Namula ako dahil sa narinig ko. Hindi dahil sa hiya kundi sa galit.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na sapakin sana siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko para pigilin ako. Matalim na tiningnan ko siya."Bitawan mo ako. Wala akong oras para sa mga kabaliwan mo," saad ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.Ang aga-aga pinapainit niya ang ulo ko. Ang ibig kong sabihin ay masasaktan siya sa akin pero ang nasa isip niya agad ay malalaswang bagay. Abogado ba talaga siya o macho dancer sa club? Daig pa niya ang tambay sa p*rnhub dahil sa utak niyang malabnaw.Pinakawalan din naman ako agad nito nang mapansin nitong seryoso.Nagpakawala ito nang hangin sa sa bibig bago tumingin sa akin."Okay, okay. I am sorry. I did not mean to angry you. I was kidding, so relax tigress," anito na na nakangiti sa akin at tila pinapakalma ako.Relax, relax. He is pissing me off. Akala ba niya madadaan niya ako sa ngiti niya?"Please, Attorney. Leave me. Hindi ko alam kung bakit sinasayang mo ang oras mo sa akin. Hindi ka ba busy?"I am trying my best not to burst out my irritation. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Bakit ako ang pinagtitripan niya? Nasaan na ang mga babaeng nalilink sa kanya."Yeah, I will be busy in the upcoming days." Tumango-tango pa ito.Mabuti naman kung ganoon ng mawala na siya sa paningin ko. Hindi ko siya gustong makita."Then go now," pagtataboy ko sa kanya.Kumunot ang noo nito sa akin. "Let me drive you first... I mean the car, you know... not you," nahihirapang saad nito na para bang natatakot siya na magalit na naman ako sa sasabihin niya."No thanks, I can manage," pagtataray ko sa kanya at pinindot ang remote car key para bumukas ang lock ng kotse.Pero bago pa ako makasakay ay nagulat na ako nang bigla niyang agawin ang susing hawak ko at binuksan ang driver seat.Nakatangang napatingin ako sa kanya. Anong ginagawa niya?"I know you don't want to see me, but let me drive you. You obviously don't know how to drive. Just endure my presence for the meantime, it is better than to get an accident. So, get in," utos pa nito at nauna nang sumakay.Napailing na lang ako at walang nagawa na sumakay sa passenger seat. Yeah, Hindi ko naman talaga alam kung paano mag-drive. May katangahan din siguro akong taglay dahil basta na lang ako umoo kay Rebecca kahit alam kong hindi naman ako marunong magmaneho.Isa pa itong si Reb, alam naman niya na hindi ako maalam mag-drive ako pa inutusan. Wala naman si Gary na pwede kong utusan dahil day off nito ngayon kaya ako lang talaga ang pupunta.Nang maayos ko na ang seatbelt ko ay sinimulan na nitong buhayin ang makina. Nagpasalamat na lang ako na tahimik lang ito habang nagmamaneho. Sinabi ko lang ang lugar kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam kung bakit parang alam na agad niya ang address na tinutukoy ko dahil hindi na ito nagtanong pang muli sa akin.Nang tumigil kami sa tapat ng bahay ni Rebecca ay nakahinga ako ng maluwag. Kanina kasi habang nagmamaneho ito ay kulang na lang ay mabali ang leeg ko paralang huwag lumingon dito kahit na nararamdaman ko na paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa akin.Nang makababa ako ay agad na kinuha ko dito ang susi. "Salamat."Pinigilan ako nito nang akmang tatalikod na ako para pumasok sa bahay nina Reb. "Aren't you going to invite me for a water... or coffee?"Humarap ako sa kanya. "First this is not my house. I can't invite anyone I want, though I don't want to invite you. Second, thanks for helping me but I hope this will be the last time we will see each other. And if you saw me again, just ignore me. Act as if you don't know me," pahayag ko sa kanya.May nakita akong paparating na tricyle kaya mabilis ko iyong pinara. "Pwede ka nang sumakay diyan pabalik. Sigurado naman ako madami kang pamasahe," wika ko bago siya iniwan na nakatanga lang sa akin.Hindi ko na ito nilingon pa at pumasok na sa loob ng bahay. Pagdating ko ay si Manang Nerma lang ang naaubutan ko dahil iginala raw ni Rebecca ang kambal sa mall.Kaya tenext ko ito naiuwi ko na ang kotse niya. Paparating na raw ito kaya umupo na lang muna ako sa sofa para hintayin siya.Hindi ko alam kung nakaalis na ba si Cohen pero wala na akong pakialam. Siguro naman ay sumakay na siya sa tricyle na pinara ko kahit na alam kong hindi siya sumasakay sa ganoon. He is a rich man, I wonder kung nakasakay na ba siya ng tricycle baka ngayon pa lang.Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang sumulpot sa buhay ko matapos ng mahabang panahon. Tila kung makareact siya ay parang kahapon lang ang lahat ng nangyari sa amin.Napangiti ako nang makita kong dumating na sina Rebecca. Mabilis na sinalubong ko ang mga cute kong inaanak."Hello, guys," bati ko at agad na hinalikan sa pisngi ang kambal."Hello, ninang," seryosong bati sa akin ni Eros at habang malaki naman ang ngiti ni Cupid.They have the same face pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali. Seryoso ang mukha palagi ni Eros na akala mo ay matanda na edad lalo na kung magsalita habang pilyo naman si Cupid.Matapos kong makipagbatiaan at makipag-asaran sa kambal ay lumapit ako kay Rebecca. Hindi ko alam pero mukhang problemado siya.Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse niya. Ibinigay naman nito sa akin ang isang bag na alam kong mamahalin. Sanay na ako sa mga pang bangketa lamang pero alam ko na libo ang halaga ng bag na binili niya."Thank you.""Anong nangyari? Hindi ako papayag na hindi na magkukwento sa akin," pamimilit ko sa kanya nang tinanong ko siya kung bakit hindi ito nakauwi na sakay ng kotse pero umiwas lang ito. Kaya wala na itong nagawa kundi ang sabihin ang totoong nangyari.Nalaman ko rin sa mga anak nito na sinabi nito na sa bahay namin siya natulog. Ibig sabihin nagsisinungaling ito sa mga anak niya.Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nitong may nangyari dito. I mean may naka-one night stand ito. Ang pinakamamala pa ang ama ng kambal mismo ang lalaking iyon.Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang nangyari o hindi. Sabi niya hindi raw niya sinasadya. Siguro sa side niya hindi, pero sa side ng ama ng kambal I doubt na nagkataon lang din na ang kaibigan ko ang ikinama nito kagabi.Para sa akin walang nagkataon. Kahit sinabi ko sa kanyang destiny siguro ang nangyari kahit ako hindi naniniwala doon. Gaya ng pagkikita namin ni Cohen, pakiramdam ko sinadya iyon. Imposibleng nagkataon lang na nagkita kami kagabi at nagkataon na nasa bar pa rin siya ngayong umaga.Nang i-kwento sa akin ni Rebecca ang nakaraan niya ay hindi ko mapigilang mapahanga sa kanya. Napakatatag niya. Nagawa niyangbuhayin mag-isa ang mga inaanak ko. Pakiramdam ko pareho kami ng pinagdaanang dalawa. Ang pagkakaiba lang namin ay lumaki siyang mayaman hindi ko gaya na bata pa lang ako kumakayod na ako para sa sarili ko kahit meron naman akong mga magulang na dapat ay sumusuporta sa akin.Inakala niya na huhusgahan ko siya sa nagawa niyang pagkakamali pero nagkakamali siya. Dahil ang totoo pareho lang kaming may nagawa sa nakaraan namin. Mas nauna pa nga ako sa kanya.May namagitan sa kanila ng boyfriend ng bestfriend niya na nagbunga ng kambal habang ako mananatiling sekreto ang ano mang nangyari sa akin noon. Hindi pa ako handang inbunyag kahit kanino ang sekreto ko.Siguro dahil madamot ako o dahil natatakot akong may mawala sa akin kapag nalaman ng lahat ng lihim ko. Kaya hangga't kaya ko, magpapanggap ako para sa ikatatahimik ng lahat.Bumalik din agad ako Psyche matapos naming mag-usap ni Rebecca. Madami pa akong trabaho kaya hindi ako pwedeng magsayang ng oras.Pagbalik ko sa opisina ay ipinatong ko ang bag na regalo ni Reb sa table ko. Muli akong napatingin sa isang box na natanggap ko kaninang umaga. Kinuha ko iyon at binuksan ang trash bin pero nagdadalawang isip ako kung itatapon ko ba iyon o hindi.Sa huli ay muli ko iyong pinatong sa table. Sayang naman kung itatapon ko. Napatingin ako sa labas at dahil glass wall ang opisina ko ay kita ko ang buong paligid ay nakita ko si Anji. Napangiti akong tumayo at kinuha ang regalong nataggap ko.Lumapit ako sa kanya. Mabuti nalang at wala pang dumadating na customer."Anj," tawag ko sa pansi niya. Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "'Di ba may boyfriend ka? Gusto mo bang mas lalo pa siyang mas ma-in love sa iyo?"Kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Nagtitinda ka ba ng gayuma?"Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa
Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Matapos ko magbihis ay nagtungo ako sa kusina pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita kong madaming hugasin. "Bella!" malakas na sigaw ko pero walang lumapit sa akin kaya asar na nagtungo ako sa kwarto niya. Alam kong nandito na siya sa bahay ng mga ganitong oras dahil madalas ay nauuna siyang umuwi palagi sa akin. "Ate bakit sumisigaw kana naman?" tanong sa akin ni Mikoy na kadarating lang. "Si Bella kasi hindi man lang marunong maghugas," sagot ko at dumeritso sa kwarto ni Bella. Binuksan ko ang pinto niya ng walang abog at nakita ko siyang busy sa selpon niya. Tila may kausap ito at nang makita ako ay mabilis na pinatay. "Ate, bakit hindi ka kumakatok?" may himig pagka-inis na tanong pa nito. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sino ang kausap mo? Sa lakas ng sigaw ko maging kapitbahay natin siguradong dinig ako pero hindi mo narinig?" "Ano ba kasi iyon?" "Kumain ka pero itinambak mo lang sa lababo.
Kinabukasan ay maaga akong muling bumangon. Kahit linggo at dapat ay araw ng pahinga ay kailangan ko pa ring magtrabaho. Minsan nga pinapagalitan na ako ni Rebecca dahil ayaw kong mag-day off. Mas mabuti pa namang pumasok ako sa trabaho kaysa manatili sa bahay tapos si inay ang makakasama ko. Buong araw lang naman niya akong hindi papansinin kaya mas mabuti pang kumayod na lang ako para magkapera. Pagkabangon ko ay mabilis akong nagsa kusina para mag-almusal. Naabutan ko si inay na naghuhugas ng plato sa lababo. Dadampot na sana ako ng pandesal nang bigla itong magsalita. "Tirahan mo ang mga kapatid mo. Paborito iyan ni Mikael," agad ay paalala nito kaya hindi na lang ako kumuha. "Magkanin ka na lang. May tirang ulam pa kagabi iyon na lang ulamin mo." Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko. Tanginang buhay ito. Mabilis akong naligo at nagbihis. Nang makagayak ako ay mabilis akong lumabas ng bahay ng walang paalam. Alam naman nila kung saan ako pup
Nakahiga ako sa kama habang nakataas ang kamay ko at nakatingin sa perang nasa sobre. Scammer daw ang natayaan ko, kung totoo iyon bakit tumama ako? Ibig bang sabihin biniyayaan ako ng isang scammer? Teka bakit ko pa ba pinoproblema iyon? Hindi ko naman ito ninakaw. Ibinigay ito ng kusa sa akin dahil tumama raw ako. Baka naman nagbagong buhay na iyong tao at talagang nagpapataya na siya kahit illegal pa iyon. Yung nagbagong buhay na siya pero illegal pa rin trabaho niya. Pati tuloy ako napapa-overthink dahil sa kanya. Hindi ko alam pero may kakaiba talagang nangyayari sa akin mula nang mag-birthday ako. Una nakatanggap ako ng mamahaling lingerie tapos bigla akong tumama sa sugal. Hindi ko alam kung sinuswerte ba ako o may dahilan ang lahat nang nangyayari sa akin. Isama pa ang biglang pagko-krus ng landas naming muli ni Cohen. Siguro hindi pa rin ako swerte dahil nakita ko siyang muli. That man screams danger for me. I should avoid him. Ayoko na muling madawit sa kanya. Ayokong mag
