PINAPUNTA ako ni Zayra sa lugar na 'to. Hindi ko alam pero ang weird dahil puro bungo ang nakikita ko at may mga sapot ng gagamba. Piling ko tuloy halloween na.
“What's your order, sir?” tanong sa akin ng waiter na itim na itim sa suot niya. Tiningnan ko ang menu at kakaiba ang mga pangalan ng pagkain nila rito.
“Vampire blood, please.” 'Yon na lang ang na-order ko dahil hindi ko rin alam kung masarap ba ang mga pagkain dito. Umalis na 'yong waiter at maya-maya pa ay dumating na 'yong order ko.
Kulay pulang juice. Ang cool dahil pulang-pula ito, nagmimistulang parang dugo talaga. Sinubukan ko itong tikman at namangha ako sa taglay na sarap ng lasa nito.
Naisipan kong tawagan si Zayra dahil ang tagal niya. Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko nang nakita ko siyang naglalakad na palapit sa akin.
“Sorry. Wala kasi akong masakyan,” she said at umupo na siya sa harapan ko.
“Dapat nagpasundo ka na sa akin.” Sambit ko naman. Tiningnan niya ang in-order ko at napangiti siya.
“No need. Masarap 'yan,” sambit niya habang nakatingin pa rin sa juice na iniinom ko kaya tinawag ko ang waiter at nag-order ako ng makakain ni Zayra.
“Anong plano mo?” she asked me. Ngumiti ako sa kaniya at nagtaka ako nang makita ko na kulay itim ang mga mata niya.
“Bakit iba ang kulay ng mata mo ngayon?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nabigla naman ako dahil sa malakas na pagtawa niya.
“Mas cool ang black tsaka ayaw ko talaga sa asul kong mata. Sabi ni Mageline maganda raw ang mata ko pero naiinis ako sa mata ko. Naalala ko 'yong nanay ko kapag naalala ko na kulay asul pala ang mata ko,” pagkukuwento niya. Tumango na lamang ako imbes na magtanong pa. Sakto naman na dumating na ang mga inorder namin.
“Ano ba ang mga gusto ni Mageline?” tanong ko sa kaniya. Kumuha siya ng dinuguan at puto. Isinawsaw niya 'yong puto sa dinuguan kaya medyo nagtaka ako. Hindi ko pa 'yon nagagawa sa buong buhay ko kaya tumingin-tingin ako sa ibang customer dito at gano'n din ang ginagawa nila kaya naisipan kong subukan. Kumuha ako ng puto at isinawsaw ko iyon sa dinuguan.
“Gusto niya? Mamahaling gamit,” aniya. Alam ko naman na gusto niya 'yong mga mahal, yong tipong branded.
Sinubo ko 'yong puto at ang sarap nga, akala ko kaya ako pinapunta rito ni Zayra dahil kulay itim ang paligid pero siguro kaya rito niya rin naisipan makipagkita kasi napakasarap nga naman talaga ng mga pagkain.
“Alam ko na 'yon. Iba naman,” sabi ko sa kaniya. Nag-isip siya bago magsalitang muli.
“Gusto niya ng mga lalaking mahahaba ang buhok.” Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang mahabang buhok pero si Bliz, mahaba ang buhok niya kaya siguro maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya.
“Ano pa?” tanong ko ulit.
“Gusto niya 'yong medyo maangas ang datingan at hindi 'yon lalaking nagmamakaawa para lang sa love.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zayra at alam ko rin kasi na may nais siyang iparating sa mga salitaan niya pa lang ay halatang-halata ko na.
“So, sinasabi mo ba na ayaw sa akin ni Mageline dahil nagmamakaawa ako sa pagmamahal?” seryosong tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin. Gusto ko sanang mainis dahil hindi man lang siya aware sa mararamdaman ng isang tao.
“Ano pa?” Ininom ko 'yong juice at hinintay siyang magsalita.
“Gusto niya 'yong nag-eeffort at siyempre, magaling sa kama.” Tiningnan niya ako sa mga mata at gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa sinabi niya.
