Home / Romance / Divorce Me If You Can / Chapter 3: His Real Love

Share

Chapter 3: His Real Love

Author: NJ
last update Huling Na-update: 2024-12-18 09:44:55

ALAM ni Ilana na wala nang patutunguhan pa ang nararamdaman niya para kay Gray at kailangan niya na itong ibaon sa limot. She has been in a one-sided love for three years, and it's tiring.

“Konti nalang iisipin ko nang imahinasyon lang kita. Hello? May kasama ba talaga ako? Nakakaloka ha! Para akong nagshoshopping mag-isa.”

Nabalik sa realidad si Ilana dahil sa pagpitik ng daliri ni Lovella kasabay ng pagsasalita. Nakasimangot ang matalik niyang kaibigan habang nakatingin sa kaniya. 

“Sorry,” mahina niyang bulong.

Umikot ang mga mata ni Lovella. “Iyong si Gray na naman ba?”

Ngumiti si Ilana at umiling. “Wala ‘to. ‘Wag mo ‘kong pansinin.”

“Anong ‘wag? Hindi pwede! Tara sa coffee shop at pag-usapan iyang problema mo. Tatlong taon na tayong magkaibigan, Ilana. Kabisado ko na ang ugali mo. Alam kong ayaw mong magshare pero hindi ako papayag kasi iba na ang nakikita ko sa mukha mo. Your eyes aren't shining anymore.”

Bumuntong-hininga si Ilana at tumingin sa labas ng glass wall habang nasa isang coffee shop. Isang couple ang dumaan, masayang magkahawak naglalakad habang magkahawak ang kamay. Kitang-kita sa kislap ng mga mata ng babae ang kaligayahan. Bagay na hindi niya kailanman naranasan sa tatlong taong kasal nila ni Gray. Maaaring maayos ang pagsasama nila pero hindi iyon sapat dahil hindi siya naging masaya.

“So, tell me about it. Lahat, Ilana. Wala kang itatago.”

Yumuko si Ilana at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi. Hinawakan niya ang cup ng kape saka nag-angat ng tingin sa kaibigan. “I signed the divorce papers.”

“You what?!”

“Wala na rin namang patutunguhan. Nakuha na niya ang mana niya.”

“Pero hindi pa nagigising ang papa mo.”

“Alam niya iyon at imbes na hati kami sa properties bilang mag-asawa ay hiniling ko na ituloy nalang niya ang pagsuporta sa papa ko.”

Sumandal sa upuan habang nakahalukipkip. “At labag sa loob mo ang pagpirma kaya ka ganiyan?”

Yumuko muli si Ilana. “Wala naman akong choice. Iyon ang usapan namin. Malinaw iyon. Pumayag ako dahil kailangan ko at hindi ko nakakalimutan ang pinag-usapan namin. Mas mabuti na rin ito.”

“Natatakot ka na hingin niya ang pirma mo kaya inunahan mo na, ganoon ba ang nangyari, Ilana?”

Mabigat ang paghinga na tumango si Ilana, ayaw na niyang itago sa kaibigan ang tunay na dinaramdam niya dahil masyado na itong mabigat. Pakiramdam niya ay sasabog na iyon sa kaniyang dibdib.

“Anong sinabi niya?”

Umiling siya. “Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. Masakit ang ulo niya kagabi kaya hindi niya napirmahan.”

Nangunot ang noo ng kaibigan niya. “Ilana, what if ayaw na ni Gray na pakawalan ka pa?”

Tinambol ng kaba ang dibdib ni Ilana at lumulunok na umiling. “I-Imposible iyon.”

“What if nga, diba? There are instances. Nagbabago ang nararamdaman ng mga tao. Oo, nagsimula kayo sa agreement pero kung nafall ka sa loob ng tatlong taon na pagsasama niyo, posible na ganoon rin siya.”

