Itinaas nito ang kaliwang kamay niya at bahagyang itinuro ako no'ng mapagtantong ako nga ang kaharap niya ngayon at naglabas siya ng isang nakakatakot na ngiti.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya at ibinaba na ang kamay nito na nakaturo sakin at muling ipinatong sa kabilang balikat ko.
Agad naman akong napa iwas ng tingin at pilit sinasabi sa utak ko na sana panaginip lang 'to at hindi talaga kami nagkita ngayon dito.
"Woi!" tawag niya ngunit 'di ko siya pinansin. Tanging sa Videoke lang ako nakatingin at pinagmamasdan ang kung ano mang lumalabas dito.
Batid kong nakatingin siya sakin at hinihintay ang sagot ko sa tanong niyang 'yon ngunit nagpapanggap lamang ako na hindi ko 'yon narinig.
Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sakin sa magkabilang balikat ko at muling inulit ang tanong niya kanina.
"Anong ginagawa mo dito?" pag uulit nito.
Kagat labi akong napapikit habang nag iisip ng pwedeng isagot sakanya na kung saan ang sagot na 'yon ay agad na paniniwalaan niya.
Ngunit bago pa man ako makaisip ay naunahan na niya ako.
"Nag t-trabaho ka rito?" tanong niya na may halong pandidiri sa boses nito.
Gulat ko siyang tiningnan at walang ano ano'y agad na tinanggal ko ang mga kamay nito sa magkabilang balikat ko dahil sa takot. Takot dahil nalaman niya at possible rin na baka ipagkalat niya ang tungkol sa trabaho ko.
Ayokong madaig niya ako dahil lang sa nalaman niya na nag t-trabaho ako rito dahil sa wala akong pera at mahirap lang ako. Hangga't may pagkakataon, gagawan ko ng paraan para malusutan 'to.
Itinaas ko ang ulo ko at bahagya ko siyang nilingon na tila hinahamon ng away. Nakataas kulay siyang nakatitig sakin na tila tinatanong ako kung anong gagawin ko.
"Close ba tayo?" Mataray kong sabi. "Hindi naman diba? Kaya bakit ko kakausapin ang isang taong hindi ko naman kaano-ano." dagdag ko pa.
"Ah!" Patango-tango nitong sabi,"kung gano'n nag t-trabaho ka nga rito. Ganito na lang, hindi mo naman sinagot 'yong tanong kong 'yon hindi ba. Iibahin ko na lang ang tanong."
Hindi ko alam kung bakit ba pinipilit ako ng lalakeng 'to na sagutin ang mga katanungan niya. Sino ba siya para sagutin ko ang mga gusto niyang itanong. Ano at sino ba siya sa tingin niya. Nakakainis!
"Busy pa ako. Oras ng trabaho ko 'to kaya wala akong oras para makipag usap sa isang customer." tinalikuran ko siya at nagsimulang magalakad palabas.
Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng pinto ay napatigil ako dahil bigla siyang nagsalita ulit dahilan ng pagbilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
"Itatanong ko na lang kung bakit ka nag t-trabaho," seryoso nitong sabi.
Gusto kong tumakbo para matakasan 'tong mga tanong niya pero kahit 'yon ay hindi man lang gumawang umandar nitong mga tuhod ko.
Para lang akong nanigas hanggang sa naramdaman kong papalapit siya sakin.Hay ano ba 'yan, nakakainis!
Natural para mag ka pera. Alangan naman nag trabaho lang ako rito for nothing diba?
No'ng maramdaman kong nasa likod ko na siya ay napapikit ako.
Nakakatakot talaga ang isang 'to. Pag Ito lagi makakabangga ko mas pipiliin ko na lang lamunin ako ng lupa."Obvious naman na pera ang habol mo. Pero bakit nga ba?"sabi niya na may nakakatakot na boses. "Bakit nga ba kailangan ng pera ng isang katulad mo na nag aaral sa isang magandang University na kung saan mga mayayaman lang ang pwedeng makapasok do'n." Itinapik niya ang kamay niya sa ulo ko, "Unless kung family mo ang may ari nitong Videoke bar na'to."
