Dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Sumalubong agad sa akin ang walang hanggang kadiliman. Wala akong makita kundi dilim lamang.
Sinubukan kong tumayo at mabuti na lamang dahil hindi ako natumba. Bigla namang kumirot ang aking ulo kayan napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi.
Nang mag-angat ako ng tingin, napakaraming imahe ang lumitaw sa ere. Tila nasa loob ako isang ng monitor room at nanonood ng mga kuha ng CCTV cameras. Nababalot ako ngayon ng pagtataka.
Isang eksena ang nakaagaw sa aking atensiyon. Medyo glitchy ito pero maayos ko namang naririnig ang mga boses ng nag-uusap.
“Ate, makipaglaro ka naman sa amin. Puro ka na lamang pagsasanay. Miss na kitang kalaro,” pakiusap ng isang batang may maliit na tinig.
Napapatulala na lamang ako habang pinagmamasdan ang batang babae.
“Hindi maaari, Debbie. Kailangang magsanay nang magsanay ang ate mo. Hangga't hindi pa niya nagagawa
Bumungad agad sa amin ni Caya ang malakas na boses ni Raid nang makarating kami sa training ground. Mukhang nakikipagtalo na naman ang lalaki kay Marc.“Hoy, bata, hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag mong papasukin si Poly sa bahay natin? Kapag nagkalat na naman mamaya ang alaga mo sa kuwarto ko, humanda iyon sa akin. Iihawin ko talaga 'yon ng buhay,” pagbabanta ni Raid kay Marc.Napasampal na lamang ako sa aking noo matapos paikutin ang aking mga mata.“Subukan mong ihawin iyon at siguradong pagpipira-pirasuhin ko ang bawat laman mo. At huwag mo akong matawag-tawag na bata ulit, dahil kasing-edad mo lang ako,” angil ni Marc sa lalaki.“Kasing-edad mo nga ako pero 'yong height mo ay pambata pa rin, kaya bata pa rin ang itatawag ko sa iyo,” paninindigan ni Raid.Lumapit naman si Glade sa kanila at saka inawat ang dalawa sa kanilang bangayan.“Oyy! Puwede bang itikom niyo ang mg
Nakayuko lamang kaming lahat habang sinesermonan kami ni Archmaster Leonard. Parito't paroon ang kaniyang ginagawa, habang binubusog kami ng kaniyang mga salita.“Inaasahan ko pa naman din kayo na maging modelo sa lahat, ngunit anong ginagawa niyo? Kayo pa ang nangunguna ng gulo dito sa Akademya!” hayag sa amin ni Archmaster.“Ngunit, Archmaster--”“Huwag kang sumabat, Caya. Hindi ko tinatanong ang iyong opinyon,” naiiritang asik ni Archmaster sa aking katabi.Kinurot ko siya sa kaniyang braso at binigyan ng tingin na nagsasabing, “Huwag ka na kasing magsalita pa”. Napatahimik naman siya at saka sumiksik sa aking tabi.“Wala man lang bang umawat sa tatlong ugok na ito bago pa sumiklab ang kanilang pagtatalo?” usisa sa amin ni Archmaster.Kulang na lamang ay umusok ang kaniyang ilong dahil sa pagkainis sa amin. Naglakas-loob naman akong sagutin ang kaniyang ka
Binilisan ko ang pagtakbo dahil medyo malayo na ang agwat sa akin ni Caya. Naka-siyam na ikot na kami at isang ikot na lamang sa field, malalaman na namin kung sino ang nagwagi sa aming dalawa. Hindi ako magpapatalo sa kaniya.“Caya, malapit na ako. Humanda ka dahil hindi ako papayag na matalo mo ako ngayong araw!” sigaw ko sa kaniya at saka dinoble ang bilis ng aking pagtakbo, kahit pa may nakatali sa aking bloke ng bakal.“Hahaha! Siguraduhin mo lang dahil--”Naputol ang kaniyang sinasabi sa akin dahil bigla na lamang siyang nadapa. Hindi niya kasi tinitingnan ang kaniyang dinaraanan, at lumingon sa akin habang tumatakbo. Pagkakataon ko na ito para maunahan siya sa karera.“Mauuna na ako, Cay! Magkita na lamang tayo sa finish line,” hayag ko sa kaniya at saka nilampasan na ang babae. Hinihipan niya ang kaniyang sugat sa tuhod dahil siguro sa hapdi.“Bruha ka! Huwag mo akong unahan. Hindi
Sabay-sabay sa ginagawang pag-atake sina Raid, Glade, Nicanor at Niklais sa pinakalider ng mga demonyong sumalakay sa Academy. Ipinaubaya na nila sa amin ang ibang mga kalaban, na walang tigil na nagsisidatingan, kahit pa nasa Floral World na kami. Paano nila nagawang matunton ang mundong ito?“Celestial Magic: Knights of the Queen!” sigaw ko at saka itinuro ang aking setro sa gawi ng mga mababang uri ng demonyo. Lumitaw ang maraming kabalyerong sakay ng mga pegasus at saka umatake sa mga kalaban.“Celestial Magic: Showering Arrows!” pag-cast naman ni Caya ng spell, at walang tigil sa pagbagsak ang daan-daang palasong nagmumula sa magic circle na nasa itaas ng mga kalaban.“Recreation Magic: Showering Knights of the Queen,” kalmadong sambit ni Acanta, at saka nagawa niyang paghaluin ang mga spell namin ni Caya.Pulutong ng mga kabalyerong may hawak na pana ang lumabas mula sa kaniyang mga magic circle,
