Baka po pwedeng paki-like po ang chapter at mag-iwan na rin ng comment. Kung may extra po kayong gems ay baka pwede pong pa-vote na rin. Salamat.
Third PersonNagising si Celina at natagpuan ang sarili niya sa tabi ni Jefferson, na mahimbing pa ring natutulog. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanila. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama dahil mahigpit pa siyang yakap ng kanyang asawa. Ayaw niya itong magising dala ng hiya sa nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.‘Ilang beses ba naming ginawa iyon para sumakit at manghina ang katawan ko?’ tanong niya sa sarili habang palabas ng kwarto ni Jefferson at dali-daling bumalik sa sariling silid.Dahil sa sakit ng katawan ay hindi pa niya kayang maglinis ng katawan, kaya minabuti niyang bumalik na lang muna sa pagtulog. Ngunit habang nakahiga, iniisip niya kung ano ang sasabihin kay Jefferson kapag nagkaharap sila mamaya lamang.Ang paghaharap nila ay nagbigay sa kanya ng kaba at alinlangan kasama na ang tanong saa kanyang isipan. Iiwan pa rin ba siya nito kahit na may nangyari na sa kanila? Dahil sa matinding pagod, hindi niya namalayang nakatulog na siya, umaasang sa pagmulat
Celina"Pagod ka ba?" tanong ng tinig ng lalaking hindi ko nakalimutan kahit tatlong taon na ang lumipas. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita siyang nakasandal sa hamba ng pinto ng opisina ko.Gusto kong tumakbo papunta sa kanya, pero naalala kong iniwan niya ako kinabukasan matapos naming gawing ganap ang aming kasal. Kaya, sa halip, ipinikit ko muli ang aking mga mata at sinubukang pakalmahin ang tensyong bumibigat sa aking ulo. Pagdilat ko, tiningnan ko siya."Bumalik ka na pala," sabi ko nang walang emosyon. I didn't want to sound bitter kahit iyon talaga ang nararamdaman ko noong sandaling iyon. Pumasok siya at umupo sa upuang nasa harapan ko."May problema ka sa report noong nakaraang buwan," sabi niya, hindi nagtatanong. Sigurado akong sinabi na ni Daria sa kanya ang nangyari kaya hindi ko na inabalang ipaliwanag pa."Kakauwi mo lang?" tanong ko na lang sa kanya."Oo," sagot niya."Ganoon ka ba ka-apura na pagdating mo pa lang, trabaho agad ang nasa isip mo?"
JeffersonSobrang naging mahirap para sa akin ang tatlong taon ko sa Miami. Kahit ayaw ko man, hindi ko pa rin mapigilang ma-miss si Celina. Pinagsisisihan ko na may nangyari sa amin noong gabing bago ako umalis, dahil pakiramdam ko, iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya matanggal sa isip ko.Kahit masaya ako na binigyan niya ako ng pagkakataong makasama siya, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya umalis sa kwarto ko kinagabihan at iniwan ako. Inaasahan kong magiging totoo ang kasal namin sa lahat ng aspeto, pero sa ginawa niya, naisip kong baka hindi pa iyon ang tamang panahon.Nanatili ako sa Miami at ginawa ang lahat para mapalago ang negosyo bago ako bumalik. Araw-araw, gusto kong lumipad pabalik ng Pilipinas, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong bigyan siya ng pagkakataong maging independent. Nalalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanya kay Daria. Paminsan-minsan, tinatanong ko ang aking assistant kung ano ang ginagawa niya o kung nahihirapan ba siya.Kontento