Sa totoo lang, gusto ko na siyang sapakin. Nakaka irita na eh.
Pero ano naman ang laban ko sakanya, eh ang liit liit ko.Pag 'di ko naman sinagot ang lokong 'to, alam kong 'di ako tatantanan nito.Kaya mas okay kung sagutin na lang siya.
Bahala na!
Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga at binawi ang kamay nito sa ulo ko at nilingon siya.
Binigyan ko siya ng isang napaka seryosong mukha para naman paniwalaan agad niya ang sasabihin ko.
"Kasi..." naputol kong sabi.
"Kasi ano?"
Napatingin ako sa labas ng pinto. May customer na babaeng dumaan at sumilaw sakin 'yong mamahalin niyang bag na kulay brown. Kaya naman nagkaroon ako ng ideya bigla.
"Gusto kong bumili ng bag."
Kumunot 'yong noo nito at biglang na badtrip ang mukha na tila hindi 'yon ang inaasahan niyang sasabihin ko.
Well, sorry na lang siya. Magaling akong mag palusot eh.
"Seriously?" ani niya. "Nag t-trabaho ka para lang bumili ng bag? Are you kidding me?"
"Oo. Anong masama do'n?" sagot ko
Biglang nagbago ang mukha nito na tila may naisip na isa pang bagay na pwedeng makapag pabuking sakin.
Nag labas siya ng isang nakakatakot na ngiti bago mag salita."Isang babaeng nag t-trabaho para lang bumili ng mamahaling bag. Bakit ko pa kailangan mag trabaho kung mayaman ka na? kaya mo namang bumili ng bag gamit ang perang binibigay sayo ng mga magulang mo? Unless kung hindi talaga kayo mayaman."
Nakaramdam ako ng galit sa loob ko dahil sa sinabi niya. Pinigilan ko lang 'yon gamit ang pag sara ng kamao ko.
Anong masama kung nag t-trabaho ang isang tao para magkaroon ng pera?
Bakit, ang mga mayayaman ba hindi nag t-trabaho? San ba nila nakukuha ang pera nila? Sa pag t-trabaho hindi ba?Hindi ka aasenso kung hindi ka mag t-trabaho. Hindi ka magkakaroon ng kahit piso kung ta-tambay ka lang.Kaya walang masamang mag trabaho.Matalim ko siyang tiningnan saka bumitaw ng salita.
"Anong masama kung pag ta-trabahuhan ko ang bagay na gusto kong makuha? Ibahin mo'ko, kasi hindi ako katulad niyo na umaasa lang sa pera ng mga magulang niyo para lang mabili ang gusto niyo!" sigaw ko. "Hindi ako palamunin katulad niyo, kaya tigilan mo'ko." dagdag ko pa.
Nakita ko siyang napa tulala sa sinabi ko. And it takes time bago siya natauhan. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya no'ng mga oras na nakatulala lang siya.
Pero kung ano man 'yon, hindi ko na problema pa 'yon.
Kung magkaroon man siya ng ideya na nagta-trabaho lang ako para magka pera dahil mahirap lang ako, ngayon pa lang kailangan mag handa na ako dahil katapusan ko na.Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hinigit ang braso ko at kinorner ako sa pinto.
Hindi ko alam kung ano ang balak ng lalakeng 'to at basta basta na lang akong sinandal do'n sa pinto na 'yon na tila ayaw pakawalan.
Dahil sa ginawa niyang 'yon ay mas lalo pa akong na galit kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya ng dis oras. Agad naman siyang napahawak do'n sa pisngi niya kung saang banda ko siya nasampal dahil sa sobrang lakas ng pagka sampal ko sakanya dahilan para mamula ito.
Saktong nando'n na ang manager ko no'ng mga oras na 'yon at nakita niya kung paano ko nasampal si Wesley.
Mabilis siyang lumapit samin ni Wesley at napatakip ito ng bibig dahil sa gulat at hindi makapaniwalang naka sampal ako ng customer dito.
