REESE' POV
"Reese, maagang natapos 'yung-"Napatingin naman kami ni Sky sa nagsalita at nagulat na lang ako nang makita si Ryu na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin. Napatingin siya sa kamay ni Sky na nakahawak sa kamay ko.Paano ba ako mag-eexplain nito?Nataranta akong bigla saka binitawan ang kamay ni Sky na nakahawak pa rin sa kamay ko. Lumapit naman sa akin si Ryu na nagtatakang nakatingin sa amin ni Sky."Bakit kayo magkahawak ng kamay ng lalakeng 'yan?" Tanong niya na parang naiinis na.I heard Sky chuckled pero hindi ko na lang iyon pinansin pa.Ang lakas ng loob niyang makipagkaibigan sa akin matapos niya akong saktan at muntik nang pagsamantalahan? I will never accept his friendship! Baka strategy niya lang ang maging mabait sa akin ngayon tapos kapag nakuha na niya ang tiwala ko ay saka niya ulit gagawin ang ginawa niya sa akin noon sa Storage Room. Kinuha niya rin ang importanteng bagay sa buhay ko na iniingatan ko. Ang first kiss ko.Ang halik na dapat lang ay sa lalakeng mamahalin ko nang habangbuhay."W-wala lang 'yon, Ryu. Hinawakan lang niya 'yung kamay ko dahil may tinatanong siya sa akin about sa diniscuss kanina ni Prof." Sabi ko na lang.Tumaas naman ang isang kilay si Sky sa sinabi ko at pinagkrus nito ang kanyang mga kamay.Ano bang problema ng lalakeng ito? Hindi ko na talaga siya maintindihan!Ryu just nodded habang nakakunot-noo pa rin saka siya bumaling na sa akin. "Uwi na tayo?" tanong niya.Tumango na lang ako. Kinuha naman ni Ryu ang mga gamit ko at siya na ang nagdala nito.Aalis na sana kami palabas ng classroom nang biglang magsalita si Sky."You're challenging me, Reese? Hmm.. let's see."Kinilabutan at nagsitindigan ang mga balahibo ko dahil sa lalim at lamig ng boses niya pero mas pinili kong dedmahin na lang iyon at lumabas na ng classroom. Sinundan naman ako ni Ryu na mukhang nagtataka dahil sa sinabi ni Sky."What does he mean? Is there something wrong between you and that guy, Reese?" Ryu asked.Umiling lang ako. "Nothing."Mabuti na lang at hindi na siya muling nagtanong pa pero nakita ko sa mukha niya na parang nagtitimpi lang siya nang galit.Nagagalit ba siya sa akin o kay Sky? Si Ryu kasi iyong tipo ng lalake na hindi mo alam kung nagagalit ba o hindi.Hindi ko pa siya lubusang kilala kahit na matagal na kaming magkakilala at pakiramdam ko ay may itinatago siya sa akin. Darating naman siguro ang araw na mailalabas niya ang lahat ng gusto niyang sabihin sa akin. Baka hindi pa siya handang sabihin iyon sa ngayon.Bakit ba kasi malihim si Ryu?AUSTIN'S POV"Austin Fajardo Jimenez, 22 years old ka na pero hanggang ngayon ay 2nd year college ka pa rin? Kailan ka ba talaga magtitino sa St. Claire? Puro pakikipag-away, pambubully at pambababae na lang ang ginagawa mo! Nagcucutting classes ka pa raw sabi ng mga Proffessors mo. Hindi ka na ba talaga magbabago? Alam mo na ikaw ang magmamana ng lahat ng business namin ng daddy mo at kailangan mo nang grumaduate para makapagtrabaho ka na sa kompanya natin pero wala pa rin pala kaming maaasahan sa'yo!"Mahabang sermon ni Mom habang nandito ako sa entertainment room ko at naglalaro ng Xbox. Nakakarindi na ang unlimited na panenermon niya sa akin.I just groan in frustration at padabog na sinara ang Xbox ko. Mas lalo namang namula sa galit si Mom at napasigaw na ito dahil sa inis niya."Argghhh! I can't handle you anymore, Austin. Kahit kailan ay napaka pasaway mo! Parehong-pareho talaga kayo ng kapatid mong si Oliver!" She shouted at me.Mom is referring to my younger brother, Oliver. Mas matanda ako sa kanya ng 5 years. He's 17 at sa St. Claire rin nag-aaral."Mom, can you just shut up for a while? Mabibingi na ako sa lakas ng boses