“Seriously? Bakit? Magaling naman ako!” I said to her na dahilan ng pagtawa niya nang sobrang lakas.
“Hindi ko sinabing hindi ka magaling. Huwag kang palaban.” Tumatawa pa rin siya habang ako nakakunot na ang noo ko. Kakaiba rin 'tong babaeng 'to.
“Ano pa?” tanong kong muli sa kaniya. Tumingin siya sa akin at tumigil na siya sa pagtawa.
“Puntahan mo siya sa bahay nila. Dalhan mo ng kulay itim na rosas,” sabi niya sa akin. Agad akong napaisip sa suggestion niya, itim na rosas? Hindi ko alam na gusto niya pala ang itim na rosas dahil ang alam ko ay mahilig siya sa sunflower.
“Sige.” Nang matapos na kami kumain ay hinatid ko siya sa bahay nila. Malaki ang bahay nila at kulay itim ang mga pintura.
“Pasok ka,” aya niya sa akin pero tumanggi ako sa kaniya.
“Aalis na ako dahil makikipagkita pa ako kay Bliz. Bye.” pagpapaalam ko sa kaniya bago ako umalis.
Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho. Tinawagan ko si Bliz dahil magkikita rin kami ngayon.
“Nasaan ka na?” bungad ni Bliz sa akin.
“Malapit na, sorry,” I answered. Sobrang bilis ng pagmamaneho ko kasi may pag-uusapan din kami ni Bliz na napakaimportante.
Nang makarating na ako sa bahay nila ay pumasok na ako kaagad at pinuntahan siya.
“Bro, ang tagal mo. Anong pag-uusapan natin?” tanong sa akin ni Bliz.
“Gusto kong alamin mo kung sino 'yong lalaki ni Mageline.” Napanganga siyang bigla, alam kong nabigla siya sa sinabi ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkagulat niya.
“B-Bakit?” nagtatakang tanong niya. Tinapik ko ang braso niya at nginitian siya.
“Akin lang si Mageline.” I answered. I smiled widely. Gusto ko bumalik sa akin si Mageline. Kung sino man 'yong lalaking 'yon, handa ko siyang burahin sa mundo.
“Bro. 'Yong nangyari nang araw na 'yon. Okay ka lang?” tanong niya.
“Oo naman.” I answered. May pinag-usapan pa kami tungkol sa business pero nagdesisyon na rin ako kaagad na umuwi na dahil gusto ko nang magpahinga.
Nang makauwi na ako ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko at humiga.
Hindi ko maiwasang malungkot dahil wala si Mageline sa tabi ko. Wala akong mayakap sa malamig na gabing ito. Pakiramdam ko ay kaunting oras na lang at mababalot na ako ng yelo, wala akong maramdamang kahit katiting na init.
“Bumalik ka na Mageline,” bulong ko sa hangin. Baka sakaling pakinggan ako ng Diyos at tuparin niya na ang hiling ko.
DALA-DALA ko ang itim na bulaklak na ito habang nakatayo pa rin ako hanggang ngayon sa harapan ng bahay nina Mageline. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at halos isang oras na akong nakatayo rito pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Sinubukan ko na rin na tawagan ang number niya pero walang sumasagot. “Mageline! Mageline, please may ibibigay lang ako. Mageline,” paulit-ulit na tawag at sigaw ko sa kaniya. Naghintay pa ako ng ilang oras at tinatawagan din ako ni Bliz pero hindi ko 'yon sinasagot. Isinantabi ko si Bliz dahil mas mahalaga si Mageline. Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto nila at sa wakas hindi na ako maghihintay nang ilang oras pa rito. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay nakita
“YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish. “Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako. “Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha. “Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro. “Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo. 
