Share

Chapter 8

"Slaine, tingin ka sa labas! Harap-harapang kang sinasampal ng katotoohanan, o!" Ani Dani kaya napatingin ako direksyong tinuro niya.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanila. Mataman kong sinuri ang kasama niya, at mapait na napangiti. Kumakapit ang babae sa braso ni Rafus habang siya'y may dala-dalang libro.

"Ingatan mo siya, binalewala niya ako dahil sa'yo..."

Kung nakakatigok lang ang tingin, kanina pa nadispatsa si Lowell at Dom. May pakanta kanta pang nalalaman eh sintunado naman at pumiyok pa!

"Siya ang tunay na baby, Slaine. Sa kaso mo, kathang isip lang ang sa'yo."

"Hindi ba dapat kino-comfort mo ako ngayon, Crezst? Tunay talaga kitang kaibigan!" May bahid ng sarkasmo ang boses ko at dumiretso sa upuan.

Hindi parin sila tumitigil ang mga sinasabi nila sa akin na hindi ko alam kung pampagaan ng loob o mas lalong ikakukulo ng dugo ko.

"Isang daan, taya ko! Paniguradong may gusto ang babaeng iyon kay Rafus!" Pagpaparinig ni Lowell.

Nang magtama ang tingin namin ni Dom ay nginisihan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status