Agad naman niyang tinanong si Wesley kung okay lang ba ito na kung makapag alala akala mo naman Boss 'yong nasamapal ko.Hindi ko alam kung bakit ang Over acting ng manager namin. Sinampal ko lang naman ang isang bastos at walang modong customer na 'to at malayo 'yon sa bituka at kung makapag asta itong manager namin ay para bang any moment babawian si Wesley ng buhay.
Hays nakakaloka.
Siguro kasi may itsura 'tong si Wesley at mukhang may crush sakanya 'yong manager kaya gano'n na lang siya kung makapag react.
Iba talaga kapag may itsura.
Magka salubong ang kilay akong tiningnan ng Manager namin na kung sa huhulaan ko lang ay katapusan ko na sa trabaho.
"Why did you do that Miss Santiago?!" sigaw nito sa mismong pagmumukha ko. " I saw what you did to Mr. Clemente!" dagdag pa niya.
Tiningnan ko si Wesley na nakahawak pa rin do'n sa pisngi niya.
Masyado sigurong masakit 'yong pagka sampal ko. Nakukunsensya tuloy ako.Muli akong napatitig sa Manager namin at nag sorry."Sorry po." saad ko.
"Pang ilang beses na kitang pinag sabihan pero nag mamatigas ka pa rin!" galit na sabi ng Manager ko. "Abay kung magkakaganito ka lagi, mas mabuti kung tatanggalin ka na lang sa trabaho mo."
Nanalalaki ang mga mata ko sa sinabi ng Manager ko. Expected ko naman na sasabihin niya 'to pero hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon dahil kailangan na kailangan ko ng pera.
"Miss, sorry po. Di ko na po uulitin—"
"No, Miss Santiago." Pa iling iling nitong sabi at nakikita ko sa mukha nito na desidido na siya sa sinabi niya. "You need to pack your things now!" dagdag pa niya.
Napa yuko ako dahil unti unting naiipon ang luha ko sa mga mata ko at saglit na lang ay mukhang tutulo na ang mga ito.
"No," singit nitong si Wesley. "Wag mo siyang pa aalisin."
Ayan! Tama lang 'yan. Ipagtanggol mo'ko dahil kasalanan mo naman talaga.
Tanging sa sahig lamang ako nakatingin dahil hindi ko na kayang tumingin pa sa mga mata nila.
Bahala na sila."But Mr. Clemente, hindi na pwede siyang mag tagal dito. Kung normal na costumer ka lang ay ma pag bibigyan ko pa 'yan, pero dahil sumusobra na 'yang babaeng 'yan, dapat na siyang tanggalin dito." galit na sabi ng Manager ko.
"You can't do that to her. Hayaan mo siyang mag trabaho rito hangga't gusto niya."
Wow ah! Nakakabilib naman ang isang 'to. Kung makapag salita siya akala mo naman siya 'yong may ari.
"No Mr. Clemente—" naputol 'yong sasabihin ng Manager dahil bigla ulit sumingit si Wesley.
"I'm the son of the Owner of this Bar. Kaya ayaw at sa gusto mo, ako pa rin ang masusunod." seryosong sabi nito sa Manager
Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko. Agad akong napa angat ng tingin at deretchong tumama 'yon sakanya. Mga tingin na tinatanong siya kung tama ba ang narinig ko.
Anak siya ng may ari nitong Bar?
Kelan pa?
"Totoo ba ang narinig ko? Anak ka ng may ari ng bar na'to?" hindi makapaniwalang tanong ko sakanya at agad naman siyang sumagot.
"Oo." sagot niya
Hindi ako makapaniwala!
Papano siya naging anak nang may ari nitong Videoke bar na'to?!
Napa isip ako bigla,
Clemente ang apelyido ni Wesley at gano'n din nang Boss ko.
Possible ngang anak siya nang may ari nitong Videoke bar.At sinabi samin no'ng nakaraan na aalis muna ang boss namin dahil may aasikasuhin siyang Resort sa ibang lugar at may papalit daw muna sa kanya. At 'yon 'yong anak niya.
Kung gano'n, si Wesley nga 'yon. Siya na ang magiging boss ko at nagawa ko siyang sampalin nang gano'n gano'n lang.
