Kabanata 4 - Back Home
ITINULOG ni Alexa ang isang oras na nalalabi sa byahe papauwi sa hasyenda.She didn't want to keep on arguing to a malnourised leech. Hindi nga ba linta ang dapat niyang itawag sa babaeng tulad ng kasama ni Aslan? Masyado iyong makapit sa lalaki na parang aagawan.Ewww!Sino nga ba naman ang hindi kakapit sa isang lalaki na nagmamay-ari ng isang Aston Martin na sasakyan, baka bumper pa lang milyon na ang halaga? And this Aston Martin was supposed to be hers and not to this dirty old clinging rag."Alexa!" Malakas na singhal ang nagpaitlag sa kanya mula sa pagkakahimbing niya, pero bigla siyang naliyo nang mauntog ang noo niya sa isang matigas na bagay.Nasapo niya ang noo dahil nakakita siya ng mga bituin."Jesus!" Bulalas ni Aslan kaya napamulat siya kahit na siya ay nakangiwi.Sapo rin nito ang noo at nakapikit din ang isang mata.Nagkauntugan silang dalawa. Nakapasok ang kalahating katawan nito sa loob ng passenger's side, ginigising siya."Did I tell you to get closer to me? Disgrasya ang inaabot ko," masungit na palatak niya rito pero hindi nito pinansin iyon."Hurry up! Hindi ako si Superman na di tinatablan ng malakas na ulan!" Anito sa kanya kaya para siyang natauhan.Bumabagyo nga pala."Ang payong! Ang payong!" Sigaw ng isang pamilyar na boses binabae mula sa kalayuan.Aslan grabbed her seatbelt, and she forced herself not to get affected when his hands brushed against her abdomen.Napakunot noo siya kung ito ba ay nakatingin sa kanyang belt dahil parang nasa dibdib niya ang mga mata nito.Hinawakan siya nito sa braso at hinila siya pababa. Nariyan na ang mayordomo na may malaking payong pero bigla na lamang na bumaliktad iyon nang hipan ng malakas na hangin kaya napatili sila nang sabay.Halos madala si Mang Kiko dahil ayaw bitiwan ang payong. Aslan was quick and grabbed the umbrella, but it was already ruined by the strong wind. Nagkabali-bali na ang mga tadyang ng payong at nakalas ang dahon.Napapasag-pasag siya dahil kung kaninang nasiraan siya ay malakas na ang ulan, di hamak na mas malakas ngayon at malamang ay red rainfall alert na.Malalaki ang patak nun at masakit sa ulo kapag tumatama."Payooong!" sigaw ni Mang Kiko tapos ay tumakbo pabalik sa mansyon para kumuha ulit malamang ng tinatawag nun na payong.May maitim na bagay ang pumatong sa kanyang ulo, dahilan para huwag na siyang mabasa pa.Leather jacket iyon ng binata at agad siyang akbay na inilakad papunta sa mansyon."Why haven't you got the driveway relocated and renovated, Aslan? Ang tagal mo dito, di mo man lang naisip na ang layo ng main door sa parking?" Talak niya rito.Tingin niya ay wala na ang isang driveway sa likod na bahagi ng mansyon dahil kung naroon pa iyon, malamang na dun nito ipaparada para huwag silang mabasa.Nagsisipag tunugan ang mga yero sa paligid. Ang malalakas na hangin ay nagtataboy ng mga sariwang dahon sa kung saan-saan. Nakikita niya ang delubyo na humahagupit sa napakalawak na bakuran ng mansion."Instead of thanking me, you'd still even say that? You're welcome, mi lady," he said with full sarcasm and she was shut.Pakiramdam niya ay namula ang mga pisngi niya sa itinawag nito sa kanya.Aslan really has this certain effect of making her blush by his words, since then and now. Galit siya rito pero may mga lumalabas na kataga sa bibig nito na nagpapatahimik sa kanya."Bumalik ka na, Mang Kiko!" Sigaw nito hahang ipit-ipit siya sa may kili-kili, hawak ang pandong.Nasilip niya si Mang Kiko na sasalubungin sana sila, dala na naman ang dalawang payong pero daig pa nun ang miyembro ng CAT na pumihit nang mandohan ni Aslan.She saw a number of housekeepers, waiting at the portico.Pakiramdam niya ay napakalayo naman