CelinaHinalikan niya ako sa harap nina Noris at Daddy John. Gusto ko sanang tumutol, pero nakita kong ngumiti ang matanda kaya hinayaan ko na lang. At teka, kumindat ba siya sa akin? Anong problema niya? Kanina lang narinig ko siyang pinag-uusapan ang divorce na parang wala akong pakialam. Ngayon naman, hinahalikan at kinikindatan ako. Ang nangyari kanina sa office ko, isang quickie? Anong laro ang ginagawa niya?Pagkababa ko ng kotse, dumiretso ako sa kwarto at agad nilock ang pinto, ang buong akala ko ay susunod siya. Pero hindi. Ang tanga ko para isipin na pagkatapos ng isang mabilisang round, magiging mas malapit kami gaya ng inakala ko noong unang beses.Masama ba ang umasa? Gusto ko lang naman ay magkaroon ng masaya at normal na buhay may pamilya. Hindi naman niya siguro ikamamatay kung talagang sikapin niya na magkasundo kami lalo at ayon na rin sa kanya noon ay ayaw niya ng divorce. Tapos maririnig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol doon as soon as makabalik siya dito sa Pili
Third PersonDinala ni Jefferson si Celina sa kanyang silid at nagdesisyong hindi na siya hahayaang makalusot sa kanyang pagtatanong. Gusto niyang manatili sila sa iisang kwarto at mamuhay tulad ng isang normal na mag-asawa. Pagod na siyang umiwas sa kanya gayong alam naman nilang wala na silang magagawapa dahil kasal na sila.Noong umalis si Jefferson, inisip at inasahan niyang baka mabuntis si Celina dahil sa nangyari sa kanila. But it didn't happen, na pinanghinayangan niya. Akala niya, iyon ang magiging dahilan para bumalik siya at manatili sa tabi nito.Minsan, sinasabi niya sa sarili na gusto lang niyang gawin ito dahil sa nalaman niya tungkol kay Wendy. Gusto niyang ituon ang atensyon kay Celina dahil niloko siya ng dati niyang kasintahan.Pero sa kabilang banda, ipinagtanggol niya ang sarili. Seryoso siyang ayusin ang lahat sa kanila. Kaya pinili niyang makipaghiwalay kay Wendy at tinanggihan ang alok nitong maging kabit niya. At mabuti na lang, ginawa niya iyon."Bakit mo ako
Third PersonHindi gaanong nakatulog si Jefferson noong isang gabi dahil pinagmasdan lang niya ng maigi ang asawa na tila himbing na himbing. Hindi niya rin nagawang mag-focus sa ibang bagay tungkol sa kumpanya dahil nakatuon lang siya sa kagandahan ni Celina na inaamin naman niyang na-miss niya ng husto.Pero kahit gano’n, maaga pa rin siyang nagising. Sanay na ang katawan niya sa pagbangon nang maaga kahit pa gabing-gabi na siya natutulog. Hindi rin ito nagbago kahit noong nanirahan siya sa Miami, na labing tatlong oras ang agwat sa oras sa Pilipinas kung saan sila nakatira.Hinintay niyang magising si Celina, at habang ginagawa iyon ay dumiretso siya sa banyo para maligo. Pagkalabas niya, sakto namang nagising ang kanyang asawa at agad na napatingin sa direksyon ng banyo kung saan siya lumabas. Nanlaki ang mga mata nito at napasigaw."Bakit nandito ka at bakit ganyan ka kahubad?!" sigaw ni Celina.Hindi siya pinansin ni Jefferson at dumiretso sa walk-in closet. Noon lang napagtanto
Jefferson’s POVSobrang adik na ako sa kanya. Simula ng maangkin ko siya. Pakiramdam ko ay hindi na ako mabubuhay na hindi siya mahahalikan. Siguro naman ay okay lang iyon lalo at gusto ko na mag-work ang aming marriage."Ayan, natutunan ko nang patahimikin ka," sabi ko ng matapos kaming maghalikan. "At gusto ko ang ganitong paraan, kung alam mo lang," bulong ko sa kanya na may halong kapilyuhan. Hindi siya nakakibo at doon ko napatunayan na apektado rin siyang kagaya ko. At magandang sign iyon para sa akin. Hinila ko siya papunta sa kama para maupo.“Tungkol sa gabing iyon,” simula ko. Kailangan kong sabihin sa kanya iyon para malaman niya na mali ang kanyang iniisip. “Pinuntahan ko nga ang ex ko, pero hindi sa bahay niya kung hindi sa hospital. Nasa study room ako ng tumawag ang isang nurse gamit ang telepono ni Wendy at sinabing naroon nga daw ang babae dahil sa overdose. Kailangan kong pumunta doon dahil nag-aalala rin ako.” M*****a yata talaga ang babaeng ito dahil inikutan lang n
