Share

Chapter 15

NAGISING si Lyxelle dahil sa pakiramdam niyang may nakatingin sa kaniya. May hula siya kung sino ang nakatitig sa kaniya. It comforted her knowing that someone was worried about her even when she doesn't remember anything from her life. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ni Raziel.

“Lyxelle, ayos ka na ba?”

Marahang tumango siya at bumangon. Kaagad itong tumayo upang tulungan siya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga unan sa kaniyang likod.

“Ano’ng nangyari?” tanong niya rito. Ang huli niyang naaalala ay umiikot ang kaniyang paningin.

“Bigla ka na lang hinimatay. Hindi namin alam kung bakit.”

Naalala niyang sumakit ang ulo niya at parang may naalala siya mula sa kaniyang nakaraan pero nakalimutan na rin niya kung ano iyon. Sinubukan niyang alalahanin kung ano iyon pero blanko lang ang kaniyang utak.

“M-May naalala lang ako.”

“Ano?” tila nasasabik na tanong nito pero may pakiramdam siyang may halong nerbiyos ang tanong na iyon. Kinakaba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status