ng pinto ng mansyon. Bakit ganun? Parang ang haba na ng nilalakad nila at di na natatapos pa."Where's the leech?" She asked, irritated.What?""Yung buntot mong bwisit. Who else? Huwag ka ngang mag maang-maangan!""Diyos ko. Di ako nagmamaang-maangan. Sa hindi ko alam, pipilitin mo ako," anito sa kkanyasa masungit din na tono.Hubad ito at hindi niya alam kung dapat ba siyang humawak sa katawan nito. Ang lalaki ng hakbang nito sa basang pavement. Parang hindi man lang ito natatakot na madulas sila."Hurry up," he told her."Sandali nga. Baka ako madulas. Gusto mo na akong mamatay para masolo mo na ang lahat," aniya kaagad kahit na sa totoo ay wala na talaga sa kanyang natira.Pagtataray na lang ang pantakip niya sa kawalan niya ng karapatan sa lahat."That's your thought," he just said and held her tighter.Napahawak siya sa baywang nito at halos sumabunot siya roon dahil lalo itong bumilis. Kahit na naka-rubber shoes siya ay natatakot siya sa madulas na daan. Parang malumot iyon dahil sa ilang araw ng pag-ulan.Sa wakas ay narating nila ang portico kaya para siyang napapaso na napabitaw sa binata.She's damn wet. Tiningnan niya ang sarili at pagkadismaya ang kanyang naramdaman nang makita niyang nakadikit ang basang t-shirt ni Aslan sa kanyang dibdib.Nakaawang ang labi na tumingin siya sa lalaki at ganun na lang ang pag-init ng mga pisngi niya nang makitang nakatingin ito roon.But with a blink, he wasn't anymore. Iniabot nito sa isang kasambahay ang jacket saka ito naglakad papasok sa kabahayan."I'll get your luggage when the storm is gone. Magsuot ka na muna ng mg lumang damit ni Caroline," aniyon kaya napatanga siya.What the heck? Magsusuot siya ng damit ng patay na?"Ayoko!" Inis na napamartsa siya, "Kukunin mo yun o hindi ako magbibihis?" Banta niya kaya parang nalaglag ang mga panga ng mayordomo.Aslan takes a quick glance st her bossom again. Napakurap ang dalaga dahil para bang sinasabi nito na pakialam nito kung hindi siya magbihis."K-Kunin mo na, Aslan. Basa ka na rin naman. Baka magkasakit siya," ani Mang Kiko."Kung hindi ka ba naman kasi kalahating pungol, inihatid mo pa yung Nanay mo sa kanila, inabot tuloy tayo ng kalakasan ng bagyo.""Nandito ang Nanay niya?" Takang tanong ni Mang Kiko."Yes, Mang Kiko, yung babaeng malaki ang s**o at mapula ang nguso. Nanay niya yun," aniya pa, hindi tinitikalan ng titig si Aslan sa mata.Narinig niyang parang natawa ang mga kasambahay."Si Donna iyon. Hindi niya Nanay yun, Mahang.""Astang Nanay kasi," she rolled her eyes.Walang imik si Aslan na pumihit, nakatingin sa mukha niya. Mukhang kukunin na nito ang luggage niya kaya panalo siya. Nang humakbang ito papalabas ulit ng portico ay napangisi siya sa sarili."Halika na at maligo ka tuloy. May heater naman sa banyo kaya hindi ka lalamigin," ani Kiko sa kanya, "Sila pala ang mga kasambahay dito, Mahang. Kapag may kailangan ka, kahit sino ay pwede mong tawagin. Si Aida, Lorna at Fe, Sharon, Cherie at si Dina.""Hello po, senyorita Alexa," bati ng mga iyon pero isang kiming ngiti lang ang ginawa niya bilang sagot."Ang laki mo na," ani Sharon sa kanya. Medyo natatandaan niya ang mga babae na anak ng mga trabahante roon."Ang ganda lalo niya. Naalala ko noon ang liit pa niya tapos naging dalagita, dala-dala yung unang nireglahan sa may bukid, hinahanap ang Daddy niya," anaman ni Fe.Susko.Naaalala niya iyon. Sa Mommy niya dapat siya lalapit noon kaya lang ay nakita niya na magkasama na naman si Aslan at ang Mommy niya. She even heard her mother, telling him that everything that he sees will be his one day.Instead of running to her, Alexa ran to her father. She was only eleven at that time and she clearly remembered. It was a bitter