Celina“Kumusta ka?” tanong ng kaibigan kong si Xia nang sagutin ko ang tawag. Balak ko sanang tawagan siya kahapon, pero nakalimutan ko na dahil kay Jefferson. Dahil sa ginawa niya. I mean, namin pala.“Ayos lang ako. Pasensya ka na, hindi ako nakatawag kahapon. May inasikaso lang ako,” sagot ko.Si Xia ay kaibigan ko mula sa ampunan. Sanggang dikit kaming dalawa noon, at walang makapaghihiwalay sa amin. Hanggang sa may umampon na sa akin. At 'yun nga ay ang mag-asawang demonyo.“So, kailan matutuloy ang paglabas natin?” tanong niya. Simula nang kunin ako nina Daniel at Lalaine mula sa ampunan, hindi ko na siya nakita pa. Pero nang nasa kolehiyo na ako ay nagulat ako ng magkabanggan kami sa daan.Bakas ang pagtatampo sa kanyang mukha at ganon din ang kaligayahan sa muli naming pagkikita.Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin, maliban sa estado ko sa eskwelahan. Natatakot akong malaman ni Daniel na matalino ako tapos ay hindi na nila ako pakawalan pa.“Hindi ko pa alam. Mama
Dahil ba talaga doon?Sumandal ako sa upuan at nag-isip tungkol sa nangyari kahapon. Kahit anong balik-tanaw ang gawin ko, wala akong maisip na dahilan kung bakit siya magagalit sa akin. Dahil lang ba ‘yon sa hindi ko siya tinawagan?Kailangan kong tapusin lahat ng dapat kong gawin ngayon para wala akong iniisip kapag nasa Miami na kami ni Celina. Iniisip ko ring baka may pareho sila ni Daria na mahalaga ang bawat text at tawag ko lalo at talagang araw araw ko ring ginagawa iyon maliban nga ng nagdaang araw.Dapat siguro mas intindihin ko si Daria ngayong alam ko na ang pakiramdam ng may tampuhan sa asawa. Malamang ganito rin ang inis na nararamdaman niya sa tuwing may hindi sila pagkakaintindihan ng mister niya. Pasalamat ako sa assistant ko dahil mas alam ko na ang dapat kong gawin. At una na roon ang magbago. Kailangan kong mag-adjust para sa asawa ko."Sir, ready na po ang interview," sabi ni Daria."Dito ko na lang gagawin sa office ko," sagot ko at tumango siya. Sinimulan kong a
Jefferson Maaga akong nagising at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Celina. Gusto ko sana na hintayin siya para pag-usapan kung ano bang problema namin, pero naisip kong mamaya na lang. Kailangan ko rin namang gawin ‘yon sa tamang oras, lalo na’t aalis na kami papuntang Miami bukas at kailangan naming maghanda. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama para hindi siya magising, saka dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong makapaligo ay tulog pa rin si Celina, kaya nagbihis na lang ako at tumuloy sa opisina. Sinubukan akong kumbinsihin ni Susane na kumain muna, pero sinabi kong sa opisina na lang. Ayoko rin kasing kumain mag-isa. "Sir, ready na po ‘yung interview para sa secretary," anunsyo ni Daria pagkapasok ko sa opisina. Tumango lang ako habang naupo sa upuan ko. Ewan ko ba kung bakit ang aga-aga palagi nitong si Daria. Alam ko namang may asawa siya, kaya dapat siguro inuuna niya ‘yon bago magtrabaho o kaya pagkatapos ng trabaho. "May asawa ka, ‘di ba?" tanong ko
