Share

Chapter 4

Bumaba kami sa isang salon. Malapit lang'to sa bahay ni Liam dahil mabilis lang din kaming dumating. May mga staffs na bumati sa amin pagpasok namin sa loob ng salon. May lumapit na bakla sa amin. Nakasuot siya ng itim na dress. Fit na fit ito sa kaniyang katawan.  Mahaba ang buhok at may makapal na make up sa mukha.

Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng salon. The ambiance is so relaxing. Pink ang theme ng salon at minimalistic. Malinis at mabango ang loob. Hindi katulad ng kadalasang nakikita ko na makalat ang loob ng salon.

"You're so early Mr. Smith!" Sabi ng bakla at nakipagbeso kay Liam. Ang lagkit ng tingin ng mga staffs sa akin. Agad kong tinakpan ang pasa sa aking mukha. Muntik ko ng makalimutan ito. Medyo naghilom na rin ang pasa ko dahil sa gamot na ibinigay ni Dra. Bello sa akin kahapon.

"This is Francine." Liam introduced me. "My girlfriend." He added. Ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking baywang. "Honey, this is Renz. He's the owner of this salon." Naglahad ng kamay si Renz para makipag-shakehands. Agad ko naman itong tinanggap.

"I'm honor to finally meet you, Miss Francine. You're so gorgeous kahit walang make-up!" Sabi ng bakla at nakipagbeso na rin ako. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Lumingon siya kay Liam na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin. "Nakakaintindi ba 'to ng tagalog? I'm so amazed with her beauty. She's like a goddess!" He added while smiling. Nakangiting tumango si Liam sa kaniya. His smile is so genuine. Parang hindi ako sinungitan kanina.  This is so awkward. Baka isipin niyang gandang-ganda na naman ako sa sarili dahil sa papuri ng baklang 'to!

"Thank you," sabi ko at nahihiyang tumingin sa kaniya sabay kuha ng aking kamay.

"Liam kailangan pa ba na tin siyang ayosan? She looks so beautiful naman kahit walang make up." Renz asked him while looking at my face. This is so awkward.

"No need to put so much make up. Just help her hide that bruise." Liam answered while pointing the bruise on my face. "Light make up would be enough," he added.  Tumango si Renz at hinawakan ang aking mukha.

"Your nose and eyes are so perfect!" Renz commented and smiled. "Are you a model?" He asked while looking at me from head to foot.

Ngayon ko lang rin napansin na mas mataas ako ng kaunti kay Renz. My height is 5'9 at hindi na bago sa aking pandinig ang tanong niya. Minsan na akong nagpagkamalang modelo dahil nga maputi at matangkad ako. Hindi ko alam kung saan ko ito minana.

"I'm not a model," I answered awkwardly. Tumikhim si Liam kaya naagaw niya ang atensiyon namin ni Renz.

"Shall we start?" Renz asked. Tumango kaming dalawa ni Liam.

Pumasok kami sa isang room. Kulay pink din ang loob nito. May mga staffs na bumati sa amin habang abala sila sa pag-aayos ng mga make ups at machines. Pinaupo ako ni Renz at pinaharap sa malaking salamin habang si Liam naman ay nakaupo sa couch. Abala siya sa pagtetext sa kaniyang cellphone.

Nakangiting tumingin si Renz sa akin ng matapos niyang lagyan ng light make up ang aking mukha at tinakpan ang kakaunting pasa sa aking mukha. Napatingin din ako sa salamin ng mapansin ang ginawa niya para mawala ang pasa sa mukha ko.

"Mas lalong naging lumiwanag ang mukha mo. You are a goddess, Francine!" he said while looking at me on the mirror. Nahihiya akong ngumiti at tumingin kay Renz. He's a good make up artist. Ang linis niyang magtrabaho. Mas lalong na-highlight ang matangos at mataas kong pilik-mata. "No need to wear a contact lens dear 'cause you are so damn perfect. Para kang human barbie doll!" Mas lalong umiinit ang lisngi ko sa mga sinsabi ni Renz.

"Bolero!" sabi ko sabay tapik sa kaniyang balikat at ngumiti. "Thank you." Dugtong ko.