memory."Kakahiya," aniya na lang pero nagkatawanan lang ang mga iyon."Mamaya niyo na ito kwentuhan at paliliguan ko na muna. Baka ito magkasakit," ani Kiko, hila na siya, "Asikasuhin niyo si Aslan. Basang-basa rin iyon ng ulan."Pumanhik sila sa hagdan habang siya ay lihim na nakamasid sa paligid. May mga nagbago na sa loob ng bahay, kahit sa labas. Mas mordern na ang dating ng mansyon pero naroon pa rin ang makalumang konsepto. Naroon pa rin ang kahoy na sahig, wood tiles na nga lang. Ang hagdan ay dati pa rin, malaki at malapad, gawa sa kahoy pero kumikinang din.Nabuhay iyon sa mga paintings at halaman sa paligid, mga chandeliers na mamahalin. Ang piano ng lolo niya ay naroon pa rin, ang mga sofa na gawa sa Narra at Mahogany. Everything was well preserved. Kung may mga nagbago man, pinaganda lang at inalis malamang ang mga bulok na bagay dala ng katandaan.Gusto niyang masupalpal dahil kitang-kita niya kung paano inalagaan ni Aslan ang bahay na mas matanda pa kaysa sa kanilang dalawa. Hindi iyon ang in-expect niya mula sa lalaki. She was expecting that he'd be a lousy rancher. Napakabata ba ni Aslan noong panahon na umalis siya pero parang mas gumanda pa lalo ang hacienda sa pamamahala ng lalaking ito kaysa sa pamamahala ng Daddy niya.With that thought, her feelings become sour. Nabuhay na naman ang matinding inis niya kay Aslan dahil sa pagpapamukha nun na mas magaling iyon kaysa sa lahat, lalo sa Daddy niya."Akala ko hindi ka susunduin ni Aslan. Ninerbyos ako pagsabi mong wala kang kasama. Hindi ka sinamahan ng yaya mo.""Nagpaalam kasi si Yaya na pupunta sa kanila habang nandito ako. Tiwala siya sa inyo Mang Kiko.""Syempre naman," nakangiting sagot nito, "Kami ang magkasama na nag-umpisa rito."She knows that. Ang mga kasambagay ngayon ay ang mga dalaga noon sa kanilang hasyenda. Ngayon ay may mga asawa na malamang ang mga iyon kaya namamasukan na bilang kanilang mga kasambahay nila."Pinayagan ko siyang umuwi kasi ang tagal na niyang di nakauwi sa kanila. Ayaw pa naman daw niya akong iwan. She prefers to stay with me in Manila, Manong Kiko.""Mabuti naman na ganun para may nag-aalaga sa iyo roon."She smiled and nodded at him."Dito ka sa dati mong silid, Mahang.""Opo, Mang Kiko," aniya nang lumiko ito papunta sa hilera ng mga kwarto nila."Hindi na rito umuukupa si Aslan. Naroon siya sa kaliwang bahagi ng mansyon. Di ba at dati ay narito siya, katabi ng kwarto mo? Hindi na mula nang umalis ka."Malamang kasi ay nakokonsensya iyon sa pang-aagaw ng yaman niya. Ganun lang yun kasimple. Kaya hindi kaya ni Aslan na makita ang kwarto nila dahil maaalala nun parati ang pangmamanipula nun sa kanyang namayapang ina. Maaalala nun kung paano siya nagmukhang kawawa, na parang siya ang sampid sa mga Escobar at hindi iyon.Mabuti na lang at matatag siya. Mabuti nakilala niya si Maxus. Ang demonyong si Maxus. Nagkaroon siya ng mapaglilibangan, makakausap na tao kaya nagbago ang kanyang buhay nang lumayas siya sa poder ni Aslan. Tapos, ang mukhang sex din na si Maxus pala ang magiging dahilan ng kanyang pag-uwi sa poder ulit ng lalaking kanyang kinabubwisitan.Kabanata 4.1 - AffectedANG tagal ni Aslan na nakapameywang sa harap ng sasakyan. Nakabukas na ang likod na bahagi nun. Naka-display na ang luggage ni Alexa pero dinaig nun ang isang magandang babae na kanina pa niya tinititigan.What does he call this hard shaft inside his pants? Boner. Yes. He had it since he glanced at those round, firm mounds, tightly brushing against her wet shirt.Mali nga siguro na sinundo niya ang babaeng iyon. Hindi niya natiis at napanindigan ang kanyang salita na bahala iyon sa buhay nun.Kahit na walang tigil si Donna sa paglalaro ng dila sa kanyang pagkalalaki kanina, nanlalambot iyon kapag natitikal sa mainit na bibig ng babae. Ang utak niya ay okupado ng isang babae sa gitna ng daan, bumabagyo, at walang masakyan.Paano siya matatahimik nang ganoon? Naalala niya si Geron at si Caroline.Fuck.He had thought that his duty over their daughter already ended when Alexa chose to part her way with his. Hindi pa pala.Naaalala niya ang pagkupkop ng mag-asawa s