JeffersonAno bang problema ng babaeng 'yon? Nabubwisit ako kapag hindi pinapansin habang nagsasalita ako, at hindi siya exempted doon kahit na alam kong si Celina pa siya.Ang saya ko buong araw sa trabaho, at ang iniisip ko lang ay ang makauwi para makasama at maangkin siya. Pero ngayon, ano 'tong inaasta niya? Sana man lang ipinaliwanag niya kung bakit siya nagagalit.Pumasok ako sa kwarto namin, in-expect ko siyang sumunod, pero wala. Ano ngayon? Gusto niya akong lumapit at suyuin siya? Walanghiyang 'yan. Kailangan ba ay ako na lang lagi ang manunuyo?Yes, dati kay Wendy ay ginagawa ko 'yon, pero dahil sinasabi niya kung anuman ang ikinakatampo niya. Hindi niya ako ginagawang manghuhula!Hindi ko rin naman siya kinukumpara sa babaeng 'yon. Natural, magkaiba sila. Asawa ko siya. Kaya lalo kong hindi maintindihan kung bakit ayaw niyang sabihin gayong pwede naman naming pag-usapan.Kung gusto niyang ayusin kung ano man ‘tong issue niya, siya ang lumapit at kumausap sa akin. Asawa niy
CelinaAng kapal ng mukha niya! Paano niya nagagawang ipangalandakan ang pambababae niya sa harap ng lahat? Ibinigay ko na ang sarili ko sa kanya, tapos kailangan pa niya ng iba? Hindi pa ba ako sapat? Ano pa bang kulang sa’kin?S3x goddess daw? Shit siya! Tinawag niya akong ganun, tapos sa iba pa rin siya bumagsak? Ang manyak lang!Heto ako at umaasa na okay na kami. Na humaling na humaling na siya sa akin dahil ganon din naman ako. Hindi nga ako makatanggi sa kanya dahil nanlalambot na ang aking mga tuhod once na nagdikit na ang aming katawan at gusto ko ay angkinin na niya ako.Tapos makakatanggap ako ng larawan na 'yon na sigurado akong mula sa babaeng 'yon. Ang tanong, paano niyang nalaman ang email ko?Binigay kaya ni Jefferson? Humanda lang talaga ang manyak na 'yon!Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang cellphone ko. Hindi ko talaga maintindihan si Jefferson. Akala ko okay na kami, na nagsisimula na kaming mabuhay bilang mag-asawa.Kailan nangyari ‘to? Kahapon ba? Kay
Celina"Kung ayaw mong magsalita, fine!" matigas na sabi ni Jefferson bago siya lumabas ng study room. Ang kapal ng mukha niyang magalit at tanungin ako kung may problema kaming hindi niya alam? Bakit hindi niya malalaman? Bwisit ako buong araw, lalo na’t ni hindi man lang siya tumawag kahit isang beses!Sa mga nakaraang linggo, pakiramdam ko ay nasa ulap ako sa sobrang lambing niya sa akin. Para kaming totoong mag-asawa. Well, totoong mag-asawa kami pero we actually living it now, tulad ng palagi kong pinapangarap. Kaya kahit nga mga magiging anak namin, naiisip ko na. We always had sex, kaya hindi imposible kung mabuntis ako. Isa pa, hindi naman kami gumagamit ng proteksyon simula pa noon.Pero nang basta na lang siyang umalis ng kwarto, parang biglang lumamig ang paligid. Nasanay na akong hahalikan niya ako hanggang sa humantong kami sa matinding laplapan o mainit na pagtatalik. O kahit ano pang gusto mong itawag doon. Pareho lang naman ang ending: ramdam ko ang pagmamahal at pagna
Jefferson"Bakit?" tanong ko nang makita kong kumunot ang noo ni Celina."Naka-necktie at long sleeves ka pa rin," sagot niya kaya napatingin ako sa sarili ko."So?" tinaasan ko siya ng kilay, may bahagyang ngiti sa labi."Eh ako, wala nang saplot tapos ikaw—""Baka kasi hindi mo pa ako gaanong gusto. Hindi tulad ko, gusto kitang damhin at hawakan nang buong-buo." Hinaplos ko ulit ang dibdib niya. Damn, sakto sa mga kamay ko ang dalawang suso niya. Nang magtama ang mga mata namin, nakita kong tinititigan niya rin ako."At ano ang ibig sabihin niyan?" tanong niya habang hawak ang kamay ko, pilit akong pinipigilan sa ginagawa ko."Eksakto sa sinabi ko. Sobrang gusto kita. Dati akala ko hinahayaan mo lang ako dahil asawa mo ako.""Dapat ba kitang hayaang gawin ito dahil lang magkaibigan tayo? Syempre, asawa kita, kaya natin ito ginagawa.""Oo nga, 'yun nga ang iniisip ko," sagot ko. Gusto ko siya nang sobra, at alam kong hindi lang dahil asawa ko siya, bonus na lang 'yun. May kung anong m