"Sunod kong aayusin ang buhok mo. Ano kaya ang pwedeng gawin sa buhok mo?"

Sinusuklay niya ang aking mahaba at kulot na buhok habang nag-iisip siya kung anong hairstyle ang mababagay sa akin. Inaantok ako habang inaayos ni Renz ang aking buhok. Normal na blonde at kulot ang aking buhok kaya minsan naiisip ko na magmumukha akong si Lion King kapag nakabuhaghag ito at hindi ko tinatali.

"It's done!" Renz announced while finalizing my look. Nakita ko si Liam na nagkukusot ng kaniyang mata. Hindi ko man lang napansin na nakatulog siya sa couch.

Tinignan ko sa salamin ang aking sarili. Ngayon lang ulit ako naayusan ng maayos. Ang ganda ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na mas lalong naging perpekto ang pagkakulot ng aking buhok. Gusto kong purihin ang aking sarili kahit ngayon lang.

Lumapit si Liam sa amin at naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko agad ito. Pinulupot niya muli ang kaniyang kamay sa aking baywang. Para akong kinukuryente sa tuwing dumadampi ang kaniyang kamay sa aking baywang.

"Enjoy the rest of the day, Lovebirds!" Renz said while giggling. Lumabas kami ng Salon at dumiretso sa sasakyan ni Liam. Inalalayan niya ako sa paglalakad kahit na flat sandal ang suot ko ngayon. Hindi ako sanay sa pagsusuot ng mga may heels. Pakiramdam ko kasi sa tuwing magsusuot ako nito ay matatapilok ako at baka pagtawanan ng mga tao. Isang simpleng dress na kulay pula naman ang suot ko. Fit na fit ito sa aking katawan. Hindi siya revealing, hindi ko rin susuotin ang dress kung lalabas na ang kaluluwa ko.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Pumasok agad ako dahil masyado ng mainit.

"You're stunning," he whispered huskily while putting a seat belt on me. Nanuyo ang aking lalamunan at tumindig lahat ng aking balahibo. Hindi ako makatingin sa kaniya. Sobrang lapit na naman ng kaniyang mukha. Pinasadahan niya ako ng tingin bago pinaandar ang makina ng kaniyang sasakyan. "You are blushing." He said while smiling. Umupo siya ng maayos. Mas lalong umiinit ang mukha ko.

"Nasa restaurant na ang parents ko," pagbasag niya sa katahimikan ng biyahe. Napalingon ako sa kaniya. Nakagingin din siya sa akin. Kabado siya at hindi ko alam kung bakit. "Didiretso na tayo sa restaurant to meet my parents. Alam mo na ang mga kailangan mong gawin sa harap nila. You can sleep if you want. Medyo mataas ang biyahe." He added at itinuon sa kalsada ang kaniyang mata. Tumango ako at hindi na nagsalita. Ipinikit ko ang aking mata dahil sobrang bigat na nito.

This job is worth fifty-thousands. Ayokong mawala iyon na parang bola. Kailangan ko ng pera kaya dapat kong seryosohin ang trabahong 'to. Pagkatapos ng trabaho ko sa kaniya ay malaya naman akong makakaalis sa puder niya. Kailangan mong lakasan ang 'yong loob, Francine. Masaayang ang lahat ng pinagsikapan mo kapag nagkamali ako sa araw na 'to. Masasayang ang pagtitiis mo na sundin at pakisamahan si Liam.

"We're here," he said while trying to wake me up.

Inayos ko ang aking sarili at chineck ang mukha sa salamin ng kaniyang sasakyan. Una siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Inalalayan niya pa rin ako sa pagbaba. Nagiging gentleman na naman siya just like what he did noong una ko siyang nakita. "Do your best," mahinahon niyang sabi sa akin.

Hawak-kamay kaming pumasok sa loob ng exclusive restaurant. Malamig ang kaniyang kamay kagaya ng sa akin. Ramdam ko ang kaba na nararamdaman ni Liam ngayon. Nagsisimula na rin akong kabahan sa mga posibleng mangyayari.

"Good day, Mr. Smith!" The staffs greeted us when we enter inside the restaurant.

Tahimik ang restaurant at kakaunti lang ang kumakain. Siguro ganito kapag exclusive ang restaurant. Kapansin-pansin na karamihan ay mga mayayaman o mga negosyante ang kumakain dito.

