Aside sa company ni Abuela, hilig ko rin ang mga paintings. And masasabi ko na isa sa hobby ko ang pagpipinta. Kapag stress ako ay brush ang hawak ko instead na alak. I can't explain but it feels like heaven every time na kinukumpas ko ang kamay habang hawak ang brush. Dito ako nakahanap ng kakampi. I express myself through painting. Landscape painting to be exact. I love to paint nature. Mountains, trees, plants, flowers and many more. Kaya naman ng inalok ng isang kaibigan ang exhibit na ito, I don't have a second thought at binili ko agad. Plan ko kasing i-display rito ang lahat ng mga naguhit ko.At sa sobrang busy ko sa company ay ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon upang bisitahin ulit ito. Nag-iisip pa kasi ako ng mga ipapa-renovate ko sa lugar. Medyo old na rin kasi ito. Like today, bigla na lang nawalan ng kuryente. And today sana ang last day upang bisitahin ng mga tao ang exhibit. But mukhang memorable pa yata ang huling pagbubukas nito.Dahan-dahan akong tumayo at
Hays! Inis na inis akong bumangon sa higaan dahil hindi ako makatulog. Ilang oras na akong nakapikit ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Sumakit na ang pwet ko, maging ang likod ko ay mahapdi na rin sa pagkakahiga. Kanina ko pa rin pinipilit makatulog dahil pagod na pagod ako ngayong araw.Bakit ba lumilitaw sa utak ko ang kumag na 'yon? Kahit anong pikit ang gawin ko ay mukha niyang pangit pa rin ang nakikita ko? "Mangkukulam ba siya?" naibulalas ko pa habang naglalakad papunta sa mesa upang uminom ng tubig. Baka sakaling makatulong ang tubig upang lunurin siya sa isip ko. Kahit pagod na pagod ako kanina sa paghahanap ng ibang raket ay hindi ko pa rin magawang makatulog nang mabilis ngayon. Ano ba naman buhay ito? Bakit kasi nakita ko pa ang pagmumukha ng hambog na 'yon? Kaya siguro ako inis na inis dahil hindi ko man lang siya nasapak kahit isa sa mukha! Hindi ko man lang siya nagawang gantihan.Naawa kasi ako kay Manong driver kasi baka siya ang pagalitan ni kumag kapag hin
Tulala ako habang nagkakape nang magising ako kinabukasan. Halos hindi kasi ako pinatulog ng bangungot ko kagabi. First time ko yatang kinabahan ng sobra-sobra sa buong buhay ko. Akala ko talaga ay totoo ang lahat ng mga nangyari sa akin at kay kumag. Mabuti na rin at tumawag si Vienna kasi baka tuluyan na akong hindi nagising mula sa masamang bangungot kasama ang lalaking 'yon!Parang may mahika kasi ang damuho na 'yon. Kaya ka niyang kulamin, agad-agad.Bwisit talaga ang lalaking 'yon! Pati sa panaginip ko ay may pagnanasa pala sa katawan ko?! Naniniwala na akong modus lang niya ang patay-ilaw sa exhibit. So, manyak! Pero ang totoo ay gusto ka lang niyang tsansingan ang mga babae. Bastos! Lalo tuloy namuo ang matinding galit ko para sa kanya. Pero dapat ay wag ko na siyang isipin baka mamaya ay siya na naman ang laman ng panaginip ko. Pinilig ko ang aking ulo upang alisin siya sa aking isipan. At muli akong humigop ng kape. Tumayo ako saglit upang kunin ang tinapay na binili ko k
Sa dinami-dami ng tao sa mundo ay bakit siya na naman ang nakita ko? Nananadya ba ang tadhana? May galit ba siya sa akin? Ibang mukha naman sana. Bakit naman puro na lang kamalasan ang buhay mo? Ayaw ko na ngang makita ang pagmumukha ng kumag na ito ay siya at siya pa rin ang sumisira ng araw at pati na rin gabi ko.Bakit naman ngayon pa? Baka mamaya ay palpak ang maging raket ko. Malas pa naman siya sa buhay ko."Bakit ba sunod ka nang sunod sa akin, huh? Type mo ba ako, kurimaw?" wala sa loob kong tanong dahil sa inis ko sa kanya. "What? Are you crazy?" halos pasigaw niyang tanong sa akin. Lalo tuloy nanliit ang mga mata niya sa inis."Kita mo at nabibingi ka pa? Hoy, damuho ka, wag mo akong ma-crazy crazy dahil sa ating dalawa ay ikaw ang may saltik at kulang sa aruga! Alam mo ikaw, malapit na kitang sakalin at ilibing!" inis na inis kong bulalas. At medyo hininaan ko pa ang boses ko baka marinig ng bata. At ang magaling na lalaki ay hindi man lang ako tinutulungan bumangon! Kay