Nakukunsensya ako sa ginawa ko at lalong lalo na naaawa ako sa sarili ko. Sino ba namang hindi maaawa sa kanyang sarili dahil matatanggal na siya sa trabaho?
Ang malas mo Callie!
"I'm sorry Mr. Clemente." sabi ng Manager ko kay Wesley at agad ibinaling ang mga tingin sakin, "Pero hindi matututo ang babaeng 'yan kapag binigyan pa natin siya ng isa pang pagkakataon."
Napatingin sakin si Wesley. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa.
Napayuko ako, ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang kinakaawaan ako.
Hindi ako sanay, dahil siguro nasanay na ako na walang may pake sakin ang lahat.Ayokong kaawaan ako ng taong 'to.
Kaaway ang turing niya sakin at hindi ako sanay na nakikita ang mukha niya ngayon na awang awa sakin.Inangat ko ang ulo ko, "Kung 'yon po ang gusto niyo," tumango ako saka pilit na ngumiti. "Aalis na lang po ako." sambit ko. "Maraming Salamat po sa lahat at sa pag tanggap sakin dito." dagdag ko pa bago tumalikod sakanila at tuluyang umalis.
Nagpunta ako sa locker ko at kinuha lahat ng mga gamit kong iniwan do'n.
Sa halos dalawang taon ko dito sa Bar na 'to, 'di ko akalain na matatanggal ako ngayong araw.Ito ang trabaho ko na naging buhay ko na rin.Nangilid ang mga luha ko sa pisngi ko habang naglalakad ako palabas ng Videoke Bar na 'yon dala dala ang isang bag.
Wala na akong trabaho simula bukas. Hindi na ako makababalik pa sa lugar na 'to tuwing matatapos ang klase ko.
Nakakapagod mag trabaho ngunit nakaka miss din pala kapag alam mong 'di kana makaka balik pa rito. Mamimiss mo 'yong Lugar at ang trabaho mo na kung saan napa mahal ka na.
Sunod sunod ko na pinunasan ang mga luha kong nanggilid habang naglalakad ako sa gitna ng kalye pa uwi.
Pag dating ko ng apartment, sumakay agad ako ng elevator papuntang unit ko at nilapag ko kaagad ang bag sa sahig at patalon akong humiga sa kama ko.
Nagtakip lang ako ng kumot buong magdamag at pinilit ang sarili na makatulog.***
Alas singko ng madaling araw no'ng gumising ako para maghanap ng trabaho since alas siyete pa naman mag sisimula 'yong klase ko. Sarado pa 'yong ibang mga shops na pwede kong pag applyan dito at sa tingin ko naman 'di pa naman sila hiring sa ngayon. Pero nadaanan ko 'yong seven eleven na palagi kong tinatambayan sa tuwing tapos ang klase ko, may naka paskil sa pinto no'n na naghahanap sila ng isa pang part timer at saktong sa gabi 'yong shift no'n kaya 'di na ako nagdalawang isip at pumasok ako sa loob para kausapin 'yong manager.
Nag pasa ako ng mga requirements na hinihingi nila at masaya naman ako dahil natanggap agad ako.
Alas siyete no'ng mag simula ang klase ko.
Masyadong terror 'yong prof namin. Dapat lahat kami maka perfect sa quiz or else makakakuha kaming lahat ng grades na tres. Buti na lang may stock knowledge pa ako. 'Yon nga lang, hindi naman kasi lahat samin naka perfect. Kaya nanghinayang kaming lahat dahil sa makakakuha kami ng grades na tres. Medyo delikado dahil baka mawalan ako ng scholarship.No'ng lunch break, 'di ko naka sabay 'yong mga kaibigan ko kasi sina Kaye at Sarah kanina pa nag lunch, si Carla naman mamaya pa matatapos ang klase niya kaya mag isa na lang akong kumain sa cafeteria.
Nagulat na lang ako no'ng may nag lapag ng tray niya sa table ko at umupo sa mismong harap ko.
Napa angat ako ng ulo para tingnan kung sino 'yon, nagulat na lang ako no'ng bumungad ang mukha niyang halos mapunit na ang mga labi nito kaka ngiti sakin na parang timang.