Napakurap-kurap si Ilana. Sinalakay ng pagsisisi ang kaniyang puso at pakiramdam niya ay biglang bumigat ang kaniyang dibdib. Paano nga kaya kung…

“Ilana, hindi ko sinasabing umasa ka para lang masaktan sa huli. Pero paano kung dahil sa takot mo ay nagkamali ka?”

Lumunok si Ilana at pilit na iwinaksi ang pag-asang nabubuo sa kaniyang puso. “Wala naman siyang sinabi.”

“Kasi nga wala kayong komunikasyon. Kailan kayo nag-usap tungkol sa sarili niyo? Tungkol sa pagsasama niyo? Did you even sleep together? Kulang kayo sa komunikasyon, Ilana, kaya wala kayong ideya sa nararamdaman ng isa’t-isa.”

Mariing pumikit si Ilana. “A-Anong gagawin ko, Lovella?”

Bumuntong-hininga ito. “Kausapin mo siya. Komprontahin mo kung talaga bang matatapos kayo sa ganito. ‘Wag kang basta nalang sumuko, Ilana. Hindi ka pa lumalaban.”

Nagkaroon ng pag-asa si Ilana matapos ang pag-uusap nila ng kaibigan. Nang umuwi siya kinagabihan ay sabik siyang makita ang asawa. Nagluto siya ng paborito nitong bulalo at naupo sa pagdalawang dining table habang naghihintay sa asawa. Tulad kagabi ay malakas ang pintig ng kaniyang puso pero hindi na iyon dahil sa takot kundi sa pagkasabik.

Umayos ng upo si Ilana at napalunok na tinitigan ang nakahain na bulalo sa mesa. Isang oras na ang nakalipas. Alas sais ang madalas na uwi ni Gray at kung gagabihin man ito ng husto ay tumatawag ito. Ngayon…wala.

Kaba ang pumalit sa pagkasabik na nararamdaman niya kanina. Kinuha niya ang cellphone at tinitigan ang pangalan ni Gray sa screen. Sa huli ay napagpasyahan niyang hintayin na lamang ito. Lumipat siya sa sofa at doon naupo ngunit lumipas muli ang isang oras na hindi pa rin ito dumadating.

Sa takot na baka napahamak na ang asawa ay dali-daling lumabas si Ilana. Bitbit ang bag at jacket ay sumakay siya ng taxi para puntahan ito sa opisina nito. Sikreto ang kasal nila pero kilala siya sa kompanya bilang kaibigan ng pamilya kaya naman pinapasok siya ng guwardiya.

Ngunit nahulog ang puso ni Ilana sa pagkabigo nang madatnan ang nangyayari sa opisina. Magkatabing nakaupo si Gray at ang babaeng kilalang-kilala niya. Halos walang espasyo sa pagitan ng dalawa at mahina ang boses na nag-uusap habang nakatingin sa mata ng isa’t-isa. Kitang-kita ni Ilana ang lambot sa mga mata ng asawa at unti-unti nitong dinudurog ang kaniyang puso.

Bumalik sa kaniyang alaala ang pinag-usapan nila ng kaibigan. Hindi. Nagkamali si Lovella. Walang nararamdaman sa kaniya si Gray dahil hanggang ngayon ay si Michelle pa rin ang nasa puso nito.

“Ilana?” Doon natauhan si Ilana. Nakatayo na si Gray at nakatingin sa kaniya mula sa bukas na pinto.

Alanganin siyang ngumiti. “N-Nag-alala ako kasi hindi ka pa umuuwi.”

Umawang ang labi nito. “I’m sorry. I forgot to text you—”

“Sino iyan, love?” Biglang lumabas mula sa likuran ni Gray si Michelle.

Kumirot ang puso ni Ilana at pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya. Michelle's hand on Gray's arm felt torturous. Ayaw niyang makita iyon kaya inangat niya ang tingin sa mukha nito.

