NAKABUSANGOT ang mukha ni Esmeralda habang nagsusulat ng liham para kay Teban. Paano ba naman kasi. Dumalaw dito si Ferdinand at walang ginawa kundi magyabang sa mga paglalakbay na ginawa nito sa dagat dalawang taon na ang nakaraan. Ikinuwento nito kung paano nito narating ang isang isla na maraming pampalasa. Masaya ang mga itong tinanggap ng mga katutubo na nakatira sa islang iyon. Nagkaroon ng sanduguan sa pagitan ng dalawang lahi.
Sa kasalukuyan, si Ferdinand ay isang encomendero na namamahala sa encomiendas. Ang huling salita ay nagmula sa Kastilang wika na encomendar na ang ibig sabihin ay ipagkatiwala. Ito sistema ay nabuo u
HINANAP NI Milo ang call button sa app na iyon. Agad niya namang nakita. He pressed it. Pagod na ang isipan niya pero dinagdagan ng babaeng ito. Nabuhay ba ito upang gawing miserable ang buhay niya? Calling Leticia. “Oh? Bakit hindi ka na sumasagot diyan? Natatakot ka na?” tanong niya sa screen na para bang sasagutin siya nito.Pick up, woman. Let us settle this, once and for all. Ano? Natatakot ka na ngayon?Mahal niya ang mga babae. Hindi na iyon dapat itanong sa kanya. P
BIGLANG NAPUNTA ANG atensyon ng lahat ng manggagawa kay Milo. Nagsalubong ang mga kilay ng mga ito. Walang anumang palatandaan na pamilyar sila sa kanya.Hinagod siya ng mga ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtataka ang mga ito sa suot niya. Isang kupasing pantalon at sando. Magkaibang-magkaiba sa mga suot ng mga itong baro at saluales. Si Ferdinand naman ay naka sombrero, doublet, breeches sa pang-ibaba. Sinapawan ng doublet ang cloth nito. Nakasuot din ito ng stockings at sapatos. Kahit na mataas na ang sikat ng araw at sobrang init. Kunsabagay, wala naman itong ginagawa kundi sumilong sa lilim at mag-utos nang mag-utos.If they stopped working, tiyak na magagalit na naman ang Ferdinand na iyon.“Ginoo? Taga-saan ka?” tanong ng matanda.
“SINO BA iyang Gong Yoo na iyan?” tanong ni Milo.Hindi siya pamilyar sa pangalan at ngayon lang niya iyon narinig. Hindi rin naman siya mahilig magbabayad sa telebisyon. Kaunti lang ang mga Philippine actor at actresses maging sa ibang bansa. Mas nanonood kasi siya ng sports lalong-lalo na sa paborito niyang frisbee. Mas kilala niya sina Oscar Pottinger, Dylan Freechild, Kurt Gibson, Jimmy Mickle, Jack Williams, at iba pa. Huli siyang nanood ng movie noong last year pa.Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Kent. Na parang nagkaroon din siya ng dalawang ulo.He closed his eyes, then squeezed it shut for a moment. “‘Tol naman. Saang planeta ka ba nagmula? Extra points sa chicks kung alam mo kung sino si Gong Yoo. Yayayain ka niyang mag-Korean drama marathon kayong dalawa. P
WHAT THE HELL?Ano bang pinagsasabi ni Leticia? Time travel? Hanggang ngayon nag-i-insist pa rin ito na kaya nitong maglakbay sa nakaraan? Sa mga palabas sa sinehan lang nangyayari ang time travel at sa mga malilikot na imahinasyon ng mga writers ngayon. There was no way na totoo na ito.Never in his life did he witness that time travel was possible. May nakikita siya na mga videos pero hindi sapat iyon upang suportahan. Sigurado naman siyang edited lang ang mga iyon. Habang tumatagal, mas dumarami ang karunungan ng mga ito sa teknolohiya. Mas gumagaling sa pag-edit ng pictures at videos especially if may mga seminars na ini-offer with an affordable rate. Iyong iba naman,self-taught lang. Ang galing talaga, eh.Siya naman ay ayos ng alam maglaro ng mga online games na kung puwede lang walang tuluga
TINAPIK NI KENT si Milo sa balikat. There was no evidence that he believed him. Sino ba namang maniniwala sa sinabi niya. Kahit na siya, nagdadalawang-isip na. “Ikain mo na lang iyan, ‘tol. Kung ano-ano ang pinag-iisip mo, eh. Hindi naman totoo iyang mga ganyan. Baka nagka-temporary amnesia ka at nakalimutan mo ang nangyari noong sandaling iyon. Selective amnesia, kumbaga. Napanood ko iyan sa tv. May mga ganiyang kaso.” Sumandal si Milo sa upuan. Hindi iyon bunga ng nalipasan ng gutom. Always on time siyang kumakain dahil na rin sa mommy niya na always siyang binubungangaan kapag late siyang kumain. Baka magkasakit daw siya. Sa daddy naman niya, enough na ang tingin nito upang sundin niya ang sinabi ng mommy niya. His dad always make sure that his wife will never be disrespe
Warning: Strong language ahead. Be warned.*****DUMAGUNDONG ANG DIBDIB ni Leticia. Ito na ba ang tamang pagkakataon upang magkita sila ni Esmeralda? Bakit pa siya magpapakita kung puwede namang huwag na lang siyang magpakita sa babae, at hindi niya ipaalam ang pagkatao niya. Tiyak na maguguluhan lang ito sa identity niya.Kung hindi naman niya gagawin iyon, what will happen to her? Wala siyang kahit na sinong kakilala sa panahong ito. She felt helpless.Naghalo-halo ang emosyon niya ngayon. May kasiyahan, excitement, at pangamba. "S-salamat, Ginoo. Hihintayin ko na lang siya sa garden," pahayag niya sa katutubo."Kung iyan ang iyong gusto, Binibini. Maiwan na lang muna kita rito. Hindi na magtatagal si Senyorita Esmeralda.”
KINABUKASAN, hinahabol ni Leticia ang oras para sa isang subject niya sa History. When someone was late in that subject, hindi na ito pinapapasok ng professor at sinasarhan na ng pinto when the clock turned nine o'clock in the morning. Her professor never failed to be on time. Advanced ito ng ten minutes na papasok sa classroom nila.First subject niya at mukhang mala-late siya. Patay siya nito. Hindi puwede.Kahit na may pagka-terror iyon, magaling naman itong mag-discuss sa klase. She was able to explain all the events in the history of mankind and ang connection ng bawat isa sa present situation.Leticia did not even felt any boredom kapag nagkaklase na ito. She was able to catch up with some of their lessons since she personally experienced some of them no matter how short it was.
NANLILISIK ANG MGA matang sinusundan ng tingin ni Leticia si Milo habang tinatahak nila ang cafeteria. Pa-chill-chill lang dalawa na parang walang nangyari. Parang siya nga lang talaga ang naging affected sa ginawa sa kanila ng professor nila.Iba talaga kapag mayaman.Laglag ang balikat niya. Samantalang parang wala lang sa dalawa ang pagkapahiya nila sa klase at hindi pag-allow sa kanila na pumasok sa subject.Napakalas talaga niya.Hindi niya magawang mahabol ang subject na iyon. Sa subjects nga lang siya nanghahabol, hindi pa siya nagtatagumpay.Nagbubulung-bulungan ang dalawa. Hindi siya isinali. Tiyak na babae na naman ang pinag-uusapan ng mga ito. She was not fun to compare, but Andro and Milo