mo, e!" Naiiritang sabi ko.Halata naman ang pagpipigil ni Mom ng inis niya sa akin at napapikit na lang ito."I have no choice but to transfer you in another school."Napatayo naman ako sa sinabi niya."What? No! Ayokong magtransfer sa ibang school. Sa St. Claire lang ako." Matapang kong sabi.Ayokong iwanan ang St. Claire Academy. Ako ang hari doon at ayoko na mapunta sa karibal kong si Iverson ang lahat ng atensyon ng mga estudyante ng St. Claire. Ako ang hinahangaan at tinitingalaan ng mga taga St. Claire kaya hindi ako papayag na ilipat ako ni Mom sa ibang school."Kung nagtitino ka lang sana ay hindi sana kita ipapalipat sa ibang school pero talagang matigas ang ulo mo kaya wala ka nang magagawa." Then she smirk at me."You can't do that!" Sabi ko saka umiling at napakuyom ng kamao ko."I will do that, Austin," she declared. I groaned."Bwisit! Saan mo naman ako i-tatransfer?" Inis kong sabi.Ngumiti lang si Mom ng mapang-asar at tinapik ang balikat ko. I glared at her pero tumawa lang siya.She's a witch! An old witch."Sa YG Academy na lang siguro? Alam ko kasi na takot na takot ka nang pumunta sa school na 'yon simula nang may binastos kang estudyanteng babae doon at binugbog ka pa ng boyfriend niya." Napatigil naman ako sa sinabi nito at sinigawan siya."Hindi! Kahit kailan ay hindi mo ako mata-transfer sa school na 'yon!" I shouted at her again at napatiim ang bagang.6 years ago ay naalala ko pa nung 4th year high school ako na nilapitan namin ng mga kaibigan kong sina Hendrick at Collins 'yung napakagandang estudyanteng babae ng YGA na nagtitinda ng Milkshake sa booth nila. Annual event noon ng ibang schools at doon namin naisipan ng mga kaibigan ko na pumunta ng YGA dahil marami raw magaganda at sexy na babae doon at tama nga sila. Isa na doon si Alanis.I still remember her name at kung paano ako bugbugin ng possessive at obsessed niyang boyfriend. Pasalamat talaga ang lalakeng iyon at hindi ko na siya sinampahan pa ng kaso dahil sa pambubugbog na ginawa niya sa akin. Nakiusap na lang si Mom na huwag ko nang sampahan ng kaso ang lalakeng iyon dahil leksyon daw iyon para tumino na ako.Ako? Magtitino? Asa pa siya! Kasalanan naman nila ni Dad kung bakit ako nagkakaganito."Wala ka nang magagawa, Austin. Kung magmamatigas ka pa rin ay wala na rin akong ibang choice kundi ibigay na lang ang mga kotse mo sa pinsan mong si Earl at putulin ang connections ng credit cards mo. Ano? Ayaw mo pa rin?" Then she smiled devilishly.Sumama lalo ang tingin ko sa kanya at binasag ang Xbox ko dahil sa inis. Wala namang reaksyon doon si Mom. Sanay na siya sa pagwawala ko at pagbabasag ng mga gamit ko kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko."Ang sama mo talaga!" Sigaw ko at napasabunot na ng buhok ko.Shit lang talaga! Hindi ako mabubuhay ng walang luho. Alam na talaga niya ang kahinaan ko."Ano, payag ka na?" she asked while smirking.I shrugged at padabog na lumabas ng entertainment room ko.I heard my Mom laugh dahil alam na niyang hindi ko na siya makokontra pa.What an evil mother.REESE' POVSabado ngayon at natapos na ang isang linggo kong klase sa YGA. Hindi ko masabing mapayapa o kung ligtas pa ba ako sa kalagayan ko ngayon dahil palagi ko na lang napapansin na nakatitig sa akin si Sky.Nakakatakot siyang tumitig dahil parang may ipinapahiwatig siya doon. Maging si Ryu at ang iba ko pang mga kaklase ay napapansin na ang madalas na pagtitig niya sa akin.Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Napakahirap paniwalaan nun lalo pa't bago pa lang ako sa YGA at sigurado akong marami pang mas magagandang babae ang nagkakagusto sa kanya.Ang isang almost perfect at ang tahimik na si Sky ay magugustuhan ang isang katulad ko? Baka sinabi niya lang iyon para magkalapit kami at magawa niya ulit ang ginawa niya sa akin noon. Idagdag pa ang pagtatangka niya sa buhay ni Ryu. Kahit biro lang iyon ay hindi pa rin maganda ang ginawa niya.Napakamisteryoso ni Sky, hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o kung tunay ba ang ipinapakita ni