Hindi ko alam kung pinagtatawanan ba ako nito o may ibang ibig sabihin ang mga ngiting 'yon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tinigil ang pagkain ko.
"Makiki share ng table." sagot niya. "Bawal ba?" tanong nito sabay subo ng kanin na parang walang paki alam.
"Andaming table d'yan oh," sabi ko't napa turo pa sa mga bakanteng tables at muling napatingin sakanya na may mataray na mukha. "Bakit 'di ka na lang maupo ro'n?"
Ngumisi siya habang nginunguya 'yong kanin nito, "Dito ko gusto eh." sagot niya at muling sumubo ng kanin.
Di ko na lang siya pinansin pa at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Inisip ko na lang na kunware wala siya sa harap ko ngayon.Habang busy ako sa pagkain, napansin kong hindi na niya ginagalaw 'yong pagkain niya at tanging nakatitig na lamang siya sakin.Medyo nailang ako no'ng makita ko siyang titig na titig habang Pinagmamasdan akong kumain pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagkain ko hanggang sa matapos ako.
Nilapag ko 'yong kotsara at tinidor saka siya tinaasan ng kilay na tila tinatanong kung bakit siya nakatingin sakin.
"Ano na plano mo ngayon?" tanong niya.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Tungkol 'yon sa plano ko siguro matapos akong matanggal sa trabaho.
Tiningnan ko lang siya dahil wala naman akong masabi do'n sa tanong na 'yon at lalong lalo na wala akong balak sagutin siya.Naramdaman kong nag vibrate 'yongcellphone ko sa bulsa ko kaya naman agad kong kinuha 'yon para tiningnan kung sino 'yong nag text.Zaiden: Nag lunch kana ba?
Napa ngiti ako ng dis oras no'ng mabasa ko 'yon at agad naman nag reply.
Callie: nag lunch na, actually kakatapos lang. Ikaw?
Wala pang kalahating segundo matapos kong i-send 'yon at nag reply na agad siya.
Zaiden: Nag l-lunch pa lang. Nasa Cafeteria ka rin ba?
Pagka basa ko no'n, nilibot ko agad ang paningin ko sa buong cafeteria para hanapin siya rito.
At Boom!
Sa dulo, nakita ko siyang kumakain kasama sina Prince at ang dalawa pa nilang kasama.
Tawa sila ng tawa na tila may pinag uusapang nakaka tawa habang kumakain, ang cute niya!Hawak niya ang cellphone niya at panay ang tingin niya do'n na tila may hinihintay na reply.Medyo malayo sila sakin kaya nagagawa ko siyang pag masdan ng maigi.
At isa pa, mukhang 'di naman niya ako mahuhuling naka tingin sakanya dahil sa anggulo ko."Ehem. Baka matunaw 'yong tao."
Halos mapatalon ako sa gulat no'ng mapagtanto kong nasa tabi ko na si Wesley at nakatitig siya sa kung saan ako nakatitig. WTH! Kelan pa siya lumipat ng pwesto?!
Agad kong tinakpan 'yong cellphone ko at kabadong dinikit 'yon sa dibdib ko dahil sa kaba na baka nakita rin niya 'yong conversation namin ni Zaiden.
"K-kanina ka pa ba d'yan?!" kinakabahang tanong ko sakanya.
Ngumisi siya na tila tinutukso ako saka tumango.
"Ang bilis mo naman kumilos, parang kanina lang nasa harap kita tapos ngayon nandito ka na sa tabi ko, may teleportation power ka ba?"
Naramdaman ko ulit 'yong pag vibrate ng cellphone ko pero 'di ko na muna tiningan dahil baka sumilip pa 'yong isang 'to o 'di kaya biglang agawin sakin 'yong cellphone ko at siya pa 'yong maka basa ng text.
"O? Bakit gulat na gulat ka? May pinapanood ka ba d'yan sa cellphone mo?" pang aasar niya.
Kinuha ko 'yong bag ko at hinampas 'yon sakanya, "Umalis ka nga rito! Sino nag sabing pwede kang tumabi sakin?!" sigaw ko.
"At sino din ba nagsabi sayong 'di ako pwedeng tumabi sayo?" sagot niya at biglang kinindatan ako.
