Share

Kabanata 5

NANGANGAPA siyang amoy-amoyin ang kumot na bangong Xander Leeyung na nunuot sa kanyang ilong. She must be dreaming. Kaya kung sinoman ang herodes na puputulin ang magandang panaginip niya. Malilintikan talaga nya—

"Aray!"

Nahulog na pala sya sa sofa. Namaligno pa siya ng makitang hindi ito ang bahay ng pinsan niyang si Cognac.

Syet! Nasaan siya? Only to find that she was now on her love of her life's house. Nasulyapan kasi niya ang bulaklak na basta nalang nitong inilagay sa vase dahil ang rason ay ayaw na ilampaso ang mga ari-arian nito.

Masyado pang in-denial ang kumag. Mukhang nililikom na nga nito ang mga ibinigay nya eh.

"Gising ka na pala."

When Xander with his new showered look that added his magnificent effect on her even the hair was disheveled. Nagmukha lalong Greek mythological creatures ang binata sa paningin niya. Given the fact that he's only wearing a white shirt with a lossy jogging pants. Kagat ni Beverly ang labi para hindi purihin ang gwapong lalaki.

Pero traydor talaga ang bibig niya. Natutop niya tuloy ang bibig nang masabi niya na gwapong-gwapo ito.

Nilingon siya nito. Tulo laway na naman ang kagandahan niya. Then his stare drop at the sheet she was hugging kanina pa.

"Ka-amoy ko ba?"

Malanding tumango siya. "Dalawang linggo na iyan sa labahan ko. Mabuti at dumikit pa ang amoy." Gano'n? Hindi naman siya na-offend. Greatful pa nga siya.

"Tumayo ka na riyan. Alas dose na. Time for lunch."

"Hindi mo ba ako paalisin?"

"Remember that we had a deal? Tss."

Saka siya natauhan dahil Oo nga pala. Siya mismo ang pasimuno niyon at si Xander ay pinatulan naman siya. Maybe because she promised na ayaw na niya itong kukulitin pagkauwi nila sa syudad.

"Sumunod ka nalang sa pool area."

"Okay."

Mahinang nagtitili siya at ikinampay pa ang kumot na amoy Xander sa hangin. Letting herself smelling his scent. New achievement unlocked iyon para sa kanya. Mukhang sa ganoong set-up kasi ay hindi na beast mode ang love of her life niya sa kanya.

Kung hindi ba naman siya lahing linta. Hindi siya biyayaan ng ganitong momentum kasama ang lalaking gusto niya. But because she was smart, naman. Xander really bit her bait.

Nakita niya ang binata na madilim ang mukha at nagpang-abot pa ang makakapal na kilay. Facing sideways in the pool area. Kagat niya ang labi ng dahan-dahang lumapit dito. When he motioned her to sit in his front.

Wow! Date ba 'to? Umasa na naman ang puso niya..but she knows that it wasn't pero iyon ang nilalaman ng utak niya. Bahala na, basta date ito. Date nilang dalawa ni Xander.

"After nating kumain. Maaari ka ng umalis. Your cousin knew that you're here—"

"Ano ang sabi niya?"

Kumagat muna ito ng beaf steak bago sumagot. "Papauwiin nalang daw kita kapag nagising ka na. Bilisan mo riyan."

"May usapan tayo di'ba?"

"Kanselado ko na iyon. Hindi ko pala masikmura ang makanegosasyon ka sa mga ganito."

"Ouch! Ouch! Ouch!" Imposing she was having a heartache. Xander's stare turn down at her. Saka siya nag-peace sign. "I won't go home. Nasa ligtas na kamay naman ako. If you want, tutulungan kitang alagaan ang mga pananim mo."

"I can do that alone. I don't want any assistance."

"I will do your laundry..."

"May laundrywoman ako dito."

"How about cleaning your room?" Padaskol nitong naibaba ang kubyertos sa lamesa kaya napaigtad siya. Heto na naman ang nakakamatay nitong tingin. Pero hindi naman nagsasalita.

"Just let me stay here. Wala akong pakialam kung kanselado mo na ang kundisyon ko na 'yon. As long as I am here and you're here, too. Didikit ako sa'yo kahit ayaw mo."

Suminghap ito. "For pete's sake Cognac's cousin. Ayaw kong mag-alaga ng bata!"

"Hindi na ako bata. Ako na ngayon ang makakagawa ng bata kung gugustuhin mo—hihi. Peace. Joke lang 'yon." Sinamaan kasi siya nito nang tingin. "O kung gusto mong tutuhanin, Tara sa kwarto—oo nga! Hindi na." Kuyom na kasi nito ang kamao kaya bahagyang kinabahan siya.

"Are you giving that vibe as a joke? Lalaki ako. Wala ka na bang dignidad sa sarili mo?"