Maaga akong pumasok kinabukasan. Pagdating ko sa Psyche ay wala pang tao kaya ako na ang nag-bukas nito dahil may extra keys naman akong hawak. Pero habang nagbubukas ako ay may naramdaman akong tumikhim mula sa likuran ko. Agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? "Anong ginagawa mo rito?" masungit na tanong ko sa kanya. "Good morning," nakangiting bati nito na hindi man lang ininda ang masamang tingin ko sa kanya. "Anong maganda sa umaga?" "Ikaw." Naningkit ang mga mata ko dahil sa sagot niya. "Wala akong oras makipaglokohan sayo, Atty." Tuluyan ko nang nabuksan ang glass door ng boutique matapos kong itaas ang roll up. "Don't worry, hindi kita lolokohin." Bumuga ako ng malakas na hangin bago inis na humarap muli sa kanya. Bakit ang aga-aga kung ano-ano na agad ang lumalabas sa bibig niya. "Nasisiraan kana ba talaga ng ulo?" Inikot ko pa ang daliri ko sa tapat ng sintido ko upang ipakita sa kanyang nababaliw na siya. " Can't you act base
Napatingin ako kay Rebecca nang humahagos na lumabas ito ng opisina niya habang may may inaasikaso akong client namin na nais magpagawa ng gown para sa darating na debut nito."Where are you going? Nagmamadali ka yata?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagmamadali kasi ito."Tumawag ang principal ng kambal. Napaaway raw, kailangan kong pumunta ng school," puno ng pag-aalalang sagot niya na hindi na ako nagawang lingunin pa."Huh? Bakit daw?""I don't know. Ikaw na muna bahala rito. Bye," paalam niya bago tuluyang makalapas ng Psyche.Hindi ko rin maiwasang mag-alala dahil sa sinabi nito.May nangyari ba sa inaanak ko? Pero nang humarap akong muli sa client namin ay binigyan ko ito ng isang ngiti. "We will make a draft for your gown ma'am. A green ball gown with a fairy tale theme. Our designer can do a magic, you don't have to worry. You will surely please once you saw her design. We will just contact you once we finish the design for you final output," nakangiting saad ko dito."Than
Matapos ang uwian ay nag kan'ya kaniya na kaming paalam sa isa't isa. Nauna nang umalis ang ibang staffs. Si Rebecca naman ay kanina umalis pa dahil magsusundo pa ito sa kambal. Si Anji naman ay sinundo ng jowa niya kaya malaki ang ngiti. Siya na ang may boyfriend. Si Kuya Gary naman ay hinintay kong matapos niyang isara ang lock ng pintuan at makandado ang roll up na binaba niya. Hindi muna ako umuwi. Naglibot muna ako para maghanap ng space na maari naming rentahan. Alam kong naghahanap na rin si Rebecca. Gusto ko lang makatulong sa kanya. Mahalaga rin sa akin ang Psyche. Malaki ang naitulong sa akin ng Psyche kaya hindi ko ito pwedeng pabayaan. Kapag wala kaming nahanap na panibagong space ay maaring matigil ang operasyon namin. Alam ko naman nakahit hindi niya sabihin namomroblema siya ngayon. Bakit kasi biglaan? Iyong matandang panot na si Mr. Ignacio, pasalamat siya wala akong kotse kundi sinagasaan ko na sana siya ngayon. Masakit na ang paa ko kalilibot at malapit na ring mag
Napatingin ako kay inay nang salubungin niya ako nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Napatingin ako sa kamay niya nang bigla niyang isahod iyon sa akin. "Mabuti naman at dumating kana. Asan na ang pambayad sa kuryente? Gusto mo bang na maputulan muna tayo bago ka magbigay?" pagtatalak agad nito. Lihim na tumirik ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Siya lang ang kilala ko na nanghihingi pero sobrang tapang pa. "Pasensya na po. Nakalimutan kong po i-abot kanina," sabay abot ko sa kanya ng perang dalawang libo mula sa bag na dala ko. Naalala kong nanghihingi nga pala ito ng pambayad sa akin ng kuryente noong nakaraan. Umismid pa ito sa akin kaya napailing na lang ako. Malapit na talagang mapigtas ang pasensya ko. Napatingin naman ako kay Mikael na bagong dating. Agad na sinalubong ito ni inay. "Oh, anak, bakit ngayon ka lang?" malaki ngiting bati dito ni inay. Pinag-krus ko ang mga braso ko habang pinapanood siya. Bagay na bagay na maging kontrabida sa pelikula ang ina ko. Sy