Sinamaan ko siya ng tingin saka inis na inis na pinagsabihan.
"Hoy ikaw! Umayos ka nga! Akala mo siguro kikiligin ako. Yuck! Kadiri ka. Bumalik ka do'n!" utos ko sabay turo sa kung saan siya naka upo kanina.
Napatingin siya do'n sa upuan niya kanina saka muling napatingin sakin at sumagot,
"Yes ma'am!" sabi niya at sumaludo pa sakin.
No'ng maka balik na siya do'n sa inuupuan niya, nagkibit balikat siya at nag labas ng isang nakakatakot na ngiti dahilan para kabahan ako ng tudo matapos banggitin ang salitang hindi ko inasahan sakanya.
"Zaiden pala ah." panunukso niya.
Napahawak ako lalo ng mahigpit do'n sa cellphone ko na nakadikit sa dibdib ko at napatitig kay Zaiden.
Kinakabahan ako dahil may tao nang naka alam na gusto ko siya, ayokong kumalat ang tungkol sa feelings ko sakanya. Kahit sa mga kaibigan ko mismo ay itatago ko, wag lang 'yon lumantad at kumalat na kasing bilis ng apoy.
"Kung talagang gusto mo 'yong tao, wag mong basta-basta titigan lang. Kunan mo ng picture, para 'di mawala." naka ngising sambit nito.
Nilingon ko siya, gusto ko sanang mag makaawa na wag niyang ipagkalat kaya lang nakaka badtrip ang isang 'to at hindi man lang magawang magpa kumbaba ng pride ko ngayon sa harap niya.
Pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang panahon na rin para gawin ang bagay na 'yon.
Nilapag ko sa table 'yong cellphone ko at bahagyang kinuha ang mga kamay nito dahilan para mabitawan niya 'yong hawak niyang kotsara at tinidor sa magkabilang kamay.
Kunot noo niyang akong tiningnan na tila nagulat sa ginawa kong maghawak sa magkaparehong kamay nito.
Humugot ako ng isang napakalalim na buntong hininga saka tumitig sa mga mata nito.
"Nakikiusap ako, wag mo sanang ipagsabi sa lahat na gusto ko siya." pagmamakaawa ko ngunit wala siyang kahit anong sagot do'n sa sinabi ko. Tiningnan lang niya ako na parang isang katawa tawang bagay.
Pero hindi pa rin ako nag padala ro'n. Desperada parin ako na mapapayag siyang wag sabihin ang sekreto ko.
Binigyan ko siya ng isang napakaamong mukha, nag pa cute na rin ako at nag beautiful eyes sa harap niya pero hindi parin effective.Hinigpitan ko 'yong paghawak ko sa kamay niya dahil pag hindi pa talaga siya pumayag baka dito ko mailabas lahat ng galit at inis ko sakanya.
Ngumiti ako, kahit halatang fake 'yong mga ngiti kong 'yon ay itinudo ko pa rin para mag mukhang totoo.
"Please..." dagdag ko pa.
Unti unting nagbago ang mukha nito. 'Yong mukhang walang pake kanina at kung tratuhin ako ay para akong katawa-tawa ay napalitan bigla ng liwanag ang kanyang mukha at naglabas siya ng isang napaka among ngiti na tila animoy isang anghel ang lalakeng nasa harap ko ngayon, ngunit nag mistulang si kamatayan siya nong napalitan kaagad ito ng isang nakakatakot na ngiti no'ng magsimula itong umiling iling.
"Ayoko."