HINANDA ko na ang aking gitara at inayos kong mabuti ang sarili ko. Ngayon na ang araw na haharanahin ko si Mageline kaya labis akong kinakabahan. Sana sa pagkakataong ito ay mabawi ko na siyang muli. Tumayo ako at tumingin ako sa salamin. Tinititigan kong mabuti ang sarili ko. Sinigurado kong prensintable ang itsura ko at nang makita ko ang hibla ng buhok ko na hindi nakaayos ay agad ko itong sinuklay. Nang matapos na ako ay sakto namang tumawag si Zayra sa akin. Dinampot ko ang cellphone ko bago sagutin ang tawag niya. “Nasaan ka na? Nandito ako sa harap ng gate ng bahay mo, bumaba ka na. Bilisan mo!” bungad niya kaya nagmadali akong naglakad pababa sa hagdanan.
“BRO, anong problema?” Bliz asked me. Nandito kami ngayon sa coffee shop at hinihintay ko na magbigay siya ng impormasyon tungkol sa lalaking karelasyon ni Mageline. “May nahanap ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Nabigla naman ako dahil bigla siyang tumahimik sa 'di malaman na dahilan. “Sorry, bro,” saad niya kaya nahampas ko bigla ang lamesa sa harapan ko. Hindi ko alam pero hindi maaring hindi siya makahanap ng impormasyon tungkol sa lalaking 'yon dahil magaling siya sa mga bagay na ganito. Ilang linggo na ang nagdaraan pero kahit ni katiting, wala akong nalaman. “Bro, you know me. May itinatago ka ba?” Hindi ko alam pero parang may alam siya sa mga nangyayari.
“TITIG na titig ka sa akin mamaya tumulo 'yang laway mo.” Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Zayra. Nagluluto siya ngayon at tinititigan ko lang siya mula rito sa upuan. Hindi ko alam kung anong luto ang ginagawa niya pero sana hindi siya katulad ni Mageline. “Sana magustuhan mo 'to.” Kinuha niya na ang niluto niya at inilagay sa lamesa. Naghanda rin siya ng dalawang plato, kutsara, tinidor at baso. Kinuha ko 'yong dalawang baso at nilagyan ko ng tubig. Naglagay naman siya ng pagkain sa pinggan namin dalawa. “Ano ba 'to?” tanong ko sa kaniya. Umupo kaming pareho at magkaharap ang puwesto namin. &l
“AKIN na nga 'yan!” Inagaw ni Zayra ang hawak kong tickets. Naglaro kami sa World Of Fun. Inaya niya ako na rito kami pumunta kaysa kumain o kaya nama'y uminom ng kape. Mas gusto niya raw ang maglaro. Nasa counter kami at ipapapalit na namin ang mga ticket na ito. Sobrang daming nakapila at naiinip na ako pero hindi ko magawang ayain si Zayra na umuwi dahil kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang saya. “Malapit na tayo!” sambit niya. Napakalaki ng ngiti niya na ikinatutuwa ko naman nang husto. Mayamaya pa'y kami na ang binibilangan ng mga ticket. Tinitigan ko ang mga premyong puwede naming makuha. Nakita ko si Sponge Bob. Gustong-gusto ko si Sponge Bob dahil kahit itinataboy na siya ay lapi
ILANG araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Bliz at wala akong kaide-ideya kung bakit. Sinubukan ko siyang tawagan nang paulit-ulit ngunit hindi talaga siya sumasagot. Paikot-ikot ako rito sa kuwarto ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayong araw. Wala akong mapuntahan at hindi ko rin makausap si Bliz. Si Zayra naman hindi ko alam kung saan pumunta dahil hindi ko rin siya matawagan at hindi niya sinasagot ang bawat mensahe ko. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan. May nag-message sa akin. “Ilang araw kang wala sa opisina mo?! Ano bang pinaggagawa mo?!” Galing sa ama ko ang mensahe kaya ni-repl
“OH, ayan! Kuhanin mo!” Hinagis sa akin ni Zayra ang isang unan. We decided to stay here in my house than to go out. It was almost 9:00 PM. “Ano ang balak mo? Ano rito ka matutulog?” I asked her. She looked at me with a smile on her face. “What do you think? I want to sleep here,” she said. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “What? No, no, no. Umuwi ka na. You're not allowed to sleep here,” I complained. “Why? Kasi babae ako? May gagawin ka ba sa akin?” She raised her eyebrow. Natawa naman ako sa sinabi niya. &