“Michelle…” Magkakilala sila ng babae. Alam nito ang kasunduan nila ni Gray at pumayag ito dahil sa komplikadong alitan sa pagitan ng dalawang pamilya. Pumayag ito sa kondisyong maghihiwalay sila matapos makuha ni Gray ang mana.

“Ilana? Is that you?” Ngumiti ang babae pero alam ni Ilana na hindi iyon tunay. 

Pinilit ni Ilana na ngumiti. “N-Nakabalik ka na pala.”

Mahinang natawa ang babae at marahang hinaplos ang dibdib ni Gray. “Oo. Binalikan ko na si Gray. Kumusta ka na?”

“Ayos naman,” sagot ni Ilana at nilingon si Gray. Nakatitig ito sa kaniya at hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito at ang kislap ng emosyon sa mga mata. “Ikaw?”

“I’m fine. Happy. Oh! I was just asking Gray about the divorce. Dumating ka kaya hindi siya nakasagot.”

Tumikhim si Ilana at itinutok nalang ang buong atensyon sa babae. “Napirmahan ko na. Wala kang dapat ipag-alala, Michelle.”

Kumislap ang kaligayahan sa mga mata ng babae saka sumulyap kay Gray. “Really? Thank you, Ilana. Though I’m not really bothered because I know you’ll not break your promise.”

Alam ni Ilana na iba ang tinutukoy ni Michelle pero hindi na niya binigyang pansin iyon. Lumunok siya at pilit na kinalma ang sarili. Ngumiti siya at saglit na sinulyapan si Gray na tahimik lamang na nagmamasid sa kaniya. “Uuwi na ako. Akala ko lang kasi napano ka na kaya…”

“Why don't you join us?” Si Michelle na nakangiti pa rin. “We’re going on a late night dinner. Have you eaten?”

Umiling si Ilana. “Ayos lang ako. Nakakain na ako.”

Bahagyang ngumuso si Michelle. “That's a waste. But it's okay. We can still spend time. By the way, I want you to be our wedding planner. I trust your talent, that's why. So…you don't mind, right?”

Kaugnay na kabanata

  • Divorce Me If You Can   Chapter 4: I Can't Sign It

    HALOS manginig ang kalamnan ni Ilana. Nagbuhol ang kaniyang hininga at hindi siya makapagsalita. Planning her ex-husband’s wedding? That would be more than torturous. That would be a nightmare.“So, Ilana? Are you still a wedding planner or have you changed your line of work?”Ilana suddenly felt so uneasy. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya sa nararamdamang sakit, panghihinayang, at sama ng loob.“H-Hindi ko alam, Michelle. Medyo…marami kasing client. Kailan niyo ba…balak magpakasal?” Sinulyapan ni Ilana si Gray. Nakita niya ang bahagyang pag-iiba ng ekspresyon nito pero agad ring naging blanko.“As soon as possible sana. I want it secret because you know about our family's situation. I wanna invite some close friends and of course you. And I can only trust you since you're a friend.”A friend. Kaibigan nga ba? Ayaw niya. Ayaw ni Ilana na maging kaibigan ng dalawa.“Sige,” napipilitan siyang tumango at ngumiti. “Sabihin mo lang kung kailan.”Sa bigat na nararamdaman ni Ilana a

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Divorce Me If You Can   Chapter 5: Threatened

    MARIING nakakuyom ang mga kamao ni Gray habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Kumikirot ang sugat niya sa palad pero hindi niya iyon iniinda dahil sa tindi ng galit na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang sarili. He's not in love with Ilana, so why does the idea of his cousin pursuing her bothers him?Nagkita sila ni Grant bago siya umuwi. Nang ihatid niya si Michelle sa condo nito ay hindi inaasahang nagkita sila ng pinsan. At hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang mga salitang ibinato nito sa kaniya.“So, you're seeing your ex-lover while still married to Ilana? I know you're an ass, but not this much.”Gulat na napatingin si Gray sa taong nakasandal sa kaniyang kotse. It was Grant, his cousin. He just came back from another country at hindi niya inaasahang dito pa sila magkikita.Tumayo ng tuwid si Grant ang sinulyapan ang matayog na condominium tower. “Still so head over heels with her?”Nagtagis ang bagang ni Gray. “What are you doing here?”Tum