REESE' POVAnd I didn't expect what he did next.He kissed me.My bestfriend kiss me on my lips!Halos hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya. Mulat na mulat ang mga mata ko dahil sa pagkabigla.B-bakit niya ako hinalikan? I didn't response on his kisses at nang matauhan ako ay itinulak ko siya na ikinabigla niya."W-Why did you k-kissed me?" Nauutal kong tanong.Umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Sorry. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." he said and combs his hair. Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya."Hindi mo napigilan ang sarili mo? Ryusuke, we're bestfriends! and bestfriends don't kissed each other! Alam mo naman na bestfriend lang ang turing ko sa'yo 'di ba?" I said.Biglang natigilan si Ryu sa sinabi ko at tumayo ito saka pumalakpak.What the?"Bestfriend? Oh yeah, a bestfriend only. Bestfriend lang ba talaga tayo, Reese? We've been together for almost 13 years tapos hanggang ngayon ay bestfriend pa rin ang tingin mo sa akin?" Mapait niyang sabi. Ako naman
SKY'S POV"What brought you here, Sky? Parang ngayon ka lang yata napadpad ulit dito sa bar ko, ha?" Pambungad na tanong ng nag-iisang kaibigan ko na si Vince. Ang may-ari ng bar na pinuntahan ko.Vince Steffano is 2 years older than me at graduated na siya sa YGA. Naging magkaibigan kami dahil sa pareho naming hilig na sports which is car racing.Vince and I are always competing on that game pero sa huli ay ako pa rin ang nananalo. Hindi naman siya nagagalit na natatalo ko siya at namamangha pa nga ito dahil natatalo ko ang isang katulad niyang Professional race car driver. He's good in car racing pero mas magaling lang talaga ako sa kanya.I ignore him instead at umupo na lang ako sa counter at umorder ng drinks. Napailing na lang siya at umupo sa tabi ko."Sanay na sanay na talaga ako sa'yo, bro!" He laughed.Napailing na lang ako at diretsong ininom ang inorder kong drinks. I'm pissed right now. I confessed my feelings to that transferee and I offered a friendship too pero binaliw
REESE' POVHindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang lalakeng nakilala ko lang sa parke at ngayon naman ay magiging kaklase ko pa."Omg! May gwapo na naman tayong classmate, girl!""Oo nga. Ang daming blessings na dumadating sa atin this year!""Para siyang model. He's really handsome and tall, too!"Pati ang mga kaklase kong babae ay manghang-mangha sa kagwapuhan ng Austin na 'to.Oo na, gwapo naman talaga siya pero ang yabang kasi ng dating niya at sa dinami-rami ng school sa Pilipinas ay sa YGA pa talaga siya nagtransfer? Ayoko man mag-assume pero parang sinusundan niya yata ako para lang sirain ang araw ko.Pagkatapos ng pagpapakilala ni Austin sa amin ay pinaupo na siya ni Prof Pablo sa magiging seat niya at sa kamalas-malasan pa ay nasa likod ko lang siya malapit sa upuan ni Sky.Nang madaanan niya ako ay nginitian niya ako."Hi, Reese! Dito ka rin pala nag-aaral? Sorry, hindi ko alam, e." Napairap na lang ako."Magkakilala pala sila ni Reese?""Maybe? Nakita mo na ng
