Share

Chapter 8: Sexual Tension

Imbes na magpahinga na ay bumiyahe pa si Albert papunta sa bahay ng anak. Naabutan niya ito sa study room at tutok sa trabaho katulad ng dati.

"I know why you're here, dad. Pinal na ang desisyon ko. Magsasayang ka lang ng laway at oras," ani Kaden na hindi man lang tinapunan ng tingin ang ama.

"Pero, anak. Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo tungkol dito? Tandaan mong pumayag ka—"

"Pumayag akong makipagrelasyon kay Katie pero wala akong natatandaan na sumang-ayon na maikasal sa kanya. Hindi pa ako ulyanin, dad."

Nagbuga ng pagod na hininga si Albert. Kahit kailan, ni minsan ay hindi man lang nakinig ang anak sa kanya. Ganun na ba siya kawalang silbi dito?

"Pumayag ka na lang. Kagustuhan din ito ng lolo mo. Tradisyon na ng pamilya natin ang maipagkasundo."

Naputol ang hawak ni Kaden na ballpen sa matinding iritasyon at malamig na tumingin sa ama.

"Sumunod sa tradisyon? At ano? Mamuhay sa pagsisisi at kalungkutan katulad mo? This is my life, dad! Hindi mo ako pwedeng diktahan ng babae
SUMMERIASWINTER

Thank you po for reading!❤️😘

| 2
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status