Share

CHAPTER SEVEN

LUKE’S POV.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mga papeles nang bumukas ang pintuan ng opisina ko. Napataas ang kilay ko, alam lahat ng empleyado ko na kailangan muna nilang kumatok bago sila pumasok sa opisina ko.

Miyembro lang ng pamilya ko ang hindi kumakatok kapag papasok sa opisina ko.

Iniluwa nito ang nag-iisa kong kapatid na babae. May dala itong bag na nakakabit sa likod nya, mukhang kakagaling lang sa Harmonic Haven Conservatory.

“Hello Kuya” bati nito saakin.

Binitawan ko ang mga papeles na binabasa ko, makakapaghintay naman ‘yan. Lumapit sya sa harap ng table ko at umupo sa upuan na nakalagay lang sa harap ng mesa ko. Nahirapan pa syang maka-akyat sa upuan dahil hindi pa nya ito abot.

“How’s your school?”

Umarte pa itong nag-iisip “Okay naman Kuya, I learned a lot of things” then she giggled.

Kumunot pa ang noo ko dahil sa inasal nya.

“Remember the girl who also love the Golden Vanilla Cake Kuya?” she asked with a smile in her lips.

Umayos ako ng upo, ni minsan hindi sya nawala sa isip ko. Para na akong nababaliw kakaisip sakanya, I’ve never felt this before.

I cleared my throat “Yes, Princess. Why?”

Her smile grew wider “Guess what? She’s my violin teacher!!” she shouted

I stilled after hearing that information. Masyado ngang maliit ang mundong ginagalawan namin. Who could’ve thought that she’s my sisters’ violin teacher.

“And now I already know her real name!! Vanilla Cake is a good name but Sophia is best.” She continued.

“Ano pang mga pinag-aralan nyo?” marahan kong tanong.

Tumayo sya sa kanyang upuan, agad akong napatayo nang muntikan syang mahulog sa kinauupuan pero tumawa lang sya na para bang may nakakatawa sa nangyari. Kinakabahan ako dito pero sya tumatawa lang.

“Be careful, Ilaria”

Tumango lang ito at umupo na sa mesa ko, tinanggal ko ang mga papeles sa mesa ko at inilagay ito sa drawer.

“Teacher Sophia teach us the Elements of music and musical syllables”

Teacher Sophia huh?

Pagkakuwan ay itinaas ni Ilaria ang braso nito “She gave us a lot of stars” kita sa braso nya ang mga stars na kulay violet.

Bumalik ako sa pagkaka-upo sa swivel chair ko “What else?” I want to know about her day in the school but I also want to know about Sophia.

“I asked her if she has a boyfriend?”

Napa-ubo ako sa sinabi ni Ilaria. Agad na gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Ilaria.

“Are you okay Kuya?” tumayo pa ito mula sa pagkaka-upo sa mesa.

Mabilis akong tumango “Continue what you were saying” I want to know if she already have a boyfriend but I’m silently praying that she doesn’t have a boyfriend.

Umupo ulit ito sa mesa “She said she doesn’t have a boyfriend”

I smirked but I quickly hide it when Ilaria saw it. Hindi na sya nagtanong pa ng kung ano at bumaba na sa sahig. Pumunta sya sa

sofa at doon nagsimulang maglaro ng mga manika nya.

I quickly grab my phone that was place inside my pants pocket when it suddenly rang. I looked at the caller’s name, it’s mom.

“Mom..”

“Luke, nandyan na baa ng kapatid mo?”

Tumayo ako “Yes, Mom”

Narinig nya ang malalim na paghinga ng Ina “Sabi ko tawagan ako ni Ador kapag nakarating na sila dyan pero hindi naman tumawag kaya ikaw nalang ang tinawagan ko”

“Ilaria’s here Mom, naglalaro dito sa loob ng opisina ko”

“Hindi naman sya nanggugulo?”

Umiling ako “No, Mom”

“That’s good”

Nagpaalam na ang kanyang Ina na ibababa na ang tawag at magluluto pa ito ng pang-dinner nila.

Tinuloy ko ang pagbabasa ng mga papeles atsaka ito pinirmahan. Tinawag ko ang sekretarya ko at binigay ang mga iyon. Tumayo ako at inihanda ang sarili dahil may pupuntahan pa ako. Tumingin sakin ang aking kapatid.

“Are you going home na ba Kuya?”

“Yes, Princess”

Itinigil nito ang paglalaro ng manika at lumapit saakin.

“Sa bahay ka ba kakain?”