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Divorce Me If You Can   Chapter 6: First Time

    “LEAVE my wife alone,” matigas na banta ni Gray sa pinsan. Bumuhos ang matinding galit sa kaniya nang dumating siya sa restaurant at nadatnan ang dalawa. He was about to have a lunch meeting with an investor, but he cancelled it immediately after seeing the two. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig ni Grant sa kaniyang asawa at hindi rin niya gusto ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Ilana nang tingnan ang pinsan niya. Why does it bother him anyway? He should be happy that Ilana will finally be happy with the man she loves, and he’s finally going to be with the woman he’s been waiting for. But why does it bother him? Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag napunta si Ilana kay Grant. Wala siyang pakialam sa ibang lalaking nagkakagusto dito pero ibang usapan si Grant. They were once in love at mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin. “Sinasaktan mo siya, Gray!” “How did you know? Did you watch us all these years? Did you see us fighting? Did you see her crying because of me

    Huling Na-update : 2024-12-20
  • Divorce Me If You Can   Chapter 7: Protection

    “WHERE are you going?” Sumunod si Gray kay Ilana nang mabilis siyang tumakbo palabas. Nagpalinga-linga siya para humanap ng taxi na masasakyan samantalang hinablot naman ni Gray ang kaniyang braso nang hindi niya ito pinansin. “Ano ba, Gray!” His eyes bore at her like a sharp knife. “Where are you going? I’ll take you there.” Lumunok si Ilana at hindi na nagdalawang isip na tumango at pumasok sa kotse ni Gray na agad pumasok sa driver seat. “Sa hospital,” mahinang sambit ni Ilana habang mabilis ang pintig ng kaniyang puso. Gising na ang papa niya. Sa wakas! Pagkatapos ng mahabang panahon ay nagbunga na ang mga panalangin at desperadong desisyon niya. Gising na ang kaniyang ama. “What happened?” Tanong ni Gray sa gitna ng maingat pero mabilis na pagmamaneho. Paulit-ulit na nagtatagis ang bagang nito. Humugot ng malalim na hininga si Ilana at tumingin sa labas ng bintana. “Gising na siya.” Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos niyon. Hindi naman mapakali si Il

    Huling Na-update : 2024-12-21
  • Divorce Me If You Can   Chapter 8: Dream

    UMALIS si Gray sa hospital matapos ang sinabi ng kaibigan ng kaniyang asawa. He just walked out without a word habang paulit-ulit na nagtatagis ang bagang. When he got in his car, he slammed his fists on the steering wheel. Saka naman nag-ring ang kaniyang cellphone. “What?” Pabulyaw na tanong niya sa kaniyang sekretarya. [Sir, I’m sorry. Nandito po ang papa niyo. Nalaman niya po na kinancel niyo ang meeting niyo ngayon.] Gray clenched his jaws and heaved an aggressive sigh. “I’ll be there in ten minutes.” Matapos niyang patayin ang tawag ay binuhay niya ang makina ng kotse. He glanced at the hospital with a sharp gaze before driving off completely, pissed. Walang emosyon ang mga mata ni Gray nang makabalik sa kompanya. Bad trip pa rin siya sa naabutan niyang eksena sa pagitan nina Grant at Ilana. Nadagdagan pa nang hindi sagutin ni Ilana ng maayos ang mga tanong niya. She dodged his questions like a pro as if she's trying to protect her damn ex-boyfriend, his cousin. “Gray!” Si

