nadagdagan ang inis ko rito nang ilang beses ako nitong kinindatan pero pamatay na irap lang ang isinusukli ko rito. "Ang mata mo, makita ka ni Papa," pabulong na sita sa akin ni Ate nang mahuli akong inirapan si Tristan. "Nakakabuwisit siya, Ate." "Ang guwapo kaya niya," anito na waring kilig na kilig. Hindi ko na lang pinansin si Ate. Ibinalik ko ang atensyon kay Papa na ngayon ay tila bilib na bilib kay Tristan. Bakas ang katuwaan sa mukha nito dahil talagang pinanindigan nitong makasal daw kami sa lalong madaling panahon.At kanina pa ako kating-kati na tumayo para iwanan sila ngunit palagi akong bigo sa tuwing magagawi