Nasa library ako no'n no'ng mapagtanto kong wala 'yong cellphone ko sa bulsa ko.Napakamot ako sa ulo ko at pilit na inalala kung saan ko inilapag 'yon kanina. Para akong mababaliw. Pag hindi naisuli sakin 'yon, paniguradong 'di na ako makakabili pa ng panibagong cellphone lalo na't mamaya pa lang ako magsisimula sa bago kong trabaho sa isang convenience store. Hindi ko kakayanin pag nawala 'yon dahil hindi ko memorize 'yong cellphone number ni Zaiden. At isa pa, nando'n na lahat ng convo namin. Mahalaga sakin 'yon kaya hindi ko kayang mawala 'yon. "May problema ka ba, Callie?" tanong sakin ni Kaye saka kinuha sakin 'yong isang makapal na libro na hawak ko. "Kasi 'yong cellphone ko, nawala ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwan kanina." "Gano'n ba. Malabo nang isuli pa 'yon ng naka kita. Mas okay kung bumili ka na lang ng bago. Unless kung may mahalagang laman 'yong cellphone mo." Kung may pera lang ako hindi ako mag pa-panic ng tudo
"Bakit ba pilit pinag tatagpo ang landas namin ng lalakeng 'yon?" Kabadong tanong ko sa sarili ko. Dalawang minuto akong nag stay do'n habang inaantog-antog 'yong ulo ko do'n sa likod ng pinto. Maya maya pa ay sumilip ulit ako pero sinara ko ulit 'yong pinto ko no'ng makitang andon pa rin siya nakatayo habang nakasandal sa labas ng pinto ng isang unit na kaharap lang ng unit ko. May suot siyang headphone habang naka tutok sa cellphone niya. Sinara ko ang pinto ang muling sumandal do'n. "Ano kaya ang ginagawa niya rito?Hindi naman siguro siya nandito dahil sakin?" tanong ko sa sarili ko at napa iling bigla, "huh! Definitely not!" Pero pano kung ako talaga ang sadya niya rito?Pano kung nasundan niya ako no'ng hinatid niya ako pa uwi dati? Sinabi ko 'yong ibang address pero pano kung sinundan niya ako no'ng mga oras na 'yon? Impossible! Sinigurado kong umalis na siya no'n bago ako naglakad patungong apartment kaya impo
Naka upo ako sa bench sa may tabi ng puno habang papahangin. Well, lunch break namin ngayon pero 'di na ako nag lunch dahil tinitipid ko lang 'yong pera ko. Ala una pa naman 'yong klase ko kaya nag hanap muna ako ng lugar kung saan pwede akong mag muni-muni. At heto ako ngayon, naka upo sa bench habang naka pikit ang mga mata at pinapakiramdaman ang paligid. Naalala ko na naman 'yong nangyare no'ng isang gabi.Curious ako kung may nag tulak nga ba sakin? At kung tama ako, sino naman 'yon?Ang alam ng lahat, nahilo lang ako kaya ako nahulog. Pero hindi eh, naramdaman ko talaga na may tumulak sakin. Minulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kalawakan.Ang ganda ng kulay ng langit. Kulay asul lang at walang masyadong clouds napaka kalmado tingnan. Hindi rin mainit sakto lang at isa pa may naka harang na malaking puno sa bandang inuupuan ko kaya lalong napaka kumportable sa pakiramdam. Napatingin ako sa field, may mga naglalakad, 'yong iba naka
Naka upo kami ngayon sa isang coffee shop. Hindi pa rin tumitila ang ulan, gano'n parin katulad kanina. Iniwan muna namin 'yong payong niya sa labas para patuyuin. Napatingin ako sa kabilang table, nakita kong caffe latte 'yong iniinom ng isang babae. Napa buntong hininga na lang ako saka napa sabi sa isip na 'sana 'yan na lang ang pinabili ko sakanya.'Well, kasalanan ko naman, tahimik lang ako kanina no'ng itinanong niya sakin kung anong kape ba gusto kong inumin. Kaya heto, Caffe latte 'yong binili sakin. Well, I should be thankful kasi bilang sa daliri pa lang ako naka inom ng mga ganitong mamahaling kape. Napatingin ako kay Wesley at napa iwas din agad no'ng tumama ang paningin namin pareho.Ayan na naman siya, nakatingin na naman sakin. Kanina pa siya nakatitig lang pero hindi kami nagkikibuan. Naiilang tuloy ako. At naabutan pa niya akong nagkaganon kanina. Para akong bata na umiyak dahil na dapa at nagka sugat. Kinuha k
