KABANATA 3.1
NANG mag-aya siyang mag-order ulit, halos hindi maipinta ang naging itsura ni Keegan. Hindi niya tuloy naiwasan ang bahagyang matawa sapagkat ang asim nitong tignan. Animo’y mauubusan na ng pera sa isa pang dessert na bibilhin.
“Itsura mo naman. ‘Kala ko ba, gusto mo pa ng isa pang macha cake?”
Hindi napigilan ni Lyle na matawa nang umingos ang kaibigan. Lalong lumakas ang tawa niya noong tumalim ang mga tinging ibinabato sa kanya ni Keegan. Aliw na aliw siya, paano ba naman kasi e parang pangarap ni Keegan na ipatalsik siya.
“Gusto ko nga pero mukha ba ‘kong singyaman mo, Villariza? Awit naman sa ‘yo!” Singhal nito ngunit kinukuha pa rin naman ang wallet mula sa sariling bulsa, “hoy, ‘di ba may lunch set? Magkano ‘yon? Nakakatakam tignan.”
Halos hindi na makahinga si Lyle kakatawa nang magtanong pa ito tungkol sa lunch set. “Tignan mo ‘tong isang ‘to. Nagagalit kang inaaya kitang mag-order pero nagtatanong ka tungkol sa lunch set? ‘Yong to
CHAPTER 3.2Kung hindi ba naman magulo ang set up nila. Magkakakrus ang mga magkakausap at bilang malalakas ang boses nila, dama ni Lyle na nakakaistorbo na sila ng ibang customer. Nevertheless, he cannot help it but to watch Gian chuckle nervously and scoot away from him. Gusto niya sanang sabihing ayos lang na mapalapit ang distansya nila ngunit mukhang hindi ito kumportable sa kanya.After he gave him coffee latte, though? No, kidding.Mukhang si Zamiel lang yata ang napagod sa set-up nila sapagkat napahilamos ito ng mukha, napailing, at saka marahas na bumuntong hininga.“Can’t we go yet? We’ve been standing here like idiots and Ridge, you’re disturbing customers,” tuluy-tuloy nitong sabi at saka sila tinapunan ng matalim na tingin.“Oh?” Pinasadahan ni Ridge ng tingin si Keegan at Lyle. “Upung-upo na yata ‘yong mahal na prinsipe, sa susunod na lang ulit. See you both, Corgi, Lyle.”Noong magpaalam si Ridge, sumunod si Gian ngunit tanging pagt
CHAPTER 3.3Lumipas ang mga oras magkakasama silang tatlo. Hindi na rin niya napansin ang pag-alis nina Lyle at ng kaibigan nito ngunit… sino ba siya para alamin pa ang bagay na wala namang halaga sa kanya?Matapos nilang mag-bonding, nagpaalam na ang mga kaibigang aalis. Nag-aalala kasi si Zamiel nang magsabi si Ridge na inaantok na ito. Ayaw na ayaw pa naman ng binatang ganito si Ridge dahil halos kagagaling lang pala nito sa trabaho nang mag-ayang bisitahin siya.“I told you. I freaking told you that we should’ve saved this visit for tomorrow but you lack common sense. Bwisit,” panenermon ni Zamiel.Nakangiwi silang nakikinig ni Ridge dahil hindi na naman ito titigil na tumalak hanggang mamaya. Posibleng umabot pa nga kamo ng oras ang inis nito—sana na lamang e magaling manuyo si Ridge dahil paniguradong wantusawa itong makikinig sa bunganga ni Zamiel na takbo ng takbo.Dinaig na nito ang nanay ni Ridge! Ngunit ngayong inoobserbahan niya ang dalawa,
CHAPTER 4.1Natigilan ang binata—who turns out to be the one and only, Ridge—mula sa pananalita nang mapansing magkasama pala sila ni Keegan.Moreover, he looked stunning in his jet black t-shirt. It complimented his raven hair and dark eyes. Mas nadepina rin ng suot nitong t-shirt ang makisig na katawan ni Ridge. At bagamat pawisan, pinupunasan nito ang mga kumakawalang butil ng pawis sa noo, mukha, at leeg gamit ang baong bimpo.Tumaas ang gilid ng mga labi ni binata noong makita nito ang hawak na kapirasong papel.Mahina itong humimig. “Ano ‘yan? Love letter ba ‘yan para kay Keegan, Lyle?”Napaatras siya noong mapansing naglalakad palapit si Ridge sa kanya upang silipin ang papel na hawak. Lalo lang lumawak ang mga ngisi nito nang mag-react si Keegan.“Sira ulo ka talaga! Love letter, nakasulat sa pipitsuging papel? Ikaw lang nakakatanggap ng gano’n!” Singhal nito sa binata at akmang hihilain sana ito palayo kay Lyle kung hindi lamang nakaiwas