Napabaling ang atensiyon namin kay Archmaster, na bigla na lamang lumitaw sa harapan naming lahat.“Good job, everyone. Hindi ko napanood ang inyong laban kanina, dahil abala ako sa paglilipat ng mga estudyante sa ligtas na lugar. Ngunit, alam kong ginawa niyo ang lahat nang makakaya niyo para protektahan ang Caelum Academy,” bungad niyang pagbati sa amin, at saka nginitian kaming lahat.Tumango naman sa kaniya ang ilan sa amin. Mahina akong napabuga ng hangin mula sa aking ilong. Mukhang tapos na ang laban. Salamat naman. Makakahinga na ako nang maluwag.“Archmaster Leonard, ano nang gagawin natin sa kaniya?” tanong ni Almirah, habang nakaturo ang kaniyang daliri sa kalabang nakalutang pa rin sa itaas at naghuhumiyaw dahil sa paghihirap na nararanasan pa rin hanggang sa ngayon.“Aaahhh! Aaahhh! Aaahhh!” walang hanggang daing ng aming kalaban dahil sa
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang malaking pintong gawa sa kahoy. Ito ang pinto ng opisina ni Archmaster. Ako lang ang mag-isang pumunta rito. Hindi ko pinaalam kina Caya at Suzaine ang pupuntahan ko.Mahigit isang buwan na ako dito sa Academy kaya medyo kabisado ko na ang mga pasikot-sikot dito. Nagpunta ako dito dahil may mga bagay na gusto kong malaman mula kay Archmaster. Gusto kong maliwanagan.Huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Tatlong beses kong pinatunog ang pinto gamit ang aking nakakuyom na kamay. Walang tumugon sa aking pagkatok, ngunit may mga boses akong naririnig na nag-uusap sa loob.Mukhang ang mga tinig ay nagmumula kay Archmaster Leonard at Archmistress Demia. May mahalaga yata silang pinag-uusapan. Baka makakaabala lang ako. Sa ibang araw na lang siguro.Napabuntong hininga na lamang ako. Ngunit ilang segundo lang, pinayagan ako ni Archmaster na pumasok sa loob. Mabuti na lamang at hindi agad ako umalis.
Humarap sa akin si Deborah at hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Napaawang na lamang ang aking bibig dahil sa labis na pagkagulat. Bigla niya akong dinamba ng yakap at saka umiyak sa aking balikat.“Ate Ash!” malungkot niyang sambit, at saka impit siyang napahikbi.“Debbie,” mahinang bulong ko.Nagsimulang mangilid ang aking mga luha hanggang sa hindi ko na napigilang tumulo ang mga ito. Na-miss ko 'to. Na-miss ko ang kaniyang mga yakap noong mga bata pa lamang kami. Na-miss ko ang batang Deborah na sobrang higpit ng yakap sa akin tuwing may mga kulog at kidlat.“Ate Ash...” muling pagtawag niya sa aking pangalan, at tila may gusto siyang sabihin na hindi niya maituloy-tuloy.“Ssshhh, huwag kang mag-aalala. Nandito na ang iyong Ate. Hindi na ako mawawala,” pagpapatahan ko sa kaniya, habang hinahagod-hagod ang kaniyang ulo.“Ate, patawarin mo ako!&rd
Napaigtad kaming pareho ni Deborah sa aming kinaroroonan nang biglang dumilim ang kalangitan. Sinakop ng itim na ulap ang itaas Academy. Isang malaking itim na tore ang bumaba mula sa langit.Napapalibutan ito ng mga nasusunog na tinik at baging. Sa isang kisapmata lamang, nasira ang mga barrier na pumoprotekta sa Academy. Isa-isang kumalas ang mga baging mula sa pagkakapit sa pader ng tore at walang habas na hinagupit ang mga gusali ng paaralan. Mabilis na nagiba at gumuho ang mga ito habang nasusunog ang mga parte.Nagsilabasan ang lahat ng estudyanteng nasa loob ng kanilang silid-aralan at maging ang mga salamangkerong naninirahan dito sa Academy. Nabalot ng sigawan at tili ang buong lugar. Biglang sumiklab ang nagngangalit na apoy sa mga pader.Napasinghap ako ng hangin dahil sa sobrang takot na namamayani sa akin ngayon. Bakas na bakas din kay Deborah ang labis na pagkaalarma. Nahuhuli ko siyang napapalunok ng kaniyang sariling laway habang pina