    Huling Na-update : 2024-12-22
  • Divorce Me If You Can   Chapter 9: Fight

    NADATNAN ni Ilana si Gray na nakaupo sa sofa nang lumabas siya ng banyo matapos maligo. Tinutuyo niya ang basang buhok nang mapansin ang nakaupong asawa. Magkasiklop ang mga palad nito at bahagyang nakayuko. Mukhang problemado ang hitsura nito. Sumulyap si Ilana sa bintana. Gabi na pero bakit dito ito dumiretso at hindi sa bahay? Sumulyap siya sa kaniyang ama at nagpasyang lapitan ang asawa. “Hindi ka ba uuwi?” Tanong niya nang makaupo sa harapan nito. Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Gray. Nang magtama ang kanilang paningin ay agad na umiwas si Ilana at itinuloy ang pagtutuyo sa kaniyang buhok. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya kapag nagtatama ang paningin nila. Kinakabahan siya. Kinakapos ng hangin. At pakiramdam niya ay nalulunod siya. “I’ll stay here for tonight.” Nangunot ang noo ni Ilana. “Bakit?” Abala pa rin siya sa ginagawa, hindi tinitingnan ang lalaki. “We can't divorce yet.” “Ano?” Hindi na napigilan ni Ilana na tumingin sa asawa. Bakit hindi? Nakabalik

    Huling Na-update : 2024-12-22
  • Divorce Me If You Can   Chapter 10: Helpless

    ‘HINDI ka kayang ipaglaban ng asawa mo.’ Napailing si Ilana at pumikit. ‘Hindi ka kayang ipaglaban ng asawa mo.’ Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Paano nga kaya kung dumating sa puntong kailangan niya si Gray para protektahan siya? Tama ito! Niloko nila ang pamilya nito. Hindi malabong balikan siya ng mga ito lalo na ng senyora. Nagtiwala ito ng husto. Minahal siya na parang isang tunay na apo pero…peke lamang ang lahat. Ipinilig ni Ilana ang ulo at pilit na inalis sa kaniyang isipan ang sinabi ni Lovella at ang mga walang kwentang naiisip niya. Nagsusuklay siya ng buhok sa loob ng hospital room nang pumasok si Lovella. Nakasuot ito ng simpleng damit at dahil gabi na ay tapos na ang duty nito. Pinakiusapan niya ito na bantayan muna ang kaniyang ama dahil may lakad siya ngayong gabi. “Sigurado ka bang hindi ka mapapahamak sa ginagawa niyo, Ilana? Hindi ba’t nakabalik na ang bruhang si Michelle? Baka kung anong gawin ng demonyita na iyon.” Nilingon ni Ilana ang kaibigan at binig

    Huling Na-update : 2024-12-23
  • Divorce Me If You Can   Chapter 11: Never Been Fair

    HINDI alam ni Ilana ang gagawin. Hindi pwedeng hindi matuloy ang divorce nila dahil sawa na siyang maghintay at umasa. Tapos na ang pagpapakatanga niya kay Gray kaya kailangan nang matuldukan ang kahibangan niya dahil kung hindi, patuloy lamang siyang aasa sa lalaki. Patuloy lamang siyang mag-iilusyon baka may nabuo nang pag-tingin sa kaniya ang lalaki. Nasa garden si Ilana nang makita niya ang isang tauhan ng mga Montemayor na nagyoyosi. Marunong siya nito. Natuto siya sa loob ng tatlong taon na kasal nila ni Gray. Hindi dahil naimpluwensyahan siya ng asawa, kundi dahil ito ang isa sa stress reliever niya. “Pwede bang humingi ng isang stick?” Tanong niya sa matangkad at maskuladong lalaki. Agad itong yumuko at inabutan siya ng isang stick. Sinindihan nito ang dulo matapos niyang isubo at agad siyang lumayo dito matapos magpasalamat. Naupo siya sa malapit na swing at paulit-ulit na bumuntong-hininga habang inuubos ang sigarilyo. “You learned to smoke…” Napaangat siya ng mukha nan

