Share

Fate 7

MALAKAS na palakpakan ang pumuno sa bulwagan ng mansiyon ng mga Thompson na mas maituturing na pag-aari ng buong Sturgeon. Naipasa na kasi ang pagiging Alpha kay Logan Thompson, ang nag-iisang anak nina Rome at Desa.

"Thank you, everyone. Let me just remind you, this is not yet a success. Hindi dahil nagbalik ako ay ayos na ang lahat. Kahit na nakasulat na sa libro ang pagbagsak ng Gibbous White Moon Pack sa pamamagitan ko, hindi tayo dapat pakampante," malakas na pahayag ni Logan habang nakatayo sa pinakagitna.

Makikita sa mga itim na itim na mata ni Logan ang matinding kagustuhan na mapabagsak ang Gibbous.

"The success is ours, son. We've taken care of you and now our fate depends on you. Naniniwala ako sa kung ano ang nakasulat na sa libro ng tadhana," itinaas ni Rome ang hawak na kopita habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Your dad is right, Logan. You don't have to worry. Hindi rin namin kailangang mag-alala dahil bukod sa nandito ka na, umaayon ang lahat sa ating kagustuhan.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status