"May dignidad naman ako. Pwera na lang pagdating sa'yo. Ora-oratang umaandar ang kalandian ko."

"Look Cognac's cousin—"

"Bakit ba ayaw mong banggitin ang pangalan ko? Wala namang mawawala kung susubukan mo. Oa 'to! Atsaka ano naman kung pinsan ako ng kaibigan mo. Masama bang magkagusto sa'yo?"

Nang bigla ay tumayo ito at mabilis na iniwanan siya sa pool area. Nagkibit nalang siya ng balikat saka sinimulang galawin ang pagkain.

Masarap!

Kaya halos maubos niya na iyon bago siya tumayo para hugasan ang pinagkainan sa sink. When she didn't notice the banana's peel na tahimik na humalik sa tilefloor. Dumulas ang paa niya na naging dahilan kung bakit diretso siyang nalaglag sa pool. Tumama pa ang noo niya sa dulo niyon kaya halos mangitim ang paningin niya nang makita ang pulang likido na nagkalat sa tubig ng swimming pool.

Syet!

She was good at swimming pero sa puntong iyon. Nawalan siya ng lakas na ikampay ang mga binti dahil totoong kumikirot ang sugat sa noo niya.

"Ano ang ingay na iyon—shit!"

Kahit hindi niya maaninag si Xander dahil sa dilim nang paningin niya. She managed to give him a smile. Bago siya tuluyang nawalan ng malay. While Xander blamed the peel for falling in the table. Doon niya nalaman na nadulas ang dalaga kaya't tumalon siya sa pool para sagipin ang pinsan ni Cognac.

"Damn it! Shit! Shit!"

He hurriedly carried her at inilapag ang dalaga sa sahig. She needs to be cured ngayong hindi tumitigil ang pag-agos ng dugo sa noo nito.

Wala pa rin itong malay. Kinabahan siya ng husto. Xander was never been this worried.

Kargang-karga niya si Beverly palabas ng pool at tinawagan ang doktor na nakatuka ngayon sa FVC. Good thing he came at the right time. Tinawagan niya rin si Cognac for further awareness pero galit na galit ito. Blaming him. Kaya walang nagawa si Xander kundi tanggapin iyon.

"...calm down Cognac. Naaksidente lang naman pala ang pinsan mo e."

"Maskin na. Dapat maingat pa rin ang lalaking iyan lalo at palaging napapahamak ang pinsan ko kung siya ang kasama."

He was right. Bumaba ang tingin niya sa dalaga na ngayon ay wala pa ring malay. He called the laundry woman to changed her a clothes. Iyon nga lang, damit niya ang suot ng dalaga ngayon.

"I'm sorry Cognac, boy."

Humugot ito ng malalim na hininga. "You don't have to. Hindi naman ako one sided na tao pero galit pa rin ako sa'yo. Beverly is a good woman. Sa'yo nga lang siya ganyan kakulit because even me, I can't tame her. Malala nga talaga ang pagkagusto niyan sa'yo."

Tumango-tango siya.

"Kapag siya talaga ang involved. Mag-aalala talaga ako Xander. Kaya ikaw na ang umunawa sa'kin. Hindi ko rin naman siya mapipilit na hindi ka gustohin eh. I tried many times to counterfeit her feelings. Kaya ayan!" Ito naman ang umiling-iling. "Wala ka ba talagang gusto kay Bev?"

"Wala."

"Poor cousin," tinapik nito ang balikat niya. "Tawagan mo lang ako kapag nagising na siya."

"Oo."

Cognac left him. And again, he felt pity for the woman lying in his bed today. Ewan niya ba? Mas lalo tuloy na hindi niya nagustuhan ang dalaga dahil sa mga kapalpakan nito.

He knows that it wasn't right to picked the word for her. Stupid? Lampa?

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. He was there staring at her until she opened her eyes.

"Xander..."

"Umuwi ka na!" Matigas pa sa bakal na sambit niya. "Your cousin was worried sick."

Dahan-dahan itong bumangon kaya mas lalong napikon siya dito. "Gusto ko pang manatili sa'yo—"

"Piste naman oh!" Galit na kinalampag niya ang center table. "Gusto mo bang mamatay sa mismong mga mata ko? For pete's sake, hanggang kailan mo ba ipipilit iyang sarili mo sa'kin? I hated you. I hated you the most!"

"Xander. I'm sorry. Hindi ko naman napansin ang balat ng saging—"

"Alam ko! Kaya nga pinapaalis na kita ngayon para magiging matiwasay na ang kunsensya ko. I already witnessed how you lost consciousness. Gusto mo bang mamamatay rin ako sa kunsumisyon sa'yo? Umalis ka na!"

Wala itong naging imik.

Dahan-dahan itong tumayo bago nilapitan siya at nginitian. Nakaangat pa ang tingin nito sa kanya. "Nawawala ang ka-gwapohan mo kapag nagagalit ka."