CHAPTER 4.2NABIGLA si Lyle sa tanong ni Gian. Lalo na noong maging ang tono ng pananalita nito, kaswal at walang bahid ng kahit anong hiya. Marahil lahat, dala nang hindi siya nito makilala. Though, he also supposed that Gian was trying to recognize him he had been squinting his eyes since earlier. It may also be because Gian knows his voice. Ibahin na kaya niya ang tono para tumagal ang usapan nila.“O-oo, nag-eenjoy ako,” he stammered. Lyle was surprised when his tongue seemed to tie itself, but he immediately cleared his throat to gather his composure, “maganda ang ambiance ng café mo, nakakakalma.”Iginilid ni Lyle ang ulo upang makita ang kabuuan ng café. Gustung-gusto niya talaga na maaliwalas at maluwang ang lugar. Hindi rin naman sobrang magarbo ang disenyo, kulay kape ang mga dingding at may malalaking ceiling fan. Ngunit hindi iyon gumagawa ng malakas na ingay sapagkat mabagal ang takbo noon. Ang ventilation kasi, galing talaga sa mga aircon. Idinagdag l
CHAPTER 5.1NASA kalagitnaan na noon ng pagbabayad ng salamin si Gian nang marinig na bumukas ang pinto kung saan naglalagi si Dr. Gaviola. Suot nito ang tipikal na puting lab coat. Sa pang-ilalim, nakaasul itong long sleeves, itim na pantalon, at loafers. Naglalakad ito patungo kay Leon ngunit kaagad na napansin ng isa ang presensya nito bagamat hindi narinig ang pagbukas ng pinto sa opisina nito. Ang iniaakto ng binata, animo'y naramdaman talaga nito si Dr Gaviola na palapit.“Ano ba 'yan, ang ingay mo Leon, dinig na dinig kita hanggang sa loob ng opisina ko,” puna ng doktor sa kaibigan niya bago nginisian ang binata.Naibaling ni Gian ang mga mata sa kinaroroonan ng mga ito habang nagbabayad. Inaalam kung ano ang mga nangyayari sapagkat naguluhan siya. Hindi niya mapigilan, e. Ang akala niya, ayaw niya lang dito sa loob ng klinika dahil sa atmospera pero mukhang… magkakilala pala sila.Sumagitsit si Leon. Animo’y pusa na ayaw m
CHAPTER 5.2“Gano’n ba. Edi…” Tumigil sandali si Lyle sa pananalita at napahawak sa sariling batok. Tila ba minamasahe iyon. “…um, may kasama ka ba, Gian?”Namutla siya at nag-isang linya ang mga labi. Hindi malaman ang sasabihin, pakiramdam ni Gian ay bigla siyang napipi.“H-ha? W-wala.”Ipinukol ni Gian ang buong atensyon kay Lyle at kinuha iyong oportunidad upang mas obserbahan ng malapitan ang binata.Maputi ito ngunit hindi naman kasing puti niya. Palagay niya, mas malapit ang kulay nito si Zachariel. Matangkad din ito, ngunit hindi naman lalampas sa tungki ng ilong ni Gian, iyon ang ipinagpalagay niya. Matangos ang ilong at may kakapalan ang mga labi. Ngunit hindi pangit sa binata ang ganoong mga labi! Namamangha nga siya dahil nadedepina nito kung gaano iyon kapula—meh. Masarap halikan, oo.Natigilan siya sa pag-iisip at napakurap-kurap. Ano ba iyon?! Biglang lumitaw lang s
KABANATA 5.3DAMANG-dama ni Gian ang bilis ng bawat pintig ng puso niya noong manatili lamang ang mga mata ni Lyle sa kanya. Ilang beses siyang napalunok, dumating na sa puntong hindi kinaya ang intensidad ng pagkakatitig nito kung kaya naman nag-iwas na ng tingin. Paano ba naman kasi, animo’y may hinahanap din si Lyle sa sariling mga mata niya. Umawang ang labi nito nang marinig ang tanong niya, tanda na hindi nito inasahan ang katanungang lumabas mula sa bibig niya. Kahit naman siya, hindi rin inaasahang ganoon ang itatanong ngunit dala ng kuryosidad sa panay nitong pag-aangat ng bangko para kay Ridge, hindi niya napigilan ang sariling bibig.Kasama talaga ito sa tanga moments niya.Kinabahan si Gian nang tuluyan nang mamutawi ang katahimikan sa pagitan nila ni Lyle. Tila ba nilamon na sila ng nakabibinging kawalan. Ilang beses siyang napalunok at inilibot ang mga mata huwag lang magtama ang paningin nila ng binata. Napapaisip na rin siya kung ano ba ang magan
CHAPTER 6.1Napatalon si Gian noong may bumusina sa likuran niya. Halos mapakapit pa siya kay Zachariel kung hindi lang siya tinawanan nito at pabirong itinulak. Nang lumingon siya, nabigla siya nang makita si Lyle na naka-motor. Kung kanina, iba na ang awra nito dahil sa suot na mga damit. Ngayon, lalo pang nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid ng binata! Mas malakas ang dating at maangas...Ngumiti ang mga mata nito sa kanya sa kabila ng suot na helmet, awtomatiko rin siyang napangiti. Iyon lang, at nilagpasan na sila ni Lyle para tumungo na sa labasan ng SM.“Nyay! ‘Kala ko ba walang date na nangyari, ba’t may pagano’n na?!” Mapang-asar na sigaw ni Zachariel noong wala na si Lyle sa mga paningin niya. “Kayong dalawa, a! May pangiti-ngitian na!”Nilingon niya ang kaibigan at saka niya ito siniko sa tiyan. Napahalakhak naman ang isa at napahawak din sa parteng tinamaan niya kahit hindi nasasaktan.“Gian, a. Ano na, kinuha mo rin ba numero no’n? Te