Kababata 4.2WALANG marinig na kahit na ano si Alexa sa loob ng kabahayan. Kahit na ang kalampag ng mga yero ay wala siyang maulinigan ni katiting man. Ang generator ay hindi talaga maririnig dahil naka-silencer iyon.Kung gaano kaingay ang mga yero sa labas ng bahay, ang buhos ng ulan at ang ihip ng hangin, ganun naman katahimik sa loob ng kanyang kwarto.Thanks to the power of technology. Mas buo ang pailaw ngayon sa mansyon kaysa sa noon. Malaki na talaga ang ipinagbago ng hacienda sa pamamahala ni Aslan. Iyon ang kanyang naiisip habang nakatayo siya sa bintana ng kanyang kwarto, nakatitig sa isang maliwanag na building, di kalayuan.Dahil mataas na bahagi ng lupa ang kinatitirikan ng mansyon, tanaw niya ang kabuuan ng Hacienda Escobar. Ito ang hacienda na pag-aari ng ninuno pa niya sa ama niya, pero nakapagtataka na bakit sa last will ng kanyang namayapang ina ay nasa kay Aslan na ang lahat.Sumikip ang kanyang dibdib. She could feel pain in her heart. Jealousy starts to consume h
Kabanata 5 - Napakataray TUMALIKOD na si Aslan, laglag ang balikat. Maluha-luha siyang hindi makatingin sa mga kasama niya sa kwadra ng mga kabayo.Pumikit si Marishka. Hawak niya ang anak nun na lalaki sa kanyang mga kamay.Bakit? Bakit parati na lang namamatay ang kanyang pinaaanak? Duguan ang mga braso niya. Wala siyang pang-itaas at tumatahip pa rin ang kanyang dibdib sa ginawa niyang pag-revive sa kanyang kabayo.Kahit na nagsisipag-kalampagan ang mga yero sa labas ay sumuong siya sa bagyo, hindi alintana ang panganib sa daan.May mga nakikita siyang yero na lumilipad, kahoy at kung anu-ano pa pero ang Jeep Wrangler niya ay lumalaban sa lakas ng bagyo.And now, Marishka would just die in his hands? Why? Hindi talaga siguro siya pang-beterenaryo. Baka wala iyon sa kanyang katangian.Napatigil siua sa paghakbang nang biglang mag-ingay ang kabayo sa likod niya kaya agad siyang napapihit."Buhay siya!" Bulalas ni Tibor na basang-basa rin pero hindi iniinda.Lima sila roon at lahat n
Kabanata 6 - PagbisitaBUNTONG HININGA ang ginawa ni Aslan nang walang pakundangan na pasibadin ni Alexa ang kanyang kotse sa driveway, papaalis ng garage.Nadilaan na lang niya ang labi at isinunod ang mga mata sa umaandar na sasakyan.It was his car but he didn't have the courage to say no. He had the power to do so but he never had the will.Fuck.She was still that Alexa so many years ago. Walang makapagpapatiklop sa isang iyon. Pilit naman niyang ginagawa pero talagang palaban at hindi umaatras.Sa kabilang daan siya dumaan kanina nang umuwi. Nasa balikat niya naka sampay ang kanyang damit. Wala pa siyang maayos na tulog pero napatigil siya nang makita niyang pinaghahampas ni Alexa ng walis si Donna.Jesus.In his mind he wanted to stop her and scold her but he just ended up watching, and wasn't able to walk closer to tell her to stop hitting Donna with the broomstick.Hindi niya gusto ang tensyon na namumuo sa pagitan ng dalawa pero wala siyang magagawa kung parehas na sutil ang