Mature ContentCelinaArgh… Hindi ko alam kung bakit gano’n ang naging sagot ko sa kanya. Kahit pa plano ko talagang gawin ‘yon, pakiramdam ko, hindi pa ako handa. Napaka-aktibo ni Jefferson pagdating sa sex. Kahit pa sinabi niyang wala siyang ibang babae simula nang umalis siya, hindi ko iyon lubos na pinaniniwalaan.Kung totoo man, edi masaya ako. Pero sa paraan ng pag-angkin niya sa akin sa tuwing magkasama kami, sigurado akong malakas ang gana niya sa bagay na ‘yon. Kaya ang paniwalaan na wala siyang kahit isang babae sa loob ng tatlong taon ay parang imposible.At paano naman ang narinig kong usapan tungkol sa divorce? Hindi ba’t patunay iyon na nasa tabi niya si Wendy sa mga panahong wala siya? Napabuntong-hininga ako bago ipinagpatuloy ang trabaho ko. Mas mabuting tapusin ko muna ito bago ko pag-isipan ang ibang bagay. Hindi pa siya uuwi hanggang mamaya bago mag hapunan, kaya may oras pa akong pag-isipan ang lahat.Sa sobrang tutok ko sa trabaho, hindi ko namalayan ang oras. May
JeffersonTangina, ‘tong kaibigan ni Celina, sinusubukan talaga ang pasensya ko. Akala ba niya, basta-basta ko na lang pakakawalan ang asawa ko tapos tatalon ako sa kanya? Baliw siya kung ganun ang iniisip niya. At dahil hindi siya titigil, uunahin ko na muna siya."Hello, ituloy ang plano kay Xia," malamig kong sabi bago ibinaba ang tawag.Kawawa ang buhay ni Xia, pero punong-puno siya ng inggit at galit. Kaya ganito siya kay Celina. Dahil miserable siya, gusto niyang hilahin pababa ang asawa ko. Pero hindi ko ‘yon hahayaang mangyari. Kahit hindi ko alam ang buong kwento, sigurado akong hindi magiging kagaya niya si Celina. Napagtagumpayan niyang alagaan ang sarili niya kahit kasama pa niya noon ang mga Nicholson. Matapang siya, matalino, at hindi siya nagpatalo sa buhay.Si Xia naman, puro awa sa sarili at nagpakain sa inggit. Kung talagang gusto niyang makaalis sa mundong ginagalawan niya, nagawa na niya ‘yon noon pa. Pero hindi, mas pinili niyang magpaka-bitter sa mga achievements
Third Person"Hindi fragile ang asawa ko. Well… hindi kapag kaming dalawa lang sa kwarto." May bahid ng pagmamalaki sa tono ni Jefferson. "Si Celina ay isang matapang na babae. Alam mo 'yan. Hindi siya ‘yung tipo na pinoproblema ang iniisip ng ibang tao. Wala siyang pakialam sa opinyon nila at nabubuhay lang siya para sa sarili niya."Napangiti si John habang nakikinig. Bilang ama, ipinagmamalaki niya ang anak niya sa pag-unawa nito kay Celina. Pero mas lalo siyang natuwa nang mapagtanto niyang alam ni Jefferson kung gaano ka-fragile si Celina kapag silang dalawa lang. Nagsimula siyang umasa na baka magkaapo na siya sa wakas."Fragile kapag kayong dalawa lang? So dapat ko na bang asahan ang apo ko anytime soon?" tanong niya, pabiro."Pwede mong sabihin ‘yan," sagot ni Jefferson na may makahulugang ngiti sa mga labi dahilan para maging masaya si John."Ipinagmamalaki kita, anak. Alam kong magugustuhan mo siya. Kung hindi mo naman siya mahal pa sa ngayon ay sigurado akong papunta na kayo