Share

CHAPTER 17

"MAY gusto po ba kayong kainin ngayon, Miss Charity?"

Mula sa pagmamasid sa karagatan, lumipat ang tingin ni Charity kay Servant Kim na kadarating lamang at nagtanong.

"Puwede ba ako sa pizza?"

"Basta huwag lang po marami masyado," nakangiting tugon ng matandang lalaki. "Ipag-oorder ko muna po kayo." Tsaka na ito umalis. Muli siyang naiwan sa balkonahe at muling pinagmasdan ang karagatan.

Apat na araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa Dipangco Mall at mula noon ay hindi na muna nagpakita sa kaniya si Cameron. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito? Iniuutos lamang nito kay Servant Kim ang mga gusto nitong sabihin sa kaniya. Hindi naman naapektuhan ang baby niya sa naganap noong nakaraang araw ayon kay Dra. Lesley, ngunit kailangan lamang niyang mag-ingat dahil medyo maselan siyang magbuntis.

Napabuntong hininga si Charity nang maisip na wala man lang siyang narinig na sorry mula sa lalaki, bagkus ay hindi ito nagpakita sa kaniya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status