Kabanata 7 - Mula Noon, Hanggang NgayonPARANG aalpas sa dibdib ni Alexa ang puso niya. Nanlalaki ang mga mata niyang napaatras habang nakatunganga sa ahas. Kahit na maputulan siya ng litid doon. Hindi siya maririnig dahil nasa dulo ang musuleyo.Nagmamadali siyang umakyat sa nitso kahit na halos magkanda dulas pa siya. Napasumiksik siya sa may gawing dulo dahil gumapang iyon papapasok. She sat and tucked herself, embracing her legs.Hindi iyon makaalis sa may gawing pintuan dahil sa dulas ng marmol."Go away!" Singhal niya na para bang maiintindihan siya ng ahas, "Shooo!" Aniya pero kandaluwa ang mga mata niya at tenga nang maulinigan ang tunog ng motorsiklo sa labas."Aslan!" Tili ni Alexa kahit na hindi naman niya alam kung si Aslan nga iyon.Hindi rin niya alam kung bakit pangalan nun ang isinisigaw niya. Mula pagkabata at nasa gitna siya ng aberya, parating naisisigaw niya ang pangalan nun.Maya-maya ay natanaw nga niya iyon papalapit kaya nag-panic siya."Snake! Snake!" Bulalas
Kabanata 8 - Totoong DamdaminSABI niya siya ay matutulog pero hindi naman niya nagawa. Paano siya makakatulog kung alam niyang binabaha ang simenteryo na para lang sa mga Escobar? Talamak talaga ang ahas dun pero malinis naman ang lugar. Malamang ay umakyat lang ang isang iyon dahil sa baha sa sapa.Gusto niyang matawa sa itsura ni Alexa kanina kaya lang ninerbyos din siya dahil kung natuklaw iyon, baka napahamak pa. Umasa naman siguro si Rufo na dahil malinis naman ang paligid ng mga musuleyo ay walang ahas na mangangahas na lumapit dun.Habang nagmamaneho siya ay ramdam pa rin niya sa mga bisig niya ang bigat ni Alexa. She is no longer that thin girl he used to carry whenever she fell on the ground and cried.Bumaba siya sa motorsiklo nang matanaw niya ang bahay ng mga Miranda. Naroon na kaagad si Donna, nagmamando sa mga kasambahay na naglilinis."And you showed your ass, asshole!" Anito kaagad sa kanya, mainit ang ulo."Pupunta ako sa animal clinic, sasama ka ba o hindi?" Mabilisa
Kabanata 9 - PrinsesaHILA si Alexa ng kanyang mga paa papunta sa kabilang parte ng second floor. Mabuti na lamang at may pagka moderno na ang bahay dahil kung kamukha pa rin iyon ng mga nasa litrato noong panahon na nakikita niya sa mga antigong album, nunca siyang maglilibot doon.Baka isipin pa niya na haunted house ang mansyon.Patingin-tingin siya sa paligid. Tinitingnan niya ang mga nagbago sa pitong taon na siya ay hindi umuwi. Wala kasi siyang magawa. Wala pa ring signal kaya hindi naman siya makapag-chat sa mga kaibigan niya sa Maynila. Nabuburyong na siya.Kanina pa niya kakwentuhan ang mga kasambahay at nagsawa na lang siya dahil inantok siya. Nang pumanhik naman siya ay nawala na rin ang antok niya. Kumuha siya ng mga lumang libro sa cabinet na de salamin at nagbasa-basa ng mga pambatang libro. Mga aklat niya iyon noong bata pa siya, mula malamang isantaon, dahil limang taon siya ay natatandaan niya na naroon na ang mga aklat bago pa man siya magkaroon ng matatag na memorya
Kabanata 10 - Totoong MahalKAPA ni Aslan ang tabi niya, hindi pa rin nagmumulat ng mga mata pero nang wala siyang mahawakan na balahibuhing bagay ay agad siyang napamulagat.Damn.Wala pa rin si Jumbo sa kanyang tabi. Natulog siya kanina ay wala ang kanyang alaga na di lumalabas ng kwarto nang di siya kasama, pero ngayon ay mukhang nasiyahan na iyon sa labas.Pupungas-pungas niyang hinawi ang comforter at agad na tumayo, suot lamang ang kanyang cotton short. Kunot-noo siyang pumunta sa nakaawang na pintuan at sumilip. Sinadya niyang huwag iyong isara para makapasok iyon pero tila ba hindi na siya naalala nun na balikan.Usually, when Jumbo isn't in his room, the dog just sits on the sofa. Wala rin iyon sa sofa kaya tuluyan siyang lumabas ng kwarto.Tumingin siya sa labas ng balkonahe. Iba na ang liwanag sa paligid. Gabi na. Maghapon na siyang tulog, ibig sabihin. Ni hindi pa siya kumakain. At ugali niya na kapag siya ay nagpapahinga, ayaw niyang may umiistorbo sa kanya pwera na laman