Nagising ako ng nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw. It's not unusual na magising ako ng ganitong oras pakiramdam ko kasi ay parang nag-iinit ang katawan ko.Kaya naman dahan-dahan akong bumangon upang pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Bago ako bumaba ay kinuha ko muna ang towel upang itapis sa ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi ko kasi nakasanayan na matulog na may damit or kahit ano. I don't know but mas komportable ako ng ganito.Habang naglalakad ay inikot-ikot pa ang leeg ko, pakiramdam ko ay ngalay na ngalay ako sa pagkakahiga kanina. Ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako sa baka sa pagod at sunod-sunod na busy schedule ko.Hindi ko na rin binuhay pa ang ilaw dahil maliwanag rin naman ang buwan.Nagtuloy ako sa kitchen. I opened the refrigerator to get bottled water. Mabilis kong inubos ang laman nito at nakaramdam ako ng ginhawa. Para akong nagising bigla. Nang isasarado ko na ang door ng refrigerator ay nagulat pa ako nang may babaeng nakatayo. Dahan-da
Namilog pa ang aking mga mata nang maramdaman ko pa ang malabot niyang pwet sa mismong mukha ko pa talaga!At maging si kurimaw ay hindi rin nagawang makapagsalita. Marahil sa gulat niya rin sa mga nangyari sa amin. Bakit naman kasi sa pwet pa? Hindi man lang sa likod niya."Waaaaaaaaahhh!" At mabilis akong tumakbo pabalik kay Vienna dahil sa kahihiyan na inabot ko. Bakit naman kasi sa pwet niya pa tumama ang mukha ko! Ang dami pa naman tao roon! Lahat ng friends niya ay nakita ang nangyari sa akin! As in lahat sila.Kulang na lang talaga ay lumubog ako sa kinatatayuan ko kanina! Pwede lang sana na lamonin rin ako ng lupa ay baka nagpalamon na lang ako. Bakit ba sa tuwing magkikita kami ng kurimaw na ito ay palaging riot. At kamalasan na lang!Inis na inis ako habang naglalakad upang magsumbong kay Vienna sa kalapastangan ni kurimaw sa akin. "Oh, bakit galit na galit ka dyan? Pati yang mukha mo ay pulang-pula rin? May nangyari ba sa'yo?" kaagad niyang usisa sa akin. "W-wala! Meron, w
Ang tagal ko bago nakahuma sa sinabi niya at talaga naman nabigla pa ako nang sobra . Nakaawang lang ang aking bibig at pilit na pinoproseso sa pagod kong utak ang sinabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali sa sinasabi ng aking utak. May tiwala ako sa kanya. Marry me, sa tagalog, pakasalan mo ako! No! I need space!Maya-maya pa ay tila natauhan na rin ako sa saglit na pagkatulala ko."Hoy, busangot! Anong marry me, marry me, ka dyan?!" singhal ko pa sa kanya. Aba! Saan ka naman nakahanap ng ganitong uri ng tao? Basta ka lang aalukin ng kasal?"Sabog ka ba, huh? Lumayas ka nga sa harapan ko. Baka hindi na ako makapagpigil sa pagmumukha mo! O baka naman nalipasan ka ng gutom?" tanong ko habang nakapamewang pa at nakatikwas ang aking malago na kilay.Hindi ko tuloy alam kung sumisinghot ba siya ng ipinagbabawal na gamot? At kung anu-anong lumabas sa bibig niya. Pati ako ay pinagtitripan pa! Kapag nga naman tinamaan ka ng magaling ay natapat pa ako sa sinto-sinto! Parang gusto ko pa na maa
Hindi ako makatulog nang gabing ito dahil sa pag-iisip sa problema ko sa probinsya namin. Nakalipas na apat na araw pero wala pa rin akong mahanap na malaking halaga na kailangan. Naghanap na rin ako ng maaaring utangan pero lahat sila ay wala rin ipahiram sa akin. Naiintindihan ko naman sila at katulad ko ay hirap din sila sa buhay. Wala na akong maisip na solusyon sa suliranin namin. Sobrang importante sa amin ng bahay at lupa na 'yon. Kaya hindi ako papayag na mawala na lang yon basta. Saka saan na lang titira ang pamilya ko kung mawawala ang bahay namin? May tatlong araw pa ako na itinakdang araw ni Sang na kailangan mabayaran ang bahay namin. Hindi ko na alam kung kanino lalapit pa. Pagod na ako, sa totoo lang. Pero laban lang!Kapag kay Cory naman ako lumapit upang umutang ay baka hanggang sa kaapo-apohan ko ay may utang sa kanya. "Lord, bigyan mo ako ng senyales kung dapat ko na bang ibenta ang aking pooh key, este puri at dangal pala," kausap ko sa kawalan. Napabuga na lang a