Share

Chapter 44

Kasalukuyang nasa ground floor ng DVE Building si Lyv. Mabuti na lamang at mayroong upuan sa receiving area na pwede niyang pagpahingahan. Dahil buntis, hindi na siya sinita ng guard. In fact, ito pa mismo ang nag-offer ng pinakamaaliwalas na pwesto sa kanya. Pinili nito ang upuan na malapit sa buga ng air conditioning unit ng gusali upang mapreskuhan.  

Walang imik na kinuha ni Lyv ang cellphone at tinipa ang number ng kasamang kasambahay. Agad siyang nagsalita nang makakonek sa kabilang linya. “Hello, Ate Marissa?”

“Senyorita Lyv?”

“Oo ate, ako nga,” pagkumpirma niya. “Nandito na po ako sa ground floor ng building. Pwede na po ninyo akong sunduin ni Mang Turing.”

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status