    Huling Na-update : 2024-12-25

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me If You Can   Chapter 34: Rights

    UMUWI si Gray na may pasa sa panga at putok ang labi. Magulo ang buhok nito at may mantsa ng dugo sa suot na puting button down shirt. Sa mansyon ng pamilya niya siya dumiretso matapos siyang ipatawag ng senyora dahil sa napabayaan niyang meeting kanina. Hindi siya nakadalo dahil nakita niya si Ilana na palabas ng isang club kasama si Brian Alonzo. Ang stepbrother ni Lovella na kaibigan ni Ilana. Kilala niya ang lalaki. Nakalaban niya ito noong college sa basketball at noon pa man ay mainit na ang dugo niya dito. “What happened to you?” Halos himatayin sa gulat ang kaniyang ina nang makita ang kaniyang hitsura. Nagtagis ang bagang ni Gray. Naalala niya ang pinagtalunan nila ni Brian. He walked out earlier at sumunod ito sa kaniya. He was so arrogant when he told him he would make Ilana fall for him. Alam naman niyang gusto lang siya nitong matalo dahil kahit kailan ay hindi ito nanalo sa basketball kapag sila ang magkalaban. Ngayon ay balak nitong gamitin si Ilana para may mapatuna

  • Divorce Me If You Can   Chapter 33: Fear

    HINDI alam ni Ilana kung bakit apektado siya sa mga binitawang salita ni Gray. Nang banggitin nito ang pagkakaroon ng anak ay tila niyanig ang buo niyang pagkatao. Pakiramdam niya ay may ginawa si Gray na hindi niya alam kaya naman nang makabalik sa apartment ni Lovella ay agad niyang hinalungkat ang mga gamit hanggang sa matagpuan niya ang maliit na bote ng contraceptive pills na iniinom niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya habang nakatingin sa hawak. Mabilis ang bawat paghinga niya at nagdadalawang isip siya kung bubuksan niya ba ang bote o hindi na. May hinala siya. Nang banggitin ni Gray ang pagpapalaglag sa bata ay tila ba siguradong-sigurado ito na buntis na siya pero hindi…hindi siya nagkakaligta na uminom. Lalo na noong may nangyari sa kanila. Binuksan niya ang bote at napahinga siya ng maluwag nang makompirmang pareho naman ang hitsura ng pills sa unang ininom niya. Hindi… Siguro ay tinatakot lang siya ni Gray. Minamanipula. Naupo sa kama si Ilana at napabuga ng han

  • Divorce Me If You Can   Chapter 32: Cunning

    NATIGILAN si Ilana nang makita ang pangalan ng club na papasukan nila ni Brian. Natigilan rin naman ang huli nang makita ang reaksyon niya. “I’m not gonna sell you as an escort. This is not a strip club.” Umiling si Ilana. “Hindi ko iniisip iyon.” Pumasok na sila sa loob. Alas tres palang ng hapon at ayon kay Brian ay gabi nagbubukas ang club kapag sabado. Sa weekdays naman ay bukas na ito ng umaga. “Good afternoon, sir.” Bati ng isang janitor kay Brian. Wala pang tao bukod sa mga trabahador at sa isang lalaking nakaupo sa bar stool habang may hawak na cellphone at humahalakhak na tila may pinapanuod na katawa-tawa. “Ampotek!” Nagmura pa ang lalaki habang pailing-iling bago napatingin sa kanila ni Brian na papalapit. Cloudio Guevarra. Sinong mag-iisip na ganito kaliit ang mundo? Noon ay customer lang siya ngayon ay mag-aapply na. “Brian, pre!” Nagbatian ang dalawa bago siya binalingan ng mga ito. “Siya ang mag-aapply, Cloud.” Tumango si Cloudio at ngumiti sa kaniya. “