Pinikit ko ang mga mata ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.Kung totoong mangyare man 'to, ito ang magiging unang halik ko. Matagal. Matagal akong naka pikit habang hinihintay ang gagawin niya.At talagang hinintay ko pa?! Ang kapal! Minulat ko ang mga mata ko at basta basta ko na lang siyang sinuntok siya tiyan no'ng makita kong naka ngiti siya habang tinititigan akong naka pikit. "Baliw!" sigaw ko kasabay ng pag suntok ko sa tiyan niya. Napahawak siya do'n at mukhang napa aray pa dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Gusto kong magalit at mapikon dahil sa ginawa niya ngunit kinabahan ako no'ng napa upo ito habang napapahawak siya tiyan niya't napa aray dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Agad ko naman siyang nilapitan dahil nag alala ako na baka napalakas nga 'yong pag suntok ko sakanya. Hinawakan ko siya sa balikat at lumuhod sa harap niya, "okay ka lang?" nag aalalang tanong ko ngunit patul
Wala siyang naging reaksyon sa ginawa kong pag yakap ng mahigpit sakanya. Para nga siyang nanigas no'ng mga oras na 'yon na hindi man lang magawang gumalaw. Hindi ko nga alam kung nagagawa pa ba niyang huminga habang yakap yakap ko siya ng sobrang higpit. Naka pikit lang ako dahil sa takot at isa lang ang napansin ko no'ng mga oras na 'yon... Ang pabango niya. Ang bango ng pabango niya. Hindi ko alam kung anong pangalan ng pabango na 'yon pero pamilyar 'yong amoy no'n sakin. Para bang naamoy ko na 'yon dati pero hindi ko alam kung saan. Biglang bumukas 'yong mga ilaw at napa bitaw na lamang ako sa pag yakap ko sakanya.Do'n ko lang din napansin na nakakahiya at nakakailang pala 'yong ginawa ko. Napakamot ako sa ulo ko at tila hindi alam ang gagawin.Napatingin ako sakanya pero umiwas agad siya ng tingin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoong nakikita kong namumula ang mukha nito. Hindi pa ako nakakita ng lalakeng nag b-b
2 hours later. Habang naglalakad ako patungo sa unit ko ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa pinaghalong saya at kilig na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang umamin din siya na may gusto siya sakin. Grabe! Hanggang ngayon tandang tanda ko pa ang mga sinabi niya kanina. Tanda ko pa kung papano niya banggitin ang salitang 'GUSTO DIN KITA' hindi talaga ako makapaniwalang sinabi niya 'yon kanina. Akala ko kanina nag ha-hallucinate lang ako, hindi pala. Totoong umamin siya sakin at pareho kami ng nararamdaman. Hindi ako makapaniwalang mangyayare 'to. Buong buhay ko, akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganitong klase ng saya. Sabi na nga ba, Impossible things can be possible. Lahat ng bagay ay may kabaliktaran. There's no permanent things in this world. Kaya ang isang impossible ay pwede rin maging possible. No'ng nasa harap na ako ng unit ko ay biglang bumukas 'yong pinto ng unit ni Wesley at
Napatingin ako sa loob ng kotse para hanapin si Wesley pero mukhang wala naman siya sa loob kaya naman iginala ko ang paningin ko sa buong paligid dahil nagbabakasakali akong nandito lang siya. Hindi naman niya ako ite-text kung wala siya rito. Muli akong napatingin sa text message niya. Pinapasakay niya ako sa kotseng 'to? Ibig ba niyang sabihin mag papanggap ako na kotse ko 'to? Napatingin ako kay Manong driver na kanina pa ako hinihintay na sumakay. Lumabas na rin siya para pag buksan ako kaya naman napatingin ako kay Zaiden. Ayoko sanang gawin 'to pero wala na kasi akong maisip na dahilan. "Uhm. Kailangan ko na mauna, nandito na kasi ang sundo ko." pagsisinungaling ko. Tiningnan ni Zaiden 'yong driver ng maigi. Kinabahan ako dahil baka kilala pala niya 'tong driver ni Wesley at baka mabisto pa niya ako.Muli siyang napatingin sakin at nawala 'yong kaba ko no'ng ngumiti siya. "Okay sige. Mag ingat ka." sabi niya.