REESE' POVNang makita kong akmang susugurin na ni Ryu si Austin ay humarang na ako sa harapan niya at tinignan siya nang may pagsusumamo."Ryu, 'wag mo na siyang patulan. Mas lalo lang lalaki ang gulo kapag nag-away pa kayo dito." Nagmamakaawa kong sabi.Ryu laugh sarcastically dahil sa sinabi ko. "Pinagtatanggol mo pa siya kaysa sa akin na bestfriend mo? 'Di ba dapat ako ang kinakampihan mo?"Napapikit na lang ako. He didn't get my point. Ayoko lang na magkasakitan pa silang dalawa nang dahil sa akin."Hindi naman sa ganon pero-" Bigla namang sumabat sa usapan namin si Austin."Bestfriend mo ba talaga siya, Reese? Bakit parang ayaw ka niyang palapitin sa mga lalake especially sa akin? Kanina lang kasi ay napapansin ko na kung todo siya makabantay sa'yo. Dinaig pa niya ang Knight in Shining Armor na boyfriend." At tumawa pa ito ng mapang-asar.Hindi na nakapagpigil pa si Ryu at sinuntok na nito si Austin sa mukha. Napaupo naman si Austin sa sahig at hinawakan ang nagdudugo niyang lab
AUSTIN'S POVAkalain mo nga naman, sakto pa na sa YGA rin nag-aaral si Reese. Ngayon lang ako nagpasalamat sa maingay at bungangera kong nanay na inilipat niya ako sa school na iyon.That girl, when I first saw her, she got my attention. I like her innocence and beauty.Reese's half-Japanese guy bestfriend obviously likes her.Nakakatuwa lang dahil magbestfriend lang sila pero kung makabakod siya kay Reese ay parang sila na. Sinuntok pa niya ang gwapo kong mukha dahil sa naasar siya sa sinabi ko na totoo naman. Hindi naman ako ganito na parang nagseselos.I'm a playboy and all girls are drooling in front of me pero simula nang makilala ko si Reese ay parang may nagbabago na sa akin. Ano ba kasing ginawa ng babaeng iyon sa akin at bakit nagkakaganito ako? Na kahit masungit siya at mataray ay nilalapitan ko pa rin siya para maging kaclose ko lang? Halata namang ayaw niya sa akin pero kinukulit ko pa rin siya. Tsk!2nd day ko na ngayon sa YGA. I gained a lot of friends or should I say "
RYU'S POVHalos maubos ko na ang mga gamit ko sa loob ng condo ko dahil sa matinding pagwawala ko. Sino ba ang Austin na iyon at nanghihimasok pa siya sa buhay namin ni Reese? Alam ko naman na interesado siya kay Reese pero nakakabastos lang na harap-harapan ay ipinapamukha niya sa akin na isang dakilang bestfriend lang ako ni Reese.Hindi ba niya alam na malapit na kaming ikasal ni Reese? Oo nga't nasabi ko kay Reese na okay lang na maging bestfriend niya ako pero wala naman siyang magagawa dahil ipagpipilitan pa rin kami ng parents namin na ipakasal kami.Ano namang magagawa ko kung gusto ko rin ang ideya na ganon? Call me selfish or what pero talagang mahal ko lang si Reese at ayoko na mapunta siya sa ibang lalake.Patuloy pa rin ako sa pagwawala at nagkalat na sa loob ng condo ko ang mga basag at sirang mga gamit ko. Narinig ko mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko ang pagkatok ng ilang beses ni mama sa nagpapanic niyang boses."Musuko,-dōshita no? Doa o akete kudasai!" [Son, what
REESE' POVNang makarating na kami ni Ryu sa classroom namin ay basta na lang akong hinila ni Ailah papalabas at ang sabi niya ay ipapakilala niya ako ngayon sa mga kaibigan niya.Nagpaiwan na lang muna si Ryu sa classroom namin dahil matutulog pa raw siya. Kulang yata sa tulog ang lalakeng iyon. Malamang ay nagpuyat na naman iyon sa kakalaro ng mga online at video games. Napansin ko nga na may iilang sugat siya sa mukha at kamay niya pero ang sabi niya naman ay nasugatan lang siya ng nabasag niyang flower vase. Medyo hindi convincing ang dinahilan niya pero hindi ko na siya kinulit pa tungkol doon at baka magalit na naman siya.Mababait kaya ang mga kaibigan ni Ailah? Sigurado ako na puro mga babae ang friends niya. Medyo excited akong makilala sila dahil lumaki akong puro mga lalake ang nasa paligid ko na wala man lang ni isang makarelate sa mga gusto at hilig ko. Syempre, babae ako at magkaiba naman ang hilig ng babae sa mga lalake, 'di ba?"Ipapakilala ko sa'yo ang love of my lif