“hindi pero doon ako matutulog mamaya”

“Promise ha? Hindi ako matutulog hanggat hindi ka umuuwi”

I laughed “Yes, Ma’am”

Tumalikod ito at tumakbo papunta sa upuan kung saan nya nilagay ang mga gamit nya. Hinawakan nito ang aking kamay at hinila na ako palabas ng opisina.

Yumuko ang sekretarya ko nang makita kaming palabas ng aking kapatid.

“Bye, Miss” saad ni Ilaria.

Binigyan ng sekretarya ko ang kapatid ko nang matamis na ngiti.

Pumasok na kami sa elevator at si Ilaria mismo at pumindot. Itinaas nito ang mga braso, nagpapabuhat saakin. Agad ko naman syang binuhat. Nakita naming sa bungad si Mang Ador, kausap ang mga guwardya ng building. Tumigil sila nang makita kaming papalapit.

Dali-dali nitong binuksan ang pinto ng passenger seat. Ipinasok ko si Ilaria doon.

Hinarap ko si Mang Ador “Hindi o daw tinawagan si Mama kanina nang makarating kayo dito”

Napakamot ito sa batok “Sakto kasing nag-expire ang load ko Sir”

Tumango lamang ako at pinaalalahanan syang mag-ingat sa pagmaneho. Nang makalayo na ang sasakyan ay saka naman ako dumiretso sa parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Pumasok na ako at nagmaneho papunta sa lugar kung saan ko kikitain ang isa sa mga business partner ko.

SOPHIA’S POV.

Iginala ko ang tingin sa restaurant kung saan kami magkikita ni Kate pero hindi ko sya makita. Saan na ba ang babaenng ‘yon? Sabi nya nandito na sya.

Inilabas ko ang cellphone ko at agad syang tinawagan.

“Kate saan ka? Di kita makita”

“Palabas na ako ng comfort room, saan ka ba banda?”

“Nasa may entrance ako”

“Okay, nakita na kita”

Iginala ko ulit ang tingin ko, nakita ko si Kate na palapit na saakin. Ibinaba ko kaagad ang tawag at naglakad palapit sakanya.

“Akala ko niloloko mo ako na nandito kana”

Pabiro itong umirap na ikinatawa ko nalang. Minsan kasi sinasabi nyang papunta na sya pero ‘yon pala wala pa.

Naglakad si Kate kaya sinundan ko sya hanggang sa tumigil sya sa isang table. Ibanaba ko ang bag ko nang umupo na si Kate. Umupo narin ako, maya-maya ay may lumapit saamin na waiter. Hinayaan ko nalang si Kate na umorder para saakin, alam naman na nito kung ano ang mga pagkaing gusto ko.

Habang hinihintay naming ang pagkain ay pinag-usapan muna namin ni Kate ang tungkol sa paintings na bibilhin.

“So, sinabi ng buyer na bibili sya limang paintings mo kung magugustuhan nya daw ito”

Tumango ako “Sana meron syang magustuhan doon”

Kate tossed her straight hair over her shoulder “Ofcourse magugustuhan nila ‘yong mga paintings mo! Ang ganda kaya, kahit nga si Mama ay nagustuhan ‘yon”

Huminga ako ng malalim “Iba-iba ang gusto nila Kate, malay mo ayaw nila ‘yong iba kong paintings ko diba?”

Tumango ito “Totoo rin naman pero sigurado ako bibilhin kaagad

nila ‘yong mga gawa mo kapag nakita nila ‘yong mga paintings mo”

Ngumiti lang ako. Tumaas ang tiwala ko sa sarili ko dahil sa sinabi ni Kate. Ilang taon na din kaming naging magkaibigan ni Kate at lagi syang nandyan para saakin pati ang pamilya nya ay ganoon din. Sila ang tumayong pamilya ko nang umalis ako sa bahay ampunan.

I’m so thankful to have a bestfriend like her.

“Bakit ang tahimik mo?” tanong ni Kate nang matahimik ako ng ilang minuto.

“Wala lang, iniisip ko lang ko lang kung may boyfriend kana dahil kanina ka pa naka-ngiti habang nakaharap ka sa cellphone mo”

Kanina pa kasi ito nakahawak sa cellphone at minsan ay ngumingiti mag-isa.

Agad nitong naibuga ang tubig na iniinom, nagulat pa ako sa ginawa nya. Dali-dali akong kumuha ng tissue at binigay iyon sakanya. Agad naman nya itong tinanggap at ipinunas sa bibig nya.

“So ano? May boyfriend kana no?”

Iniwas nito ang tingin sakin. I squint my eyes as I focus more intently in Kate, doon palang sa ginawa nyang pag-iwas ay alam ko nang may tinatago ito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status