  • Divorce Me If You Can   Chapter 31: Exhausted

    INIWAN ni Ilana si Grant sa gilid ng kalsada at akala niya ay napakiusapan na niya ito pero nagulat siya nang kinabukasan ay naramdaman niya itong parang aso na buntot ng buntot sa kaniya. Ginawa naman nito ang sinabi niya na huwag siyang lapitan. May halos tatlong dipa sa pagitan nilang dalawa habang nakasunod ito na parang anino niya. Mukha itong nawawalang tuta. Noong una ay hindi ito pinapansin ni Ilana kahit naiirita siya pero ngayon ay hindi na niya matiis dahil naaalibadbaran siya tuwing may nakakapansin sa ginagawa ng lalaki. “Miss, sinusundan ka ng lalaking iyon. Mag-ingat ka. Ireport mo kaagad sa pulis.” Bumuntong-hininga si Ilana at tiningnan ang babae. Tumango nalang sya sa babae saka hinarap ang katatayuan ni Grant. Nagkamot ng batok ang lalaki at agad na tumalikod. Umismid si Ilana at napailing nalang. Paanong hindi mapagkakamalang masamang tao e naka facemask at cap pa. Mukha tuloy hindi gagawa ng mabuti. Nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Ilana hanggang sa mapatigil siy

  • Divorce Me If You Can   Chapter 30: Getting Over You

    WALANG choice si Ilana kundi pumunta sa apartment ng kaibigan niyang si Lovella. Gulat na gulat ito nang maabala niya ito sa trabaho nang tumawag siya at sabihing naroon siya sa harap ng bahay nito. “Anong nangyari, Ilana?” Iyon ang bungad nito nang makababa ng taxi. Tinitigan ni Ilana ang kaibigan kasabay ng matinding paglunok. “U-Umalis na kami sa mga Montemayor.” Lovella’s eyes widened. She even cupped her face in shock. “Oh my God! Pasok! Pasok kayo.” Mangiyak-ngiyak pa si Ilana habang pumapasok sa loob ng apartment. Natigilan siya nang makitang naroon ang stepbrother ni Lovella na nakaupo sa sofa at naninigarilyo. Tumingin ito sa kaniya agad na umalis nang senyasan ni Lovella. Nilingon niya ang kaibigan. “Sorry, Lovella. Hindi naman kami magtatagal. Maghahanap lang ako ng mauupahan—” “Para namang hindi tayo magkaibigan niyan,” nakasimangot na sansala ng kaibigan. “Kahit pa mukhang bahay ng daga ang apartment ko, hindi ko ito ipagdadamot sa ‘yo, Ilana.” Umiling si Ila

  • Divorce Me If You Can   Chapter 29: Gold Digger

    BUONG lakas na itinulak ni Ilana ang asawa saka binalot ng kumot ang kaniyang katawan. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib at hindi niya mapigilan ang pagbugso ng galit sa damdamin. Bumangon siya at sinampal ito ng napakalakas. “Alam mo ang nararamdaman ko pero pinaglalaruan mo ako? Anong klase kang tao?” Punong-puno ng galit at hinanakit si Ilana. Itinulak niya si Gray bago kumuha ng damit sa closet at lumabas. Mabigat ang bawat paghakbang at paghinga ni Ilana nang pumasok sa common bathroom. Doon siya nagbihis habang nanginginig ang mga kamay sa galit at sakit. Aalis siya! Ngayong araw din ay aalis siya! Lumabas siya at hinanap ang nurse ng kaniyang ama. Nahanap niya ito sa kusina na nag aayos ng pagkain ng kaniyang ama. “Ma’am…” “Igayak mo ng mga gamit ang papa ko. Kaunti lang at sumunod ka sa amin sa labas.” “S-Sige po, ma’am.” May pagtataka sa mukha nito pero agad ring umalis sa harapan niya para gawin ang kaniyang utos. Sumunod naman si Ilana para kunin ang kaniyang

