Share

KABANATA 3

"Sige Feria, maiwan ko na kayo, Maren." baling sa akin ni Manang Nita. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Nang makaalis ay bumaling agad ako 'kay Senyora. "Mag-papaalam sana ako Senyora na hanggang alas dos lang ako makakapagtrabaho ngayon." Nahihiya kong sabi.

"Oh? Bakit?" bumaling siya sa akin.

"May group meeting kasi kami ng mga kaklase ko mamaya, Senyora."

Tumango siya. "Sige, walang problema. Pero hindi ko iyon ibabawas sa sweldo mo, okay?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pwede iyon! Dapat niyang ibawas dahil hindi naman ako buong araw nagtrabaho.

Nakita niya siguro ang gulat sa aking mukha kaya muli siyang nagsalita. "No buts, Mariana." Napangiti siya ng nakita akong napasimangot.

"Nabanggit din ni Leon na may meeting siya."

"Ah, opo. Magkagrupo po kami, Senyora." Sagot ko.

"Magkaklase kayo kung ganoon? Anong mga kabalastugan nang nagawa ang anak ko?" seryoso niyang sabi.

"Ma!" iritadong bungad ni Leon. Narinig siguro ang sabi ng ina. Nakakunot siyang bumaling sa akin at kita ang iritasyon sa mukha bago umupo sa kabilang upuan.

I cleared my throat. Madami na po. "Wala naman, Senyora," sabi ko sa maliit na boses at biglang nakaramdam ng pagkailang.

"Talaga ba? Don't mind Leon, Maren. Just tell me kung anong ginagawa nito sa school." Tumaas ang kilay niya 'kay Leon.

Nangapa agad ako ng sasabihin. Ano naman ang sasabihin ko? Na babaero siya? Baka kung sabihin ko magalit sa akin si Leon? And do I care Leon? Si Senyora ang Ina rito Mariana! Napatingin ako 'kay Leon. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang kanyang mukha. I saw his hazelnut color of his eyes piercing through me. Nakasalubong ang kanyang kilay but smirk is etched on his red lips. He's like reading me. I don't know why but I feel nervous right now. I can feel the beat of my heart loudly in my chest for some reason.

Umiwas ako ng tingin. Umiling ako 'kay Senyora. "Pasensya na Senyora, pero hindi ko kasi alam." Nahihiya kong sabi.

"Ma! You bring me here forcefully! Pinagkait mo na nga sa akin ang saya roon, pati ba naman dito?" iritadong sagot ni Leon.

Nagulat ako. I know what's happening but all I know is that I need to leave now. "Uh, aalis na po ako, Senyora, Sir." Mahina kong sabi. Tumango ang Senyora. Yumuko ako ng konti bago tumalikod at dali-daling naglakad papalayo sa kanila.

"I bring you here to save you! Hindi nakakabuti sa buhay mo ang mga ganoong kaibigan Leon. Their bad influence!" narinig kong galit na sigaw ni Senyora.

"You think bringing me here will solve the problem? I don't wanna be here! Sana ay doon na lang ako sa ibang bansa. People here so ignorance and outdated!" si Leon.

Napatigil ako. Wow. Grabe naman no'n. Lumingon ako, natatanaw ko sila mula rito malapit sa dalampasigan kahit na medyo malayo ako sa kanila. Hindi ko na naririnig ang pinag-uusapan at sa harap nila ay ang dalampasigan kaya nakaharap sila sa akin pero magkaharap sila ngayon at parang nagtatalo pa rin.

Napahinga ako ng malalim bago nagsimulang magwalis. Matagal akong natapos doon, wala na ang mag-ina sa veranda kaya dumiretso na ako sa kabalyerisa nila. Malayo ito sa mansion at dalampasigan, pero tanaw mo pa rin mula rito. Malawak na field ang nilalakad ko ngayon papunta sa kabalyerisa. Dito ginagawa ang pangangabayo ng Senyor at mga kaibigan niya noon. Pupunta ako roon para tulungan si Mang Toni sa paglilinis at pagpapaligo sa mga kabayo.

"Sige na Mang Toni, wala naman na akong gagawin e!" pilit ko dahil ayaw niyang tumulong ako. Kinuha ko ang isa pang brush para mapaliguan na ang isang kabayo.

"Naku, ikaw talagang bata ka. Ang kulit! Ano pa bang magagawa ko e kinuha muna." May ngiti sa kanyang labi bago tumawa ng bahagya.

"Mang Toni, dapat masanay kana dahil lagi akong pupunta rito para paliguan ang mga kabayo!" natawa siya at napailing.

Nagkwekwentuhan kami habang pinapaliguan ang mga kabayo. Maamo naman na ang mga iyon sa akin dahil lagi ay ako ang nagpapaligo. Naistorbo nga lang ang kwentuhan namin ng may tumikhim.

Sabay kaming tumingin sa may pintuan at nagulat. "S-Sir! Ano po ang kailangan niyo?" si Mang Toni. Sabay kaming tumingin sa may pintuan at nagulat. "S-Sir! Ano po ang kailangan niyo?" si Mang Toni.

Bigla akong kinabahan. He's wearing a faded jeans with black shirt and boots. I don't find him handsome. But there is something about his air that makes me feel nervous. Its odd. I've been confident in my whole life and I just know that the way he looks at me strips down the confidence I've earned so much. It was very odd.

"I want to ride a horse. Sabi ni Mama ay 'yung 'kay Papa na lang ang gamitin ko," sabi ni Leon na nasa paanan ng pintuan pa rin.

"Ah, nasa labas po! Pinapainitan ko dahil katatapos lang maligo. Sandali at kukunin ko, Sir." Sagot ni Mang Toni at naglakad na papunta kung saan si Leon.

Nagpatuloy ako sa paglilinis sa isang kabayo nila neverminding that Leon is now staring at me. Narinig ko ang mga yapak niya palapit at biglang kumalabog ang aking puso. I'm freaking nervous! Shit.

"So... you work here?" he said coldly.

Bumaling ako sa kanya. Nakahalukipkip itong nakatingin sa akin na parang napilitang makipag-usap.

"Oo." Bago nagpatuloy sa paglilinis sa katawan ng kabayo.

"Where's your manner? You're arrogant for someone poor."  Masungit niyang sabi.

Nalaglag ang panga ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa kanyang sinabi. Ito ang kauna-unahang tumama ng husto sa akin. Dati ay hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi ng iba pero ito, I don't know why.

I gritted my teeth and try to calm myself. "Sorry po, Sir...” sa maliit na boses.

"Tss."

"Sir, nandito na po!" tawag ni Mang Toni sa labas. Tumalikod na ito sa akin at nagsimula ng maglakad palabas. Napahinga ako ng maluwag.

"Salamat, Mang Toni." Narinig kong sabi ni Leon bago pinatakbo ang kabayo.

Binilisan ko ng paliguan ang kabayo. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa mansion.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status