"This way, Sir." Sabi ng isang staff na lumapit sa amin. Sinundan namin ang staff patungo sa table kung saan naghihintay ang kaniyang magulang.

Maraming bumabati kay Liam. Ngumingiti at kinakawayan niya lang ito. Hindi na bago sa akin na marami ang nakakakilala kay Liam. Bukod sa mayaman at good-looking, marami silang hotels, resorts and beaches na pag-aari ng kanilang pamilya. He managed it and I am so proud of him. He chose to manage their companies over his dream. He is a registered engineer.

I sighed heavily. Napatingin si Liam sa akin.

"Are you okay?" he asked sincerely. Bakit ako ang tinatanong niya? Dapat siya ang tinatanong ko kung ayos lang ba siya dahil sobrang lamig ng kaniyang kamay. Pinagpapawisan din siya.

"Yeah. We can do this!" I answered with full of excitement. Ngumiti siya sa akin. Sinuklian ko rin iyon ng matamis na ngiti. "Don't be nervous. It's just your parents, Sir." I whispered.

"I'm not nervous. Mas kinakabahan ako sa'yo. Baka magkamali ka sa mga sasabihin mo" Aniya at mas lalong hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.

May nakita akong malaking table. Nakatingin sila sa amin. Mabilis kong namukhaan ang daddy ni Liam. Magkamukha silang dalawa. Hindi lang dalawang tao ang nakaupo roon, kundi walong tao!

"I thought parents mo lang. Bakit ang dami yata nila?" I asked him nervously. Hindi ko na maitago ang kaba na aking naradamdaman.

"Akala ko rin," tanging sagot niya.

Lumapit kami sa table ng kaniyang pamilya. Kumakain silang lahat. May nakita akong babaeng kasing-edad ko. Maiksi ang straight na buhok, maputi, matangos ang ilong, at bilog ang mata. Hindi ko maalis ang aking paningin sa kaniya. Bawat galaw niya ay aking sinusubaybayan

She is a goddess!

Huminto sila sa pagkain at tumingin sa amin.

"Hello everyone. Sorry we're late. Medyo mataas kasi ang traffic." Liam said and looked at them.  Lahat ng mata nila ay nakatingin sa amin. Bumaba iyon sa magkahawak naming mga kamay ni Liam. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Ayokong mahalata nilang lahat iyon. "I am with Francine, my girlfriend." Napatingin ako kay Liam. Gusto kong bumitaw sa pagkahawak niya sa aking kamay ngunit masyado itong mahigpit.

Nakita ko kung paano nabilaukan ang kasama nilang babae na kasing-edad ko. Napalingon ang lahat sa kaniya habang inaayos at nililinis ang natapon na pagkain sa kaniyang suot na dress.

"If you'll excuse me, I need to go to the restroom." She gently said. Ngumiti lang sila at hinayaan siyang umalis.

Even her voice is so soft. She's like an angel. Baka maging lesbian ako pagkatapos ng araw na 'to. Huwag naman sana. Naglakad siya paalis ng table at pumunta sa restroom to fix herself.

"Mom, dad, grandpa, and grandma." Liam called them. Nanatili pa rin ang kanilang mga mata sa aming kamay. "I want you to meet my love of my life for the first time." Naging mahinahon ang kaniyang boses. He must be so scared when it comes to his family. Tumikhim ang kaniyang ama. Ngumiti rin ang kaniyang lolo at lola. I can see in his mom's face that she was shocked and confused.

Lumapit kami sa kaniyang lolo at lola. Nakangiti siyang lumapit sa kaniyang lolo. He kissed the right hand of her grandmother before he kisses on her face. I bit my lower lip at hindi ko alam ang gagawin. I greeted them. Kinuha ko ang kamay ng kaniyang lolo at lola at nagmano. Gulat silang lahat na napatingin sa aking ginawa. May mali ba? It's a sign of respect!

"Such a lovely girl," his grandmother said while smiling. Kinuha niya ang aking isang kamay at hinaplos ito. Medyo may katandaan na ito. Maputi ang buhok pero makikita pa rin sa kaniyang mukha ang pagiging maganda. She must be a muse noong kabataan niya!

