Share

Chapter 138

Madilim at tahimik ang buong paligid nang magising ako. Wala akong naririnig na kahit anong kaluskos. Iginalaw ko ang aking mga paa at kamay nang maalala ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay.

"Max? Liam?" Luminga-linga ako sa buong paligid. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan nila habang naglalakad ako sa hall way.

"Mommy, I'm here!"

"Max!" sigaw ko. Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ng boses niya. Gusto kong umiyak sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko.

May nakita akong ilaw na nakabukas sa isang kwarto. Tumakbo ako patungo roon upang i-check kung nandoon ba ang anak ko. Nang hawakan ko ang doorknob, nakabukas ito. Pagpasok ko sa loob ng kwarto isa-isang bumukas ang mga ilaw ng buong paligid. Napaigtad ako nang biglang may yumakap sa likod ko. Para akong nakunan ng tinik sa dibdib nang makita ko sina Max at Liam.

"Tumingin ka sa loob ng kwarto," nakangiting utos ni Liam sa akin. Binuhat niya si Max at ipinagsiklop ang mga kamay namin.

"Nanay Belinda?" sambit ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status