  • Divorce Me If You Can   Chapter 28: Haunted

    WALANG patutunguhan ang lahat. Iyon ang tanging nasa isip ni Ilana. Sayang ang lahat ng pagtatakip niya sa mga kasalanan ng kaniyang asawa. Sayang ang pagtitiis niya at pag-asa. Bakit ba kasi siya nagtiis? Oo nga pala, para sa kaniyang ama. Kailangan niya ng pera para sa tuloy-tuloy na pagpapagamot ng kaniyang ama. Kailangan niya ang pera ng mga Montemayor. “Sa akin ka na sumakay.” Napalingon si Ilana kay Gray na tumabi sa kaniya. Nasa harap siya ng sasakyan ni Gray at nagdadalawang isip siya kung sasakay siya at sasabay pauwi. Kung siya lang ay magcocommute nalang siya pero naroon sa sasakyan ang kaniyang ama. “Hindi ka magiging komportable kung sasabay ka sa kanila—” “At sa tingin mo magiging komportable siya na kasama ka?” Si Gray iyon na biglang sumingit sa pagitan nila. Bumuntong-hininga si Ilana at hindi na nag-abalang pansinin pa ang dalawa. Lumapit siya sa ama ni Gray na agad na tumigil sa paglalagay ng mga travel bag sa kotse nang makita siya. “Dad—Tito…” Bumuntong-hini

  • Divorce Me If You Can   Chapter 27: Sacrifice

    HALOS takasan ng kaluluwa si Ilana habang nakatingin sa mga mata ng ama ni Gray. Bakas ang galit sa mukha nito at tiyak niyang wala siyang lusot. Narinig na nito ang lahat at wala nang dahilan pa pagtakpan niya ang katotohanan. Gray has been hurting her. He was so blind with his love for Michelle that he could no longer see that she's in pain. Tama si Grant. Wala nang saysay kung mananatili pa siya sa kalokohang ito. “I-I’m sorry…” Iyon ang tanging nasabi ni Ilana sa kabila ng matinding kagustuhan niyang aminin ang buong katotohanan. “You and my son are divorcing? Tama ba ako ng rinig?” Tanong ng ama ni Gray na tila na hindi nito matanggap ang narinig. Lumunok ni Ilana. “H-Hindi na po kami masaya—” “I saw how happy you are with him, Ilana. Anong hindi masaya?” “Tito, she's not at fault—” “At sino ang may kasalanan?” Mabangis na ang boses ng ama ni Gray nang bumaling kay Grant. Natigilan silang tatlo, binalot ng mahabang katahimikan hanggang sa bigla nalang umungol sa galit ang a

  • Divorce Me If You Can   Chapter 26: Truth Revealed

    “ILANA, isuot mo ito.” “Ilana, naroon si Gray, lapitan mo.” “Ilana, tawagin mo si Gray.” “Gabi na, Ilana, ayain mo na si Gray na matulog.” Hindi alam ni Ilana kung paano pa pagagaanin ang bigat ng kaniyang dibdib. Nang dumating si Michelle kanina ay mataas na ang dugo ng mga babaeng Montemayor at pilit na ipinagtutulakan siya ng mga ito na magdidikit kay Gray. Ilana felt miserable. Gusto niyang umalis sa resort para makalayo sa mga Montemayor dahil pakiramdam niya ay sakal na sakal na siya. Patuloy siyang naiipit sa gulo ng mga Herrera at Montemayor at kahit ramdam niya ang pagmamalasakit ng mga Montemayor sa kaniya ay hindi niya maiwasang masakal at maramdaman na ginagamit nalang siya ng mga ito. Nakahiga siya sa kama at tulala sa kisame ng kwartong nirent para sa kanila ni Gray nang bumukas ang pinto. Gray entered with a darkened expression on his face. Nang magtama ang kanilang paningin ay nagulaat siya nang lapitan siya nito at basta nalang dinaganan sa kama. His lips claimed

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status