"You look familiar," his grandfather asserted. "Have we met before?" he asked while looking at me. Napatingin din ako sa kaniyang lolo. Wala akong maalala na nagkita o nakasalamuha ko siya dati. Maputi ang buhok at medyo may katandaan na rin ang lolo niya. Nakasuot ito ng eye glass kagaya ng kaniyang lola.

"I'm not sure po," tanging sagot ko at ngumiti.

Sunod namin pinuntahan ang kaniyang parents. Nanatili pa rin nakatitig ang kaniyang mommy sa akin na parang pinag-aaralan ang aking mukha.

"Hi, mom, dad." Nakipagbeso si Liam sa kaniyang parents at niyakap ang dalawa. "It's been awhile, mom, dad." Aniya bago kumalas sa pagkayakap. Nagbeso rin ako sa parents niya kahit na kinakabahan at para akong hinihila pababa sa bawat titig ng iba pa nilang mga kasama.

We greeted the other people in our table. Nalaman ko rin na isa sila sa mga investors ng kompanya ng pamilyang Smith. Nasa mid-50s ang mag-asawang Coper at anak nila si Celine. I smell something fishy. Hindi ko na lang iyon pinansin. Mamaya ko na lang kakausapin si Liam about dito. Mas importante ito ngayon, nakasalalay ang fifty-thousand sa aking acting skill!

Umupo kami sa bakanteng upuan katabi ang parents niya. Magkatabi kaming dalawa at nakaakbay ang kaniyang kamay sa akin. Grabe rin ang acting skill ng isang 'to. Pinagutan niya talaga ang pagiging mag-jowa namin.

"Your hand," I whispered while looking at his hands na nakaabay pa rin sa aking balikat.

"Just go with the flow, honey." He whispered and smiled at me. Kinikilabutan ako sa sinabi niya lalo na sa tuwing tinatawag niya akong honey. Ang cringe pakinggan.

Hindi niya pa rin inaalis ang kaniyang kamay. Nakatingin silang lahat sa amin. This is so awkward. And it would be so embarrassing kapag nalaman nilang hindi talaga kami totoong mag-jowa.  For fifty-thousands, try harder Francine!

Sinerve ng waiter ang iba't-ibang klase ng pagkain. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nakaramdam ng gutom dahil sa malakas na tensiyon na aking nararamdaman. Liam held my hand. He smiled again, genuinely. Kapansin-pansin ang malalim na dimple sa kaniyang mukha. Pinagsiklop niya ang aming kamay. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. Kailangan kong galingan ang pag-arte para sa fifty-thousands.

"Let's eat," nakangiting wika ng lola ni Liam.

Tinulongan ako ni Liam sa paglagay ng pagkain. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako gutom at kaunti lang ang ilagay niya sa plate ko. Pero hindi ko iyon nagawa dahil mabilis niya akong sinalinan ng spaghetti. My favorite dessert.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin ang babaeng anak nina Mr. and Mrs. Coper.

"How are you, Celine?" Mr. Coper asked her daughter when Celine sat down beside his father.

"I'm okay, dad. It's just a small stain." She answered and smiled. Nababading ako sa sobrang ganda niya. I bit my lower lip and started eating the spaghetti. It was delicious. Tamang-tama ang pagtimpla at paghalo ng ingredients sa spaghetti sauce. 

"So, where did you two met?"

Nagtinginan kaming dalawa ni Liam sa tanong ni Mrs. Coper. Hinaplos ni Liam ang aking kamay at ngumiti. Ano ba ang isasagot niya? Baka magkamali kami ng isasagot. Mabubuking kami!

"Bar," sabay naming sagot ni Liam. I bit my lower lip again ng marinig ang pareho naming sagot.

"So, you two are having parties and met each other?" Mrs. Coper asked again. Medyo nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang anak.

"Yes. We've met inside the bar. I find her attractive while standing in front of our table with my friends. She's a goddess and innocent at the same time. I never thought to met someone like her who will accept me despite having a dark past." He answered.