Habol niya ang hininga ng yakapin siya nito. Xander doesn't have any strength to push her, so he just let her.

"I'm sorry kung naging sanhi ako sa pananakit ng ulo mo. Gustong-gusto talaga kita eh." Saka ito humiwalay sa kanya. Her lips was dry and she looks pale too. "Tutupad ako sa pangako. Since napatunayan ko na wala kang gusto sa'kin. I will distance myself from you from now on. Thank you for the memories." Bago ito tumingkayad para halikan siya sa labi.

Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. Nandoon lang siya sa pwesto at tuluyang natuod feeling her lips touching his.

Saka niya lang namalayan na wala na ang dalaga sa harapan niya. Nakaalis na ito leaving him like that kaya kumunot ang noo niya.

"This is probably the feeling of being left behind. Well, congratulations for surpassing Cognac's cousin. Very good Xander."

Balik na naman siya sa pagdidilig ng mga bulaklak niya. Kaunting kaluskos lang. Napapatingin siya sa tarangkahan ng bahay niya. Umiling-iling nalang siya sa sariling...ewan niya ba?

"Nababaliw ka na Xander." Maybe he really was. Umaasa kasi siyang babalik ito para kulitin siya. And to his surprised, nang tumunog ang door chimed at nakita si Beverly na nakatayo bitbit ang isang placard...

"What are you doing here...again?"

May nakasulat sa placard na nagsasabing. 'I'm sorry, hindi pa tapos ang deal natin. Kaya yayanigin ko ang bahay mo hanggang sa oras na ng pag-uwi'.

Tumaas ang sulok ng labi niya.

"Uy! Ngumiti siya..." Agad na bumalik ang ekspresyon niya saka tinalikuran ito. "I'm not. Balik ka na sa villa ng pinsan mo."

"Hindi. Ngumiti ka talaga eh." She was hugging from his back now. Sumungaw pa ito sa ginagawa niya. "Are you giving them a manure para tumaba? Tutulong ako."

"Stay back," sinulyapan niya ang sugat sa noo nitong mas lumaki yata ang pagkakahiwa. "Hindi na ba masakit iyan?"

"Hindi na. Teka pahawak niyang—"

"N-no." Nang tinangka nitong bawiin ang hawak niyang mini-shovel. "Pumasok ka nalang sa loob. Susunod rin ako pagkatapos dito. Huwag ka na ulit aakyat doon sa pool area. Banned ka na doon."

"Bakit? Ayy Oo nga pala! Magva-vaccuum nalang ako. How's that?"

"Sa loob ka lang ng bahay. Wala kang gagawin. O kung gusto mo. Manood ka nalang ng tv. May bagong animated series ang SpongeBob ngayon."

"Hindi na ako bata Xander!" Lihim siyang natawa sa pagpapadyak ng mga paa nito. "I prefer watching bold movies with you—oops!"

Cute!

"Pasok na!" Pero nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit?"

"Parang may nag-iba sa'yo? Hindi na madalas nagpang-abot ang mga kilay mo. Hindi ka na rin istrikto pagdating sa'kin. OMG! Clone ka ba ng Xander mylabs ko?" Saka ito umaktong makipagsapakan sa kanya. Bahagya pang pormado ang mga nakakuyom na kamao. "Ilabas mo ang istriktong si Xander ko! Kung ayaw mong sipain kita."

"Hindi mo ba nainom ang gamot mo?"

Saka nito narealized kung ano ang ipinapahiwatig niya roon. "Hindi ako baliw!"

"Mukha nga. May iba pa bang ganito ka-gwapong mukha para sabihin mong clone lang ako ni Xander mylabs mo?"

"Ehhh?"

"Ako lang naman 'to eh. Ang lalaking gustong-gusto mo."

"Ha?" Natawa nalang siya. Mukhang diskumpyado talaga ito sa mga kilos niya ngayon. Well siya rin naman. Hindi niya rin alam kung bakit nagkakaganito siya.

"Pasok ka na roon. Huwag ka na talagang pumunta sa pool. Restricted at banned ka na roon. Oh wait! Blocklisted na rin pala. Pasok na!"

Nasulyapan niya pa ang pagtataka sa noo nito nang tinalikuran siya. She even shook a head at nakatingin na rin sa kanya ngayong hawak na ang doorknob ng pintuan.

"Go!"

Saka niya tinapos ang ginagawa niya. Muntikan pa nga niyang hindi naibalik ang toolbox sa pagmamadali. Because someone was waiting for him in his house.

"Bakit masyadong excited yata ako?" That's not so him...pero nakangiti naman siyang pumasok sa mismong bahay niya. Welcoming Cognac's cousin na agad siyang nginitian ng matamis.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status