Share

Chapter 17

Nadia's Point Of View

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tawag ni Jala. Sinabi niyang mag ayos na kami ng aming mga sarili, narinig niya raw kay Ethel na masyadong maraming gagawin ngayon.

Kaya naman alas singko palang ng umaga ay ligo na ako at nag hihintay na lang tawagin. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok, ayoko sanang itali ito dahil basa pa ngunit makakaabala ito sa pag tratrabaho ko kaya sa huli ay tinali ko na lang ito.

Si Jala naman ay naka ayos na rin at tulad ko ay nag hihintay na lang din tawagin. Isang katok ang narinig namin mula sa pintuan kaya nag mamadali kaming lumapit doon at binuksan ito.

Si Ethel ang nakita namin.

"Good morning, punta na kayong dalawa sa kusina." Ngumiti siya sa amin.

Pag katapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin siya para sabihan din ang ibang mga katulong. Lumabas na kaming dalawa ni Jala, nakita rin naman si Karen na palabas din ng kanyang kwarto kaya sabay na kaming tatlo na pumunta sa kusina.

"Kamusta naman ang naging bakasyon mo, Karen?"
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status