Napapalunok ako sa bawat salita niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Totoo ang sinabi niya kung saan kami nagkita pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa iba pa niyang sinabi. Bumibilis ang pintig ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit. Dark past? What does it mean? Hindi ko alam ang sinasabi niya. I am so confused. I want to ask him about it pero hindi ko magawa. Para akong naging p**e at hindi makapagsalita. Maybe later I am allowed to ask him about the dark past thing. Hindi ko iyon nabasa sa mga dokumentong ibinigay niya.

"Right, Francine?" he asserted and looked at me. His smile is so genuine. I can't believe I am working with him. Para akong natutunaw sa mga ngiti niya. He is literally hot and handsome. His parents looked at me. I smiled at them. I can't figure out what they're thinking about us.

"I'm happy to heard that." His father commented before he held the glass of wine and opened it.

Nilingon ko si Celine. Pinaglalaruan niya lang ang kaniyang pagkain. Habang si Mrs. Coper ay abala sa pagkikipag-usap sa kaniyang asawa.

"How's your business, Celine? I saw the ratings on social media. It's popular now. I also read some of the good feedbacks from your customers." Mrs. Smith asked her. She stopped playing with her foods. I saw how her face lighten up. I can't stop admiring her beauty. I like her. And did I heard it right? She has her own business! She's one of the ideal girl. If I were Liam, I'm gonna court this girl and marry her!

"My business went well, Tita. I never thought to receive such a good feedbacks from my beloved customers. I'm so excited to produce more products and make my business on top!" She said while giggling. I envied with her. She's successful at her age while I am just a high school graduate at this age.

"I tried your products and I liked it. Gonna buy more before going back to US." Mrs. Smith said. They must be so closed to each other. Lumingon si Mrs. Smith sa akin. "How about you, Francine? Ano ang pinagka-aabalahan mo ngayon?" She asked me. Lahat ng mata ay tumingin sa akin. What the heck? How would I answer her question. This job is unexpected. I'm not prepared to have this kind of conversation with business minded people. I'm just here as Liam's freaking girlfriend!

"She's an artist, mom." Liam answered. Lumingon ako sa kaniya. Ngumiti ako at pinapasalamatan siya sa aking isipan.

Mahilig ako sa pagpipinta noong nasa high school pa lang ako. Hindi ko alam kung kaya ko pang magpinta ngayon. Matagal na rin kasi akong hindi nakakahawak ng brush. Mabuti na lang at nailagay ko doon sa background ko. One of my strengths.

"Yeah, I paint but not all the time. Whenever I am drown by sadness or stress, I paint. It's one of my stress reliever." I said at muling uminom ng tubig.

"That's why I liked her easily. We're both an artist. She understand me. I understand her, too. Painting is our passion. We paint according to what we feel and how we cope up with that feeling."

Nakatingin silang lahat kay Liam. Shocked and confused? His grandmother nodded and held his husband's hand. They are so sweet. How I wish to have this kind of relationship like them. They grow older and older and their love with each other remain the same.

Napapalunok ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya kahit wala itong katotohanan. He's good in acting. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang mga lintanyang binitawan niya. My heart beats so fast. Hindi na ito maganda. Magpa-check up kaya ako bukas or after this job?

Pinapawisan ako kahit na naka-aircon naman sa loob. Nakita ko si Liam na kumuha ng tissue. Humarap siya sa akin sabay punas  sa kaunting pawis sa aking mukha.

"You're sweating, honey. Are you okay?" he asked sincerely while wiping my face. Actually, kanina ko pa gustong umuwi. Hindi ko alam may question and answer portion pala 'to.

"I'm alright, Liam." I answered and assured him that I am really okay. I smiled and held his hand. Kumunot ang kaniyang noo. I bit my lower lip. "What's wrong?" I asked him while whispering. Ipinagpatuloy nila ang pagkain.

"It's Scoth, not Liam!" he answered while whispering. I smiled and put a spaghetti on his plate. Tinignan niya ako ng nagtatanong.

"Eat this, Scoth." I said gently and smiled again. Sumasakit na ang bungaga ko sa kakangisi ng walang dahilan. Sinuklian niya ako ng mapait na ngiti bago kinain ang spaghetti. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa kaniyang itsura. I know he hates eating pasta pero pinakain ko siya. He can't say no to me since we need to act in front of them that we are fucking in love with each other!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status